Kabanata 21

Kabanata 21

Para akong nabingi sa sinabi ni tita. Ang kaba ng dibdib ko naman ay mas lalong bumilis, para bang may mga kabayong nagsitakbuhan dito.

Napahawak ako saglit sa bandang puso ko nang maramdaman kong nanikip ito. Sumakit na rin ang aking ulo dahil sa sikat ng araw na siyang tumatama sa akin. I didn't make a move, kahit na mainit na. Nakatingin lang ako kay tita na tila pinoproseso ang nais kong e-react sa kaniya. Nang magtagumapay ako ay saka pa ako nakapagsalitang muli.

"P-po?" I mumbled. I felt my hands sweating, and my body was totally shaking. It makes me nervous because of the what-ifs that I have right now.

I still have hopes that my instinct was wrong and I'm just overreacting. But there's something in me saying, na tama talaga ako lalo na sa sinabi ni tita kanina. Why is she saying na nagustuhan ni daddy ang shade ng lipstick na gamit niya? So it means, sa kaniya galing an stain na iyon. Kasi hindi ba, nanghihikayat siya na bilhin iyong products nila, paano kung isa si dad sa nais niyang akitin na bilhin iyon? No! Here I am again. I hate it.

"What do you mean that my dad loves that shade-" Hindi ko man lang magawang tapusin ang aking nais pang sabihin nang may pumutol nito. Napalingon naman kami ni tita sa kung saan nanggagaling ang boses.

"Tita Sarah!"

"Oh God, Mabhel!" masigla niyang bati pabalik sa babaeng biglang yumakap sa kaniya ngayon. Napaatras naman ako para mabigyan sila ng pagkakataong magkamustahan.

Nasa kanila lang ang atensyon ko. Ni wala sa isip ko ang magsalita o gumawa ng anumang ingay na maging disturbo sa kanila.

"You're so hot and stunning!" puri ni tita sa dalaga matapos itong yakapin.

She was really stunning and hot. She has a mestiza skin like mine, but bumagay nang husto sa kaniya ang balat na mayro'n siya. She's taller than me; I think nasa 5'6 ang height niya. Kasing tangkad siya ni Noel. Her short, straight hair suits her; lalo na ang shape ng mukha niyang parang foreigner. Hindi ko naman maiwasan tingnan ang aking sarili, I hope I was also like her. Effortlessly pretty and freaking hot

"Tita, naman. Nambobola ka ulit, eh," nahihiyang tugon nito.

"Glad you're visiting me again, ha?"

"Of course. Miss kasi ulit kita." Nakangiti siya nang malawak nang masabi niya iyon. Pero agad naman iyong nawala nang dumako ang mga mata niya sa akin.

She looked at me from head to toe, which made me belittle myself. Ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko ang question-in ang aking pagkatao bilang isang babae. Ewan, but I felt insecure because of her presence.

"Oww, may kausap ka pala, tita. Hindi mo man lang sinabi, ang ingay ko pa tuloy," natatawa niyang komento. Napangiwi naman ako sa kaniyang sinabi.

Bukas ang bibig ni tita na tumingin sa akin, ako naman ay nakapekeng reaksyon lamang. It is my first time wearing this expression, like hindi naman talaga ako ganito. Everybody appreciates me and praises my appearance or beauty. But this woman standing proudly in front of me makes me close my mouth and slowly lose my confidence. This is what they called "makakahanap ka rin ng katapat mo", perhaps?

"Si Farrah, Noel's friend," pakilala sa akin ni tita. My fake smile was finally gone in just a glimpse because of what Noel's mom said.

Friend. I. Am. Noel's. Friend.

Isn't she aware that Noel and I are together? Or Noel never told her mom that we were back in each other's arms again?

Tuluyang natanggal ang angas ko sa paraang pinakilala ako ni tita. Para akong na-statwa at hindi makahinga. She introduced me as his son's friend. And it hurts. Pero mas lalo akong nasaktan nang ipakilala niya ang babae sa akin.

