Kabanata 26
Kabanata 26
"Wala pa ba si Noel, dear? Hinahanap ka na ni Miss sa loob."
I sensed the restlessness in Jeddah's voice. Hindi na rin ako mapakali. Feeling ko masisiraan ako ng bait dahil sa nangyayari ngayon. Kanina ko pa hinihintay si Noel, pero ni anino niya ay hindi ko mahagilap.
The sadness and worries that I have when I wake up in bed lately have gotten worse. Para akong sira na hindi alam kung ano nga ba ang dapat gawin. I woke up without him. Wala na siya nang magising ako kaninang umaga. Akala ko, nagluluto siya ng makakain namin o nagpahangin, iyon pala ay tuluyan siyang umalis.
Kanina pa ako nagdadasal na sana mali ang iniisip ko. Na sana, may ginagawa lang siya, kaya siya natagalan. Mas kinakabahan pa ako sa maaaring mangyari ngayon. Nakakatakot. I felt like I was losing air because I was thinking too much.
Nilingon ko si Jeddah, gaya niya ay pag-aalala rin ang nakaguhit ngayon sa mukha ni Monique. We are here sa labas ng silid ko, naghihintay na dumating si Vergara.
"Ewan, Jeddah. Kanina ko pa tinatawagan. Nag-text na rin ako, pero wala pa rin, eh. Ang sabi niya naman kagabi na darating siya, aagahan niya nga raw," I explained, breathing heavily.
"Eh, nasa'n siya? Ano'ng oras na, oh. Mauubos na ang minuto mo, Farrah. Baka ito pa ang maging dahilan ng pagbagsak mo," naiiyak na ani ni Monique. Bigla naman akong naging emosyanal dahil doon. Ayaw kong bumagsak, hindi ko kakayanin.
Tapos na silang dalwa sa demo nila, ako na lang ang hindi pa.
Binalingan ko ulit si Jeddah, nanginginig na ang katawan ko dahil sa kaba. Natatakot na talaga ako, hindi ko na alam kung ano ang uunahin. Para na akong na mental block, nawala na sa isip ko ang demonstration ko ngayon. Final requirement pa naman namin ito. I need this. I need to do this. Kasi kung hindi, babagsak ako.
Hinawakan ko ang kamay ni Jeddah. Napatingin naman siya sa akin. I know na ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko. I'm literally shaking.
"Jeddah, si Sammuel ba makontak mo? Baka kasi kasama niya si Noel," natataranta kong tanong. Umiling siya.
"Hindi, eh. Nasa klase si Sammuel, exam daw nila ngayon."
"Paano 'to?" Napahawak ako sa buhok ko at bahagya itong sinabunutan. Nang maalala ko ang phone ko, agad ko itong kinuha sa aking bulsa. I dialed Noel's number how many times, but wala pa rin. "Noel, Love, please answer the phone," nanggigil kong sabi. I clenched my teeth. Pinadyak-padyak ko na rin ang aking mga paa. Hindi na ako mapalagay.
Ipinukpok ko ang phone ko sa aking ulo nang hindi pa rin magawang sagutin ni Noel ang tawag ko. Kinagat-kagat ko na ang aking labi dahil sa labis na pagkabahala.
Nilapitan ako ni Monique para pakalmahin ako. "Si Mabhel na lang kaya tawagan mo, dear? Sa FB, i-message mo," aniya.
"Hindi kami friend. Nag-add na rin ako, pero wala pa rin," I cried, losing my hopes.
Nagsilabasan na ang mga luha ko. I'm so scared. Marami akong takot na nandito sa loob ko. Ayaw kong bumagsak. Ayaw kong si Noel ang maging dahilan nito.
Pabalik-balik ako sa paglalakad. Hinigpitan ko lalo ang pagsabunot ko sa aking buhok. Nakita siguro ni Monique ang ginawa ko kaya nilapitan niya ako para awatin.
"God, kumalma ka muna," paalala niya. Nag-aalala na rin siya. Si Jeddah naman ay busy sa kakatawag kay Sammuel para alamin kung nasaan nga ba si Noel.
