Kabanata 20

Kabanata 20

"Breakup with him."

I was stoned by my mother's words. I don't know how to reciprocate. Para bang niyanig ang aking mundo sa nais niyang ipaggawa sa akin.

She already knows that Noel and I have a romantic relationship with each other. Kaya nga nabanggit nila iyan no'ng nag-dinner kami kasama ang nobyo ko. But during that time, kong pinaparinggan nila ako, because they are both aware of how broken I was when Noel left me. That's why, nakakagulat ang nais niyang mangyari ngayon. How can she say that?

"'Mmy," I whispered.

"I said break up with him, Caroline! Just do it!" tigas niyang payo. Kunot noo naman akong napatingin sa aking ina.

I just don't get it. Bakit ganito siya bigla? Akala ko ba okay na. Akala ko suportado niya kami, tapos bakit gusto niya kaming paghiwalayin? What is this all about?

I try to calm myself. I gulped hard and faced my mother without fear.

"Why? Akala ko ba maging mas masaya ka? You know how hard I pray for this, right?"

"You know nothing, Caroline. Kaya sundin mo na lang anag gusto ko."

"W-what do you mean? A-anong, I know nothing?"

"You can't be together this time."

"Why? Tell me why?" putol kong sabi sa paliwanag niya. "Ano ba kasi ang nais niyong puntuhin,'mmy? I don't get it! I love Noel—we love each other! Ano'ng problema ro'n?" patuloy kong tanong sa kaniya. Napayuko naman siya sa mga ibinabato kong iyon.

Bakit hindi? Ano na naman ba ang problema? I noticed how she tried to calm herself. Umayos siya sa kaniyang pagtayo, saka medyo ako nilampasan. Nakapasok na siya ngayon nang tuluyan sa k'warto ko. Ang tingin ko ay nakasunod lamang sa kaniya, binabantayan ang bawat kilos na plano niyang gawin.

Naalala ko pa noon, when she knows that Noel broke up with me. She asked me why and tried her best to fix it with dad's help, but wala pa rin talaga. Not until Noel decided to move to another county, at nagpakita Ulit. Akala ko, suportado niya pa rin kami magpahanggang ngayon. But why is this so sudden? At sabihing hihiwalayan ko amg binata nang biglaan? May problema bang hindi ko alam?

"Wala sa inyo ang problema. Nasa amin mga magulang nin'yo," mahina niyang sabi. Pero ramdam ko ang sakit sa boses nito.

Does that mean that my parents and Noel's are not on good terms? But how? 

Oo, hindi sila masyadong close sa larangan ng negosyo, pero alam ko naman naman na close sila as a friend. Kasi magkaibigan naman talaga ang mga magulang namin.

Hinarap ko si mommy, nakaharap din siya sa akin ngayon. Itinuon ko lang sa kaniya ang aking tingin, para bang nais ko talagang alamin ang totoo. I saw how she was preparing herself to leave my room, but I need to stop her from doing so.

"What—" I wasn't able to finish my words when she turned her back on me and left me shocked.

God, why is this all happening right now? Kung saan maayos na maayos na kami ni Vergara, saka pa ganito?

Have you noticed in life that when everything seems okay, chaos will occur? It looks like it really happens with a purpose, and that is what I need to find out.

Matapos ang tagpo namin ni mom ay napag-isipan kong dumalaw sa bahay ni Noel. If my mom won't give me an answer, then I must find another way to get it. I named Farrah Caroline for a reason, and I always get what I want, so I must be.

I slowly moved my feet when I came out of my car. I bring my raptor with me. Wala lang, iyan lang ang gusto kong gamitin ngayon para hindi mabulok sa bahay.

Sakto naman paglabas ko ay agad kong nakita ang ina ni Noel sa labas ng bahay nila na abala sa kakadilig ng kaniyang halaman. Ngayon ko lang ulit nakita ang ina niya after ng nangyari sa amin. Noel's house was also located in Carmen, but medyo distansya ito sa bahay ng lola niya. It is huge and has an ancient design. Simpleng tingnan sa labas pero kabog ito sa loob.

Bago ko ipinagpatuloy ang aking paglalakad ay nagawa ko muna ang huminga nang malalim para marelax saglit. Nang makaramdam na ako ng medyo kagaanan sa'king loob ay saka ko tuluyang nilapitan si tita.

"Tita," kalmadong tawag ko sa kaniyang pangalan rason na mapalingon siya sa akin.

"Oh my God, darling, you're here?" gulat niyang tanong saka dali-daling iniwan ang ginagawa. I saw how surprised she was in my presence, but it slowly faded and changed with her smiley expression. She opened her arms widely and didn't cut her looks at me. "Come, give me some hugs. I missed you," dagdag niya at niyakap ako nang maghigpit. Gumanti na rin ako dahil miss ko na rin si tita.

Ilang minuto rin ang lumipas sa yakapan naming iyon kaya naisipan kong maunang kumalas sa yakap.

"Miss ko rin po kayo. How are you po ba? It's been awhile since no'ng issue namin ni Noel," wika ko, natawa naman siya ng bahagya. I know what she's thinking: Kasi isa rin siya sa nasayang sa nangyari sa'min ng anak niya. I explained to her everything before—the truth. Hindi man ako magawang paniwalaan at pakinggan ni Noel sa mga panahon na iyon, at least alam ng ina niya ang buong katotohanan.

