Kabanata 24

Kabanata 24

It felt like I was hiding from the thunder when I reached our house. I'm afraid that it may turn into something that I don't want to happen. The happiness that I felt while I was with Noel earlier turned blue.

Sana pala, hindi ko na lang siya isinama rito. Sana hindi ko na lang hinayaang ihatid niya pa ako.

Galing kasi kami sa Robinson Mall, nag-archade kami. Marami na kaming napuntahan ni Noel these past few days, kaya target namin sa susunod ay sa ilang pasyalan naman dito sa CDO. Walang araw na hindi ako nag-e-enjoy kasama siya. Bawat gala namin, ngiti at tuwa ang dulot nito sa akin.

Kahit saan-saan kami nagpunta, mas lalo pa naming nakilala ang isa't isa. At feeling ko, mas tumibay ang relasyon namin ngayon. I can't ask for anything but Noel itself.

I came back to reality when my mom's voice crashed into my ears, and it made me curse her inside my mind.

"'Di ba, napag-usapan na natin ito, Carolina? Bakit hindi mo pa rin sinusunod ang gusto kong mangyari?" diin na salubong na tanong sa akin ni mommy. Gusto ko mang umangal, pero hindi ko magawa kasi nasa kay Noel ang aking atensyon.

I saw how Noel's expression was confused. Alam kong nagtataka siya kung ano ang nais puntuhin ni mommy. Kanina ko pa gustong awatin si mom, pero wala yata sa plano niya ang tumigil. I don't know, but sometimes... It made me ask, "Kung professional ba talaga siya?" because she forgets how to settle some problems, even family problems, privately.

Ang sa kaniya, kung gusto niyang mag-react at magsalita ay gagawin niya iyon na tila walang pake kung may makakarinig man sa kaniya o wala.

Nilingon ko si dad, tingin ko pa lang alam niya na kung ano ang nais kong ipaggawa rito. Minutes have passed; nilapitan niya si mom. He touches his elbow and whispers something. He makes sure that Noel won't hear it.

"Hon, let's talk about it privately. Let Noel go first," payo ni daddy sa asawa. 

I thought magiging okay na, pero laging gulat ko na lamang nang biglang tumaas ang boses ng aking ina.

"No! Para maintindihan talaga ng anak mo ang nais kong mangyari!" she exclaimed. Agad namang napadako ang tingin ko kay Noel na ngayon ay nakatayo sa may pintuan namin.

I caught him sometimes looking in our direction, but hindi niya iyon pinapalahata. I know he's listening, but naghinhintay lang siya sa maaari kong iutos na gawin dito.

Napaigtad naman ako nang bigla akong lapitan ni daddy. "Sige na, anak, pauwiin mo muna si Noel," he suggested. I nodded and glanced in mom's direction first. Natahimik na ito. Pero galit pa rin ang ekspresyon sa mukha. I bowed my head before walking to Noel's.

"What just happened? Bakit sumisigaw si tita? Pinagalitan ka ba niya dahil sa akin?" sunod-sunod na pag-aalala niyang tanong.

I played with my fingers when he asked. Hindi pa rin ako napatingin sa kaniya. Ayaw kong mabasa niya ang mukha ko na puno ng pag-aalala.

"I think it is better if umuwi ka na muna, Love," I said, my voice trembling.

"Ha? Why? Teka—Ano ba kasi ang nangyayari, Carolina?"

"Just do it, Noel. Pag-uusapan na lang natin once it's settled between me and them."

"Are you sure? Nag-aalala ako, Love. Baka ano ang mangyayari kapag iwan kita. I can't leave you like this. With that face." Natawa naman siya nang bahagya.  Nakatingin na ako sa kaniya. I wet my lips. Napahinga naman ako nang malalim.

"Just go. Everything will be okay, mm?"

Bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. It's telling that he really doesn't want to leave. But he doesn't have a choice either.

"Text mo ako, or tumawag ka after," paninigurado niyang sabi. Tumango agad ako.

"Surely I will," I said. I heard him let out a deep breath.

"I love you," he said, and I just smiled forcefully. I don't know, but takot ako sa I love you na binitawan niya ngayon.

Naghintay siya nang ilang sandali para tugunin ko iyon. Nang maramdaman niya na wala sa plano ko ang tumugon ay nagsalita siyang muli.

