Kabanata 35
Kabanata 35
Months had passed since Noel and I decided to do our best for Nayah's development. At sa loob ng mga buwang iyon, aaminin kong napalapit na ang loob ko sa bata.
Alam kong temporary lang ang lahat ng 'to kasi hindi naman talaga ako kabilang sa pamilya. Pero nais ko na ring magpasalamat dahil kahit papaano, naramdaman ko minsan na buo ako.
I didn't imagine na ganito pala kasaya kapag may anak ka. Sometimes, I got jealous of Mabhel kahit patay na siya. Iyon ay dahil mas natupad niya pang bigyan ng anak ang dati kong nobyo kaysa sa akin. I wish I was her.
Patay na siya, pero bakit feeling ko'y nakikipag-agawan pa rin ako sa kaniya magpahanggang ngayon?
Napabalik ako sa realidad mula sa kakaisip ng kung anu-ano nang may biglang lumapit sa kinatatayuan ko.
"Teacher, look. Cassy and I have the same drawing. We draw a tree," masaya't masiglang bahagi ni Nayah sa akin sa ginuguhit niya.
I rubbed her hair with my hand. Kanina pa ako nakatingin sa kaniya, kaya kung saan-saan na ako dinadala ng utak ko.
Napangiti sila sa akin parehas ni Cassy, kaya hindi ko rin mapigilan ang aking sariling maglabas ng isang matamis na ngiti. Isa ito sa mga araw na ang saya niya, at masaya akong isa ako sa mga saksi nito.
I slowly hold their drawings, na pinapakita nila sa akin. Namangha naman ako sa husay nila. Kay Cassy puno na may bungang mangga ang guhit niya. Kay Nayah naman ay puno na may mga ibon.
"Wow, ang gagaling naman ng mga babies ko," puri ko sa kanilang mga guhit. "Go, finish it there, tapos check ko mamaya," I command, and they both nod.
"Yey! Tara pakita natin sa kanila gawa natin," said Cassy. Hinawakan niya naman si Nayah sa kamay at maingat itong hinila papunta sa mga kaklase nila.
I hope this is the start of their friendship. Cassy is somewhere like Nayah too: Mahinhin na medyo mahiyain.
Arts nila ngayon, kaya hinayaan ko silang iguhit ang mga nais nila. Sa tuwing Arts ang subject dito sa Links, hindi lang ako ang nagbabantay sa mga bata kundi apat kami. Sinadya ko ang ganitong istilo nang sa gano'n matutukan silang lahat at ma-appreciate ang lahat ng gawa nila.
These girls students I have here in my school, I know they can change and rock the world one day. And that's the Links motto.
"Girls, look, oh. We draw the same tree," anunsyo ni Nayah nang makalapit na sila sa mga kaklase nila. Dinumog naman sila ng mga ito.
"Wow!" sabay nilang puri lahat na may matatamis na ngiti sa labi. Sana laging ganito ka saya ang mga estudynteng 'to. Ang sarap tuloy bumalik sa pagkabata.
Nasa kanila ang buong atensyon ng dalawang assigned teacher na arts din ang tinuturo. Hahanapin ko na sana kung saan ang isa nang mapatigil ako nang may magsalita sa aking gilid.
"Ang laki na ng pinagbago ni Shanaiia, Miss Farrah," she commented. Napalingon naman ako sa kaniya nang dahan-dahan. Akala ko kung saan na siya napunta, nasa tabi ko lang pala.
Napabaling ulit ako kay Nayah dahil sa kaniyang komento. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi matuwa. God is really good. Like the meaning of her name itself, God is merciful.
I sighed. "Oo nga, eh. Hindi ko lubos aakalain na magiging ganito siya ka-active."
"Since you've talked with Mr. Vergara, napapansin ko ay unti-unti nag-di-develop ang bata. She progresses well. Siguro tama nga kayo, Miss, trust nga 'yon isa sa rason kung bakit ang tahimik niya rati," mahaba niyang paliwanag.
Maybe that's one of the reasons. Siguro way na rin ni Lord 'yon para matulungan ko ang bata.
"Sana nga magtuloy-tuloy na 'to, Lez. Natatakot pa naman ako para sa kaniya," I said while glaring at my students.
"Bakit naman po?" Taas ang kaniyang kilay na nakatingin sa akin.
"Baka kasi makagawa ako ng bagay na magpapabalik sa kaniya sa rati." Kumurot naman ang aking dibdib nang masabi ko iyon sa kaniga. "I'm afraid that I might break her trust again," I uttered painfully.
Gano'n talaga tayong mga tao, 'no? Ugali na talaga nating isipin ang maaari pang mangyari kaysa sa nangyari na. We can't help but worry about tomorrow. But still, I'll trust it in God's hands. Mas alam Niya kasi ito kaysa sa akin.
