Kabanata 29
Kabanata 29
I massaged my temple gently when I stopped the car in front of the university, where I thought I could wear my black toga while accepting my diploma. It's been awhile, and it still gives me a different kind of pain. But reminiscing about it right now makes me smile as well.
Dito ako nadapa, pero ang unibersidad din na 'to ang dahilan upang ako'y bumangong muli.
This school is proof that all the darkness we may encounter isn't an excuse for you to fail more. Kung nag-failed ka, sikapin mong makabawi o bumawi. Kahit hindi na para sa iba, para sa sarili mo man lang.
I really believed that we had different paths to take. Our delays have a purpose, and our shortcoming is a blessing. Hindi porke't pinagkaitan ka minsan ng mundo, pagkakaitan ka na nito habang buhay. Let's just say, na hindi ko pa oras ang mga araw na iyon kasi may mas nakalaan na tamang oras para sa akin—at sa akin lang.
Sana maisip natin na hanapan ng magandang dahilan o rason ang mga pangit na pangyayaring minsan na nating tinahak. Because all the beasts in us have beauty. And that beauty will help us keep going and keep dreaming.
Ang buhay ay parang tubig, wala o hindi man aagos ngayon...baka bukas. Matuto ka lang maghintay na may kasamang gawa.
Nang makalabas ako sa kotse ko, ang kanta ng Parokya ni Edgar na Alumni Homecoming na agad ang bumungad sa akin. I felt relief when it reached my ears. Ang sarap sa pakiramdam. Parang kailan lang.
"Dear, dito!" Naagaw ang atensyon ko sa sobrang lakas ng boses na tumawag sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na nasa loob na pala ako ng pinagganapan ng event. I smiled awkwardly. I didn't even bother myself to roam around, kasi hindi ko rin alam kung paano. Agad akong nagmartsa papunta sa direksyon ni Monique na pilit pinapakalma ang aking sarili. God, kakahiya. "Ang tagal mo naman," reklamo niya nang makalapit ako sa kaniya.
"Sorry. Dumaan muna kasi ako sa Links," pagrason ko sabay hinga ng malalim.
Nasa kaniya lang talaga ang tingin ko. Para akong nawalan ng lakas ng loob para tingnan ang ibang taong naririto ngayon.
Isang linggo na mula no'ng nakauwi ako rito sa CDO, pero para sa akin ay parang kahapon lang. Naging busy kasi ako during that day, lalo na sa Links. But I managed to have time to party muna kahit saglit at gumala kasama ang mga kaibigan at parents ko.
Natauhan naman ako mayamaya sa kakaisip ng kung anu-ano nang magsalita ulit si Monique.
"Kuya, one glass please," hinging tawag ni Monique sa waitress. Agad naman siyang inabutan ng isang wine glass nito. "Ayan, thank you," pasalamat niya, ngiti lang ang itinugon ng binatang nag-abot nito.
I can't recognize kung anong batch ang mga naririto ngayon, hindi kasi kami nagsusuot ng mga batch T-shirt like sa ginagawa sa lower level. Pabunggahan kasi ang datingan ng mga naririto, iyon ang napansin ko.
I just wore a not-so-formal dress today. Iyong bagay lang sa ganitong event. Parehas kaming naka-gold dress nila ni Monique, kasi ibinagay namin ito sa tema. Pero magkaiba kami ng desinyo. Monique is wearing a tube-long dress hanggang talampakan, while I'm wearing a fitted dress hanggang tuhod ko. May strap ito, manipis lang saktong makakapit sa balikat ko ang damit. Hindi ko alam ang design ni Jeddah; hindi ko pa kasi siya nakikita ngayon.
I came back to my senses when she gave me the glass. "Thanks." Sabay kuha ko sa baso.
Nang makaramdam ako ng kakapalan ng mukha, naisipan kong silipin ang paligid. Iyong silip na madalian, pero hindi nakatingin ng direkta sa tao.
"Ang dami pa lang tao, hindo ko in-expect 'to," komento ko sabay tungga sa hawak kong alak.
"Mas rarami 'to mamaya. Look, they're watching you, oh. Ang ganda mo kasi ngayon. God, kung lalaki lang ako, kanina pa kita dinala sa dance floor," she replied while having a smile on her face. Natawa naman ako.
