Kabanata 27

Kabanata 27

Loud music. Crowd. Men dancing. Drinks and laughter.

Those are the things that I've missed. I stopped hearing and having those with me since I met Noel. But now, I can do it all accordingly. I can be free. And no one can stop me.

Minsan, may mga bagay talaga na akala natin tutuluyan na nating lalayuan para lang sa isang tao. Pero darating din ang araw na ang taong iyon ay muli ring maging dahilan para mabalikan mo ang mga bagay na minsan mo nang iniwan.

"One tequila, please," utos ko sa bartender na agad niya naman sinunod. Matapos niyang lagyan ang maliit na baso ng inumin na order ko ay mabilisan niya itong inabot sa 'kin. "Woah! Heaven!" masaya kong komento matapos ko itong lagukin nang malaya.

Freak, I missed this. I missed doing all of these.

Napalingon naman ako sa aking likuran nang may kamay na pilit agawin sa akin ang baso na hawak ko.

"Girl, lasing ka na, oh. Stop it already," awat sa akin ni Jeddah. I smiled at her and chuckled.

Kainis, ang ganda talaga ng babaeng 'to! Ang s'werte ni Felicilda.

"No! Kakasimula ko pa nga lang," angal ko at hinigpitan ang hawak ko sa baso. Napahawak naman siya sa akin nang bigla akong matumba.

Kanina pa kami rito, alas 5 ng hapon. Insaktong uwian nila. Alas nuebe na ng gabi, kanina pa ako nag-iinom pero ayaw ko pa'ng tumigil.

Babawiin sana ni Jeddah ulit ang baso nang may nagsalita sa likuran niya para pigilan siya sa kaniyang nais.

"Let her, nandito naman ako," malamig na komento ni Sammuel. Inirapan naman siya ng kasintahan. Nakakainggit din ang relasyon ng dal'wang 'to.

"Pero, 'ga, lasing na siya. Tingnan mo ang mga titig ng mga lalaking nandidito sa kaniya, oh," maktol ng babae. Sammuel shrugged.

"I can handle it," he said. Napahawak naman ang kamay niya sa beywang ng dalaga. "Samahan mo na lang si Monique ro'n," he commanded. Saka maingat na inalalayan ito sa daan patungo kay Monique.

I can't help but laugh seeing Monique, who's also drinking alone. Naisahan na naman siguro ng syota niyang marino.

Nang mapansin kong wala na sa akin ang atensyon ni Sammuel dahil nakabantay ito kay Jeddah, nagkaroon ako ng tyansang iwan siya. Dali-dali naman akong kumilos papunta sa table ng mga lalaking kanina pa nakatingin sa akin.

They are a group of men. Feeling ko ay sa OSU rin sila nag-aaral. Mga IT students. Nang makarating ako sa mesa nila, lumapit ako nang walang pasabi sa lalaking naka-cross ang legs na medyo may itsura rin. Inagaw kasi ng sigarilyo niya ang atensyon ko.

Napamura naman ako sa aking isipan nang may maalala ako sa sigarilyo. P*ta, hanggang dito ba naman susundan pa rin ako ng alaala niya.

"Hi, pogi. Do you smoke pala? Can I try that?" matapang kong tanong dito. Napaupo naman siya nang maayos.

He was about to give it to me, but hindi siya nagtagumpay nang may bigla pumigil sa kamay nito.

"No. Pasensya na, pare, nasobraan lang ng alak," matigas na wika ni Sammuel. Tumango naman ang lalaki bilang pagsang-ayon.

"S-Sammuel, g-gusto k-ko 'yon," reklamo ko habang hila-hila niya ako palayo sa mga ito.

Gusto ko lang naman subukan, eh? Baka kasi mas maging maayos ang pakiramdam ko kapag nakapag-yosi.

Malapit na kami sa mesa nila Jeddah huminto. Padabog niyang binitawan ang kamay ko at humarap sa akin.

"You can drink, but don't smoke," bilin niya. I sighed and crossed my arms tightly.

