Kabanata 30
Kabanata 30
The truth will always be the truth, while the lies will remain forever.
Kahit malaman man ng lahat ang totoo, hindi pa rin maaalis sa isip nila ang kasinungalingang una nilang narinig kaysa katotohanang nasa hulihan na.
Mahina kong sinampal-sampal ang aking sarili para magising ako. Hindi na ako umiiyak ngayon. Nagawa kong patahanin ang aking sarili gaya ng aking nakasanayan.
I looked myself in the mirror seriously. Hindi ko na rin alam kung papaano ako napunta rito. All I know is agad akong umalis do'n matapos aminin ni Joseph sa kanilang lahat ang totoo.
Alam kong darating ang araw na ito. Alam na naman ni Noel ang totoo dahil inamin iyon ni Sammuel sa kaniya. Pero iba pa rin ang nangyayari ngayon, dahil sa kay Joseph na mismo nanggaling ang katotohanang minsan ko nang hinahangad sa kaniya.
I breathe slowly and make myself relax for awhile. Ayos lang ang lahat. Nangyari na ang pinangarap ko kaya magiging maayos din ako.
When I felt relief, saka ko inayos ang aking sarili. I retouched and collected myself. Napagkawala ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga at napagpasyahang lumabas sa banyo. I need to go back. I need to act okay and not affected. 'Tsaka hahanapin pa namin ni Monique ang dalawang kumag na hindi ko pa nahagilap.
Mabilisan akong nakalabas sa banyo dahil walang masyadong tao. But I can't deny na may nakikita akong mga couple that doing something. Binalewala ko lang ito kasi nasanay na rin ako. When I finally get out myself there napaigtad naman ako habang naglalakad pabalik nang may isang rebulto akong nakita nakasandal sa pader.
He still looks so damn handsome in his suit. Medyo nagulo na ang buhok niya ngayon. Napalunok naman ako nang makita ang mugto niyang mata at namumula niyang mukha. He's drunk, perhaps.
I don't know what to say or what he's doing here. Imbis na mag-akyasa ng oras ay nagawa ko siyang lampasan. Pero hindi pa man ako nakagawa ng ilang hakbang ay nagawa niya akong pigilan.
"Why didn't you tell me the truth?" Napako naman ako sa tanong niya. Dahan-dahan, akong humarap sa kaniya na may blangkong ekspresiyon sa mukha.
Tumayo siya nang maayos mula sa kaniyang pagkasandal. Nakagat ko naman ang aking labi nang mapatingin siya ng deritso sa akin. Those eyes—I missed them looking at me like this.
"Bakit hindi mo inamin sa akin 'yon? Bakit kailangang sa kaniya ko pa talaga marinig? At hindi sa'yo, mm?" sunod-sunod niyang tanong na nagpapukaw sa akin. I chuckled a bit because of that.
"Why ask yourself, kung bakit hindi mo iyon narinig mula sa akin?" seryoso kong tanong pabalik.
He moved closer to me, but nagawa kong lumayo nang kaunti. I remain firm and act normally. But my eyes grew bigger, just as my heart beat fast, when he spoke again.
"I want a closure. Gusto kong maliwanagan sa lahat," kaswal niyang suhestiyon. Hindi ko naman alang kung matatawa ba ako o magagalit.
Minuto ang lumipas nang balutin kami ng katahimikan. It seems my cells shut down because of what I heard. I tried to manage na umastang hindi ako naapektuhan sa nais niya.
I cleared my throat and replied. "Closure? Maliwanagan? Malinaw ang lahat, Noel. That situation or case was done. Naghiwalay na tayo dahil d'yan. At 'yong sunod nating breakup, iba ang dahilan no'n. Hindi si Joseph," mahaba kong tugon. He just looked at me seriously.
I can't imagine na nakaya niyang bitawan ang mga salitang iyon sa harap ko without breaking his voice and hesitation. Ito ba ang ipinagbago niya sa loob ng sampung taon? Ang mas kumapal pa lalo ang kaniyang mukha?
"That's not my point—"
"Then, what? Alam mo naman ang totoo, 'di ba? Sammuel tells you the truth already! Nakalimutan mo bigla?" putol kong sigaw sa kaniya. Ewan, I suddenly lost my temper.