"Sira." I decided to sit on the chair. Nasa table kami ngayon na kami lang dalawa. I think she reserved this for us. Nang makaupo na ako ay saka ako nagsalitang muli. "Si Jeddah?"
"Nag-retouch lang sila ni Samboy. Pero alam kong ibang retouch ang ginawa ng mga 'yon," she responded, laughing a bit.
"Monique," mahina kong awat sa kaibigan sabay dilat ng aking mata.
"What? Tama naman ako, ah?" I just rolled my eyes. Everything changes except for her dirty mouth and green mind.
Hindi na ako nagsalita pa after no'n. Nasa multi-purpose hall kami ng unibersidad namin. Dito kasi kadalasan ginaganap ang ganitong event, lalo na kapag malalaki at marami ang taong.
I was peacefully sitting on my chair, looking at the people where my eyes led, and sipping on my wine when Monique spoke again.
"Girl, look who's coming..." tawag niya sa aking pansin na ikinalingon ko sa ininguso ng kaniyang labi.
My world suddenly spun slowly when I saw the man talking. Ramdam ko namang nanunuyo ang aking lalamunan. I also felt how my heart raced, like there was a race happening inside it. Feeling ko, mawawalan ako ng hininga.
It's been a decade, ngayon ko lang siya makikitang muli. Bigla namang tumugtog ulit ang kantang narinig ko kanina na tila sinasadya sa nakikita ko ngayon.
Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita.
Pagkalipas ng mahabang panahon
High school pa tayo nu'ng una kang nakilala.
That lyric hit me when I saw him now happily walking in my direction. Alam kong makikita ko siya rito ngayon, pero hindi ko akalain na sabay sila pareho.
"Si Joseph," dagdag na komento ni Monique. Mas bumilis ang tibok ng aking puso. Pero hindi ko iyon pinansin. Nasa isa ang tingin ko. He's also here. Both of them are here.
At tandang-tanda ko pa, noon pa ma'y sobrang lupit mo na.
Hindi ko lang alam kung paano, basta biglang nagsama tayo.
'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako.
The last stanza that I heard from Parokya ni Edgar's Alumni Homecoming was when my eyes reached the eyes of the man that was walking in the coolest way, na nakasunod kay Joseph.
Mas lalong nag-iba ang kabang aking naramdaman ng pareho kaming nakatingin sa isa't isa ngayon. Tila hihinto na ang takbo ng aking paligid. Nanumbalik naman sa akin ang alaala ng kahapon. He locked his look in me: Gusto ko namang makawala sa titig niya, pero hindi ko alam kung papaano.
Para akong nabingi sa tibok ng aking puso. I lost everything I had in my mind because of his presence. I was about to try my best to smile at him when he stopped out of the blue by looking at me, but someone made everything go back to normal.
"Mercado," a familiar voice called, which made me more nervous. "It's been awhile," he added. Nasa likuran niya pa rin ang tingin ko. I glanced at him for a second. Saka naisipang ibalik ang tingin ko sa lalaking katinginan ko kanina kaso wala na ito roon.
My eyes were about to search for him, but someone spoke again. "You've changed a lot," he commented. Napangiti naman ako nang pilit.
"S-santos," utal kong tawag sa kaniya gamit ang kaniyang apilyedo. "You're here rin pala," I mumbled. Nakita ko naman ang kaniyang pagngiti sa akin.
"Of course. Alumni nga, 'di ba? So expected na nandito rin ako," mayabang niyang sabi. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang pinagbago.
"Yeah, hehe," I awkwardly replied.
"Where's your boyfriend? Ex rather. Galit pa rin ba sa'yo dahil sa ginawa natin noon—" He wasn't able to finish his sentence when someone cut him off. I felt calm because of that. Thanks, God, for giving me an angel.
"Excuse me? Mercado," agaw tawag ng babaeng pumutol sa sinabi ni Joseph. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
I know her, but hindi ko masyadong tanda. She grabs my wrist gently. Napanganga lang ang labi ko sa ginawa niya.
"Halika, kayong dalawa ni Monique. Sali kayo sa amin, you owe us many explanations," dagdag niya pang paliwanag habang may malaking ngiti sa labi.
Aalma sana ako sa nais niya, pero hindi ako nagtagumpay nang mabilisan niya kaming dinala sa kung saan niya gusto kaming dalhin. I also noticed that Joseph was following us. For Pete's sake, lumayo ka muna kahit ngayon lang!