"KJ!" Umakto ako na naiinis. Nawala naman bigla ang aking pagkatampo sa kaibigan nang may nakita akong lalaking may hawak na beer papalapit sa kinatatayuan namin. He's cute, chinito. "Hi, can I have some?" pa-cute kong paghingi. Mas lumaki naman ang ngiti niya sa labi, nawala tuloy ang kaniyang mata.

"Sure, beautiful. Here, you can have it with you," aniya, saka ibinigay sa'kin ang isang bote ng beer.

"T-thanks," matagumpay kong pasalamat.

Uminom ako ng isang beses. Napapahid naman ako sa bibig ko nang matapon ko ito. Napailing-iling naman si Sammuel na nanonood sa akin. His hands are in his pocket. Suplado!

Lumingon-lingon ako sa paligid. Nagningning naman ang aking mga mata nang may pumukaw sa aking atensyon. I bit my lips and wet them.

"Hoy, gwapo!" tawag ko naman sa lalaking nakatayo sa aking gilid. He pointed himself out of surprise. I nodded. "Oo, ikaw. Halika," I commanded again. Wala siyang choice, kaya napalapit siya sa akin. "Sayaw tayo?" Nilaro ko naman ang baba ng boteng hawak ko.

I touched his body. Napaatras naman siya. Pansin kong takot siyang napatingin kay Sammuel na ngayon ay walang emosyong nakamasid sa akin.

"Nako, Miss, nakatingin boyfriend mo, oh. Ayokong masapak. Sige," kabado niyang tugon saka ako iniwan. My jaw dropped while I was facing Sammuel. I laughed when his reaction sank into my mind.

"Ay, duwag!" Natawa pa rin ako. I focus on Sammuel and laugh freely. "Boyfriend ko raw ikaw? Hoy, hindi ako pumapatol sa amoy bala," I said.

"Lasing ka na nga," Sammuel mumbled.

I positioned my hands on his shoulder and started moving my body to dance.

"Bagay pala talaga kayo ni Jeddah, 'no? Ngayon ko lang napagtanto. Ikaw, amoy bala. Siya, amoy chalk," natatawa kong bahagi. Inalis niya naman nang pagalit ang kamay ko mula sa balikat niya. Kumunot naman ang noo roon.

"Just find a dance partner there for you to feel okay."

"Ikaw na lang isayaw ko, p'wede?" Ipinatong ko ulit ang kamay ko sa kaniyang balikat. Natakot naman nang bigla sumeryoso lalo ang kaniyang mukha.

"Hindi ka ba napapagod na ganito ka na lang lagi, Far?"

Alam ko na kung saan patungo 'to. Pinandilatan ko siya.

"A-ang d-drama m-mo," I responded. Tatalikuran ko na sana siya, pero nagawa niya akong pigilan nang bulabugin niya sa sunod niyang sinabi.

"Far, ilang araw ka nang ganito. Oo, way mo ito to escape for awhile. Para makalimot. Pero, talaga bang nakakalimot ka sa lahat ng nangyayari sa'yo sa pa ganito mo? Sa paglalasing? Sa pag-pa-party araw-araw?" I slowly faced my body on him. Ramdam ko namang nanunubig na ang aking mata. "Yes, nauutusan mo nga ang lahat ngayon dito. Bumalik ka na sa rati, iyong nakukuha mo ang lahat ng gusto mo sa isang utos lang. Pero ang tanong, ito ba talaga ang gusto mo? Nakuha mo na ba talaga ang nais mo? Papayag ka bang gan'yan ka na lang lagi?"

Hindi ko alam kung paano mag-react. Nawawalan ako ng sasabihin. Para akong napipi.

"Kapagod, eh," tipid kong tugon. I felt the tears escaping from my eyes.

He's now holding my hands. Napatingin naman ako sa kamay kong mahigpit niyang hinawakan.

