Kabanata 33
Kabanata 33
I wasn't able to reply to Noel's message even after I got home. Plano ko kasing mamaya na lang siya reply-an matapos kong gawin ang mga kailangan kong gawin kapag nakauwi na ako sa bahay.
Pass 5 na ng hapon ako nakauwi sa bahay ko. After I relaxed myself a little bit, I was about to go to the bathroom to clean myself when my phone beeped. Agad ko naman itong tiningnan baka isa sa mga staffs ko ang nag-text sa akin dahil most of the time gano'n sila. When I unlocked my phone, laking gulat ko na lamang nang makita ko ulit na nag-message si Vergara sa akin.
From Mr. Vergara:
It's way better if I call than text para magkaunawaan tayo.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang mabasa ko ang text niya. Nagtypa naman ako nang mabilisan sa aking reply to inform him.
To Mr. Vergara:
slr. kakauwi ko lang.
I'll text you later if I'm done doing my chores. Tnx
Muli ko na sanang ilalapag ang phone ko sa aking kama para makaligo na nang maudlot ito dahil mabilis na tinugon ni Vergara ang reply ko sa kaniya. Is he waiting for my response all the time?
From Mr. Vergara:
Sure. I'll wait, Ma'am. Just tyt
I just made a face and left my phone on my bed. Ni hindi ko na siya ni-reply-an. I didn't waste my time and took a shower.
Sinabihan ko kasi siya matapos ang meeting namin kanina na mas mabuting bigyan niya rin ng time ang anak niya. Feeling ko kasi iyon ang kulang. Inamin niya kasi sa akin na medyo busy siya ngayon—sa sarili niyang kompanya. Hindi na ako nagulat do'n kasi alam ko na naman noon pa na iyon ang pagtutuunan niya ng pansin pagkatapos niyang mag-aral.
I suggest na mas maiging kapag galing school si Nayah, tatanungin niya kung kumusta ito o simpleng pangangamusta man lang sa bata. Or have time with her kahit papaano. At higit sa lahat to interact with her at turuan din siya nang dahan-dahan kung paano makipag-halu-bilo sa iba. I said if may tanong siya, he can text me anytime of the day kasi mag-re-reply naman ako if I have free time at lalo na sa kapakanan ng students ko. Ngunit nagulat ako ng sinabi niyang gusto niya tawag na lang, kasi mas maliwanagan kami kung gano'n. So I agree with him na lang—for Shanaiia's case.
Gabi na nang matapos akong maligo. Napahinga naman ako ng malalim nang makita ko ang oras sa wall clock ko. It's already 7 in the evening. Ano ba ang ginawa ko ro'n sa banyo at natapos ako ng ganito katagal ngayon? Pag-o-overthink? I shook my head when I asked that of myself.
Nang matapos akong magbihis ay agad akong nag-message kay Noel para ipaalam sa kaniya na maaari na siyang tumawag. Noong una ay nahihirapan ako kung ano ba ang dapat kung i-text, pero kalaunan ay bahala na lang ang nasabi ko sa aking isip ng ma-i-send ko ito sa lalaki.
To Mr. Vergara:
I'm done. You can call na Hihi.
Minutes pa lang ang itinagal ng mensahe kong iyon ay agad ko ng narinig ang ring ng phone ko. Dali-dali naman akong napap'westo sa study table ko para naman pormal kong masasagot ang tawag niya. Inayos ko muna ang aking sarili para representable akong haharap sa kaniya, saka sinagot ang tawag.
I sighed first. Ewan, nakaramdam lang ako ng biglang kaba na hindi ko mawari kung bakit.
Napalunok naman ako nang mapansin ko ang kulay ng damit na suot niya. It fits him; I can't deny that. He always looks fresh in a white shirt.
"Hi," mahinhin niyang bati nang masagot ko ang kaniyang tawag. Ngumiti lang ako sa kaniya. "Sorry, busy ka ba?" Mabilisan naman akong umiling.
"No. Kakatapos ko lang maglinis. Where is she?"
"Wait, tatawagin ko." Bahagya namang hindi nakita ang mukha niya sa screen gawa ng kaniyang pagkilos. "Nayah, baby, come. Say hi to teacher Farrah," tawag niya sa anak. Nakita ko namang napangiti si Noel na agad pinakita ang mukha ng anak niya sa kabilang linya.
"Po? She's on the phone?" walang malay niyang tanong. Sa kaniya isenentro ni Noel ang phone ngayon. Kaya ang maaliwalas at mala-anghel niyang mukha ang nakita ko. Mana talaga siya kay Mabhel, parang wala ngang kay Noel, eh. She's a mini-version of her mom. "Hi, teacher! Good evening!" masaya niyang bati sa akin na naging dahilan na mapangiti ako.