"Kinakabahan ako. Paano kung hindi siya dumating? Nando'n lahat sa kaniya, eh. Mga video clip ko for the topic, mga rubrik, at rules sa klasrum," umiiyak kong sabi. Bumuhos na ngayon ang mga traydor kong luha. "Love, sa'n ka na ba," iyak na hanap ko sa kaniya. Ihinilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Hindi ko na alam.
I am now biting my hands to calm myself, but mas lumala ang kaba ko nang biglang may nagsalita sa aking likuran na ikinalingon ko rito.
"Miss Mercado, ano? Wala pa rin?" striktang tanong ng guro namin. Napatingin naman ako sa loob ng aming silid. Nasa akin pala ang atensyon ng buong kaklase ko. I saw how our critique teachers shook their heads while looking at me. Dismayado ang mukha ng mga ito.
"Miss, wala talaga, eh. P'wedeng additional 5 minutes muna?" My voice cracked. Hindi na ako mapalagay. I wanted to save this day, but hindi ko alam kung papaano.
Kaya ko namang mag-present without the PowerPoint presentation, but hindi ko alam kung paano. Lalo na ngayong nababaliw na ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang i-present ang topic ko sa kalmado at naayon na pamamaraan.
Humakbang ako papalapit kay Miss Villegas. Nais kong magmakaawa sa kaniya. Wala pa rin itong emosyong nakatingin sa akin.
"Kinse minutos na lang ang natira sa 30 minutes mo, Mercado. If within 10 minutes ay wala pa rin, sorry to tell you... Pero gaya ng napag-usapan, mabibigyan talaga kita ng 3-5 na grado," nakakatakot niyang bilin.
Ewan, pero nagawa ko ang lumuhod sa harapan niya matapos niya iyong sabihin. Wala akong paki kung marami mang nakatingin sa akin ngayon. I need to pass this subject. I badly need it. Hinawakan ko ang kamay niya. This is my first time begging. Begging for my educational sake
"Miss, kahit 2.75 na lang, papasa lang ako. Kahit 20 minutes na lang ako magdemo, 'wag lang iyong bagsak," pagmamakaawa ko. Grabing luha na ang bumuhos sa aking mga mata.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Monique at Jeddah na tila pinapatayo ako. Pero hindi ko sila sinunod. I cried hard. Mas lalo naman akong napahagulgol sa mga salitang sunod kong marinig mula sa aking guro.
"To tell you honestly, Mercado, I'm a little bit disappointed in you right now. Hindi ko aakalain na ang pinakamatalinong estudyante ko sa klase ko ay magiging ganito. What happened sa plan B at C na sinabi mo noon if ganito ang mangyari? You are an educator in the making; you should be responsible at all times and be attentive. Lalo na sa ganitong sitwasyon. I'll give you another 5 minutes, kung wala pa rin. Better to see you next school year sa subject na ito." Tila nauubusan na ako ng hininga sa kaiiyak.
I'm also disappointed in myself. Ang tanga ko. Nagpapaniwala ako masayado
"Miss Villegas, please..." I pleaded. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkahawak ko sa kaniya. Pero bigla na lamang niya akong tinalikuran.
Napaupo ako sa sahig ng aming paaralan dahil sa nangyari. I'm so helpless. Nais kong tulungan ang sarili ko, pero hindi ko alam kung papaano. I felt sorry for myself. God, why is this all happening?
Ilang sandali pa ay lumuhod ang dalawa kong kaibigan sa harap ko. Mas lalo naman akong napaiyak nang niyakap nila ako pareho.
"Jeddah, Monique, tulungan niyo naman ako, oh. Nasaan ka ba kasi Noel?" walang humpay kong pagmamakaawa. I can't imagine myself in this situation. I'm so tired. Napayakap ako sa kanila nang mahigpit. "Mahal! Mahal, naman!" I screamed, waiting for him to reply.
"Shh, darating din 'yon. Baka na traffic lang." Hindi naman ako kumalma sa sinabi ni Monique, kahit na pilitin niya man akong papaniwalain.
Mayamaya pa, itinayo nila ako. "Lord, please. Ayaw kong bumagsak," patuloy ko.
Iyak lang ako nang iyak na parang sanggol. Napatigil naman ako nang dumating ang isa sa kaklase ko na may hawak na puting folder.