"Nandito kami, oo. But...hindi sa lahat ng panahon. May mga responsibilidad din kami. May sari-sariling buhay. Hindi ka namin laging masasamahan kapag ninanais mong magpunta rito o kung saan ka man," pangaral niya pa. Natauhan naman ako sa kaniyang sinabi. Lahat iyon tama at may punto. Tumagos ang mga ito sa puso ko. "Ang mayro'n ka lang ay ang sarili mo. Iyan lang ang hindi mang-iiwan sa'yo. Pero paano ka niyan madadamayan kung ikaw na mismo ang sumisira at nagpakawawa sa sarili mo."

"Sammuel," I cried his name.

"Hindi porke't sinira ka ni Noel, at gin*go ka niya ay gagawin mo na rin iyan sa sarili mo, Farrah Caroline. Fix yourself. Build yourself. Hindi iyong laging ganito. Lagi kang nagtatago at takot."

"Paano? Hindi ko alam kung paano, Sammuel. Saan ako magsisimula? How can I fix myself when I'm already broken? Araw-araw, unti-unti akong nababasag. Nawawalan ng pag-asa."

Mas lalo akong naging emosyonal sa sagutan namin. Ilang araw na nga akong ganito at gusto ko ganito na lang lagi, pero hindi ko alam kung tama pa ba ito. I'm losing a chance to continue. Para bang nawawalan na ako ng gana sa lahat. Everything seems useless now. Feeling ko, darating ang araw na sasaktan ako ng mga tao sa piligid ko. Kaya ako naglalasing para matakasan ang mga guni-guni kong iyon.

I looked into Sammuel's eyes again when I heard him sighing. "Ikaw lang ang nagsasabi n'yan, Far. Give yourself a time to heal. Kung gusto mong mag-travel o umalis sa lugar na ito para makalimot, then do it. Huwag mong ikulong ang sarili mo... kasi hindi ka preso."

Hindi ako preso. Pero bakit pakiramdam ko, iyon ako?

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung bakit sabay ko 'tong napagdaanan lahat. Para ba, isa lang 'yong sakit? Hindi ko pa rin maisip kung saan ba ako mas nasasaktan? Sa pagkabagsak ko ba o sa kay Noel?

Sabi sa akin ni Jeddah at Monique na tutulungan nila akong kausapin at makisuyo kay Miss, pero ako na mismo ang umayaw. Napagod na ako nang tuluyan, hindi na ako pumapasok. I even neglected my parents. Hindi ko na sila kinakausap, at hindi na ako umuuwi sa amin. Inalis ko muna sila saglit sa buhay ko.

I faced Sammuel hurtfully. Nakita ko naman ang pamumuong pag-aalala niya para sa akin. Magsasalita na sana ako nang maudlot ito dahil may tumawag sa pangalan ko mula sa kaniyang likuran.

"Carolina," a familiar voice called. Naiyak naman ako lalo nang makita siya.

"N-noel." My voice trembled.

When Sammuel turned his back, he didn't say anything but to punch Noel.

"T*ngna! Lakas din ng loob mong magpakita rito, g*go ka!" sigaw niya, napahiga sa sahig si Noel sa suntok niyang iyon. Nagsigawan naman ang tao sa aming paligid at natuon sa amin ang atensyon.

Pagtakip lamang sa aking bibig ang nagawa ko. I felt my hands shaking.

Aawatin ko sana si Sammuel, kaso nagawa niyang suntukin ulit si Noel. Napapikit naman ako nang manlaban si Noel sa aking kaibigan. Jusko!

"Oh my God! Sammuel, tama na!" pasigaw na pigil ni Jeddah dito at agad siyang nilapitan para awatin. Pero hindi nagpatinag ang binata.

"Sammuel, stop it! Guard, awatin niyo sila!" hiyaw ni Monique, pero tila walang nakarinig sa hiling niya. Walang niisang umawat sa mga ito.

"Hay*p ka! Napakag*go mo, duwag ka!" patuloy ni Sammuel. Tila nawawalan ng lakas ang ex ko sa bawat suntok na kaniyang binitawan kasi hindi na ito nanlaban.

"Sammuel, tama na! Tama na! Noel!" umiiyak kong pigil Nilapitan ko na sila Hinila ko si Sammuel gamit ang damit niya.

