Kabanata 40 (Huling Kabanata)

Kabanata 40 (Last Chapter)


So, this is how love makes us suffer? Ang daya namang maglaro ni pag-ibig, kasi kung saan masaya ka na...saka ka niya paluluhaing muli.

Akala ko noon, sa nobelang binabasa ko lang ito mangyayari. Hindi ko lubos inakala na maaari pa lang mangyari sa akin ang ganito.

Para akong natalo sa sugal na kung saan inubos ko ang lahat ng nasa sa akin kasi akala ko maipapanalo ko na...iyon pala, ikakabigo't wasak ko rin.

Kahit mabilis kong tinakbo ang palabas sa k'warto ni Noel ay feeling ko ang hina-hina ng bawak hakbang ko. Para akong pagong kung umusad, pero patuloy. I am still crying with a heavy heart. Putik na pag-ibig na 'to, nakakapagod.

Saktong pagkalabas ko ay naisipan kong huminto nang masilayan ko ang dagat. Kahapon lang ang saya namin d'yan naliligo, ngunit ngayon ay heto ako, bigong-bigo. Wala talagang permanente sa mundo, laging nagbabago.

I hugged myself when I felt the wind embrace me. Mas lalo naman akong napahagulgol. Bakit parang may mali sa nangyayari? Bakit ganito? Ang bilis naman yata.

Siguro ang tubig na tinatanaw ko ngayon ang senyales na lahat ng mayro'n sa atin ay mawawala rin at matatangay rin mula sa atin. Kahit anong ingat mo pa, kung hindi para sa'yo ay mawawala talaga 'yan sa dulo.

I was about to make a move once again, but someone made me not do so when he called.

"Love?" 

Napako naman ako sa pagtawag niyang iyon. Pero sa halip na lingunin siya ay nagawa kong ipagpatuloy ang aking paglalakad.

Naririnig ko ang ilan sa mga yabag ng kaniyang paa, kaya naisipan kong mas bilisan pa lalo ang aking paglalakad. Lakad-takbo ang ginawa ko upang masiguradong hindi niya ako maabutan.

"Carolina, bumalik ka nga rito! Let me explain. Sh*t!" he exclaimed.

I thought, makakatakas na ako. Subalit napapikit ako nang mariin nang bigla niyang hagitin ang aking braso. He caught me. Napalingon ako sa kaniyang pagkahagit. Mas lumala ang pag-aalalang nakaukit sa kaniyang mukha.

"Noel, tama na. Lalo mo lang akong sinasaktan, eh. Please, tama na," pagmamakaawa ko sa kaniya. He licked his lips while massaging his temple.

"Sabi ko na nga ba. Kaya ayaw ko sa ideya na 'to, eh," he replied. My forehead puckered because of that. Naguguluhan ako. 

Nakatitig lang ako sa lalaki. Diretso ang tingin ko sa kaniyang mga mata, puno ng katanungan.

"W-what? Hindi ba't nasa hospital ka na dapat?" I asked curiously. Napaawang naman ulit aking bibig nang may maalala ako bigla sa eksena namin ngayon. "Teka—ano'ng...Bakit ka nandito?" tanong ko pa habang pinupunasan ang aking luha.

Seryosong tingin lamang ang nagawa niyang ipakita sa akin. Kinakabahan na ako, parang may mali talaga.

Mayamaya pa, biglang lumiwanag ang kaniyang ekspresyon sa mukha. Nagtaka pa ako lalo nang mapansin kong napabaling ang tingin niya sa aking likuran. Nag-aalala man ako sa tingin niyang iyon at naguguluhan, nagawa ko itong sundan. Nanlaki naman ang mata ko sa aking nasasaksihan. What are they doing here?

"M-mommy? D-dad? Tita? Sandali nga. Ano'ng mayro'n?" sunod-sunod na taka kong tanong.

Mas lalo namang lumaki ang aking mga mata nang makita ko ang aking mga kaibigan habang si Sammuel ay buhat-buhat si Nayah.

Ano ba'ng nangyayari? Ano ang ginagawa nila rito?

Hindi pa man ako nakalingon ulit kay Noel ay narinig ko nang muli ang kaniyang boses.

"Carolina..." he called. Napaharap naman ako sa kaniya nang dahan-dahan.

I arched my brows like I was asking him why. Kung ano ang mga nasaksihan ko. I am fully confused. I don't even have a little idea what is happening right now.

"Sorry, Love. Sh*t! I'm so afraid that I might lose you," sabi niya.

Wala pa rin akong kibo, kasi nagguguluhan pa rin ako. I don't have any words to say. Para akong napipi dahil sa kawalan ng salitang sasabihin man lang.

"What happened earlier was all planned. Please don't be angry. Huwag ka muna mag-react, pakinggan mo muna ako," bahagi niya't pakiusap. Hindi ko alam, pero naiyak ako nang marinig ko iyon.

