Kabanata 18
Kabanata 18
It was 11 in the morning when I decided to find my dress in the laundromat because I think I left Noel's mom's number on it. Isinulat kasi ni tita Sarah iyon sa isang kapirasong papel at during that time, inilagay ko iyon sa bulsa ng dress ko. While searching, something caught my eye that made me stop. Napatingin ako sa damit na iyon at hindi nagdalawang-isip na damputin ito.
It was a white cotton t-shirt that my dad usually wore inside his police uniform. Alam kong kay daddy ito dahil siya lang naman ang nagdadamit panlalake sa amin. I saw a lipstick stain on it, and I know that's not my mom's lip stain.
Alam ko ang shade ng lipstick na ginagamit ng mom ko, it's all neutral and like dark, like what I've seen right now. May kakaibang kaba naman ang naramdaman ko sa aking dibdib.
Is my dad having an affair?
Nilingon ko si mamang na busy sa kakalaba ng mga damit namin para makasiguro. I just don't want to judge my dad easily because of this. Pero paano kung tama nga ang hinala ko?
"Manang, kay dad ba 'to?" kaswal kong tanong. I managed to keep my voice from cracking.
Binalingan naman ako ni manang Eva nang pansin at itinigil muna ang kaniyang paglalaba.
"Yes, Ma'am. Isa 'yan sa pinapalabhan niya sa 'kin. Bakit po?" tanong niya pabalik.
"Ah, w-wala. Akala ko kasi kanino," bulol kong tugon. Tango lamang ang kaniyang ganti sa aking sinabi.
Since I saw that stain, ang duda ko kay daddy ay nagsimula na. Sa trabaho lang ba siya busy? Or, may pinagkaabalahan siyang ibang bagay bukod dito?
Napabalik ako sa realidad nang may biglang nagsalita sa aking gilid.
"Nagdududa ka pa rin ba kay tito? Girl, last year pa ang issue na 'yan, baka wala naman talagang ginagawang mali ang ama mo," ani ni Monique matapos kong maik'wento sa kaniyang ulit ang pinaghuhugutan ko ng pagdududa kay dad noon.
Napasinghap ako dahil sa paliwanag niyang iyon. Nasa kalagitnaan kami ng daan ngayon papunta sa unibersidad. Nagpasundo kasi ako sa kaniya dahil tinatamad akong magmaneho ngayon. Sakto naman na madadaanan niya lang ang bahay namin kaya sinundo niya na ako.
Bumagal ang pagmamaneho niya dahil nakikinig siya sa bawat nais kong ik'wento rito.
"Hindi naman sa gano'n, Monique. Pero dahil kagabi, parang may kung ano sa akin ang alamin ang nadiskubrihan ko before. Paano kung totoo nga ang hinala ko?" I uttered using my calm voice. She let out a deep breath and gazed at me for a second.
"Your parents are on good terms naman. Ni minsan, hindi sila nag-away tungkol sa babae. Baka nagkataon lang na nakita mo si tito ro'n kagabi dahil kakalipat niya lang doon," aniya. Nasa daan na nakapokus ang kaniyang atensyon. "Farrah, relax. Hindi porke't hindi pinaalam ni tito sa'yo ang bago niyang assign area ay may tinatago na siya. He's just protecting you, okay?" dagdag niya pang pagpaintindi sa akin. Nagkibit balikat muna ako bago nagsalitang muli.
"I don't know anymore, Monique. Naguguluhan na rin ako," I said. Simula nang masabi ko iyon ay binalot na nang katahimikan ang buong byahe namin.
Maybe she's right, but my instinct said that I should believe my suspicion.
"Your final demo will be this coming April 14, 2020," striktang paalala sa amin ni Miss Villegas na instructor namin sa Gender and Society na subject. Napalunok naman ako sa narinig. "Ilang linggo rin ang binigay ko sa inyo para makapaghanda, kaya mag-e-expect ako nang subra-sobra sa inyong pagpapakitang-turo," patuloy niya pa.