Nanghina ako nang makita ko ang duguang mukha ni Vergara. I'm so nervous. Hindi ko na siya maitsura. Mataas ang kaniyang buhok, tila walang ayos. Nagawa ko pa ring pansinin ang balbas niyang walang shave kahit natabunan pa ito ng dugo. God!

Akala ko magiging maayos na. Nang tumayo si Noel habang nakatitig sa akin ay laking gulat ko na lamang nang sugurin na naman ito ni Felicilda at pinaulanan ng dalawang suntok.

"F*ck you, dude! F*ck you!" gigil niyang mura sa kaibigan.

"Ano ba! Tama na sabi! Tama na! Tama na!" malakas kong sigaw. Pumagitna ako sa mga ito, umiiyak. Nasaktan naman ang mukha ni Sammuel na nakatingin sa akin, sa kaniya kasi ako nakaharap.

"Far," he called me.

"Tama, please. Tumigil na kayo. Sawang-sawa na ako, tama na," gigil kong sigaw ulit. I suddenly felt Noel's hand on mine, kaya napalingon ako sa kaniya.

"Love, sorry," mahina niyang paghingi ng pasensya. I shook my head.

"Tama na, Noel," mahina kong utos.

Hinarap niya ako, nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Nasa amin pa rin ang atensyon ng bawat tao sa paligid. While Jeddah is now at Sammuel's side, tila pinipigila't pinapakalma ito. Si Monique naman ay nakimasid lang na bakas din ang pag-aalala sa mukha.

"Sorry, Mahal, sorry. Hindi ko na alam gagawin ko, bumalik ka na sa akin, please?" He bent his knees in front of me. Pilit ko naman siyang pinatayo, pero ayaw niya, hinayaan ko na lamang siya. "Oo, aminado ako na mali ko. Pero, Love, pag-usapan mo na natin 'to. Huwag 'yong ganito. Ayaw ko na mawala ka sa akin," iyak niyang pagmamakaawa. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito, nasasaktan pa rin ako.

Kumalas ako sa hawak niya, kaya napayakap siya sa beywang ko ngayon habang nakaluhod. I looked away. Para magkaroon ako ng lakas na ilabas ang ninanais kong sabihin.

"Sana naisip mong malaki ang posibilidad na mawawala ako nang tuluyan sa buhay mo, Vergara, bago mo ako niloko. Sinira mo ako, eh. Gin*go mo ako, iyon ang hindi ko matanggap," I uttered. I bowed my head to see his face. Tears are in his eyes. "I always ask myself every day, "May mali ba sa akin? May kulang ba kaya mo nagawa 'yon? Oh, sawa ka na ba?" Umiling siya.

"Love, no! You are enough! More than enough," pagtama niya. I chuckled..

"Then why did you cheat on me, ha?! Akala ko ba enough na?"

"Carolina, magpapaliwanag ako. Magbabago ako, bumalik ka lang," pagmamakaawa niya pa. Napatigil naman ako nang may narinig akong tumatawa sa aking likuran na ikinatingin ni Noel doon.

"T*ngna, dude, kaibigan kita, eh. Ayos lang sana ni kunting pagmamahal para sa kaniya, pero iyong dinamay mo pati iyong pag-aaral niya? Iyon ang hindi ko tanggap!" Ngayon ko lang siya nasaksihang ganito ka galit sa tanang buhay ko. "Hindi ko aakalain na isa ka sa magiging dahilan kung bakit hindi siya makapag-graduate sa susunod na taon. May babalikan siyang subject dahil sa katangahan mo! Alam mo ba kung gaano niya pinaghirapan ang final demo na 'yon? Tapos, binalewala mo lang dahil sa lintek na Mabhel na 'yan?! I regretted na ipinakilala kita sa kaibigan ko. Ipinagkatiwala ko sa'yo ang isa sa babaeng mahal ko kasi akala ko, iba ka. Pero t*ngna, mas malala ka pala, Vergara!" mahaba niyang pahiwatig na ikinatahimik ko. Iyak lang ang nagawa ko. Nakakapagod.