"I love you." Nakatingin pa rin ako sa mukha nito. I got a chance to look into his eyes. There, I found that it slowly formed a worry. Mayamaya pa, bigla ko na lang naramdaman ang malamig niyang kamay na humawak sa kamay ko. It is shaking. "Baby, I said I love you," said ulit niya. I winced. 

"I know." I swallowed hard. "Mahal din kita," I finally said, which made him smile. Pero kalungkutan ang dulot ng I love you na binitawan ko para sa akin.

Like how the night quickly turns into day, gano'n din kadali ang takbo ng buhay ko, kasama si Noel. Parang kailan lang, yakap-yakap ko pa siya. Pero ngayon, hindi ko na nakikita kahit ang anino niya.

Since Noel bid goodbye during that day, wala na akong narinig pa miski ni isang salita mula sa kaniya. Ni hindi ko siya nakita at nakasalubong man lang sa school kahit gustuhin ko man.

Nagkatotoo nga ang hinala ko...na huli na ang I love you'ng iyon na maririnig ko sa aking kasintahan. But I am still hoping to see him again.

Hindi siya ang lumayo, kundi ako. Mom told me to do so or not: mas maiipit pa kaming dalawa sa sitwasyon. I still don't know what the real reason is for saying those things. Bakit pinapalayo niya ako kay Noel. Ni wala akong kunting ideya kung ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan ng pamilya namin.

"Anak," tawag niya sa may pintuan. It was Dad. Pero wala akong planong lingunin siya. I heard his footstep, papunta sa kinatatayuan ko. I am sitting on my bed while my eyes are on the window, watching how the clouds slowly cover the moon. "You're mom is waiting on you sa baba, kakain na raw tayo. Ilang araw ka ng nagmumukmok dito, hindi na ito makakabuti sa iyo, Carolina," he added. Imbis wala sa plano ko ang magsalita ay nagawa ko.

"Ang labo niyo, dad." My voice cracked. I began to get emotional. Nasasaktan lang talaga ako. "Alam niyo naman na siya na lang ang nagpaparamdam sa akin sa tunay na saya, ayaw niyo pa," dagdag ko pa. Hindi na rin nakatakas sa kaniya ang garalgal kong boses.

How I wish it was just a dream. Sana nanaginip lang ako, at bukas paggising ko ay kasama ko na si Noel. Tatlong araw na akong absent sa school. Nitong umaga lang, sabi ni manang sa akin dumaan daw ang mga kaibigan ko para kumustahin ako. Pero hindi ko sila binaba at kinausap man lang. Si Noel ang hinihintay ko, hindi sila.

Nandito lang ako sa k'warto ko lagi, nagmumukmok. Naghihintay kung kailan ako dadalawin ng lalaking mahal ko.

Is he aware of what happened? Bakit ni hindi niya man lang ako dinalaw? Hindi ba siya nagtataka kung bakit hindi na ako pumapasok at nagpapakita sa kaniya? O, kinausap din siya ni mommy para layuan ako?

"Anak, we're just protecting you—" My father wasn't able to finish his words when I cut him off.

"Protecting from what? Kay Noel? God! Dad, alam mo kung gaano ko pinagdadasal 'to. Na sana maging okay na ulit kami. Na sana babalik na kami sa rati, tapos ngayong maayos na... Kayo naman ang sisira?" mahaba kong angal sa kaniya. I am now facing him. Kagaya ko, malungkot din ang mukha niya.

Since nakauwi siya, ganito lang lagi ang routine niya. Inaakyat ako rito para kumustahin, dalhan ng pagkain, at kausapin. Pero gaya ngayon sa tagpong ito, hindi pa rin siya nagtatagumpay.

"Akala ko ba, masaya kayo sa amin noon? Nasayangan pa nga kayo, 'di ba? Noong nalaman niyo na naghiwalay kami dahil sa katangahan ko. Pero ano'ng nangyari, bakit nagbago bigla?" I felt my face get wet. Doon ko namalayan na umiiyak na pala ako.

I'm so done. Sawang-sawa na rin ako sa nangyayari sa akin ngayon. Instead of going to a party, I chose to be here. Locking myself in my room so Noel will never get mad at me. Kasi baka magalit na naman siya kapag nalaman niyang nag-pa-party na naman ako at naglalasing.