"I'm good. Look, I'm always doing well," tugon niya sabay tingin sa kaniyang sarili. Natuwa naman ako rito.

He's wearing a white floral dress na gustong-gusto na mga design ng mga taong nasa edad niya, 40's. Tita Sarah is a good-looking woman, kaya hindi na ako magtataka sa naik'wento sa akin ni Noel noon na maraming manliligaw ang ina niya. Noel's face bears a resemblance to hers, but sa papa ni niya naman ang kaniyang mata. Like Noel, she also has tan skin.

Noel's dad is no longer part of their family, but he is still part of Noel's. May ibang pamilya na kasi dad niya, and open sila about dito. Minsan na kaming dumalaw sa papa niya sa Cebu, at simula no'n ay wala na akong balita pa tungkol kay tito.

"Napadalaw ka? You need something, ba?" was the question that woke my senses. Napatingin naman ako sa ginang.

"S-si N-noel p-po?" bulol kong tanong pabalik.

Naisipan niyang lingunin muna ng mga halaman na diniligan niya kanina. She makes sure that she turns off the faucet of the water tube she has used, saka bumaling ulit sa akin.

"Ah, nasa school. May pasok sila ngayon, hindi niya ba nabanggit sa'yo?"

"A-ah, nasabi po. Akala ko kasi...nakauwi na," pagdadahilan ko. Tumango-tango naman si tita habang nakakunot ang noo.

"Nako, mamayang gabi pa uwian no'n. Pasok ka muna, I'll prepare you a dinner. Nais ko rin makapag-usap-usap tayo kahit papaano," aniya. Lumawak naman ang ngiti ko sa kaniyang nais.

Maybe, maiisingit ko sa k'wentuhan namin ang nais ni mommy. Baka kasi may alam din si tita. I hope she has.

Alam ko naman na mamaya pa ang uwian niya, sad'yang may iba lang akong pakay kung bakit ako naparito. I need to know something.

"S-sige p-po," pagsang-ayon ko.

Papasok na sana kami pareho nang may biglang umagaw sa aking atensyon. By noticing it, it made my heart skip a beat. Iyong tibok na intense, hindi ko maunawaan.

I looked at her seriously and studied every detail of what I saw. Sana mali ang hinala ko.

"Sandali lang po," pigil ko sa plano niyang lakad. Nagtaas naman ang kilay nito sabay lingon ulit sa akin. Kinagat ko nang mariin ang labi ko dahil sa panggigilin na bigla ko na lamang naramdaman. Sa tingin ko, dudugo na ito kung hindi ko titigal an aking ginawa. Lumunok muna ako nang ilang uliy bago nagtanong muli. "I like the shades of your lipstick, Tita. Bago ba 'yan?" I casually asked, still looking at her lips.

Hindi ko maiwasang hindi ito maikompara sa lipstick stain na nakita ko sa shirt ni dad, magkapareho talaga ito ng kulay. May parte naman sa akin ang nagsabi na baka masyado lang akong nag-o-overthink. Pero hindi ko naman maiwasang ikonekta ito sa sinabi sa 'kin ni mom kanina.

She wants me to break up with Noel; it's not because we are the problem, but they are. Ibig ba sabihin...no! Hindi, mali ang iniisip ko.

Dad is not having an affair with my boyfriend's mom. Maybe I'm too stressed during these days, kaya kung anu-ano na alang ang sumasagi sa isipan ko. Pero, paano kung totoo nga? God, please. Huwag naman sana.

Napahawak si tita sa kaniyang labi saglit gawa ng aking tanong. Binasa niya naman ito bago ako tinugon.

"Ah, ito ba? Yeah, gusto ko nga eh kasi dark siya. Hindi naman siya bago, matagal-tagal na ito. Ginagamit ko, para maakit lalo ang investors namin na bumili sa product na ito," mahaba niyang pagpapaintindi sa akin. I bit my lips upon hearing it. Siguro, nag-iisip lang talaga ako masyado.

Ang sabi niya, negosyo nila ito. So there are many buyers out there who're using that product; maybe dad's mistress will also be using it?

"N-negosyo niyo pala iyan?" my voice cracked. She nodded. 

"Yeah. Isa ito sa ino-offer ng kompanya namin. Why not try to visit our company and buy some products there?"

"Sure! Next time po." Napaisip tuloy akong itanong ang tanong na kanina ko pa gustong sabihin sa kaniya. "Si mom ba, bumili rin ng products niyo na 'yan?" She was shocked by what I suddenly asked. Nakita ko rin ang medyo pag-awang ng kaniyang bibig na dulot ng pagkagulat.

I waited for seconds before she broke the silence between us. Nakitaan ko naman ng pagkaiba ng reaksyon ang kaniyang mukha it looks like, wala siyang alam kung ano ang tamang itutugon niya sa akin. Paano kung tama nga ang instinct ko? What should I do?

I was about to rephrase the question, but I wasn't able to do the part when she spoke up, which made my jaw drop.

"No. You know your mom is not fond of wearing something dark, but your dad loves this shade," she proudly said, smiling wider.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top