Kulay-abo ang kulay ng langit na naabutan ko nang makauwi ako sa bahay. The clouds remember me in Noel's eyes, gan'yan kasi ang kulay nito.
Maaga pa kaya naisipan kong magluto muna ng aking makakain mamaya. Nakaugalian ko kasing magluto para sa sarili ko kapag may oras pa ako. I live all by myself. Ayaw ko muna na may kasama. I wanted to explore and be on my own. Kailangan kong sanayin ang sarili kong mag-isa.
Masaya akong nagluluto, tila ba napakasaya ko sa araw na ito. Like I'm celebrating something that I don't know what it is. Basta ang tanging alam ko lang ay masaya ako.
When I finished cooking my favorite adobo, I decided to prepare sana para makakain na kaso nag-beep 'yong phone ko. It's a message, I know.
Tinungo ko ito agad para mabasa at malaman kung kanino ito galing. Baka importante lang.
From Mommy Raquel:
Come here at exactly 7. Please wear something representative, Darling. Ingat ka... Luv u!
Napakunot ang aking noo matapos kung mabasa ang text niya. Hindi ko alam kung bakit ako pinapasuot ni mommy ng something formal, eh, I always do those things since I became a teacher. Baka may bisita siya, or what?
It's already 5 in the afternoon, so may isang oras pa ako to prepare. I can do this; malapit lang naman ang lugar ko sa kina mommy.
Without thinking too much, ay dali-dali akong naligo para makabihis. Since it seems important, kasi kaya need ko ang magmadali.
Ilang minuto lang akong natapos sa pagligo at agad kong sinunod ang pag-aayos sa aking sarili. I'm wearing light makeup, para hindi masyadong bongga. Wala akong ideya sa ano'ng nangyayari sa bahay, nakakahiya naman kung bonggahan ko pa.
I'm wearing white 2 inch heels and a red fitted dress that's not revealing, but my cleavage will always ruin my plan. Lagi talaga siyang umi-eksena. Tiningnan ko ang aking kabuuan sa salamin. Hindi ko naman mapigilang hindi mahulog sa aking sarili.
Ang ganda at sexy ko. Bumagay rin sa akin ang new Prada bag na bigay sa akin ni Jeddah noong pagbalik ko rito. Kakulay ng bag ang damit ko, kaya sakto. Inagaw rin ng kumikinang kong necklace na medyo hindi halata na suot ko ang aking atensyon. I dressed well tonight, and I'm not gonna lie, it made me perfect.
Walang tao at tahimik ang paligid, iyan ang sumalubong sa akin nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay ng parents ko. Maliban sa guard na nakita ko sa gate ay wala na akong nakasalubong pang iba, even maids ay wala rin. Anong pakulo 'to?
I slowly walked, dinadama ko ang bawat hakbang ko habang nakamasid sa paligid. Hindi naman madilim, pero ang tahimik talaga. Mayamaya pa ay gumuhit na ang kakaibang kaba sa aking dibdib. What the hell is going on? I asked that question in my head.
I felt my hands shaking as much as my legs. Para na akong mahihimatay sa takot. Nasaan ba kasi sila? Dahan-dahan kong iniatras ang aking mga paa kasi kapag may masamang mangyayari ngayon. At least I am ready to run and to shout for help.
I was about to scream and call my parents when everything made me stop.
"Surprise! Happy birthday, Farrah!" sigaw ng mga taong nagpanganga sa akin.
Unti-unti naman silang nagsilabasan sa may nakaharang na tila sa aking harapan. Bakit hindi ko man lang napansin iyan kanina? Teka—birthday ko? Ngayon?!
"What the Fuc—cute!" reaksyon kong sabi. Hindi ko natuloy ang balak kong pagmura nang mahagilap ko ang taong hindi ko aakakalaing nandirito rin. He's also here?
"Happy birthday, Farrah Girl!" ulit pa nilang bati. I still in shock.
Isa-isa naman silang nagsilapitan sa p'westo ko para bumati at magbeso. Pagkatapos ay pinalibutan nila ako.
"Happy birthday, darling," bati ni mom, saka nagbeso at niyakap ako.
"B-birthday k-ko p-po?" my voice cracked. Natawa naman si Mommy sa aking reaction.
"Your busyness makes you forget your day, ha?" Hindi ko pa rin talaga gets ang lahat. How could I forget my day? Pero nabuhayan naman ako bigla sa kaba nang may tinawag siyang pangalan. "Come on, Noel, let Farrah blow out the candle on her cake," utos niya sa lalaki. Agad naman itong lumapit sa akin na may malaking ngiti sa labi.
Napahawak naman ako sa aking dibdib nang makita ko ang aking edad sa cake na binili nila. Matanda na pala ako. It's now March 18. I'm now 29 years old. Just how my life changes. Huling taon ko na ito as a 20's, kaya dapat ko itong i-cherish at namnamin ang moment.
