Kabanata 34

Kabanata 34

"Sasagutin ko muna. I'll be back," paalam ko. Hindi ko na inaabala ang masama at puno ng katanungan na tingin nila sa akin.

Mabilisan akong lumabas sa store ni Monique. Nang matansa ko na medyo malayo na ako sa kanila, saka ko pa naisipan sagutin ang kanina pang tumatawag na si Noel.

"Mr. Vergara? Why are you calling? May nangyari ba kay Shanaiia?" I nervously asked. I heard him gulping on the other line.

"No. Just relax. Tumawag lang ako to make sure if you're okay. Baka kasi iniba mo ng itindi ang pagyaya ko sa'yo kahapon," he explained. I bit my lower lip because of that.

"Ah, 'yon ba? Hindi naman kung iyon ang pinuproblema mo," naiilang kong tugon.

I don't know why Noel keeps talking to me even after our discussion is done. I'm not even satisfied with his excuse na nag-aalala siya, kasi kung gano'n dapat kahapon pa siya tumawag after ko siyang binabaan ng tawag.

I'm not okay with this. Lalo na sa nais niya ngayon. Hindi naman sa nag-iisip ako masyado, but we have passed. Tapos palagi siyang ganito, paano kung malaman ito ni Nayah? Baka isa pa ito sa magiging dahilan kung bakit mas ayaw niya nang makipag-usap at makipaghalu-bilo sa iba. Baka kamuhian niya ako dahil nakikipagkita sa akin ang daddy niya. Isa pa, baka multuhin ako bigla ni Mabhel sa paganito niya sa akin. Huwag naman sana.

"So, ibig bang sabihin niyan, payag ka? Sandali lang naman...tapos kasama naman natin si Nayah mamaya—" I was stoned by his words.

"Wait, akala ko sa Sunday pa?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Ahm, wala kasi ako sa Sunday. I have a business meeting pala with some of the investors ng NVerB company, nakalimutan ko," he informed me clearly, and I nodded.

NVerB Company, iyan ang pangalan ng sarili niyang pinatayong kompanya. It's a combination of his names. Noel Vergara: Ang B ay mula sa ikalawa niyang pangalan na Brynnan. No'ng marinig ko iyan habang na sa Cebu ako, wala akong ibang ginawa kundi ang maging proud sa kaniya. Finally, one of his dreams had come true.

Before I talked again, I managed to relax myself. Ayaw ko muna ang pangunahan siya.

"I see. So what time is it mamaya?"

"Ikaw?" tipid niyang tanong. "Anong time ka free?"

"By 6 in the evening, free na ako n'yan," I responded. I waited for seconds before he agreed with my schedule.

"6 then. So let's meet later? Text ko na lang kung saan, ayos lang ba?"

"K," tamad kong tugon saka pinatayan siya ng linya.

Ayaw ko mag-assume sa paganito ni Vergara. Ayaw kong lagyan ng meaning 'to kasi alam kong ginagawa niya lang ito para sa kaniyang unica hija. Sana tama nga ang mga iniisip kong ito.

Bumalik ako nang walang pag-aalinlangan sa loob ng store ni Monique. Natigil naman ako nang lahat sila ay seryoso akong sinuyod ng tingin. Alam ko na ang mga tinginan nilang ito.

"What's with that, Carolina? Bakit may patawag-tawag na ang Vergarang 'yon, ha?" salubong na tanong sa'kin ni Monique.

"Did you get back together?" I didn't expect that cold question from Sammuel.

"Nililigawan ka ba niya ulit, beshy namin?" panggagaya ni Jeddah sa boses ni Monique.

Sa tanong nilang tatlo, tanging tango lang ang natugon ko. I don't know how to react. Hindi ko alam kung paano sila sasagutin. Kasi panigurado, kahit aminin ko man na walang ligawan sa pagitan namin ay kukulitin at kukulitin pa rin nila ako.

I'm feeling floating in the middle of the ocean until now dahil sa pagtawag ni Noel. Hindi ko kasi lubos akalain na tatawagan niya ako ngayon. Isa pa, mag-di-dinner kami later.

Wala namang kaso iyon sa akin, pero kapag naiisip ko ang bata ay roon na ako kinakabahan. Paano kung malaman niya?

"Tinatanong ka namin, babae. Ano nga? Bakit siya tumatawag, aber?" Monique asked again, which brought me back to my senses.

"Sorry, ano, he wants us to have dinner later—"

"Mag-di-date kayo? Mamaya?" putol niyang tanong sa eksplinasyon ko. Inirapan ko naman siya.

"Sira! Dinner hindi date. Ang OA mo," I said with a serious tone. "Saka kasama naman namin anak niya."

