Kabanata 9
Kabanata 9
"Umiyak ka ba magdamag?"
Pilit kong itago ang mga mata ko mula sa kanilang tingin. Nasa akin ang buong atensyon ng dalawa kong kaibigan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Paano ko ipapaliwanag. O, baka mas magandang hindi na lang muna ako magk'wento.
I don't know kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Wala akong ibang nagawa nang makahiga na ako sa kama kundi ang mag-alala at umiyak. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit sila nagtatanong.
Halos hindi na nga ako makatulog dahil sa kaiisip ng naging sagutan namin ni Sammuel. Buti na lang talaga wala akong trabaho, kaya ayos lang magpuyat. Orientation lang din naman namin ngayon for anti-bullying, kaya sa likuran na lang ako uupo mamaya para makanakaw ng tulog.
Ngayon, ang tanging kailangan ko lang ay gumawa ng palusot na hindi nila mahahalata.
"May problema ba kayo sa bahay n'yo kaya gan'yan ang mga mata mo?" tanong ulit ni Monique. Sa aming apat, siya talaga ang dakilang imbestigadora.
I shake my head. "Ah-h wala. Ano...matagal lang akong nakatulog kagabi. Tutok ako sa laptop kaya ganito," palusot ko na pilit iniiwasang mabulol.
Si Farrah lang ang tila naniwala sa 'king sagot kasi agad siyang tumango. Kaso, si Monique ay parang dito ako mahihirapan.
"Iyan bang mugto sa mata mo," she paused. Kinabahan naman lalo na sa sobrang sama ng titig niya. "May kinalaman ba 'yan kaya nagyaya si Samboy sa 'kin kagabi ng biglaang inuman?"
Halos lumuwa ang pagod kong mata sa aking narinig. "Uminom kayo kagabi?"
Natawa naman siya ng malakas nang matanong ko iyon. Iyong tawa na may halong pang-iinis. Si Farrah naman ay nakamasid lang sa aming dal'wa. Wala yata siyang energy para sabayan ang kalokohan ni Monique.
"See? Tama nga ako," sabi niya lang matapos matawa. My head wrinkles for that.
"Ha?"
"Sira! Biro lang 'yon. I'm just finding some ways to catch the fish." Tumawa na naman siya ulit.
Nakaramdam naman ako ng hiya nang mapansin kong pinagtitinginan kami ng ilang estudyanteng papasok sa AVR for orientation.
"So... si Samboy nga ang dahilan?" she asked again. This time, seryoso na siya. I nodded slowly. Nakita ko namang nabaling sa akin ang atensyon ni Farrah.
Kahit kailan talaga, si Monique, ang hindi mo agad maloko sa lahat. She has her ways para malaman ang tinatago mo. Ewan, ang galing niyang mapakagat ka sa pana. Ang husay niyang umalam ng sekreto.
"Did you two fight?" mahinhin ngunit seryosong tanong ni Farrah sa akin. She looks so concerned. S'yempre, may kinalaman ba naman kay Sammuel.
I let out a deep breath. "It just a normal fight. I mean, hindi naman talaga away ang tawag do'n. Nagkasagutan lang," paliwanag ko sa kanila.
Hindi naman nakatakas sa akin ang mabigat na paghinga ni Farrah. I know she knows the reason why. Siguro, nak'wento na ni Sammuel sa kaniya kung bakit. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit sarado ang bibig niya ngayon sa nais malaman ni Monique.
"Tungkol saan?"
I focused my attention on Monique. Siya naman kasi ang mas nais makaalam kumpara kay Mercado. "Did you two go on dates? No. Ibig kong sabihin, may namamagitan ba sa inyong dalawa more than the friendship that you have."
I still have no courage to answer her questions. Palagay ko kasi, sa oras na may sasabihin ako o lalabas man lang sa aking bibig, magiging kumplikado lahat.