"Happy birthday, Pearl," matamis niyang bati. Agad naman akong napahawak sa clip ko sa aking likod. It was made of pearls, and he bought it for me in our 10th month as a couple way back then. I was about to blow the cake, but he made a sound. "Make sure to have some wishes, pretty woman," dagdag niyang utos. Nabasa ko naman ang aking labi.
"Yey! Happy birthday again, Farrah!" bati ng lahat ng mahipan ko ang kandila. Ang iba naman ay naririnig kong kumakanta.
"Happy birthday again, Love," he greeted again, which made my world stop for a moment. Mas natigilan naman ako nang hinalikan niya ang aking noo.
Hindi ko alam kung paano mag-react. Tulala lang akong napatingin sa kaniya, habang nakangiti siya sa akin. Hindi ko na rin inabalang tingnan ang tao sa aking paligid kahit may narinig pa akong hiyawan.
"Daddy, ako rin," reklamo ng bata na nagpagising sa tulog kong diwa. "Happy birthday, teacher," Nayah greeted me. Niyakap niya naman ako; napayakap na rin ako sa bata.
"Thank you, Nayah. Ang sweet naman," diretso kong sabi. She also kissed me on the cheek. Magsasalita pa sana si Noel, kaso may pumigil sa kaniya.
"Kami naman next," angal ni Monique. Natawa naman si Noel at si Mommy na nakatingin pala sa amin sa aking likuran. Akala ko, umalis na siya. "Nakarami ka ngayon, Vergara. Abusado," dagdag pa niya.
"Monique, may bata, ano ka ba," pigil ni Jeddah dito. Irap lang ang nagawa niyang tugon.
Napansin ko naman si Mommy na lumapit sa kina Noel. Nayah is busy roaming around. Ang lalaki naman ay sumenyas sa akin na sasama muna siya sa aking ina. Tango at ngiti lamang ang itinugon ko.
"Nakalimutan ang sariling kaarawan, pero ang paglandi ay hindi," komento ni Monique. Tinawanan lang siya ni Sammuel at Jeddah.
Honestly, I really forgot about your birthday. I don't know why that is happening. Maybe because I'm busy these days? Or nawala talaga sa isip ko ang araw na ito? Mabuti na lang at may nagpaalala.
Maaari pa lang mangyari ito, 'no? Maybe my memory cell isn't active for today, kaya gano'n.
"Tumigil ka nga, kanina ka pa," awat ni Samboy sa babae. Tinaasan niya lang ng kilay ang kaibigan. Humarap si Sammuel sa akin na may malaking ngiti sa labi. "Happy birthday, woman," he greeted, hugging me tightly.
"Thank you, Superman," pasalamat ko sabay kalas sa yakap niya na aking tinugon.
Sumunod naman si Jeddah pagkatapos niya. Nauna siyang yumakap saka bumati. "Happy birthday, beshy namin. Basta be happy lang always, ha?" Tumango naman ako.
"Thank you, girl," taos puso kong pasalamat.
Inawat naman siya ni Monique mula sa kakahawak sa kamay ko. Ito talaga, sarap sapakin. "Ito naman kung makabati akala mamatay 'yong tao," she said, chuckling. Hindi naman kumibo si Jeddah na ngayon nasa tabi na ni Samboy. "Happy kaarawan, Farrah! Sana mag-asawa ka na kasi mapag-iiwanan ka na namin," litanya niya saka ako niyakap.
"G*go! Pero salamat pa rin," tugon ko a gitna ng aming yakapan.
Ewan, kahit nakalimutan ko ay masasabi ko pa rin na isa ito sa kaarawang, hindi ko makakalimutan. Ngayong lang ulit ako nag-birthday na kasama sila. Ang saya ko lang.
Now I remember why I forgot: hindi ko na pala ipinagdiriwang ang kaarawan ko sa loob ng sampung taon mula no'ng umalis ako rito. Ito pala ang dahilan.
"Iyong mga regalo namin ay nakahalik na sa'yo kanina," basag ni Jeddah sa aming pagitan. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Ha?"
"S'yempre ang mag-ama. Kami ang nag-suggest no'n kay Tita," dagdag ni Monique. Napatanga lang ako. Mabuti na lang ay inagaw ni Samboy ang aming atensyon para hindi na lalayo pa ang usapan.
Sinenyasan niya ang waitress na huminto sa p'westo namin na bigyan kami ng drinks. Agad naman naming tinanggap iyon.
"Cheers na tayo! Come on, Girls!" Sammuel suggested. Tumungga naman kami ng alak.
"Happy Birthday, Farrah Caroline!" sabay nilang sigaw sabay ubos sa alak sa aming mga baso.
One of the best birthdays ever! Thank you, Lord Jesus!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top