"Hi, Shanaiia," I said back. "Have you eaten, na ba?" She shook her head. Natawa naman ang kaniyang ama na ngayon ay kita ko na rin sa screen ko.
"No po. My nanny is still preparing for our dinner pa." Namangha naman ako sa kadaldalan niya. Sana ganito rin siya ka active sa loob ng klase. Subalit, nagbago ang awra ko nang mapatanga ako sa sunod niyang tanong sa akin. "Teacher, why are you calling my dad?"
"Ah—" I wasn't able to finish my words when Noel took the responsibility to explain.
"No, baby. I'm the one who calls her. May itatanong lang si daddy. Back to what you do muna, ha? Kakausapin ko lang si teacher mo," he informed.
"'Di ba, nag-usap na rin po kayo sa school?"
"Yes. That's why we need to continue about it. It is for your own good naman, okay?"
"Okay po," hindi pagtagumpay niyang sang-ayon sa ama. "By the way, teacher, you're so pretty. And my dad loves pretty women like you," dagdag niya pa na aking ikinanganga. Nanlaki rin ang mata ni Noel sa sinabi ng kaniyang anak.
"Nayah?! That's not a good joke, baby. Just go back there, please?" mahina niyang awat at pakiusap sa bata pero may halong gigil iyon. Ngumiti lamang si Nayah sa kaniya sabay halik sa pisngi nito at bumalik sa kaniyang naiwang gawain. "Sorry for her behavior," he apologized. I just smiled.
"It's okay. Mind if we proceed to her case? So how may I help you again, Sir?" biglang pormal kong astang tanong.
"Yeah. Ang formal mo naman yata, Carolina. Let's just be casual here," aniya.
"It is normal for me to be formal, Mr. Vergara. It's about your daughter's case, kaya dapat nasa pormal na usapan tayo," pagpaintindi ko sa kaniya. Hindi naman nakaiwas sa tainga ko ang paglabas niya ng malalim na hininga. I also did that.
Natahimik siya nang masabi ko iyon sa kaniya. Bago pa man mauwi sa ilangan ang lahat ay umupo ako nang maayos saka naisipang basagin ang katahimikan sa pamamagitan namin.
"Before we go further, try to apply the things that I suggested earlier. Ask her always, even with a simple question, because it has value for them. And of course, jam with her or try to gala here sa mga pasyalan na may makikita siyang ibang bata," my long litany. Tango lang siya nang tango, tila nakikinig talaga siya sa bawat sinasabi ko.
Kahit kabado ako sa usapan namin, nagawa kong hindi ipahalata iyon sa kaniya. I need to act normal, para hindi siya makahalata na na kabado ako hanggang sa matapos ang usapan naming ito.
"Okay, get it."
"And also, observe her muna started today para malaman natin kung may magbabago ba. Baka kasi things will change kapag palagi mo na iyong magagawa sa kaniya."
"I will; there is no need to worry," panigurado niya. I feel relieved about that. "Are you free this Sunday?" Napakunot naman ako sa kaniyang tanong.
"It's my rest time, so basically yes. Why do you ask?"
"I can ask you out?" Naubo naman ako roon. Kaya dali-dali kong ininom ang tubig na palagi kong dala sa akin, saka uminom ng kaunti. I calmed myself. Bago tuminging muli sa kaniya. Nailang naman ako nang makita kong panay titig niya sa akin. "Huwag kang mag-alala, kasama naman si Nayah kung iyan ang inaalala mo," he added. Lumuwag naman ang aking pakiramdam.
Hindi pa ako tapos sa nais kung sabihin, pero wala akong alam na maitutugon sa kaniya. Naisipan ko na lang ang magpaalam agad ay pinatay ang tawag.
I don't know kung anong plano ni Noel, pero kailangan kong iwasan siya. Baka kasi sa huli, ako na naman ang maiwang kawawa.
Kinabukasan, hindi muna ako pumasok sa Links. Iniwan ko muna kay Leziel ang mga bata kasi may kinakailangan akong asikasuhin ngayon. I will visit Monique Ukay's store; nakaplano na kasi iyon kaya kailangan ko siyang siputin.
She wants us to model her ukay dress and product: para raw mabenta man lang, kaming tatlo raw ang gagawa no'n. Sa tingin niya kasi maging applicable ang strategy na 'to, kaya go na rin kami ni Jeddah kasi wala namang masama sa mag-try.
Isang mahigpit na yakap at malambing na beso ang sumalubong sa akin mula sa dalawa ng makarating ako sa store ni Monique dito sa Cogon. Hindi na rin ako magtaka kung bakit nandito si Sammuel. Of course, gagastos pa ba kami ng photographer kung available naman siya for today, 'di ba?
