Kabanata 31

Kabanata 31


"Oh, uminom muna kayo."

Napatingin naman kaming lahat sa inuming inilapag ni Sammuel sa mesa namin. Agad naman siyang bumalik sa inasikaso niyang niluluto para makain namin mamaya.

Linggo ngayon at gaya ng aming nakasanayan, kapag walang pasok o trabaho ang lahat ay naglalaan kami ng oras para makapag-relax kahit papaano after naming magsimba.

Aaminin kong mas na-enjoy ko ang buhay ko ngayon kompara noon. Oo, madalas ako sa party, pero iba ito. Iyon bang kahit nasa simpleng pasyalan o gala lang ngunit ramdam ko naman ang tunay na kaligayahan.

I have learned, na wala naman iyon sa anong uring gala o lugar ang pupuntahan mo, nasa tayo iyong kasama mo. 

"Ang ganda rito. Parang gusto ko na rin magkaroon ng ganitong lupain," malaya kong komento sabay tingin sa paligid.

Hindi ko mapagkaila na ang ganda talaga ng lugar at ang tanawin dito. Ang payag o kubo kung saan kami nakap'westo ngayon ay sobrang sakto para makita namin ang kabuuang ganda ng lugar. Ang berdeng dahon Ang matataas na puno. At ang mahangin na paligid. Higit sa lahat puro huni ng ibon at ibang insekto ang naririnig namin, kaya sobrang nakakagaan ng loob.

Napamangha rin ako lalo sa mga bukiring nakikita ko mula sa akin p'westo. Ang ganda, ang payapa.

"Mag-jowa ka muna," tugon ni Monique na aking sineryoso.

"Bakit? Kailangan ba may jowa muna bago makabili ng lupa?"

"Ito naman, biro lang. Seryoso ka masyado. Oh, nesfruta para mahimasmasan ka," natatawa niyang tugong muli. Hindi ko naman pinansin ang isang baso ng juice na inilapag niya sa harap ko.

Nasa harap ko si Monique habang si Jeddah naman ay katabi ng upo sa gilid nito. Napalibutan namin ang kahoy na mesa na sakto lang ang laki.

I sighed and looked at Monique seriously. "Really? Hindi ko gets. Bakit nasa traits nating mga pinoy na puro lovelife at pag-aasawa ang nasa isip natin or magiging bahagi ng usapan instead of our dreams? O kung paano tayo aasenso bilang isang tao?"

"Ayos ka lang, dear? Seryoso mo masaydo," pag-alalang tanong ni Jeddah. Blangkong ekspresyon lang ang naibigay ni Sammuel sa akin na seryoso pa rin sa kakaluto.

"I'm so done with it kasi. Puro na lang mag-jowa ka muna. Mag-asawa ka muna, nauunahan ka na. Buti na lang nakapagtimpi ako. Kasi baka matanong ko rin kung kailan sila susunduin ni San Pedro," mahaba kong paliwanag na may inis sa boses.

Ewan, pero biglang hindi ako makapagpigil sa aking sinabi. Napahinto naman ako sa gitna ng aking inis nang maalala kong hindi pa pala ako dinadalaw. Napapikit naman ako nang mariin na dalaw ko na pala within this week. Kaya siguro ang init ng ulo ko at feeling ko big deal na sa akin lahat. I've been too emotional since yesterday. What a girl thing it is.

Tuluyan namang nawala ang aking pasensya nang inisin ulit ako ng dalaga. "Menopause ka na ba, Farrah dear?"

"F*ck you!" I cursed her angrily. Nagulat din ako sa reaksyon kong iyon.

"Stop cursing; Noel hates that," sambat ni Jeddah na ikinalaki ng mata naming lahat. Napayuko naman ako sa kaniyang sinabi. "Sorry," she mumbled.

Noel hates cursing. Ayaw niya rin kapag nagmumura ako. Pero nagawa niya na rin ang bagay na ayaw niya dahil sa akin.

Minsan iniisip ko na maybe that's one of the reasons why hindi talaga kami puwede para sa isa't isa ni Noel. He caused me so much pain. And in return, I'm not good for him either.