"Pati ang asawa? Ano ka ro'n, ulila?" Jeddah asked. Nilampasan ko sila para ayusin ang mga gamit ko. Minanmanan lang nila ang bawat kilos na aking ginagawa.

"I think that's not a good idea, Far," Sammuel commented.

I stopped what I was doing and faced them with my saddest expression on my face.

"Mabhel died years ago," I informed them coldly, which made them freeze in shock.

Yes, I have never told them yet about Mabhel's disease. Mukhang ngayon, masasabi ko na.

Hindi ako nakaalis sa store ni Monique na hindi pinaalam sa kanila ang nalaman ko tungkol kay Mabhel. Nabanggit ko na rin ang rason kung bakit namin ito ginagawa ni Noel, naiintindihan naman nila ako. Pero kailangan ko rin daw ang mag-ingat lalo na sa damdamin ko.

I know I'm not doing all of this as Nayah's teacher anymore; I'm doing this for Noel. For our friendship. Kasi sa totoo lang, dapat kung tungkol ito sa case ng bata, I need to be professional at school ko rapat siya kinikita hindi kung saan-saan.

Noel also asked for my help no'ng nag-meeting kami, kaya para sa bata at sa pagkakaibigan naming natira ay pumayag ako. If I didn't have a chance to save our relationship, at least I did something to save our friendship.

Doon naman talaga kami nagmula noon, sa maging magkaibigan hanggang sa niligawan niya ako't sinagot ko siya. Kaso, hindi pabor sa amin si tadhana. Ako ang pinangakuan ng pamilya, pero sa ibang babae niya naman ito tinupad.

"Teacher!" I came back from reality when I heard someone calling my attention. Napangiti naman ako nang makita ko kung saan galing ang tinig na iyon.

She's sitting on the other chair, sa tabi ng daddy niya. I can't help but smile just by looking at them right now. Bagay na bagay nga kay Noel ang maging ama. They are too cute together.

I didn't waste my time and walked in their direction. I'm wearing flat black shoes today paired with a trouser and a girl's polo with a Korean design. In-insert ko ito para mukhang representable.

"Hi, pretty Shanaiia! Ang cute mo talaga," bati ko sa kaniya pabalik nang makarating ako sa kanilang p'westo. Napangiti naman siya sa akin nang pasimple kong kinurot ng mahina ang kaniyang pisngi. "Sorry if natagalan ako, kanina pa ba kayo?" tanong ko kay Noel nang mapabaling ako sa kaniya. 

"No. Have a seat," alok niya ng upuan sa harapan niya. Umupo naman ako roon. "Kakarating lang din namin," he added. Napatango naman ako.

"Do you want something? Sorry na una akong um-order para kay Nayah, gutom na kasi," he asked after a minute of silence.

May order na nga sila. Pero nagtataka ako kung bakit fries lang ng Jollibee ang kinakain ni Nayah at hindi iyong pagkain talaga.

"Ayos lang, 'no ka ba. May menu sila?"

"Here, pili ka. Ako na ang bahala, treat ko." Hindi ko pa man tuluyang nakuha ang inaabot niyang menu ay nagawa ko na ang umangal sa kaniyang nais.

"Nako, 'wag na, Noel. Ako na, may dala naman akong pera—"

"I insist, okay?"

"O-okay," bulol kong pagsang-ayon sa kaniya. Napangiti naman siya ng malaki na tila nanalo sa pustahan.

Napatingala naman ako sa aking kinauupuan nang tumayo siya, maliban kay Nayah na busy sa kaniyang french fries.

"Alright! Nayah, maiwan muna kita kay teacher, ha? Oorder lang ulit si daddy," agaw bilin niya sa bata. Umiling naman ito sa nais ng ama.

"Daddy, sama si Nayah, please?"

"Baby, matatagalan tayo lalo n'yan. Babalik naman ako agad, okay?"

"Daddy, Nayah wants to order with you," she says. Nakagat ko naman ang loob ng aking pisngi sa nais ng bata. Nahihiya ba siya sa akin? Or ayaw niya akong kasama?

"Nayah, nandito naman si teacher. Hindi naman ako bad, eh. 'Di ba, kilala mo naman ako? At friends tayo sa school," kumbinse ko. Kinakabahan naman ako nang hindi ko mawari ang dahilan. O baka siguro takot akong matanggihan niya rin.

"Pero wala tayo sa school," aniya. My eyes grew bigger after that.

"Kahit na. We can be friends naman kahit saan," pilit ko pa. Nakikinig lang si Noel sa amin, pero hindi ko siya pinansin. Nasa kay Nayah ang buo kong atensyon.