"Mercado," tawag niya sabay abot sa akin nito. "Ipinabibigay ni Miss," she added. Agad ko naman itong tinanggap.
I opened it when she peacefully left. It was the rubric for our demo. Napaupo naman ako nang mabasa ko ang "failed" at "retake this subject" na nakasulat dito. Parang akong pinatay nang paulit-ulit.
Ang kursong pilit kong isalba ay sinukuan na lang ako bigla. Nabitawan ko ang folder na hawak ko na naging daan para makita iyon ng aking mga kaibigan.
"F-Farrah," kinakabahan na tawag ni Jeddah sa akin. She was about to hug me, but I didn't let that happen when I stood up. Wala akong pasabi na humakbang, pero bago pa man ako nagtagumpay ay nagawa ko pang kausapin ang aking mga kaibigan.
"Farrah, saan ka pupunta? Hoy!" takang tanong at pigil sa akin ni Monique. I faced her with a weak expression.
"Pupuntan ko si Noel, baka nakalimutan niya lang. Sabihin mo kay Miss, magpapakitang-turo pa rin ako," bilin ko sa mga ito. Hindi ko naman maipinta ang mga mukha nilang nakatingin sa akin ngayon.
"Farrah, tapos na. Umalis na si Miss, 'di ba? Tigil na," naiiyak na rin na sabi ni Jeddah. Nilapitan niya naman ako para pigilan at pakalmahin ulit. Pero inalis ko ang mga kamay nila sa akin. Hindi ko kailangan ng awa.
"Hindi. Hindi ako p'wedeng bumagsak. Sabay tayong ga-graduate, 'di ba?"
Kakausapin ko lang si Noel. Kailangan ko siyang makita at makausap. Kailangan kong marinig ang paliwanag niya, kahit ngayon man lang. Pipilitin kong intindihin o paniwalaan kahit wala iyong k'wentang rason.
"Farrah, please..." pagmamakaawa ni Monique.
"Babalik ako. Mag-de-demo ako," matapang kong wika saka sila tuluyang iniwan.
"Farrah!" Hindi ko na sila nilingon pa sa pagtawag nilang iyon.
Mabilis kong narating ang condo ni Noel. Hindi ko na alam kung paano ako nakarating dito. Ang tanging laman lang ng isipan ko ngayon ay ang kausapin siya. When I reached the door of his unit, malaya kong nabuksan ang pinto nito. Hindi ito naka-lock, kaya nagtataka ako kung bakit.
I slowly opened the door. Para naman akong nabingi sa pintig ng puso ko. Hindi ko alam, pero mas kinakabahan ako lalo. Para bang... may nagsasabi sa akin na huwag kong ituloy ang plano ko.
Pagkahakbang ko sa aking paa papasok, napahinto ako nang may marinig akong ingay at halinghing. Binalewala ko ito, baka kasi guni-guni ko lang iyon. Hindi na ako umiiyak ngayon, pero mabigat pa rin ang loob ko.
"Mahal? Nand'yan ka ba, Love?" mahina kong tawag nang makapasok ako sa loob. Sobrang dilim ng condo niya, kaya matagumpay kong kinapa ang switch nito para paandarin ang ilaw.
Sobrang tahimik, kaya naisipan kong puntahan siya sa k'warto niya. Nakasarado ito, but I tried to open it. Nagbukas naman, kaya naisipan ko itong pasukin. I was about to call him again when I heard a moan from there. Sana mali ang naririnig ko.
Nanginginig ang paa ko sa bawat hakbang na aking ginagawa. Kinakabahan ako lalo. Nang makita ko ang kama niya, doon na ako tuluyang nanghina.
My tears began to pour because of what I saw. I saw Noel's back without a shirt while he was having a sexy time with someone that always makes my heart strangle.
"Mahal—Mabhel?" gulat kong tawag sa mga ito na mas lalo rin nilang ikinagulat.
Dali-dali silang napabalikwas dahil sa akin. I caught them doing something that a married couple should do.
"F-Farrah?!" hindi makapaniwalang tawag ni Noel habang nakatingin sa akin.
"Oh my God!" nahihiyang ani ni Mabhel, at pahirapang tinakpan ng kumot ang kaniyang hubo't hubad na katawan.