10 years na, pero may kung ano pa rin sa akin ang nag-aasam na sana magkaroon ng linaw ang lahat ng namamagitan sa amin para tuluyan na kaming sumaya pareho. Kasi sa aminin ko man o hindi, alam ko mismo sa sarili ko na all this time, hindi pa rin ako na heal completely. Ewan ko lang sa kay Vergara.

"Tigilan niyo na 'yan." Natahimik naman kami sa suhestiyon ni Sammuel. "Dumalo na kayo rito't makakain na tayo," utos niya pa.

Wala kaming sinayang na oras at sinunod siya. Lumipat kami sa mesa na kung saan tawagin nilang 'Espacio de Kainan'. Dito raw kasi sila kumakain kapag nagugutom na sila. Hindi naman ito masyadong malayo mula sa tinambayan namin kanina.

I let my long white dress be blown by the wind. Ang inabala ko lang ayusin ay ang buhok kong napadpad sa aking mukha dahil sa hangin. Kahit mataas ang sikat ng araw ay hindi ka mainiitan dahil ang hangin ay sobrang lakas din.

My eyes grew bigger when I saw the food he prepared. Puro ito lutong pang probinsya at seafoods. Wow, I love it all. Napahawak naman ako sa tiyan ko nang kumalam ito. Buti na lang hindi nila iyon rinig.

"Ang sarap naman lahat nito, 'ga," masayang komento ni Jeddah. Inilalayan naman siya ni Sammuel para makaupo sa tabi nito.

"S'yempre, ako ba naman nagluto?

"Yabang!"

Natawa naman ako sa dalawa. Iniisa-isa kong tiningnan ang pagkaing nakahain sa harap namin ngayon. Una kong kinuha ang kamote saka ang hipon na agad nakapukaw sa akong atensyon. Naglaway naman ako nang sinawsaw ni Monique ang saging niya sa baguong, kaya kumuha na rin ako ng akin.

Nagkamay lang kami habang kumakain. Ang mga pagkain kasi namin ay nakalagay sa dahon ng saging. Tila naging boodle fight ang dating nito. Ah, parang gusto ko na lang na ganito lagi. Parang gusto kong dito na lang ako tumira. Ang sarap. Ang saya. 

Maraming niluto si Sammuel, kaya paniguranong marami-rami rin ang makakain ko ngayon. Wala munang diet at healthy lifestyle for now.

Natahimik kaming apat dahil nakapukos na kami sa mga pagkaing ihinanda. Ang lugar na ito ay secret place na pinagmamay-arian ng pamilya ni Sammuel. Walang masyadong nakakapunta rito maliban sa mga nagtatrabaho sa kanila. Minsan, ang mga naninirahan dito sa Barrio kung gusto nilang pumasok o mamasyal ay kailangan munang dumaan sa kanila.

Sammuel's family is well known in the industry. Lalo na sa larangan ng negosyo. Kaya nga sila naging close ni Noel kasi nagkilala sila dahil sa mga pamilya nilang mga negosyante rin. Pero kahit mayaman si Sammuel, ni minsan ay hindi niya inabuso 'yon at nanatiling humble sa lahat ng pagkakataon. Kaya mas lalo siyang pinagpala.

"Bakit may naririnig akong ingay ng umaagos na tubig?" tanong ko bigla sa kalagitnaan ng aming pagkain. Napatigil naman sila gaya ko.

"Ah, 'yon ba? May talon kasi r'yan sa may dulo. Ano, maligo tayo pagkatapos?" si Sammuel.

"Talaga? Hindi ba mapanganib d'yan? Parang may mga wild animals yatang nakatira there?" I uttered seriously.

"Hindi naman. Iyan 'yong tinatawag ng mga taga rito na Hidden Talon Falls," Jeddah replied.

Napalingon naman ako kay Sammuel nang magsalita itong muli. "As La Del Barrio's motto says, there's no bad in trying," nakangiti niyang tugon. Napangiti na rin ako sa kaniya. Nilingon niya ulit kung saan nanggaling ang tunog saka nagsalita. "Nakaligo na kami ni Jeddah d'yan, kaya proven at tested na," he added.