"Talaga?" inosente niyang tanong. I nodded and nipped his bouncy cheeks. "Yehey! Daddy, Nayah stay with her teacher best friend. Go, order na," masaya niyang sumbong sa papa niya. My heart melts with that.

Now, I finally knew what her problem was. Bakit takot siyang makipag-usap at kaibiganin ang iba.

She's precious, and I'm afraid to do things that can break her fragile heart.

"Thank you," he whispered, tumango lang ako't ngumiti. 

Halos dies minutos din naming hinintay si Noel na makabalik sa aming mesa. Minsan pansin kong napalingon siya sa amin at napangiti. Wala kasi akong ginawa kasama si Nayah sa mga oras na iyon kundi ang tanungin siya sa ilan sa mga hilig at ayaw niya. Minsan din ay naglalabas ako ng mga jokes ko, tumatawa naman siya.

Ewan, pero dahil sa presensya ni Nayah, may kung ano sa akin ang napunan. Iyong tinapakan niya ang ilan sa butas na mayro'n ako sa aking nakaraan. Ang sarap pa lang maging ina, sayang at hindi ito masyadong na-enjoy at natamasa ni Mabhel.

"Thanks God! Kain na tayo?" sabi agad ni Noel nang makaupo na siya. Akmang kukuha na ako ng pagkain, kaso natigilan ako nang magawa niyang magsalitang muli. "Baby, do the prayer na," dagdag niya. Nakagat ko naman ang labi ko sa hiya.

God, Farrah, kahit kailan talaga! Sorry, Lord. 

Sinunod naman ni Nayah ang utos ng kaniyang ama. Nagdasal siya gamit ang dasal na memoryado niya na. Ang Blessed us, Oh, Lord.

Aminadong napamangha ako roon. I know an almost 10-year-old kid can do that, but namangha talaga ako sa husay mag-pray ng bata.

"Amen!" agap ni Noel nang matapos ang prayer ng anak niya.

"Amen," mahina na may halong hiya kong sabi.

Hindi ko muna ginalaw ang aking pagkain nang mapatingin na naman ako Kay Nayah. Seryoso kasi ang mukha niyang napatingin sa kaniyang pagkain. Napansin yata iyon ni Noel, kaya nagsalita na rin siya't tinanong ang anak.

"Oh, why aren't you eating? Ayaw mo ba ang food? You want daddy to order another menu for you, mm?" Nayah glanced at him. Tila problemado talaga ito. 

"Daddy, hindi ba magagalit si God na kakainin natin ang paa ng chicken ni San Pedro?" she seriously asked back, which made me laugh unconsciously.

"Nayah?!" pigil ni Noel sa kaniya. Pero gaya ko ay napatawa na rin siya kalaunan. God, what a dinner!

Alas, nuebe na kami ng gabi nakauwi. Hindi na sana ako magpapahatid ni Noel, kaso nagpupumilit siya. Matapos naming kumain ay naglibot at nanood muna kami ng sine kahit saglit na oras lamang.

I enjoyed this night, I'm sure of that. Isa ito sa gabing hindi ko makakalimutan kasi, kasama ko sila.

"Thanks for tonight, Mr. Vergara! Nakatulog tuloy si Nayah," pasalamat ko nang makababa ako kaniyang kotse. He smiled back at me genuinely.

"No, thank you. Salamat kasi pumayag ka. At least nag-enjoy kahit papaano si Nayah. Napagod pa nga," aniya.

Napalingon naman ako sa bata na sobrang himbing na natutulog sa loob ng kaniyang sasakyan. Mabuti na lang at nakahabol ang yaya niya, kundi baka makasama ako sa paghatid sa kaniya sa bahay nila.

"Noel, sa tingin ko, alam ko na ang problema ng bata," basag ko sa aming katahimikan. Seryoso naman siyang napatingin sa 'kin ng diretso. "Kanina...no'ng ibinilin mo siya sa akin parang takot siyang maiwan not until nagsalita ako. I assure to be her friend, saka pa siya nagpaiwan," dagdag ko pang paliwanag. Nakikinig naman siya.

"What is it then?"

"Noel, takot magtiwala si Nayah. She's afraid of that," I responded. Alam kong iyon ang problema, nasaksihan ko iyon kanina.

Maybe what happened to her mother pushed her not to trust anyone easily. At ang sunod kong target ngayon ay alamin ang buong istorya ng pagkamatay ni Mabhel. In that case, mas maliwanagan ako lalo. 

Napatingin naman ako sa aking kausap nang magawa nitong tugunin ang aking sinabi.

"I know. Iyon lang ang bukod-tanging namana niya sa akin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top