Napapikit naman ako nang mabangga ako nang bahagya ni Sammuel nang sugurin niya ulit si Noel. Hindi ako kumilos, ni imik ay wala. Para akong tanga, hindi alam ang gagawin at sasabihin. I cried so hard.

"Sammuel, tama na!" Jeddah exclaimed nang kwelyuhan niya si Vergara.

"Huwag na huwag ko lang marinig na magmamakaawa ka na balikan ka ni Farrah balang-araw...kasi hindi lang kamao ko ang isasapak ko sa'yo. Kaya ko rin paputukin ang baril na mayroon ako para lang sa walang k'wentang gaya mo," sigaw niya at malakas na itinulak si Noel. Mabuti na lang at hindi ito natumba.

I stood properly. Hinarap ko nang buo si Noel. May lungkot pa rin sa kaniyang mga mata. "S-sorry," paumanhin ko. I wet my lips and gazed at him seriously. "But please do me a favor again."

"L-love," utal niyang tawag sa akin. I wiped my tears and smirked.

"Umalis ka na nang tuluyan sa buhay ko, Noel. Let's just pretend that we never met and know each other," pagmamakaawa ko rito. He tried hard to reach out and touch my hand, but I didn't let that happen. "And please, don't beg me if ever we meet again in the future. Ang sakit mo pa lang mahalin, Vergara. Ang sakit," hagulgol kong pag-amin.

I glanced at Monique and made a face. Tila nagsasabi na ilabas na nila ako rito kasi hindi ko na kaya.

"Tara na, Farrah. Uwi na tayo," aniya. Inalalayan niya naman ako agad. I started walking. Pilit naman akong pigilan ni Noel, pero hindi ko na siya pinansin.

"Baby-"

"Noel, please. Huwag ka nang sumunod. Let our best friend rest. Kahit iyon lang, huwag mo nang ipagkait sa kaniya," pagputol na sabi sa kaniya ni Jeddah, saka sumunod sa amin ni Monique kasama si Sammuel.

Ang pag-iwan ko sa'yo sa bar na ito ay magsisilbing senyales sa'yo na iiwan na rin kita nang tuluyan. Siguro tama si Sammuel, kailangan ko nga siguro ang umalis kung iyon ang makatutulong sa akin para makalimot at makapagpatuloy.

I hurriedly ran when I got out of Sammuel's van and hugged my parents, who were patiently waiting for me to be home again.

"Anak, Farrah, God! Nag-aalala na kami ng daddy mo sa'yo. Buti naman at naisipan mo nang umuwi," masaya ngunit puno ng pag-aalala na pahiwatig ni mommy habang yakap ako.

Ilang sandali rin kaming nagyakapan bago ko naisipang bumitaw. Ni hindi ko inabala pang alamin kong nakasunod ba si Sammuel sa akin o nasa sasakyan niya lang.

"'Mmy," I said, nilingon ko rin si dad. "Dad." Hinawakan ko ang kanang kamay nila parehas.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo? Nakakatulog ka ba nang maayos?"

"Tell me, sweetheart, ayos ka lang ba talaga?"

Dama ko ang mga pag-aalala at takot sa kanilang boses sa mga tanong nilang iyon. Nagawa ko ang ngitian sila nang pilit bago magsalitang muli.

"'Mmy, ginawa ko na ang gusto niyo. Hiniwalayan ko na si Vergara-"

"Ha? Teka, bakit biglaan?" Takang putol na tanong ni mommy sa akin.

"Ipapaliwanag ko po sa inyo lahat mamaya. Gagawin ko na, 'mmy, dad. Pero sa isang kondisyon?" Her brows arched like how dad's face turns into confusion while glancing at me.

"Ano 'yon, anak?" said mom. Nagbunton ako ng isang malalim na hininga saka mapait na ngumiti ulit sa kanila.

"Hayaan niyo akong umalis dito sa Cagayan de Oro," iyak kong pagmamakaawa. Walang pasabi namang umiling ang aking mga magulang at niyakap ako nang mahigpit.

Let me forget. Let me get rid of this place. Hayaan niyo akong buuhin man lang ulit ang sarili ko. Ako lang muna, mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top