Kabanata 11

Kabanata 11


I never imagined that I would hear those questions from him—not even once. Hindi ko rin naisip minsan na mangyayari ang araw na ito. All I thought... ang kami ni Noel ay magiging hamak na alaala na lamang sa mga susunod pang bukas.

But reflecting on our situation right now, him hugging me tightly reminds me of how he begged for me to be his girl before. Pero ngayon, iba na ang pinakiusap niya. Nakikiusap siyang bumalik kami sa rati.

It gave me a different level of serotonin when he kissed my earlobe. Ibang sensasyon naman ang dulot ng halik niyang iyon sa sistema ko.

"Can you face me? Please, mm?" he asked. Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin, saka siya dahan-dahang nilingon.

He looked straight into my eyes as I faced him confidently. I saw how he bit his lips and swallowed. As he finished clearing his throat to talk, he slowly laid his palms on my face and rubbed it gently.

"I know I am a dick for not believing and listening to your explanation before," he explained calmly. I avoided his look, trying to calm myself a little. His hands give me a different sensation, and I hate it because it really reminds me of us in our past. "Siguro nadala lang ako sa emosyon ko," dagdag niya pa.

Sa halip na magpaakit ako sa kaniyang mga salita ay nagawa ko siyang tanungin. "Did you know what's more hurting my feelings?" 

"What? Tell me, baby, I wanted to know," masigla niyang tugon na may lungkot na namumuo sa kaniyang mga mata. His gray eyes started to water again. He really changed; he became an onion man, dahil mabilis lang siyang maging emosyonal.

"Iyong kahit sa walang silbi mong paliwanag nakaya kitang paglaanan ng oras para pakinggan. Pero iyong akin na napakaimportante... kahit segundo'y hindi mo nagawa," mahaba kong tugon. Unti-unti humiwalay ang palad niya sa mukha ko. Mas lalo namang nanunibig ang isa niyang mata gawa ng aking sinabi.

"C-carolina," mahina niyang tawag sa'kin.

"I'm glad that you know the truth now. But what if I told you that even though you already know it, I don't even have a little idea to give you a chance to have me again, mm?"

Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan nang maitanong ko iyon sa kaniya. He massaged his temple. Umigting na rin ang kaniyang panga habang nakatingin pa rin sa akin.

"Did I cause you so much pain that you can't accept me again as your lover?"  he asked weakly. I nodded, and that's what made him clench his fist. "F*ck!" he cursed. Nagawa niyang sipain ang pader na nasa harap niya.

Nagulat ako sa pagsipa niyang iyon. Hindi ko na rin alam kung paano siya pakalmahin dahil tila nagiging mainit na ang tagpo naming dalawa. I opened my mouth to speak, pero napatakip ako sa aking bibig nang mapagtanto kong nagsilabasan na ang aking mga luha.

I was hurt by him way back then—not physically but emotionally. He says things that I can't accept. He left and abandoned me like trash. I asked him many times to hear me out, but he chose to stay away and reject me. And here he is now asking if I will give him a chance to enter my life again. For what?  for putting me in despair and making me suffer?

"Ang sakit, Noel. M-masakit," hagulgol kong wika. Nilapitan niya ako. He reached for my hands, but I didn't let him win. "I never thought na sa lahat ng tao, ikaw pa na boyfriend ko ang hindi ako pinaniniwalaan. Akala ko ba pakikinggan mo ako? Pero bakit mo 'ko piniling iniwan sa araw na mas kailangan ko ang pananatili mo?" I asked him while crying. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya nang sa gano'n ay masaksihan niya kung gaano niya talaga ako nasaktan.

Ito ang mahirap sa ating mga babae eh. Kasi kapag tayo nagkasala kahit isang beses o hindi man sadya, iisipin ang ng mga lalaki ang bumitaw, mang-iwan at hindi tayo pakikinggan. Pero kapag sila, kahit paulit-ulit na tayong sinasaktan at patuloy na nasasakyan... nanaisin pa rin natin silang pakinggan at patawarin. Bakit ang unfair? Bakit gano'n ang pag-big?

"I'm willing to surrender myself... but only to you—not to anyone! And especially not to the man whom I once met on the bar on that day. Gano'n na ba ka baba ang tingin mo sa akin at naisip mong may nangyari sa amin ng lalaking iyon?" singhal ko sa kaniya na ikinailing niya. He gave his best to reach my hands or hug me, pero hindi ko siya hinayaan.

"I'm s-so s-sorry, Love. I hate myself for making it hard for you. Please forgive me," pagmamakaawa niya pa. I wiped my tears using my own hands and smiled forcefully.

"Sana bago mo 'ko tanungin kung pwede ba kitang balikan ay naisip mo man lang itanong sa'kin kung napapatawad na ba kita, Noel."

Sa puntong 'to ay nagwagi siya. He did hold my hands and put it on his. "How can you forgive me? I will do everything para mapatawad mo lang ako."

"Give me space..." diretsahan kong sagot. His eyes widen as his mouth opens in shock.

"Farrah?"

"I want space, Noel. Ayaw ko munang makita o makausap ka...kahit isang buwan lamang." Hindi ko siya tinignan pa. Nasa likod niyang direksyon ang tingin ko. I can't afford to look at him while asking him to stop bothering me.

"L-love..." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. I really wanted to scream when he called me that. But not now, please, just not now.

Before my heart and feelings will betray me, I find an excuse to escape his captivated look and get hooked by his poetic words.

"I think you're sober now. I'll go ahead," walang emosyon kong paalam saka siya nilampasan sa kaniyang kinatatayuan.