Ewan, pero ako lang ba? Iyon bang, sa oras na may lalabas sa bibig mo ay tingin mo na malalaman 'yan ng taong pilit mong pagtaguan. Natatakot ka na baka sa susunod na araw, alam niya na ang pinag-uusapan nin'yo. Iyon bang, literal na may pakpak ang balita na mas lalong magpagugulo ng sitwasyon. Imbes na maayos pa, mas lalong masisira.
Kaya, takot na takot talaga ako in terms of telling the truth or my feelings to anyone. Even sa mga kaibigan ko.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila. Sad'yang ayaw ko lang talaga na mas lalong lala ang sitwasyon.
Ibinalik ko ang ating pansin kay Monique to answer her. "Girls... Alam niyo naman, 'di ba?"
"Why not? Single ka, siya rin. Ano'ng problema ro'n? Takot kang masaktan?" kibit balikat niyang tanong. Nakagat ko naman ng mariin ang aking pang-ibabang labi.
"I just can't. Kumplikado. Maraming masasagasaan." Napayuko naman si Farrah sa aking sagot.
Alam ko na may alam siya sa mga nangyayari. She just chose to stay silent to stop making things more complicated between us.
Ito ang pinakaayaw ko, ang masagasaan ang pagkakaibigan naming apat.
I was about to open my mouth again when the program's MC made an announcement.
"Calling the attention of all 4th year students to please be here at AVR as soon as possible. The orientation will be going to start a minute from now. Thank you!"
Nasa labas kami ng AVR ngayon, nakaupo. Sakto kasing may waiting area rito kaya halos lahat ng 4th year students ay nandito para maghintay kung kailan papasukin sa loob.
Unti-unti namang nagsitayuan ang naka-uniporme mga estudyante para pumasok na sa loob. Intern uniforms ang suot namin ngayon. Kulay asul na pinagitnaan ng itim ang bandang lalagyan ng butones at ang slacks naman ay kulay itim din. Ito kasi ang napili nilang kulay para sa mga mag-aaral na guro. Hindi man bet ng lahat, kaso ito ang napagsang-ayunan kaya no choice na lang.
First batch pa lang ang mga nandirito ngayon ha. Mga nasa around five hundred students yata ang nandito ngayon, hinati muna ang bilang dahil sa dami ng estudyante.
5-day straight orientation ito para sa lahat ng student teachers. Ito ang unang araw. Kailangan kasi ito para magkaroon kami ng ideya tungkol sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng isang guro para sa kanilang mga estudyante. Kaya for me, it is really crucial. At laking pasasalamat namin na may ganitong uri ng oryentasyon para sa kagaya ko na hindi lang nais magturo kundi nais ding maging isang mabuting guro.
Bago pa man may tumayo sa aming tatlo ay napatingin muna si Monique sa akin. "Tara na, mahirap na mapagalitan," aniya sabay tayo sa kinauupuan.
Sumunod naman sa pagtayo si Farrah bago ako. Ang tahimik niya talaga. Well, gan'yan naman siya most of the time. Saka lang siya magsasalita kapag may problema sa pamilya at lovelife niya.
Saktong papasok na sana kami sa loob ng AVR nang bigla akong tawagin ng taong hindi ko inaasahang kikibo ngayon.
"Jeddah..." pagtawag sa akin ni Farrah na ikinagulat ko. Laking pasalamat ko na lang at tuluyan nang naunang makapasok si Monique sa amin sa loob.
I managed to stay calm to make sure na maririnig ko lahat ng sasabihin niya ngayon. "If I were the reason why you're afraid to love him, please don't. Sammuel and I—we're just friends. We all know that, right?" dagdag niyang saad na puno na sinseridad. She smiled at me and slowly tapped my shoulder. Iyong tapik ng isang kapatid, iyon ang nararamdaman ko. "And... I'm in love with someone else," she whispered, saka sumunod kay Monique. Naiwan naman akong tulala, tila nawala sa sariling mundo.
