Simula

||Playing: Friend Of Mine by Odette Quesada||


Simula

"Are you happy?" I was stoned for that question.

Hindi ko alam kung paano tugunin ang tanong na iyon. O, dapat ba talaga iyong tugunin.

I slowly glanced at him and faked a smile. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkayakap ko sa aking tuhod. Nang maramdaman ko ang tingin niya, umiwas ako at itinuon ang atensyon sa bonfire sa aming harapan.

"What do you think?" mahina kong tanong. He just shrugged. Napagiwi ako sa ginawa niyang hindi pagtugon. 

"Magkaibigan pa rin ba tayo, Sammuel?" mababa kong tanong

"Oo naman..." tugon niya, hindi pa rin makatingin sa akin.

I felt the hardness in his voice. I know him. I know he's lying.

"Bakit pakiramdam ko...hindi na?"

"Jeddah," aniya. 

"I...I'm s-sorry. I'm really, really sorry." My voice cracked. Bigla ko namang naramdaman ang pag-init ng gilid sa aking mga mata. "Sorry if I broke your heart," I added, crying.

"Ayos lang 'yon. Alam ko naman na no'ng una pa, hindi tayo p'wede talaga."

"I missed you," I confessed. Naawa naman ako sa sarili ko nang hindi niya iyon tuginin. When I glared at him, walang ni kunting emosyon sa kaniyang mukha. 

Natawa ako nang pilit, ang layo niya na sa akin. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha na ayaw magpaawat.

"Sorry, ang OA at ang drama ko. Buwan mo rin kasi akong iniwasan. Kung hindi pa nagyaya si Monique sa gala na ito, hindi mo ako kikibuan," pagdadahilan ko habang hindi nakatingin sa lalaki.

I heard him take a deep breath. "It's okay. Ayos lang 'yan," matigas niyang sabi.

I can't believe na iyon lang ang lumabas sa kaniyang bibig. Ano'ng nangyari sa madaldal kong kaibigan kapag ako ang kaharap? Did he lose himself while loving me?

Nang mapasok sa isip ko ang tanong na iyon, hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong hindi mapaiyak. Why am I so emotional? God! 

"Sana nga gano'n lang kadali, ano? Alam mo ba kung ano ang palaging sinasabi ni mama sa akin sa tuwing hinahanap ka niya?" Pilit kong inilabas ang aking ngiti. Napalingon siya sa akin sa puntong ito. "Sabi niya, 'Saan si Felicilda? Napagod na ba kaya hindi ka na hinahatid pauwi?' Siguro tama nga si mama, n-napagod ka na nga," balita ko. Naiyak pa rin ako nang masabi ko iyon.

Damn! I hate it! Ayaw kong umiiyak sa harapan niya.

"Tao rin ako, Jeddah, marunong mapagod at masaktan," he mumbled. Napalunok ako sa tugon niyang iyon.

I nodded and smirked. "Sana pala hindi mo na lang ako minahal. Sana, wala na lang ang tayo. Siguro, ayos pa tayo ngayon, ano?"

He leaned his hands on the sand. Sa likod niya ang kaniyang kamay nakap'westo habang nakatingala sa mga bituin sa langit. Para bang doon siya kumukuha ng lakas para maip'westo ang kaniyang sarili.

"Kailangan kong lumayo sa'yo para maka-move on at mag-heal, Jeddah. I'm doing this not for me but for us," pag-amin niya. Nakagat ko nang mariin ang aking labi nang marinig ko iyon.

"Kasama ba sa pag-heal mo ang layuan at tratuhin akong iba, Sammuel? Kasi kung oo, ang sakit mo pa lang mag-move on."

"I'm sorry..."

Napaiyak na naman ako. Bakit ba palagi siyang nag-so-sorry? Wala na ba siyang ibang alam na sasabihin para sa akin?

Kung alam ko lang na ganito ang aabutin ko sa relasyon naming iyon, sana hindi na lang kami sumubok. Sana hindi na lang.

"Hearing your voice now, I know ayaw mo na talaga akong kausapin. Napipilitan ka na lang. Energy doesn't lie, you know," I uttered.

"Jeddah..." he called. Napangisi lang ako.

"I'm not sorry for breaking our promises. Pinoprotektahan ko lang kung ano ang mayro'n tayo. Siguro ang naging kasalanan ko lang...ay minahal kita nang mas higit kaysa sa sarili ko," I cried.

He swallowed hard while looking at me. Bakit hindi ko man lang nakitang nasasaktan siya ngayon?

"Sorry," he apologized.

"If that's your way of moving on, then, okay. Pero pakiusap..." mapait kong sagot. "Kapag okay ka na at nagkataon na masaya na rin ako sa kamay ng iba, 'wag mo na akong lapitan at kausapin, ha? Kasi kahit kaibigan pa kita, ayaw ko na ulit ang mahalin ka nang mas higit pa, Felicilda."

Tiningala niya ako nang maisipan kong tumayo. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin while half of his mouth opened.

"J-Jeddah..." I let my tears drop in front of him. Nais ko lang ipakita sa kaniya na huling iyak ko na ito na siya ang dahilan.

"Puntahan ko muna sila," huli kong sabi sabay tayo para iwan siya.

I heard him cursing, but I didn't waste my time looking at him again. Wala na akong lakas para lingunin siya dahil pinagod na ako ng aking mga luha.

I know that loving my best friend means having a chance to lose him in the process. But in my case, I lost both. The friendship and the relationship that we tried to save...ngayo'y wala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top