"Grabi ka naman, beshy ko, kahit sa usapang ito late ka pa rin, ano?" natatawang pahiwatig ni Monique. Ito talaga kahit kailan ang sarap sapakin.
"Sorry naman, beshy ko, para naman kayong hindi guro kung maka-react, ano?" ganti kong tanong sa kaniya. Natawa lang si Sammuel na nakikinig sa amin.
"Um-absent na nga ako para rito. Dinamay ko na rin itong superman natin, mga beshy ko," sambat ni Jeddah, natawa na rin kami.
"Oh, sya mga beshy ko. Umayos na kayo o magbihis para makapagsimula man lang tayo," si Sammuel. Doon na kami nagpakawala ng halakhak. Paano ba naman ginaya niya ang kilos ni Jeddah na napaka-girly. Siya kasi ang mas babae ang galawan sa'ming tatlo.
Sinunod namin agad ang suhestiyon ni Samboy. Agad kaming nagpalit ng damit na unang susuotin namin sa unang picture na kukuhanin. I-po-post daw kasi ito ni Monique sa page niya.
Ang unang damit na sinuot namin ay ang mga trousers at tops. Natuwa naman ako kasi bumagay sa amin lahat ang isinukat namin. I'm wearing a kakhi color top: si Jeddah ay red, si Monique nanam ay black. Tapos ang pang-ibaba namin ay kulay white lahat.
"Ready na ba for the shots, girls?" Sammuel asked after we were fully dressed. Tumango naman kami ng sabay.
"Yes naman, kami pa ba?" said Monique. I can't deny that we look so perfect right now.
"Ang gaganda naman ng mga babae ko. Pero s'yempre mas maganda ang baby ko," hindi mapigilang kumento ni Noel sa amin. Napangiti naman kami roon.
"Asus, daya!" angal ko. Natawa naman si Jeddah.
Pum'westo naman kami sa mini studio na DIY ni Monique para magpakuha mg litrato kay Sammuel. Ang sequence namin ay si Jeddah ang nasa gitna dahil siya ang medyo maliit sa aming tatlo. Ako naman sa kanan at si Monique sa kaliwa. We are standing, kasi ito ang gusto ng business woman naming kaibigan sa unang pose namin.
"Sige na. Take a pose, women," Sammuel commanded. Sinunod naman namin siya. He did the counting, signed, and clicked his Canon camera. "Good! Perfect! Another pose! he whispered. Nagpatuloy naman kami para sa susunod pang litrato.
Naubos ang halos dalawang oras namin sa kakakuha lang ng perfect shots. Matapos ang ilang subok ay dadako na kami sa panghuli. Grabi, ito na yata ang pinakamatagal na pictorial for business ang nasaksihan ko.
"Last one na ang Korean dress na i-ti-take, right?" asked Sammuel.
"Yep, Samboy. Pagod ka na?" ani ni Monique.
"Medyo. Nakakasawa pala ganda niyo minsan, maliban sa isa."
"Wow, ha? Porke't jowa, beshy ko?" reklamo ko na ikinatawa niya.
"Ang drama, sige na." Nagtungo naman kaming lahat sa studio para ibandera ang panghuling ukay na suot namin.
I'm wearing a red Korean dress, fitted. Kay Jeddah is nude, kay Monique naman ay green.
"Take a pose in 1, 2, 3, go!" Umawra naman kaming tatlo.
We heard Sammuel's camera click not just once but many times. Not until he told us to stop, kasi may nakuha na raw siyang maganda at marami na.
"Here, take some look. Iinom muna ako ng water," bilin niya. Uminom naman siya ng tubig sa bottle niya na nasa tabi lang namin nakalagay.
Hindi namin papigilang hindi mapangiti at mamangha sa mga larawan namin. Ang galing ni Samboy, magaganda lahat. Pero napahinto naman kaming lahat mayamaya nang bigla tumunog ang phone ko. Napatingin kami kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
"Who's calling?" takang tanong ni Sammuel na dahilan nang matigil kami sa aming ginagawa. Tinungo ko naman ang phone ko para tingnan kung sino ito.
"Sino 'yan? Sa Links ba?" tanong ni Monique na siyang aking ikinakaba.
I glared at them and said, Parehas silang nakatingin sa akin ngayon. Habang naghihintay sa tugon ko. Bakit siya tumatawag?
"Hindi," I replied. I felt my heart beating as I suddenly felt cold. "S-si V-Vergara," I uttered. Napatulala naman silang tatlo sa tugon ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top