"Farrah, si Mabhel. She's been Noel's special friend since childhood." She proudly introduced her with a smile. Diin niya ang salitang "special".

We are both Noel's friends, but this girl is more special. labeled a special friend of his by his mom. How painful is it? Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Hindi man ito sugal, pero ramdam kong talo ako.

I came back to my senses when I heard her faking a cough. Strikta itong napatingin sa akin. Bumagay sa itsura niya ang suot niyang croptop na kulay red at skirt na kulay white. Nahiya naman ang suot kong maong at loose white t-shirt sa datingan niya.

I dunno, wala lang talaga akong ganang mag-ayos sa araw na ito dahil iba naman talaga ang pakay ko kung bakit ako napa rito.

"H-hi, M-mabhel," utal kong bati rito. "Nice meeting you," I added.

"Likewise," tipid niyang tugon, hindi man lang ngumiti. Ibinalik niya muna saglit at tingin niya kay tita, saka dinaanan ng tingin ang loob ng bahay nito.

"Nand'yan na ba si baby boy ko?"

"Mamaya pa uwian no'n. Pasok muna tayo sa loob, so we can have a chitchat there," Tita replied, chuckling.

Nagmartsa sila patungo sa loob ng bahay na may malaking ngiti sa labi without minding my presence. Dahil lang sa babaeng 'yon, bigla na lang akong nakalimutan ni tita. Ewan, pero namalayan ko na lamang na may isang botel ng luha ang tumulo mula sa aking mata.

Why am I so emotional today? Dahil lang sa mababaw na dahilang iyon ay masasaktan na ako? God, this isn't me.

Matamlay ako nang magising ako kinabukasan. I feel so heavy and tired. Kahit aa pagkain ay walang akong gana. Even when walking or making a move, nawawalan ako ng lakas. Yesterday was a bad day for me. Ang araw na ayaw ko nang maalala. It was like a nightmare, and it always haunted me.

"Dumaan ka raw sa bahay?" Tango lang ang itinugon ko sa kaniyang tanong.

Hello, hindi lang ako dumaan, 'no... I was having a long conversation with your mom, but she ended up disposing of me like trash because your special friend is shown in the picture.

I'm sitting on my bed while I'm busy facing my laptop. Binalewala ko muna ang in-encode kong documents para makausap siya nang maayos.

"May kaibigan ka pala?" I asked back. He nodded.

"Yeah. Nagkita kayo?" he mumbled casually.

"Bakit hindi ko alam? Since childhood daw, bakit hindi mo minsan nabanggit o ipakilala sa akin si Mabhel?"

"She's from another country, the Netherlands. Minsan lang siya nauuwi rito kaya nakaligtaan kong ik'wento sa'yo. Actually, I have a plan to introduce you to her, but she's busy palagi," he explained.

Nanatili pa rin akong nakaupo sa higaan ko while facing him seriously. Nasa study table ko siya nakaupo.

Wala ako sa bahay ngayon kundi nandito ako sa unit ko. Hindi kasi muna ako uuwi this week dahil magiging abala ako for my upcoming final demonstration. And I need to focus on it while staying here. Kasi baka kung nasa bahay ako, anu-ano na naman ang iisipin ko lalo na kung makikita ko si mommy.

"Kailan siya nakauwi rito sa Pilipinas?" I asked, arching my brows strictly.

"Last month, why?" Gotcha!

So, last month, pa siya nakauwi. It means, isa rin siya sa dahilan kung bakit late niya na akong masundo nitong mga nakaraang araw at kung bakit HINDI niya ako magawang sunduin. Mabhel will be one of the reasons, and his mom...he just made it as an excuse.

Boys will always be boys. Huwag ako, Noel, kasi kapag malalaman ko ang totoo...baka mas lalo lang lalaki ang gulo.

"Nothing." Kagat labi naman siyang napatingin sa akin. Nabitawan niya na ngayong ang hawak-hawak niyang libro na pinag-aralan niya para sa oral recitation nila bukas.

"Close kayo?"