Pinunasan ko ang aking luha. When I saw the remote control on the table beside me, kinuha ko ito at ibinato sa kanila na walang takot.
"T*ngna niyo! Mga h*yop! Ang bababoy niyo!" hiyaw ko nang sobrang lakas at walang paki kung maubusan man ako ng boses.
Susugurin ko na sana si Mabhel, kaso nagawa akong pigilan ni Noel. Mabilis na pumulupot ng braso niya sa maliit kong beywang para awatin ako sa aking plano.
Nagpumiglas ako. Hinarap ko naman siya nang matagumpay akong makatakas sa hawak niya.
"Love, please let me explain. It's not what you think—" He didn't finish his sentence when I slapped him. Napahawak naman siya sa nasampal niyang mukha.
"Anong it's not what you think? Noel, kitang-kita ko. Kita ng dalawang mata ko, tapos it's not what you think? Ang sama mo!"
Pilit pa rin akong hawakan ni Noel. Naka boxer shorts siya, kaya malakas ang loob niyang humarap sa akin.
"Farrah, please...makinig ka muna sa 'kin, baby," he says.
"No. Hindi. Ano? Masarap ba? Masaya? Magaling ba siya?"
"Love—"
"Stop touching me! Nandidiri ako! Kaya pala ayaw mo na may mangyari sa atin, kasi mas gusto mo na sa inyo mayro'n! Special friend, ha?" natatawa kong tanong. I faced him and slapped him again for the second time. "F*ck you! Sagad!"
"Baby, please..." Itinulak ko siya. Ayaw kong dumikit sa akin miski ang balat niya.
"Stop calling me baby; hindi ako bata. At lalong hindi mo ako anak! Nandidiri na ako sa pagtawag mo sa akin ng gan'yan!"
"Sorry." Napayuko siya. I chuckled. Tahimik pa rin si Mabhel sa gilid. Nakayuko, nawalan ng tapang.
"Vergara, hinintay kita ro'n, eh. Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Napatingin siya sa akin na may gulat na ekspresyon sa mukha. Napahilot naman siya sa noo niya nang mapagtanto niya ang nais kong puntuhin.
"Sh*t! No! Hindi! Hindi ngayon 'yon, 'di ba?"
"Ano'ng hindi?! Tapos na nga!" I exclaimed. Napaatras naman siya roon. I pointed my finger at him. Nais ko siyang tisirin dahil sa galit, pero hindi ko alam kung papaano. "Noel, hinintay kita. Pinuntahan pa kita rito para pakinggan ang eksplinasyon mo. Kahit walang k'wenta 'yan, tatanggapin ko, eh. Kaya ko pang tiisin na kaibigan ang pakilala mo sa akin sa mommy mo, Noel. Kinontra ko si mom nang utusan niya akong hiwalayan ka. Nagbulag-bulagan ako para sa'yo. Pero iyong mahuli kitang ganito? Nakipagtal*k sa kaibigan mo kuno, iyan ang hindi ko matanggap! Ano bang ginawa ko sa'yo, ha? Hindi pa ba sapat na pinagselos niyo kong dalawa kaya ginawa niyo pa ito?" mahaba kong galit na litanya sa kaniya habang sinusuntok-suntok ang kaniyang dibdib.
Nasasaktan talaga ako lalo sa tuwing naalala ko ang pagmamakaawa ko kanina. I can't be like this, hindi.
He tried hard to hug me, but lumalayo ako sa kaniya. Wala akong paki kung nasa gilid man namin si Mabhel ngayon.
"Love, sorry. Hindi ko naman plano na gawin 'to, eh. Na ano lang ako—" Hinawi ko nang malakas ang braso niya.
"P*ta! Wala ka na bang ibang alam na salita bukod sa sorry? Palagi kang nag-so-sorry pero patuloy mo naman akong ginag*go nang palihim." Galit na galit na ako. Kahit na tumutulo man ang luha ko, nagagawa ko pa rin ang magsalita nang tuwid.
I sighed and faced the b*tch that I wanted to burn on fire. "At ikaw?! Wala ka na bang ibang mahanap ng magtatanggal ng kati sa katawan mo, at pati boyfriend ko pa talaga inahas mo?"