Natauhan siya sa sinabi ko. Parang bigla siyang nahimasmasan at napatayo nang mas maayos sa aking harapan. I witnessed kung paano siya nanggigil na hawakan ako sa aking kamay, pero hindi ko siya hinayaan. Not anymore.
"Yes, I know that already. Pero maliban sa narinig ko kanina. Bakit hindi mo sinabi sa akin na sinabi mo 'yon sa kaniya, ha?"
"Bakit, Noel? Kung sasabihin ko ba 'yon, may magbabago ba? Have you forgotten that you deny what we had before and didn't even give me a little chance to explain myself to you? 'Di ba, mas pinili mong iwan at hiwalayan ako agad kaysa makinig? Ano pa ba ang pinag-iinarte mo, ha?"
"Please, lower your voice. Don't be mad at me. I can't stand it anymore," pakiusap niya. Natawa naman ako sa kaniyang reaksyon nang nilibot niya ng tingin ang paligid namin.
Nagbago na ang lahat sa kaniya, boses at iba pa maliban sa pagiging ganito. He's still afraid that someone will hear us habang nasa ganitong sitwasyon. I sighed and faced him again when he locked his eyes on mine.
"Lasing ka lang kaya ka gan'yan. Try to show your f*cking face tomorrow and tell me all that you have said tonight. Tingnan lang natin kung sino na naman ang magiging duwag," I said, smirking. I saw how his jawline tightened.
"Carolina—" I cut him off again.
"Stop! Tigilan mo na ako! It's been ten years. We're done. That's it!" I exclaimed. I was about to turn my back on him when he did something that made me stop from doing so.
"I still love—"
"Saan ba si Mabhel? Wala na naman bang magtatanggal sa kati ng katawan mo kaya ka ganito ngayon?" nawawalan nang pasensya kong putol na sumbat. Nanggigil na ako. I clenched my fist and was angry at him without a choice. He's gone crazy! "Be professional, Vergara, hindi ka na bata," matigas kong sabi sabay talikod sa kaniya para makaalis.
You hurt me a couple of times; you will get much in return, Vergara.
Baliw siya. Nababaliw na. But if my presence really made him crazy, maybe by next morning he will be at the mental hospital to fix and rehab himself.
"Ayos ka lang, Miss Mercado?" she asked. Napatigil naman ako sa kakatingin sa mga class record ng estudyanteng tuturuan ko simula sa susunod na linggo. I glanced at her and nodded.
"Ah...yes, Leziel," I replied. She's one of the teachers that I hired for Links. Magaling siya. More qualified. Ngiti lang tugon niya sa akin, kaya nagawa kong magtanong ulit. "But can you do me a favor?"
"Yes po. Anything for you," masigla niyang tugon habang nakataas ang pareho niyang kilay.
I massage my head. Ang bigat ng ulo ko, siguro resulta 'to ng sobrang pag-inom ko kagabi. Hindi ko alam kung anong oras na kaming nakauwi ni Monique. Natapos na lang ang alumni na ginanap; hindi ko man lang nasilayan ang magkasintahan. Until now, wala akong balita sa dalawa. Pero may plano akong bisitahin sila mamaya.
"Can you buy me a coffee? Iyong barako sana para magising talaga ako. Nasobrahan yata ako sa alak kagabi," suyo ko sa kaniya. Lumiwanag naman ang kaniyang mukha. She's wearing our school uniform. Kulay navy blue, up and down. Iyan ang suot nila tuwing lunes, myerkules, at byernes. Iba naman sa natitirang school days.
"Sa alak lang ba talaga, Ma'am?" biro niya. Kunot noo naman akong napatingin dito. "Joke lang po. Sabing bibili na nga," natatawa niyang bawi.
Iniwan niya muna ang mga inasikaso niyang bagay sa kaniyang mesa. Nasa office kami ngayon, at kami lang ang naririto kasi may klase iyong iba. Si Leziel ang mas close ko sa kanila. At siya rin ang nag-guide at tumutulong sa akin tungkol sa mga need kung habulin ang gawin sa pinapatayo kong paaralan.
Bago pa man siya tuluyang umalis ay nagawa ko siyang pigilan muna. "Sandali, Leziel. May tanong ako, bago ko kamalimutan," pigil ko rito. She gazed at me. "Itong si Shannaia Vergara, kaninong anak 'to?" She sighed while thinking.