"Yes. Kasi matagal ko na siyang kaibigan at kilala. Kasusyo namin ang dad niya sa negosyo, kaya masyado kaming dikit sa isa't isa."

"Okay," walang gana kong sabi. I let out a deep breath and smiled forcefully. I saw how his brows arched. Alam kong nagtataka siya sa mga inaasal ko ngayon.

Mayamaya pa, napansin ko na lamang siyang napalapit sa akin. He's now standing in front of me while snopping on the screen at which I am looking.

"Iyan na lang kulang mo? PowerPoint presentation?" he asked.

"Oo, tatapusin ko 'to ngayon."

"Let me help you," suhestiyon niya. Agad naman siyang naupo sa kama. Ihinarap niya sa kaniya ang laptop ko, pero sa puntong ito ay nagawa kong tumayo at umaktong may hinahap sa mesa ko.

Ewan, sadyang ayaw ko lang siyang lumapit sa akin masyado ngayon. Tila may kung anong nagsasabi sa akin na layuan muna siya kahit ngayon lang.

"May USB ka? Sira ang akin, eh. Hindi ako nakabili ng bago. P'wede ang sa'yo na lang hiramin ko?" tanong ko na hindi man lang lumingon sa kaniya.

I'm trying to distract myself by finding nothing on my disk. Ayaw ko lang talagang mahuli niya ako na iniiwasan siya. Pansin ko naman na tiningnan niya ako, pero binalewala ko iyon.

"Sure, Love. Ako na lang ang mag-i-encode n'yan, hihiramin ko na lang 'yang notes mo. Nang sa gano'n...pag-aaral na lang sa topic mo ang need mong asikasuhin," mahaba niyang wika. Tumango naman ako nang mabagal.

"Thank you. Kunin ko na lang sa thursday since friday ang schedule ng final demo ko," malamig kong tugon.

Ilang sandali pa, binalot kami ng katahimikan. Akala ko, makakaiwas na ako sa mga tanong at titig niya sa akin, ngunit laking gulat ko na lamang nang tumayo siya at naglakad patungo sa akin.

"Ayos ka lang, love? Are you sick?" he asked sincerely. Napaigtad naman ako nang bigla niyang idinapo sa noo ko ang mainit niyang palad.

"N-nope. A-ayos l-lang a-ako," my voice rasped. Iniwasan ko naman siya, saka nagtungo sa kama kung saan ko iniwan ang laptop ko. Rinig ko naman ang pagbunton niya ng hininga. "Nga pala, sa thursday na lang ulit tayo magkita, ha? Magiging abala kasi ako next days," pag-iiba ko sa usapan.

This time, I have the courage to face him again. Pero hindi gaanong matagal kasi naiilang ako. Ayaw kong mapansin niyang medyo sumama ang loob ko dahil sa sinabi ng ina niya sa akin kahapon.

Nagtagpo ang kilay niyang tinignan ako. It seems that he is really questioning why I said it. Alam kong nagtataka na rin siya sa kinikilos ko ngayon, kaso hindi niya lang pinapahalata.

Hindi naman sana ako magiging ganito, eh, kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. Alam kong ang babaw ng ginawa ko ngayon, but my pride was hit hardly yesterday.

Wala sa plano ko ang patunguhan at tratuhin siya nang ganito, pero naunahan ako ng pride ko. My pride will always tell me that I need to do this and act like this because I am hurting, and treating him coldly will help me ease the pain.

"Why? P'wede naman siguro kitang dalawin sa room niyo o rito man lang kahit papa'no? Tapos susunduin kita after class. Love, naman. Hindi ko yata kayang hindi ka makita araw-araw," kumbinse niya. Tumango naman ako nang simple. Parang wala lang sa akin ang nais nito.

I may have acted weird, but honestly, bigla na lang talaga akong nawalan nang ganang kausapin siya ngayon. Siguro, masyado ko lang dibdib ang pagpapakilaka sa akin ni tita kahapon.

I'm his girlfriend, not his friend.

"Ikaw bahala," walang emosyon kong sabi dahilan ng pagkabagsak ng balikat niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top