Nagpatianod lang kami parehas ni Monique sa hila ni Ada. Ngayon ko lang naalala ang pangalan niya. Kaklase siya Noel, iyon lang naalala ko tungkol dito.
Minsan akong sumusulyap kay Monique, na kagaya ko ay wala ring choice at ideya kung saan kami dadalhin ng babaeng 'to.
Minutes later, bigla siya tumigil sa isang p'westo na kung saan medyo marami ang naroon. More on Business Students. I wonder if kaklase ba ito ni Noel lahat.
"Guys, she's here with her best friend!" sigaw na balita niya sa mga kaibigan nito na ikinalingon ng lahat sa amin.
Hindi ko inabala ang sarili kong tingnan sila isa-isa, not until someone catches my attention. He's here. Mga ka batch niya nga ang mga ito. So, what's with them? Bakit nila kamo dinala sa table nila?
Before I avoided looking at him, I noticed his suit. He's wearing a black tuxedo and a plain gray T-shirt. Simple, pero ang astig tingnan. Mas pumugi siya lalo dahil sa earrings na mayroon siya sa isa niyang tainga. I'm never going to lie, but he's more manly right now by looking at him.
Napabalik ako sa realidad when someone made me stop studying Noel's. "Owemji, ang ganda mo lalo, Mercado," komento ng isang babaeng kulot na hindi ko kilala.
They knew me, but wala akong ni kunting ideya kung sinu-sino sila.
"She's a goddess," sabi ng katabi ni nito. I smiled forcefully. I don't know how to react.
"Nakakainggit." Napadako naman ako sa nagsasalita na nasa malapit kay Noel. Chance rin iyon para magkatinginan kami ulit. Agad naman akong umiwas dahil tila nalulunod ako sa bawat titig niya. Seryoso, nakakalasing.
"Parehas sila ni Monique, ang gaganda," a woman praised us while sitting beside me.
"Small things," malditang tugon ni Monique Medyo nahiya naman ako roon, kaya siniko ko siya.
"Ang ganda niya talaga." Napalingon naman ako sa kanan ko nang marinig ko iyon. There I saw a woman na medyo kaedad ko lang, who was smiling at me. Napangiti naman ako dahil sa kaniya.
"T-thank y-you," bulol at hiya kong pasalamat.
I get much praise and good words today, but isang tao lang ang hinihintay kong magsabi sa akin ng mga iyon. Ewan, pero kahit naiilang ako sa sitwasyong ito ay may kung ano pa rin sa akin na makarinig ulit sa boses niya. Is it still the same, or does it become more husky?
Napalingon naman ako nang mabilisan ng may marinig akong tumikhim sa may kinauupuan ni Vergara. Naging dahilan ito para mapatingin ulit ako sa kaniya. He still has those looks, Seryoso. Is he studying me?
"What do you think, bruh? Wala ka man lang sasabihin about her glow up?" tanong ng lalaking alam kong nakita ko minsang kasama niya. I think kaibigan din siya ni Noel. Wala kasi akong masyadong malapit na kaibigan niya noon, si Sammuel lang.
Napukaw naman lalo ang atensyon ko dahil sa lalaki nang matawa ito habang nakatingin kay Vergara. Nakagat ko naman ang aking pang-ibabang labi nang walang emosyon pa rin itong nakatingin sa akin. What's with him?
"God, hanggang ngayon ay natutulala ka pa rin sa kagandahan ni Mercado, Vergara?" Tanong niya ulit na naging dahilan para mas tumindi pa lalo ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
"F*ck!" Noel cursed and stood up from his seat. Nalaglag naman ang panga ko nang tumayo ito, saka iniwan kaming lahat. He's massaging his temple intensely while walking out.
Gulat din ang nakikita ko sa mukha nang mga kaibigan niya nang maibalik ko ang tingin ko sa mga ito nang tuluyan siyang mawala sa aking paningin. Galit ba rin ba siya sa akin?
Ano'ng karapatan niya, eh, ako naman dapat ang magalit sa kaniya?!
The crowds become more wild. When we decided to sit on their chair at sumabay sa kanila ay mas lalong tumindi ang paligid. Nag-party na nga ang mga tao nang tuluyan.
I hadn't seen the couple yet. Ewan ko kung saan dinala ni Sammuel si Jeddah. Mas sumakit pa lalo ang utak ko sa kakaisip kung bakit hindi na bumalik si Noel sa mesa nila. Siguro dahil sa akin.
