Kabanata 2

Kabanata 2

THE romantic place of the restaurant doesn't help my emotions to be settled. Before I always dreamed of being with this place with my family, but realizing that Noel's with us... that dream became worse.

Ayos naman sa akin na mag-di-dinner kami tonight, pero iyong kasama siya? Iyon ang hindi okay, hindi kahit kailan.

Alam kong sa oras na magbukas ng topic ang parents ko about me, he will partake and it will hurt my feelings again, always.

I sighed when I heard my friend's speech but my attention was focused on the people who's entering the restaurant.

"So you're with him right now?" ulit na tanong sa'kin ni Jedah sa kabilang linya.

"Oo nga, ang kulit," napilitan kong tugon.

"Eh, bakit nasa labas ka pa? 'Di ba, dapat nasa loob ka para naman ano–" I cut off Monique's explanation nang makisali siya sa usapan.

"Ayaw ko siyang makasama. Saka hindi pa naman sila kumakain, nagdadaldalan lang ang mga 'yon habang naghihintay sa foods,"  inis ko lalong sabi. Tama naman kasi, nagdadaldalan pa naman sila roon, and I don't want to mingle with them... with him. Natigilan naman ako sa aking iniisip nang may naalala akong itanong sa dalawa. "Teka nga lang, nasaan ba kayong dalawa?"

"Ahm, niyaya kami ni Samboy sa house nila. You know, escaping from reality muna." si Jedah.

I wanted to scream from what I have heard. So gumagala sila na wala ako? For real?!

"Tapos hindi niyo ko sinama o inimbitahan man lang? Grabi kayo sa'kin," nagtatampo kong wika.

This is not a first time na hindi nila ako sinama. Ayos naman sa akin na gumala sila na sila lang. Pero for now kasi, sana nasabihan ako ng mga ito nang sa gano'n ay may maidadahilan ako kina dad na hindi ko muna sila sasamahan sa dinner na ito. I dunno, pero gustong-gusto ko talaga munang makatakas kay Noel ngayon.

You know the feeling na... wala naman ginagawa iyong tao pero naiinis ka na sa presensya at pangalan niya? Iyon bang, hindi mo mapigilan ang sarili mong i-hate siya kasi mayroong nagtutulak sa'yo na deserve niya ang kamuhian.

I hope the past isn't the reason why I felt it.

"Kaya nga kami tumawag para imbetahan ka sana kaso agad mong sinabi na may dinner kayo kaya hindi na lang kami nag-aya–"

"I'll hang u-up. Call you later. Enjoy," putol kong sabi sa kaibigan nang makita ko si Noel papalapit sa akin. 

Dali-dali kong pinatay ang tawag saka tinago ang cellphone ko sa aking sling gucci bag. Tumayo ako nang maayos at inayos ang dress kong kulay mocha saka umastang walang nangyari. Inilibot ko ang aking paningin sa grupo ng mga lalaki sa aking harapan na kakarating lang, at umastang nasa kanila ang atensyon ko.

I heard Noel's foot step towards my direction, kinakabahan na ako kahit gano'n pa lang. Seconds after he stopped beside me. Tulad ko, nasa mga tinitingnan ko rin ang kaniyang atensyon.

Napaigtad naman ako bigla nang agad siyang nagsalita. "I guess you're here to have dinner with your parents, not to roam around and look for boys," aniya na ikinalingon ko sa kaniya. Uminit naman agad ang ulo ko nang makita ko kung paano niya ako akmang tatawanan sa sinabi niyang iyon.

"So what? Ano'ng gagawin ko ro'n? Makipag-tsismisan sa inyo habang wala pa ang foods? At teka nga, sino naman nagsabi na nagbo-boy haunting ako rito? Can't you see, I'm calling my friends," I replied using my pissed voice. 

"Tsk. Doon ka naman magaling, right? You still have that talent, ha? Defending yourself kahit bisto ka na." I rolled my eyes at him and smirked. Pero hindi ko maiwasang mapahanga sa kaniyang suot.

He's wearing a plain white polo shirt na pinaresan niya ng isang gray jeans na katerno rin ng suot niyang sneakers. Nasilayan ko naman ang kinang ng earing niya sa left ear nito. He still have that pala.

Napaangat ako ng tingin para tugunin siya sa malamig na paraan. "Sabagay, iyan naman ang tingin mo sa akin since then. Kaya wala nang point to prove it na mali ka," natatawa kong sabi na ikinabuka ng bibig niya.

"Carolina–" He wasn't able to finish his words when I turned my back to him. 

I'm done wasting my time proving what's the truth among the lies. I'm so done with it.