Is that all a joke? Hindi iyon nakakatuwa, ayaw ko sa birong iyon. Nais kong isumbat ang mga 'yan sa kaniya, pero nanatiling sarado ang bibig ko. I was shocked and had no words to describe it.

Questionable pa rin ako. Galit pa rin ang aking ekspresyon na nakatingin sa mga taong nandidito ngayon. Napayuko naman sila nang balingan ko sila ng pansin, tila nahihiya.

Napabalik ang tingin ko kay Noel nang maramdaman ko ang kamay niya sa akin. Nagpumiglas pa ako no'ng una, pero hindi na ako nagtagumpay kalaunan.

He faced me sincerely, and I swallowed hard for that. Iyong tingin na parang nagpapahiwatig na nagsisisi siya sa nangyari, pero maliban sa gagawin niya ngayon.

"When I asked for permission from your parents, friends, and all of the people who's here now for this moment, sabi nila ito raw ang gawin ko. I didn't mean to say all of those earlier. Kung alam mo lang, I'm also hurt and crying inside. Hindi ko kayang sabihin iyon sa'yo. I can't hurt you, hindi ko na kaya," he explained it clearly. Nanatili pa ring walang emosyon ang aking mukha. I'm still in pain. "Pero, Love, I did that for this—"

Hindi ko hinayaang matapos ang nais niyang sabihin nang magsalita na ako. "That's not romantic, Vergara. Cut that drama," putol kong sabi. "Hindi ako natutuwa sa mga pinanggagawa nin'yo," I added and turned my back at him.

Inisa-isa ko munang binalingan ulit ang pamilya't kaibigan ko, saka naglakad para lisanin ang lugar. Kaso hindi na naman ako nagtagumpay pa nang magsilatang muli si Noel.

"Baby, please. Pakinggan mo muna ako," he pleased. Napahinto ako, saka naisipan siyang lingunin muna.

I clenched my fist nang maramdaman ko ang gigil sa aking kalooban. Gusto ko siyang tisirin at sigawan, pero may pumipigil sa akin. I tried to calm myself a little and talked again.

"Bakit pa? Sa tingin mo, romantic iyon? Nakakatuwa? God, muntik na akong atakihin sa pag-aalala dahil sa bata tapos malalaman ko lang na prank? Kung sabihin ko ngayong hindi na kita mahal, matutuwa ka ba? P*ta!

"F*ck! Sabi ko na nga ba, eh. Bakit ba kasi sinabi niyong gawin ko 'to? I said una pa lang na ayaw ko sa plano, hindi maganda. Bullsh*t! Damn!" He pointed the people who taught him to do it.

"Stop cursing, Vergara, may bata!" pangaral ko sa kaniya. Nilingon ko naman si Nayah na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin.

How can these people make this innocent child be involved on that scene? God, saan ang utak nila?

Tahimik lang ang tao sa paligid namin, tila nakikinood ng palabas. Hindi na rin ako tinablan ng hiya sa mga pinagsasabi ko, kasi inis ang mas pumaibabaw sa aking puso.

Bakit ba kasi kailangan pang umabot sa gano'n? Takot na takot nga ako kanina kahit pakiramdam kong may mali. That wasn't funny. Nakakaloka. 

Pero nawala lahat ang mga iniisip kong iyon sa sunod ma salitang binitawan ni Vergara.

"Then make me stop! Marry me, baby, please!" Nabingi ako sa wika niyang iyon.

"What?" I uttered.

He slowly walks in my direction. Lunok lang ako nang lunok. Laking gulat ko na lamang nang bigla siyang lumuhod sa aking harapan. Napatanga naman ako nang may hugutin siya sa bulsa ng kaniyang jeans.

Ewan, pero ang galit at inis na nararamdaman ko ay bigla na lamang nalusaw. Naging emosyonal ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Napatakip ako sa aking bibig habang nanginginig ang aking mga kamay nang iharap niya sa akin ang isang singsing. It was beautiful. Hindi rin makaiwas sa aking ang perlas na desinyo nito sa gitna.

I looked back into his eyes. Saka ko lang napagtanto na naging emosyonal na rin siya kagaya ko. May namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Marry me," he said sincerely. Nanginginig ang boses niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa emosyong pilit niyang itago.

God, is this really happening?

"Are you now proposing to me? Really, Vergara?" natatawa kong tanong. He nodded, like he was really determined to make me his wife.

Tumango-tango siya. "Yes, Misis Vergara, I am."

Akmang magsasalita na sana ako nang may nauna na sa akin. "Apo," tawag sa akin ng taong na miss ko rin.

Agad naman akong napadako sa kaniya. I don't know, but hearing her voice made me more emotional.

"M-mamita? Nandito ka rin pala?" hindi makapaniwala kong tanong. She nodded with a smile on her face. I didn't noticed her earlier.