I feel dizzy. Siguro tinatamaan na talaga ako ng alak na inaalok sa akin ng mga kasama ko ngayon. Monique is drunk also, tumatawa at kung anu-ano na ang pinagsasabi ngayon sa tabi ko.
"Truth or dare?" tanong ni Ada nang ipinagpatuloy niya ang laro. I remember, Kaya pala ako nalalasing na dahil sa laro niyang 'to.
When everyone got bored, we decided to plan a game. At ang larong 'to ang naisipan nila. Nakaka-miss daw kasi. Pero hindi ko naman maiwasang hindi mapangiwi dahil sa larong 'to.
This game changed everything that Noel and I had before.
"Dare," sabi ng kaibigan na katabi niya. Naghiyawan naman ang paligid.
"Kiss him! Kiss him! Sa lips. Smuck lang! Kiss," utos ni Ada. My eyes grew bigger when she suddenly kissed the man na tinuturo ng grupo na naka-eye glasses. Nagulat naman ang lalaki.
"Woah! Woah!" mas malakas na hiyawan ng lahat matapos ang halik. God, I didn't expect this one.
"Truth or dare?"
"Dare!"
Iyon palagi ang naririnig ko habang lumalalim ang gabi at nagpatuloy ang laro. I just sip my wine while watching them. Minsan naman akong napalibot nang tingin when I always felt someone was watching me. Pero hindi ko naman nahuhili kung sino.
"Mercado, your turn! Truth or dare?"
My world stopped when I heard that question. Napabaling naman ako kay Monique na nakatingin na rin sa akin ngayon. Nagulat din siya.
I swallowed hard. Saka naisipang sunggaban ang tanong niya. "I don't want to do the dare started that day, so truth," kaswal kong tugon, tila ba hindi ko alintana ang kaba sa aking dibdib.
Just relax, Farrah. Don't take the questions seriously. Laro lang 'to.
"Wow! Kauna-unahang nag-truth, kakaiba 'to. Mas exciting," anunsyo ni Ada na mas lalong nagpaintriga sa lahat ng naririto sa grupo namin ngayon.
"So, Mercado..." Mas lumakas naman ang kabang mayro'n ako nang masabi niya iyon. I closed my eyes to analyze all that was happening now. Kumalma muna ako bago nagdilat ng mata at ibinalik ang tingin sa dalaga. "Totoo ba ang usap-usapan na may nangyari talaga sa inyo ni Joseph noon kaya kayo naghiwalay ni Vergara?" My jaw dropped.
Sabi ko na nga ba!
I felt Monique make a move on her chair. Pero binalewala ko lang iyon.
"I...I think the question is beyond the belt na. Can you change it?" Napalingon naman ako nang agaran sa kaniya. Tinabig ko ang kamay niya at umiling. Telling her that I can take the question normally and that I am okay.
Ang totoo. Iyon ang kailangan nilang malaman. So I need to answer it.
"Nag-truth na siya, Monique. Come on, Mercado," patuloy ni Ada. I shrugged. Wala na akong choice kundi patulan ang larong 'to. I gulped hard to calm myself a little bit.
"Ahh—" Someone from behind cut me off.
"No! We didn't do those things," matigas niyang sambat. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
Hindi ko alam kung dito lang ba siya since magsimula ang laro o kakarating niya lang. He moved closer in our direction and was seriously looking at me. Kung ano man ang mga sasabihin niya, nakahanda ako.
I felt the tension between us. Para bang, mayroon sa akin ang kinakabahan na baka babaliktarin niya na naman ako. Oo, inamin niyang hindi namin talaga iyon ginawa. Pero paano kung babawiin niya rin pala?
"—Joseph," pigil ko rito. Pero wala yata sa plano niya ang pakinggan ako. He let out a deep breath and put his hands inside his pocket before continuing talking.
"She didn't even let me kiss her because she said she's committed and only wants to do that with Noel, the person she wanted to spend the rest of her life with," pag-amin niya sa kanilang lahat na dahilan ng pagbaksak ng aking mga luha.
Sakto namang nakita ko ang seryoso, pero may bahid ng sakit na reaksyon ni Noel habang nakatingin sa akin.
Kanina pa ba siya nakatingin at nanonood habang naglalaro kami?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top