Agad akong nakabalik sa pwesto nila ni mommy sa restaurant. We are here at Sip and Drink, na isa sa sikat na restaurant dito sa Cagayan De Oro, City. Ito talaga ang pangarap kong kainan namin ng parents ko noon kasi marami akong nakikitang post ng mga friends at kaklase ko na rito sila nagpupunta. Ang romantic at ang ganda raw ng ambiance ng place. Well, totally true. Maganda nga naman talaga, kaso may unggoy lang kaming kasama na nagpapangit nito.

I came back to reality nang marinig ko ang pangaral ng aking ina.

"Farrah, you're at the front of the food. Please stop putting makeup on your face. Show some respect," she commanded. Padabog kong hininto ang aking ginawa.

Swear, nabuburyo na talaga ako. Kakalapag pa lang ng mga pagkain kaya hindi ko napansin kasi busy ako sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Tinapos ko munang lagyan ng lipstick na eliyah shades ang lips ko na bagay naman sa akin. I always used this one kapag ganitong okasyon kasi hindi siya madaling matanggal. I bit my lips like a maldita, napatigil naman ako nang mapansin ko ang isang matulis na matang nakatingin sa akin.

I swallowed hard when I caught that grey eyes looking at me intensely. Kanina niya pa ba ako tinitingnan? I avoided his look kasi naiilang ako.

"Alright!" sabi ko bigla at walang choice kundi itago ang mga iyon sa bag ko.

Inayos ko ang sarili ko nang mailagay ko na nang tama ang mga kalorete ko. I putted the napkin on my lap and drink some water kasi feeling ko nanunuyo ang aking lalamunan.

Nang matapos kong uminon, naagaw ng sopas na mainit pa ang aking atensyon. I was about to taste the soap in my front when my mom spoke again.

"How's your studies? Are you having good grades? Or your party life ruins it na?" kaswal na tanong ni mommy.

"Seriously, Mom? Pinatigil mo ako sa pagme-makeup kanina kasi nasa harap tayo ng pagkain tapos we'll be going to talk about my studies here?" hindi ko mapigilang tugon. 

F*ck, I hate this attitude. Ayaw ko talaga sa ugali kong ito. Iyon bang kapag may tanong na nakatapak ng ego ko ay nais ko ring sagutin na nakatapak ng ego nila. Tila ba, ayaw ko ring magpatalo.

"Respect, Carolina," suhestiyon ni Noel na aking ikinatahimik. Pero bakit kapag siya, napipi at nabubulol ako?

Natahimik kami nang masabi ni Noel iyon, ilang minuto rin ang lumipas. Miski ako ay hindi ko alam kung paano iingay ulit ang mga kasama ko. 

I started to eat my soap, napadaing naman ako nang mapaso ang aking dila. Sh*t, mainit nga. Bakit hindi ko man lang naisip iyon? I was about to cry dahil sa sobrang sakit ng paso when I glanced at Noel's direction. Nahinto ang pagdaing ko dahil nakatingin pala siya sa akin, malamig na tingin. Pakiramdam ko ay nanonood lang siya sa bawat kilos ko, kaya naging hindi ako komportable ngayon.

"Ikaw ba, Noel, are you here for good na ba?" basag ni dad sa katahimikan naming lahat. He's not wearing his uniform, kaya hindi halata na police siya. Tila ba, nagmumukha siyang business man sa suot niya ngayon. Simple pero elegante.

My parents are both casual. I mean... kapag may lakad pamilya kami tapos iba ang suot at akto nila sa kanilang mga propesyong nakuha ay tila hindi ko sila kilala. Hindi kasi ako sanay. Looking at my mom wearing simple white dress makes me think na ang layo niya sa gurong kilala ko sa school, but she's still look strict. Hindi naman magbabago iyon.

"Yes po, Tito. Dito ko na rin tatapusin ang kolehiyo ko," tugon ni Noel. I'm just listening to their conversation while I busy myself eating the foods that my parents ordered.

"What's your course again?"

"I took up business po."

"Good choice," puno nang tuwa at hangang komento ni dad. I wished he'll also like that to me.

"Actually, I wanted to be an engineer but mom wants me to pursue business kasi ako rin ang magha-handle ng negosyo namin after my studies. But I will still get that one in the future if God allows me to have it," paliwanag niya. 

He's still into that course pala. I thought he will give up on it kasi wala nang chance. Sabagay, wala na naman akong update sa buhay niya. But I'm happy that he still praying for that to happen. I hope it will, in perfect time.

"Sarrah must be lucky to have you as his son, Noel," sambat ni mom sa usapan. Alam ko na naman kung saan 'to tutungo.

"No, Tita Raquel, I am."

"I hope you will be a responsible one like Noel, Farrah," mahina niyang sabi. See? I knew it.

"'Mmy," tipid kong tugon.

Napahawak ako sa napkin na nasa hita ko, saka tiningnan siya. She's looking at me too, smiling.