Gaya ng aming napag-usapan, naligo nga kami sa Hidden Talon Falls na sinasabi ng dalawa. Tama nga sila, safe nga roon. Higit sa lahat, ang ganda. Kakaiba sa mga talon na minsan ko ng napuntahan. I don't know, siguro mas namangha lang ako sa kagandahan ng lugar at linaw ng tubig kahit na medyo asul na ang kulay nito dahil sa lalim.

Masasabi kong natuwa talaga ako sa pagligo namin. Sammuel taught Jeddah how to swim, kasi hindi naman talaga siya masyadong marunong kaya nakaagapay siya lagi sa kasintahan. Kami naman ni Monique ay todo langoy at kumukuha rin ng litrato minsan. Basta, sobrang worth it ng araw na ginugol namin sa Barrio na iyon. At alam ko balang-araw babalik ako, kasi hahanap-hanapin ko na ang Barrio.

Malapit nang maggabi ako nakauwi sa amin. Hinatid nila ako gaya ng nakasanayan. Sa bahay nila mommy muna ako umuwi kasi uuwi rin daw si daddy ngayon. Magkakaroon kami ng family dinner. Simula kasi nang makabalik ako rito sa CDO, sa sarili ko ng bahay ako umuuwi. Wala na rin ako sa condo ko rati.

"A worth-it gala with irreplaceable chipmunks," ulit kong basa sa caption ko sa Instagram post sa mga pictures namin kanina. I can't help but laugh a little about my caption. Well, tama naman.

Inilapag ko naman ang cellphone ko sa aking kama matapos iyon para makaligo at makababa na para sa dinner namin.

Matapos kong ayusan ang aking sarili ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad bumaba. I'm wearing a simple pambahay dress, kasi kami-kami lang din naman ang nandidito ngayon.

"Daddy!" masaya kong bati sa aking ama nang makababa ako. Insakto kasing kakarating lang nito galing sa trabaho. Pero hindi na siya nakauniporme.

"Mas lalo kang gumaganda, Sweetheart," komento niya. Kumalas naman ako sa aking yakap dito at tinaasan ng kilay.

"Asus, bolero talaga. Sinabi niyo lang 'yan kasi para makabawi, 'di ba,'mmy?" Napabaling naman ang atensyon ni mommy sa amin na busy sa kakalapag ng pagkain sa mesa.

"Aba'y ewan ko sa inyong mag-ama. Mabuti pa'y pumarito na kayo at makakain na tayo," utos niya, kumilos naman kami agad.

"Luto mo 'to lahat, 'mmy?"

"Oo, ako na ang nagluto. Wala kasi si Dalya dahil may emergency raw sa kanila. Pinauwi ko muna," she replied while her attention was still on the foods she cooked for us.

I can't help but crave what I saw on the table. Malapit na nga siguro ang dalaw ko kasi panay pagkain at gutom na lang ang palaging nasasagi sa aking utak.

"Hindi ka ba napagod, hon?" tanong ni dad sa asawa. Hindi ko na sila pinansin kasi busy na rin ako sa kakakuha ng makakain ko.

"Hindi naman, bakit?" wala sa isip na takang tanong ni mommy. Napatingin naman siya kay dad at napahinto sa pagsasalin ng pagkain sa plato nito.

"Good. Baka kasi mas mapagod kita mamaya," mahina niyang saad saka marahang hinalikan ang kamay ni mommy.

"Ang laswa niyo, dad. Yucks!" arte kong komento saka sila inirapan pareho. Natawa naman silang dalawa sa aking reaksyon. Now, my dad is hugging my mom sweetly.

My parents relationship isn't perfect either, like the normal couple I've met sometimes. Gaya ng iba, may mga lapses din sila. Pero sa kabali ng lahat ng 'yon ay nakakatuwang nagawa pa rin nilang ipagpatuloy kung ano ang mayro'n sa kanila. Lalo na sa kasagsagan ng isyung kinaharap nila pareho.

Siguro gano'n talaga ang relasyon, hindi naman porke't nagtagal ay perpekto na. Minsan ang mga hamon ang nagpapatagal at nagpapanatili nito.

Kung may natutunan man ako mula sa kung ano ang mayro'n sa amin ni Noel noon ay siguro madali o mabilis lang kaming sumuko pareho. Wala kaming matibay na pundasyon kasi miski ang mga sari-sarili namin ay hindi maayos at nagawa na naming hindi pagkatiwalaan ang isa't isa.