We're still friends, right? Sinabi niya lang iyon dahil nais niya rin akong sumaya. Tama ba?
Sana nga...
Saktong pagkatapos ng orientation, diretso na ang uwi ko sa bahay. Hinatid ako nila ni Farrah, bilin daw 'yon palagi ni Sammuel. Doon pa lang sa ginagawa nila, feeling ko ay ayos naman kami. Ako lang siguro, 'tong si OA na maraming isyu sa buhay.
Gabi na nang makauwi ako. Matapos naming kumain at magkuwentuhan ni mama tungkol sa nangyari sa araw ko, at naisali ko na rin tungkol sa aking sideline work ay naisipan kong tawagan si Rex. Nais ko lang ipaalam sa kaniya na gabi na akong makapasok sa work.
Nakalimutan ko kasing i-address iyon sa manager dahil akala ko, maaga kaming matapos. One to five kasi ng hapon pasok ko, kasi hindi pa naman nagsisimula ang pag-aasign sa amin sa mga respective schools for internship. Sa mga oras na iyan lang ako free. Kaya akala ko kanina maaga lang kami matapos, 'yon pala matatagalan dahil may mga speakers na matagal dumating.
"Don't worry, ako na ang bahalang magpaliwanag sa manager kung bakit wala ka for 5 days," he said in the other line.
Hindi naman ako sumang-ayon sa kaniyang gutso. Kanina niya pa ito ipinagpipilitan sa akin na ayos lang.
"Huwag na. Kaya ko pa namang sa gabi mag-duty. Palitan na lang kami no'ng isa," kumbensi ko pa. I heard him letting out a deep breath.
Kahit maingay ang paligid niya, rinig ko pa rin iyon. I think he's on a party, maingay kasi ang paligid niya na rinig na rinig ko mula sa kabilang linya.
"Jeddah, pagod ka niyan galing school. Why not, ipagpahinga mo na lang ang mga oras na 'yan? Or, have time to bond with your mom, okay?"
"Rex, kasi—"
"No excuses na. I'll call the manager right away. Just relax, okay? Ako na ang bahala. I will excuse you, but still, same amount of your salary pa rin ang makukuha mo," he explained. Mas lalo namang akong hindi sang-ayon sa nais niya. Parang ang unfair naman.
Absent ako for 5 days, tapos walang bawas sa sweldo? Aba, hindi maaari'yon. Mahirap na baka ako pa ang ma-isyu.
"Hindi puwede 'yon, Rex. Wala 'yon sa kontrata," pagtanggi ko. Natawa lang siya. Rinig ko kasi.
"Ang magpahinga ka ang 'di p'wede." I bit my lips. Ang tigas din ng ulo ng isang 'to. "I'll hang up na; may gagawin pa ako. Goodnight, Jeddah. See you around," paalam niya. Wala akong magawa.
Saka na lang ako makiusap na bawasan ang sahod ko na naayon sa kontrata kapag nagkita kami ulit.
"G-goodnight, Rex. Thank you," walang gana kong paalam saka ibinaba ang tawag.
Saktong ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa aking study table nang bigla itong mag-vibrate. Pangalan naman ng taong akala ko hindi na magpaparamdam anh bumungad sa akin sa screen.
From Feeling Pogi:
Nasa labas ako
Binasa ko lang iyon, pero wala akong planong reply-an. Akmang ilalapag ko na ulit ang aking cellphone nang makatanggap ulit ako ng text mula sa kaniya.
From Feeling Pogi:
I saw your sexy back from here.
Lingon ka naman
Lumuwa naman ang aking mata sa aking nabasa. Saka ko lang napagtanto na nasa malapit pala ako sa bintana nakatayo, kaya makikita niya talaga ako mula sa gate.
I slowly glance at him from my window; sakto namang nasa screen ang atensyon niya, kaya hindi niya ako napansing nakalingon.