Nilingon ko si Jeddah at Monique na ngayon ay parehas na ring napatingin sa akin. Alam ko ang mga titig nila, iyon bang nagsasabing mala-standard na naman ang tono ng aming guro. I avoided their looks and listened again.
Magsasalita na sana ulit si Miss, kaso naunahan siya ng kaklase ko. "Miss, hindi ba p'wedeng i-resched or tumawad ng isa pang linggo?" nahihiya nitong tanong.
I felt the nervousness in her voice while she was asking that question. Pero ang tanong niyang iyon ay nais ko ring itanong sa guro namin. Yes, she gave us enough time to prepare. Pero paano ang mga sarili namin, eh, hindi pa kami gaano ka handa. Nasanay na kaming mag-demonstration since first year college, pero nando'n pa rin ang nerbyos na baka mabigo na naman at hindi namin magagawa ang best namin.
"Why, Miss Mamaran? Are you not ready, ba?" she asked back, raising her brows strictly.
Miss Villegas is a strict teacher inside these four corners, pero sa labas ay mabait siya. She has a fearsome look because of his aura. A thin brow, always wearing red lipstick, and a dense style of makeup. And she always wears 3 inches of high heels and is fond of wearing black dresses or clothes. Talagang nakakatakot at terror tingnan.
"Hindi naman sa gano'n, Miss. Sa akin lang kasi baka kukulangin ako sa oras—" Miss Mamaran couldn't finish her words when our instructor cut her off.
"You are a future educator, don't give me that useless reason. The date is final. No buts, just do your part. Class dismiss." malamig niyang sabi saka kami tinalikuran. Laglag panga naman akong sinundan ang lakad nito palabas sa aming silid.
Sabay naman kaming tatlong naglabas ng isang malalim na buntong-hininga. We're dead. Hell week is coming because third-year college is the hell level for all education students. Sabi nga nila, sa ikatlong baitang ng kolehiyo ka raw mauubusan ng hindi lang pera, pati dugo, at mamumutla ka sa kakulangan ng tulog kasama ang pagod. Buti na lang nakapag-alaxan FR ako.
Bumaling ako ng atensyon sa kaklase kong nagtanong kanina. Hindi naman nakaiwas sa akin ang mukha niyang sobrang pagod at tila walang kain.
"It's okay. Kaya 'yan," pagpapalakas loob na sabi ng mga kaibigan niya sa kaniya. Ngumiti naman ito nang mapait sa barkada.
Bigla naman akong nakaramdam ng pag-aalala. Hindi ko pa masyadong ramdam ang pagod ngayon kasi kakasimula pa lang ng midterm ng second semester namin. Paano kung madama ko na iyon, kakayanin ko rin kaya?
Kinabukasan, gabi ulit kaming na-dismiss sa subject namin. Tulad ng mga kaklase ko, ramdam ko na ang pagod nila. Ang daming gawain, ang daming ipinapaggawa. Feeling ko, lalagnatin ako sa rami ng need kong asikasuhin ngayon gabi para bukas. Biglaan kasing nagsabi ang guro namin sa Dulaang Filipino na magkakaroon kami ng on-the-spot reporting bukas, kaya need naming maghanda.
"Sure ka bang hindi ka sasabay sa amin, dear? Baka matatagalan na naman si Noel," paniguradong tanong sa akin ni Sammuel.
Insakto kasing gabi rin ang out nila ngayon, kaya nakasabay siya sa amin. Kahit naman maaga ang labasan nila ay hihintayin niya pa rin kami. Lalo na't kaklase namin ang kasintahan niyang si Jeddah.
"Oo, darating naman daw siya. May dinaanan lang daw siya ulit," I replied, smiling.
Every time I heard Noel's name, pakiramdam ko nagpapahinga ako. He's become my rest, especially in this kind of situation. Namiss ko tuloy 'yon. Wala kasi siyang pasok every Wednesday, kaya sinusundo niya ako.
Huminto kamong lahat nang marating na namin kung saan nakaparada ang Toyota na sasakyan ni Sammuel sa parking lot. Kumilos naman agad si Sammuel patungo sa kaniyang sasakyan habang ang dalawa kong barkada ay nanatili kasama ko.