Hindi na ako nakapagtiis pa. Nilapitan ko siya at sinabunutan. Agad naman akong pinigilan ni Noel, naiinis na rin ako sa lalaking 'to lalo.
"Farrah, can you please listen to me? Hindi naman talaga kasalanan ni Noel, a-ako. A-ako ang pumilit sa kaniya," mahina niyang wika. Nakatingin na siya sa akin ngayon.
Natawa ako. Napatingin naman sila sa akin pareho dahil sa aking ginawa. Para na akong nademonyo dahil sa kanila. I rolled my eyes at Mabhel and smirked.
"Tsk. It's okay, sa'yo na 'yan. Hindi kasi ako namumulot ng tira-tira ng iba," I said, mariin. Nakagat naman niya ang kaniyang labi. Napabitaw naman si Noel sa pagkahawak niya sa akin gawa ng aking sinabi.
Inayos ko ang sarili ko bago hinarap ulit si Mabhel. "Babae ka, Mabhel, kaya alam mo dapat kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa mong ito. Instead of staying away, pumatol ka. You're a woman; you should know how to respect other women also. Lalo na kung alam mong jowa ko ang inaahas mo!" I said angrily. Saka ko pa napansin na umiiyak na pala ito. "Nasaan ang pinag-aralan mo?! Ginagamit mo ba o hanggang display lang ang diploma mo? Why not try to use it rather than using your strategy to get a man for your own desires?" I mumbled.
Kailanman hindi ko aakalain na may iilang babae na kayang traydurin at saktan ang kap'wa babae nila sa ganitong paraan. If you know that someone is in a relationship or married, then stop getting into their pants. Find someone who is single and not committed.
Pero mas hindi ko gets ang mga lalaki. Yes, they can't control themselves in terms of this one. Pero hindi pa rin iyon sapat na rason to cheat. Ang babaw naman kung gano'n.
Hinayaan ko munang namnamin ang luhang muling lumabas sa mga mata ko. Ano pa ba ang kulang? May mali ba sa akin? O hindi pa ba ako sapat o perpekto para gawin niya ito?
Akala siguro nila kapag nag-cheat sila, masasaktan lang tayo, eh. Pero t*ngna, I am slowly losing my confidence and asking myself, "Kung bakit nagawa ng jowa ko ito?" Am I not enough?
"Love..." basag natawag ni Noel sa katahimikang namayani sa aming tatlo.
Unti-unti ko siyang nilingon. Pinahiran ko muna ang luha ko, bago siya hinarap.
"Alam mo, ngayon ko lang napagtanto na ang hirap mo pala talagang mahalin. Nakakasakal ka. Hindi kita gets. At kung may pagsisisihan man ako, ikaw 'yon. Habang buhay kitang pagsisisihan." Nagawa kong sabihin iyon sa kaniya without breaking my voice. Hindi naman nakatakas sa akin ang isang botel ng luha na tumakas sa kaliwa niyang mata.
Maybe hindi talaga kami para sa isa't isa. Kasi, I don't know if maaayos pa ba kami after this. Because surely, I am 100 percent sure to erase him from my life and pretend that we didn't meet.
Tiningnan ko siya nang malungkot. Naaawa man ako sa itsura niya ngayon, pero mas naaawa ako sa sarili ko. Masyado na akong basag, at hindi ko alam kung paano ako mabubuo ulit.
"If this is your way of having revenge for what I did years ago, then congrats, nagtagumpay ka nga," I said casually.
I managed to lay my hand on his face and smile forcefully. Napahawak naman siya sa kamay kong iyon. Nabasa naman ito dahil sa luha niyang kanina pa tumatakas sa kaniyang mga mata.
Lord, please, let him realize that he really broke me into pieces. How I wish our paths will never cross again.
"Hindi mo lang ako dinurog, Noel. Pinagkaitan mo pa akong mangarap," matapang kong sabi. Malakas kong isinirado ang pinto. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ay isang matamis na ngiti muna ang ipinakita ko kay Noel.
Remember me this way, Love. Smiling genuinely while looking at you. Kasi iyan na ang huling ngiting makikita mo mula sa akin na ikaw ang dahilan, Vergara.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top