"Please, marry him. Hindi ba't sabi ko na sa iyno na kayo talaga? At hindi ko hahayaang mapunta kayo sa iba. Ito na 'yon, apo, kaya umuo ka na," paintindi niya sa akin. Naiyak naman ako roon.

Natanggal ang tingin ko sa kaniya nang magsalita ang taong nasa kaniyang tabi nakatayo.

"Anak, follow your heart. It's your time to be happy," bilin ni Mommy. I smiled at that.

Napaiyak na rin ako lalo nang magsalita after niya si dad. Nandito rin siya. "Sweetie, basta, we are always here for you," seryoso rin niyang sabi. I wiped my tears and forced myself to smile at him. I missed him so bad.

I was surprised when someone spoke up. Siya ang mas hindi ko inaasahang maparito ngayon. "Farrah dear, mahal ka ng anak ko, alam ko 'yan. Saksi kami ni Mabhel kung gaano 'yan kabaliw sa'yo," she explained, smiling at me.

I want to hug her, but may umagaw na naman ulit sa presensya ko.

"Sorry, Far, kami kasi nagsabi kay Noel na ganito ang gawin niyang pakulo. Patawarin muna, kasal na ang inaalok, oh. Eechus ka pa ba?" natatawang wika ni Samboy. Inirapan ko lang siya sabay tawa ng bahagya.

Pinlano ba talaga nila 'yon? Ang sakit naman nilang magplano. Ito iyong prank na parang ayaw mo nang magising, pero masaya rin naman ang kapalit.

Natanggal naman lahat ng takot at pangambang mayroon ako nang magsalita ang isa sa mga pinakamamahal ko. Tinakot niya talaga ako kanina, sobra.

"Go, Mommy, say yes to my daddy na, please?" Nayah suggested with a genuine smile drawn on her face. I gave her a flying kiss. Sinalo niya naman iyon at inilapit sa kaniyang puso. 

Ang taong akala ko kaagaw ko na kay Noel kanina.

"Lahat na sila sumang-ayon at boto sa akin, Love, oh. Sige na, please?" Napalingon ulit ako sa kaniya sa tanong niyang iyon.

I saw how under pressure he is right now. Iyong pressure na baka hindi ako umuo sa niyayaya niya sa akin. Pero wala iyon sa bokabularyo ko ang ayawan siya.

"Paano kung ayaw ko?" panakot ko rito. He cleared his throat.

"Hindi p'wede, papakasalin pa rin kita," he said, smirking. Tumaas naman ang aking kilay.

"Sira!" I chuckled. Huminga ako nang malalim at tumingin ulit sa kaniya, nakangiti. "Ano nga ulit 'yong tanong?"

He let out a deep breath. It seems that he releases the nervousness he feels inside. Inayos niya ang singsing na hawak niya sa pagharap nito sa akin. Tell me, Love.

"Can I be your husband, Pearl?" he asked, rephrasing the question.

Pinatagal ko ng ilang segundo ang kaniyang tanong. Hindi naman nakaiwas sa aking mga mata ang takot na nakaguhit sa kaniyang mukha. I slowly raised my hand in front of him, which made him smile and be happy.

"Yes, Mister! Yes, Love, yes!" masigla kong tugon. Agad niya namang isinuot sa akin ang singsing at tumayo, saka ako hinalikan sa noo.

Hindi rin nakatakas sa aking tainga ang hiyawan at masayang bati sa aming paligid. Hindi lang sila ang naging buhay'ng saksi sa pagmamahalan namin ngayon kundi pati na rin ang Panginoon.

"F*ck! God, thank you! Yes, I love you, Love!"

"Mahal na mahal din kita, Mister ko," I replied while answering his hug. Nagawa niya na naman akong halikan sa aking labi. "For better or for worse," I added.

"God answered my prayer...again," he confessed. Napangiti naman ako ulit doon at mas lalong idiniin ang sarili ko sa pagkayakap sa kaniya.

"Did you really pray for this, mm?" I asked, looking into his eyes.

He nodded and kissed me on the forehead. "I am, Misis Vergara. Mas excited ako para bukas kasi magiging misis na kita. Honeymoon na!" masaya niyang tugon na tila kami lang ang tao sa paligid.

Hinampas ko naman ng mahina ang kaniyang braso dahil sa hiya nang marinig kong napahalakhak ang taong nakatingin sa amin ngayon.

Lord, sana ito na. At wala na akong mahihiling pa. Totoo ngang, there's always a rainbow after the rain.

Gaya ng sunset na nakikita ko ngayon, lahat ng wakas ay makulay at masaya. Si Noel, siya ang sunset ko. Ang tanging wakas na handa kong salubungin at mahalin hanggang dulo.

Nagulat naman ako nang walang pasabi niya akong binuhat at hinalikan sa labi sa harap ng aming mga mahal sa buhay.

"Oh my God, Noel! Ibaba mo 'ko!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top