"Sige, basta mag-iingat ka, ha?" malambing na bilin sa akin ni Jeddah. Tango lang ang tunugon ko. "Goodnight," she added, and she kissed me on my checks. Tinugon ko rin ang mabilisan niyang yakap.
Lumapit na rin sa akin si Monique para magbeso at yakapin ako. "Goodnight, girl. Take care, okay?"
"Opo," walang buhay kong tugon. Napatawa naman ako nang bahagya sa mga itsura nila. "Oh, sige na. Para kamong sira." Inirapan ko ang mga ito.
Sakto namang umandar na ang sasakyan ni Sammuel na handa nang makaalis. He opened the window in the driver's seat to see me.
"Hatid ka na namin, sabihin mo na lang kay Noel na huwag ka na lang sunduin," suyo niya. Ngumiti ako nang tipid sa bunata.
"Ayos lang nga. Just go, guys. Ingat kayo," medyo may inis na sabi ko. Sammuel shugged while the girls just nodded and bid their goodbyes.
Nakaramdam naman ako ng lungkot nang hindi na mahagilap ng aking mata ang sasakyan nila. Nasaan na kaya si Noel? Bakit wala pa rin siya?
Ihinakbang ko ang aking mga paa, sa bench ulit ako maghihintay dahil doon ko naman siya laging inaabangan.
I look up at the sky while walking. I smiled bitterly when I saw the stars twinkling in my eyes. Noel was like a star before: ang hirap niyang abutin. Pero ngayon, hawak kamay ko na siya.
I stopped when I heard the thunder. Nagulat naman ako. Napatingin ako sa langit na ngayon ay unti-unti ng nawawalan ng mga bituin at nababalot na rin ng itim na ulap ang buwan. Tila ito'y nakikiayon sa aking nararamdaman.
I made a step again, pero mas lalong lumakas ang kulob na may kasamang kidlat na siyang ikinatakot ko dahilang ng mapaluhod ako sa lupa. I have been afraid of lighting since I was a kid, kaya ganito na lamang ang reaksyon ko.
I get a chance to gaze at my cell phone. Doon ko napagtanto na ilang minuto na lang ay mag-a-alas onse na ng gabi. Ni isang text or missed call mula sa aking kasintahan ay wala. I closed my eyes and thought of Noel: nasaan ba kasi siya. Dapat by exactly 10 ay nandito na ang lalaking iyon, pero anong oras na ay wala pa rin.
Nakalimutan niya ba ako, o may lakad na naman siya? Dumadalas na ito, ah.
I tried to stand up to continue walking, but the lighting surprised me again. Kaya napasigaw ako nang malakas.
"Oh, God, help me!" I screamed. Later on, ay may ilaw naman ang agad na tumama sa aking mata.
The car's light is familiar, but I know...it's not Noel.
Ilang saglit pa ay huminto ito sa tapat ko at inilabas ang aking butihing kaibigan.
"Ano, Carolina? Sasabay ka sa amin o sasabay ka sa amin?" pag-aalala niyang tanong nang makalabas siya sa sasakyan niya. Sunod ko naman nakita si Monique at Jeddah na ngayon ay nag-aalala rin tumingin sa akin habang nakatayo sa may 'di kalayuan.
Sammuel walked closer in my direction and helped me stand, but I hugged him tightly because of what he did. I'm now safe because they are here—my friends are all here.
"Samboy," I cried. Hindi ko alam, pero naiyak ako dahil sa ginawa nila. Binalikan nila ako, ibig sabihin ramdam nila na hindi ako maayos. At hindi ako masusundo ni Noel ngayon.
"Shh. Baka busy lang o may emergency," pagpaintindi sa'kin ni Sammuel. I nodded to agree. "Let's go?" yaya niya at maingat akong inalalayan papasok sa kaniyang kotse. "Monique, pakibukas ang pinto sa backseat," utos niya sa dalaga. Dali-dali naming sinunod ni Monique ang utos ng kaibigan.
I hope Noel will give me a good reason why he can't fetch me today. I'm willing to listen, and I hope he won't lie to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top