Bakit ka-apilyedo niya si Noel?
"Ah, not sure po kung sino ang ama niya. Ina niya lang kasi nalaman ko at naik'wento sa akin noon nang mag-enrol siya rito kasama ang personal nurse niya," mahaba niyang tugon.
Ewan, pero may kung ano sa dibdib ko ang nag-udyok para makabahan ako. Napabaling ulit ako sa pangalan ng bata sa papel na hawak ko. Kaanu-ano ba siya ni Noel?
"G-gano'n b-ba?" pilit kong sabi. Tumango naman siya sa akin. "Sino raw mommy niya?"
"Hindi niyo pa ba nakita birth certificate niya, Ma'am?" She trailed off. Mas lalo naman akong kinabahan. Paano kung tama ang hinala ko? Ngunit ang lahat ng 'yon ay nawala bigla sa aking isipan nang tugunin niya ako agad-agad. "Parang Ma...Oo, Mabhel nga yata ang nakalagay ro'n?" My jaw dropped as my heart ached.
Para akong nanghina sa aking narinig. Tila huminto ang ikot ng aking mundo. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nawala sa akin bigla ang lahat ng iniisip ko na parang bula.
Si Mabhel—may anak sila ni Mabhel?
"Baka hindi siguro. Nagkamali lang siguro Leziel. Patanong nga 'yong pagkasabi niya, 'di ba?" Monique asked.
Nang makipagkita ako sa kanila, agad kong binalita sa mga ito ang mga narinig at natuklasan ko mula kay Leziel. Like me, they are also trying to solve the puzzle.
Nakaupo sila pareho ni Jeddah sa harap ko ngayon. Nasa pool ko kami dahil mas gusto ko rito muna para gumaan man lang ang takbo ng aking isip at damdamin.
Wala si Sammuel. But Jeddah explained to us the full details, kung bakit hindi sila nagpakita sa akin sa alumni. Nag-away pala ng dalawa at hanggang ngayon, nagkakaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan.
"Paano kung totoo? Possible rin naman kasi. Naghiwalay nga kami dahil may ginagawa silang himala, eh," naguguluhan kong tanong.
Nagpatuloy ako sa paglalakad na pabalik-balik habang kinakausap ang mga ito. Napahilot naman si Jeddah sa kaniyang noo na tila nahihilo sa aking ginagawa.
"What if you try to ask Noel? For sure, masasagutan 'yang mga katanungan mo," she suggested. Napatigil naman ako sa nais nito.
"No. I will not do that." Napahilot ako sa akong sentido. I don't know why I act this way.
"Totoo man o hindi, wala ka ng magagawa ro'n. Wala na naman kayo. So what's the matter?" Natauhan ako roon.
"Wala," tipid kong sagot. "Nagtatanong lang," pilit kong sabi habang umiiwas sa tingin nilang nakakaloka.
Until now, hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko nang malaman ko iyon kanina. Tila ba may nagsasabi sa akin na kung totoo man ito, tuluyan na talagang lalayo sa akin si Noel. Pero hindi naman dapat ako maninibago roon dahil wala na naman talaga kami. At malabong magiging maayos kami ulit.
I felt my emotion, love, and reason cells fighting inside my brain. Para bang nagkakaroon ng sagutan ang mga ito sa utak ko. Ano ba dapat ang sundin ko sa kanilang tatlo? At alin nga ba sa mga ito ang mas nangingibabaw?
"Ikaw nga, Farrah, aminin mo nga. Do you still into Noel? May feelings ka pa rin ba sa kaniya hanggang ngayon?" si Monique. Napatakim naman ang bibig ko sa tanong niya. Lalo na't pansin ko sa kaniyang boses na seryoso siya.
They are both looking at me intensely right now. Alam kong wala na akong takas pa.
"N-no! Not a-anymore," I uttered, my voice cracking.
"Then why are you bothered when you know that may anak sila ni Mabhel? Hindi ka naman magiging gan'yan dapat. Unless..." huminto siya sa patuloy na pangungulit niya sa akin. Mas lalong domuble ang kaba sa aking puso. Mas tumindi ito sa sunod na binitawan niyang salita. "You still love him," she said, smirking.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top