"Farrah–"  Naisara ko na ang pinto ng kaniyang unit bago niya pa matapos ang nais niyang sabihin sa akin. 

This is just permanent. I didn't mean to hurt his feelings or break his heart. Kailangan ko lang na lumayo muna siya sa akin para makapagpokus ako sa lesson planning at on-going demos ko.

Maybe this is a new start. But not now... In another life, perhaps? Or it depends on how Cupid hits us with his arrow so we will be again for each other.

It was late in the morning when manang Maricel knocked on my room's door. Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto, baka she has an important thing to ask for or to get in my room.

Pagkabukas ko ay ang nakangiti niyang mukha ang siyang sumalubong sa'kin. Magkasing tangkad lang kami, kaya hindi ako masyadong nahirapan para tingnan siya. Ngunit hindi nakaiwas sa mga mata ko ang hawak-hawak niyang bouquet ng bulaklak.

"Ma'am Carolina, may nagpapadala po," aniya. Nagkasalubong naman ang aking mga kilay sa pagtataka. 

"Saan daw 'to galing?" She shrugged. Para bang wala rin siyang ideya kagaya ko.

Who on earth is sending me these flowers during this time? Gosh, weird. Pero may kung ano naman sa isip ko ang nagsasabi na kilala ko kung sino ang nagpadala lalo na't nakita ko ang klase ng bulaklak.

"Ewan ko po. Napag-utusan lang ako ng delivery rider na iabot daw iyan sa inyo," she replied. I just nodded and gets the flower.

"Okay. Thanks," pasalamat ko, saka isinara ang pinto dahil umalis na rin siya.

Inamoy ko muna ang bulaklak nang mahawakan ko ito. I used to do this every time I accepted flowers. Hindi naman mailarawan ang kasiyahan ng puso ko nang mapagtanto kong tulips na kulay yellow ito. Yellow tulips mean happiness, cheerfulness, and hope. 

So, those are the reasons why someone gave me this one. But what is the real reason for giving me this one among the three?

Habang tinitingnan ko ito ay may nahagilap akong isang card na naglalaman ng mensahe. Agad ko naman itong kinuha para basahin. Iyon pa lang, alam ko na kung saan talaga ito nanggaling at ano ang kahulugan ng pagpapadala niya nito.


If you want space, then I'll give it to you. But it doesn't mean that I'll lose hope. I bought seeds of that flower fresh from Amsterdam. I plant it in my yard just to give it to you every day. God bless on your demo. I'll see you after a month. 

Sending love and kisses,
Your Noel



I bit my lip after reading his letter. So yellow means hope. He's hoping...  and I am too.

It is my first time receiving tulips from him again since we broke up. Dumiretso naman ako agad sa table ko, saka inilagay sa bakante kong base para idisplay ito roon.

Sa totoo lang, this present makes my heart happy. Really am.

"Kitain mo na kasi ang pinsan ko, Monique. Hindi ka naman kakainin no'n," pangungulit ni Samboy sa kaibigan na babae.

We are here on the rooftop, nang mapagkasunduan naming magpahangin muna rito. While gazing at the students who's busy doing their different stuff from here, mas busy naman si Samboy sa kakakulit kay Monique. Habang kami ni Jeddah ay tahimik lang na nakadungaw sa baba ng rooftop ng school namin.

"Bakit ba reto ka nang reto sa akin d'yan sa pinsan mo, ha? Kung gusto mo, kayo na lang," inis din na tugon ni Monique sa kaniya. 

Nakikinig lang ako sa dalawa at pilit ipinapasok sa utak ko ang pinag-uusapan nila. I don't even have a little clue about it. Kaya naisipan kong makialam sa kanila.

"Did I miss something here?" I asked as I turned my attention to the two.

"Eh, ito kasing si Samboy parang tanga. He wants me to meet Moses," walang ganang tugon sa'kin ni Monique.

"W-who? Who's Moses?"

"Pinsan niyang magsi-seaman," sambat din ni Jeddah sa usapan saka nilingon ang gawi ng dalawa. I was surprised to hear it from her.

"Oww!  Don't get in that trap, Monique. His course itself tells who he is," bilin ko sa kaibigan na ikinatawa naming tatlo ng sabay habang si Sammuel ay napanguso at nag-aalab na nakatingin sa'kin. 

Pantay kami ng kinatatayuan habang nakadungaw sa baba. Ang sequence ng pwesto namin ay ganito. Si Jeddah, ako, si Monique at si Sammuel na lumipat sa tabi niya para kulitin siya. 

"Ang judgemental niyo naman. Hindi ko pa naman kayo tinuruan na maging gan'yan," nadismaya niyang sabi. Napatigil naman kami sa aming pagtawa. Is he that serious? He glanced back at Monique before continuing to talk. "Saka, hindi ko naman irereto 'yon kay Monique kong babaero. Girls ko kayo, ayaw ko kayong madehado." 

Para namang nakonsensya si Monique sa narinig kaya nag-iba ang templa ng boses nitong inis na inis kanina.

"Ayaw ko kasi," mahinahon niyang sabi kay Samboy. Pero sa halip na makiayon sa kaniya ang kaibigan ay mas nagawa niya pang pasang-ayunin nang sapilitan si Monique.

"Nope. Tomorrow... exactly 7 p.m., kikitain mo siya. I'll text you the location after the class," utos niya rito sabay kindat na may kasamang ngiti sa labi.

Monique will be living in hell if he bites the trap of that so-called "seaman cousin" of Sammuel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top