We ended our dinner with happiness and joy. Our hearts are full. I always thank God for that.

"Tapos na ba ito lahat, Lez? Or may need pa akong idagdag sa mga records na ito?"

Like what I used to do, balik normal na naman ang schedule ko sa Links. Nagtuturo na rin ako. Masaya ang unang linggo ko sa paaralan ko, kaya alam ko mismo sa aking sarili na hindi ako mabuburyo kahit ilang taon pa akong magtuturo sa kanila.

Ibinalik ko ang aking atensyon kay Leziel na ngayon ay nakatayo na harap ko. Pinatawag ko kasi muna siya saglit para itanong kung kompleto na ba ang lahat ng pinapagawa ko sa kaniya.

"Ayos na po lahat iyan, Miss, mula sa form hanggang sa mga important information ng mga bata," tugon niya. I nodded and smiled at her.

"Sige, salamat. Ibibigay ko na lang ito sa'yo mamaya. Maaari ka ng bumalik sa klase mo," utos ko rito.

"Noted po with thanks," she responded with a smile. "And by the way, Miss, your meeting with Shanaiia's parents is today. Don't forget about it, ngayon ang schedule no'n," dagdag niyang paalala. Napahawak naman ako sa aking noon sa kaniyang sinabi.

Ngayon pa nag-sink in sa utak ko na pinatawag ko pala ang parents niya. May napansin kasi ako sa bata about sa performance niya, akala ko mali lang ako. Pero pati pala ang iba niyang teachers ay napansin din iyon.

Shanaiia is afraid of involving herself with her classmates. Lagi siyang tahimik sa klase, gustong mapag-isa. Nagsasalita lang kung kakausapin siya, ngunit matamlay.

Nang makaalis na si Leziel ay binalingan ko ang report card ng batang noong nakaraang linggo ko pa nais kausapin.

I can't deny the fact that na hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na mali ang iniisip ko tungkol sa bata. Pero nang makita ko ang pangalan ng lalaking minsan ko ng minahal sa birth certificate at records niya, alam kong kapani-paniwala iyon talaga.

I calmed myself down and cleared my throat to speak. Nang makaramdam ako ng kunting kaginhawaan ng loob ay saka pa ako ulit nagsalita.

"Vergara," tawag ko lang sa nabasa kong pangalan. May narinig naman akong agarang sumagot.

Ibinaling ko ang aking sarili sa batang babaeng nakatingin ngayon sa akin. Nasa harapang upuan pala siya nakaupo. Kaso siya lang ang nakaupo sa raw na iyon at ang iba niyang kaklase ay nasa likuran niya na. Hindi ko naman maiwasang hindi mapamangha sa ganda ng kutis nito. Mestiza, mana sa ina.

"Yes, teacher?" pormal niyang tugon. But I felt the shyness and emotionlessness in her voice.

"Shanaiia, right?" diretso kong tanong ulit, tila wala lang sa akin ang iniisip ko. Tumango naman ang bata.

"Opo, why po?"

"Kaano-ano mo si Mr. Vergara?" Pilit kong itago ang kaba sa aking boses habang tinatanong iyon sa kaniya. "S-si N-Noel V-Vergara."

Alam ko naman na, nais ko lang na sa bibig niya misamo manggaling na ama niya nga ito. 

"He's my dad po. Ama ko po siya. Bakit po, teacher?

Iyon na yata ang pinakamahaba niyang tugon na narinig ko simula no'ng naging teacher nila ako.

"A-ah..." I lost my words. Nagulat naman ako nang lumiwanag ang mukha ng bata nang bigla siyang napatingin sa labas. Her mood changed unexpectedly, which shocked me.

"Ayun po siya, teacher, oh! Si Mr. Vergara, daddy ko," masiglang aniya sabay turo sa lalaking itinanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang aking mata nang mahuli niya ang aking tingin.

IMPORTANT ANNOUNCEMENT: LA DEL BARRIO does not exist. Gawa-gawa lamang ng may-akda ang lugar na ito. Hindi po ito nag-e-exist kahit saan, maging sa CDO.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top