He's still wearing his school uniform. Galing pa siyang school? Kalalabas niya lang ba? Agad naman akong nag-type ng aking tugon.
To Feeling Pogi:
Bastos!😠
What do you need? Gabi na. Natulog na si mama.
From Feeling Pogi:
Ang anak niya sadya ko.
Pede pumasok?
To Feeling Pogi:
Para kamong timang.
Kahit sabihin kong hindi, may susi ka naman. Makakapasok ka pa rin🙄
From Feeling Pogi:
HAHAHAHHAHALT
😘😘😘
Natawa naman ako sa mga emojing gamit niya. Lakas maka-bakla kapag sa kaniya galing. Natawa na lang ako bago mag-reply.
To Feeling Pogi:
jejepaks
When I hit the reply button, saka ko naisipang babain siya. Siguro, it's the perfect time to say sorry. Aminado rin kasi akong mayroon akong nasabing hindi rin maganda sa kaibigan.
Saktong pagkababa ko sa sala ay nagbukas na siya ng gate. Lalaking 'to, may susi namang hawak, pinagpapagod pa akong babain siya.
Pinagbuksan ko naman siya nang pinto para tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay.
I was waiting for him for a minute. Bago magtagpo ang aming mga tingin. Halatang kaaayos niya lang sa kaniyang tumutubo ng buhok mula sa pagkagulo.
I can't deny it; he's so damn handsome tonight.
His features are more flex. Lalo pa't medyo wet, 'yong look niya dahil sa pawis or naulanan siya sa pinupuntahan niya? I dunno, basta I find him pogi tonight.
Saan ba siya galing?
Akala ko magiging awkward ang muli naming paghaharap, hindi naman pala.
Magsasalita na sana ako para tanungin siya, kaso, laking gulat ko na lamang nang makita ko siya sa kabuuan na may hawak pala siyang bulaklak.
Anong pakulo na naman ito, Felicilda?
"Good evening, Ma'am. May I ask if... dito ba nakatira si Ms. Monteverde?" malambing niyang tanong. His eyes and attention are on me.
"Para kamong sira," kabado kong ani.
Palapit naman siya nang palapit sa aking kinatatayuan, kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. God! Hindi tama 'to.
"I committed a sin kasi. Nais ko lang sanang suyuin siya," he added.
Kahit kinakabahan ako, nagawa no pa rin siyang irapan. "Pinaggagawa mo, Felicilda?"
Huminto siya saglit. Isang hakbang na lang ang layo niya mula sa akin. Inayos niyang bocquet, saka inilahad sa akin.
Napalunok naman ako nang sapilitan sa aking laway mulat ng ginawa niya. Is this a peace offering?
Napangisi naman siya nang mapansin niyang hindi ko pa tinatanggap ang bulaklak na kaniyang hawak. "Malayo pa naman binyahe ko para maibili siya ng paborito niyang daisy flowers. Sayang kasi kung hindi niya naman tatanggapin," parinig niya, saka ulit ako tiningnan sa mata.
God, please save me from that look!
"Gumastos ka na naman? Marami ka na talagang kasalanan sa akin, Felicilda. Kung ano-ano na lang trip mo sa buhay," pangaral ko.
Akala ko, may lintanya na naman siya sa aking sinabi. Laking gulat ko na lamang nang humakbang siya ulit palapit sa akin. I can feel his breath on me. Sobrang lapit namin sa isa't isa.
I think I can't beat him.
He slowly looked into my eyes. Kasabay naman nito ang pagkuha niya sa aking kamay saka ipinahawak sa aking ang dala niyang bulaklak. When he succeeds, naramdaman ko na lamang na inalis niya sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok na kumakalat.
I waited for what felt like an eternity before he spoke again.
God, please save your hopeless daughter from this hypnotizing man.
"If loving you is a crime, I'd gladly accept a life sentence to be with you, Jeddah Bree Monteverde," he whispered, his gaze fixed on my lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top