"I will allow you to go clubbing and enjoy your last teenage year. I have realized na masyado naman talaga kitang hinigpitan kaya ka nagrerebelde sa amin ng dad mo, but... promise me one thing." My lips parted. I must be happy that finally I pleased my mom, but hearing her next speech makes me worried. She looked at me straight and got a chance to hold my hands. "You'll finish your course and you'll become a great teacher like me," dagdag niya pa na ikinatahimik ko nang tuluyan. Inagaw ko ang kamay kong hawak niya, saka napayuko. I know Noel's attention is still on me, pero hindi na ako nag-angat pa ng tingin.

"So, Noel, hindi ka ba nasasayangan sa buhay mo sa Europe? I mean... bakit ka pa bumalik? Do you missed someone ba in the past or what?" tanong ulit ni dad sa binata.

Nakikinig lang ako sa mga ito habang uminom ng tubig. I don't have an energy to talk anymore. If tita Sarah is too lucky to have this guy in front of me, I am also... before.

"Right, I remember that you left someone pala before. Naikwento 'yan sa amin ni Sarah sa'min ng tito Fausto mo. Do you still love her? Or do you want her back kaya ka bumalik, mm?" mahabang wika ni mommy na nagpaangat sa'kin ng tingin.

I accidentally glanced at Noel. Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko nang mapagtanto kong pareho kaming nakatingin sa isa't-isa. He's looking at me like an ice. He chuckled a bit without avoiding his look on me and answered my mom's question.

"Actually, Tita, I came back to prove to that someone that leaving her... is worth it," he said, looking at me to prove that it is really worth it.

Napakapit ako nang mariin sa hawak kong napkin. I wanted to get rid of this place but I can't because I don't want to make a scene. 

"FASTEN your seatbelt so we can go," utos niya sa akin nang makapasok ako sa kaniyang kotse. Ginawa ko naman agad ang maglagay ng seatbelt para makauwi na kami at makapagpahinga na ako. I feel that this is a long day for me. Ang tagal matapos ng araw na ito. Feeling ko, kalahating araw ko silang kasama sa dinner kanina.

When the clock hits at 9, my parents decided for us to part ways at mauwi na kasi marami rin silang need gawin. My mom's with dad, sa pod siya ni dad matutulog sincs rest day niya ngayon. Need din nila ng time together. While me, nasanay na ako sa ganitong araw na mga maids lang ang kasama ko sa bahay every night. 

All I am thinking right now is I badly wanted na humabol sa bahay nila Samboy ngayon, pero late na rin at pagod ako. I need some rest, I guess.

Napaayos ako nang upo sa front seat niya when I felt he started the engine. Tahimik lang ako kasi wala akong gana na magsalita pa. Ang daming nangyari ngayon, feeling ko ang dami ko ring need kalimutan bigla. 

Wala siyang pasabing pinaandar ang kaniyang kotse. Napatingin ako sa kaniya, hindi ko maiwasan. He just seriously driving, para bang wala rin siya sa mood makipag-usap. I was about to take a nap when his right hand gets my attention.

Nararamdaman niya siguro ang titig ko roon, kaya napatingin din siya sa akin. Pero sinisiguro niyang focus pa rin siya sa daan. Nang mapagtanto niya kung ano ang tinitingnan ko ay dumako rin ang tingin niya rito. I saw how he smirked and his adam's apple moves.

"That was before, years ago," bigla niyang sabi. Alam kong iyon ang tinutukoy niya. He really knows how to made me mad and hate him more.

Hindi ako kumibo. Iniwas ko ang tingin sa kamay niyang iyon. Bakit ngayon ko lang napansin 'yon? So, he have that in a long time? Or after?

Maliit lang naman iyon, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaisip kung bakit niya ito ginawa. Lalo na't naisip kong baka ako ang dahilan kung bakit niya naisipang lagyan ang kamay niya ng gano'n.

I focused my attention on the road, mabuti na lang at hindi traffic kaya makakauwi ako nang maaga. I tried to busy my mind on something but still, nasa nakita ko pa rin ang aking atensyon.

"You hate tattoos, right?" basag niya sa katahimikang namamayani sa aming dalawa. Hindi ako kumibo, ni hindi ko siya binalingan ng tingin. Narinig kong napatawa siya kahit na mahina.

"The reason why I engraved your name on it is for you to know that, if you hate me for having this..." he paused, which made me look at him. Seryoso siya, pero sa daan pa rin ang tingin. "I hate the owner of this name too for having her once in my life," he added while glancing at me, which made my heart tumble.

He hates the owner of the name... He engraved Carolina on it—the Tagalog word for my name, Caroline. So it means... he hated having me way back then.

Out of nowhere, as my heart aches, my tears drop, and it stops him from driving.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top