Nakaupo na si daddy ngayon sa kama. He's now facing me. Nagawa niya ring kunin ang kamay ko, saka huminga nang malalim at tiningnan ako nang buo.

"Farrah, kahit gustuhin ko man na huwag kayong pigilan ni Noel, wala pa rin akong magagawa kasi iyan ang nais ng mommy mo," paliwanag niya. I shook my head. That's not a good enough reason. Ang babaw. 

"Ano sa tingin mo ang dahilan, dad, kung bakit ginagawa 'to ni mommy? May kinalaman ka ba kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to?"

"What do you mean, sa may kinalaman?" Natawa ako. He's really acting like, na tila wala siyang alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. 

My parents are both good at acting; why not have that as their career right now?

"Hindi naman kontra si mommy sa relasyon namin ni Noel dati, eh. Pero simula no'ng nakita kita sa check point, everything changes. Why? May alam ba kayo na inilihim niyo lang sa akin?"

"Anak, wala—"

"Just tell me! F*cking tell me! My sekreto bang tinatago ang pamilyang 'to, kaya gan'yan kayo sa relasyon namin!" I exclaimed. Nagawa ko na ngayon ang tumayo sa harapan niya. I bit my lips, Marian. Naipatong ko na rin ang kamay ko sa aking noo. God! 

I wipe my tears. Ayaw kong umiyak, masakit at mabigat sa damdamin. But I can't stop myself. Mas lalo akong naging emosyonal at naging mahina sa tuwing nagpapalitan kami ni daddy ng salita.

What did I do to deserve this kind of pain? Ito na ba ang kapalit ng mga kasiyahang natitimasa ko sa bawat araw na kasama ko si Noel?

Life is really good at playing, ha? And I think if this is a game, I slowly lose the chance to win again.

"Farrah, no! Sweetie, mali ang iniisip mo. Ginagawa lang 'to ng mommy mo for your own sake," patuloy niya pa sa pagtanggol sa kaniyang asawa.

What if I give him the supportive husband of the year award? Because, for Pete's sake, he's really good at protecting my mom.

For my own sake? That's b*lls*t! Hindi ako maniniwala sa rason na 'yan. If they really care for me and are protecting me, sana ay hindi sa ganitong paraan. They know how I love Noel so much. At nababaliw na ako sa ginagawa nilang ito. I'm so sick. It's suffocating me!

I put my hands on my wrist. I tried to calm myself down a little and faced him again. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso na nakatingin sa akin ngayon. When I felt better, saka pa ako nagkaroon ng lakas ng loob para tanungin siya sa tanong na bumabagabal sa akin. Tanong na gusto kong sagutin niya mismo sa harap ko. Totoo at walang halong biro.

"Are you cheating with Tita Sarah?" I asked calmly. His jaw dropped because of that question. I saw how his eyes grew bigger. Talagang nagulat ang aking ama.

"W-what?" I smirked. Stop playing with me, dad. Surely, you can't scape and win this time.

"May namamagitan ba sa inyo ni tita Sarah, kaya gan'yan si mom? Kaya pinapalayo niy ako kay Noel?"

"Farrah, of course not! Cheating is not my thing," diin niyang tugon. "Bakit ko gagawin ang bagay na ayaw kong mangyari sa anak ko," patuloy niya. Napatikom naman ang bibig ko sa mga sinabi nito. I felt my hands tremble. "Babae ka, at ayaw kong mangyari iyan sa'yo. And I also respected and made a vow to Raquel—to your mom. I can't do that," he explained. I felt the pain in his voice.

Iyong sakit na inaakusahan siyang ipaamin sa kaniya ang bagay na kailanman ay hindi niya ginawa. May kung ano naman sa akin ng na-guilty. I think beyond the belt, na iyong ginawa kong tanong. But I deserve to know the truth as his daughter.

Umayos ako ng tayo at hinarap siya nang buo. Nakaukit pa rin sa mukha niya ang ekspresyong malungkot, pero mas itong nakikita ko ngayon.

I wanted to hug him to say how sorry I was for accusing him. Pero nais ko pa ring gawin ito para malaman ang totoo. If he's not the reason, then who is? No! It can't be!

"Kung hindi ikaw, dad, sino? Sino ang rason kung bakit kailangang mangyari 'to?!"

But someone made us stop because of the question that came out of my mouth.

"Ako," tugon ng taong naging dahilan ng pagtulo muli ng luha sa aking mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top