Kabanata 8
KABANATA 8
WALA NAMAN AKONG nakaing kakaiba kanina, pero para akong tanga kung makangiti ngayon. Hindi ko alam kung tungkol pa ba ‘to sa pinapakitang kabaitan sa akin ni Sammuel simula nitong mga nakaraang araw? O, sadyang malaki lang epekto no’n sa akin?
Sweet God, ganito ba feeling ‘pag in love?
No! Hindi p’wede! Kaibigan ko lang si Sammuel. Ginagawa niya lang ‘yon dahil concern siya sa akin as his best friend. Tama! Magkaibigan lang kami.
Pilit kong kinumbensi ang aking sarili, kahit alam ko naman sa kaloob-looban ko ang totoo. Hanggang sa naayos ko na ang aking sarili bago humarap sa mga customer ay nasa kay Sammuel pa rin ang aking isip.
“Boyfriend mo?” Napukaw ako sa aking kahibangan nang marinig kong nagtanong ang aking katabi. Napalunok naman ako sa nakikita kong reaksiyon ng kaniyang mukha.
I don’t know if kailangan ko ba siyang tugunin kahit hindi ko pa siya kilala. Or, magpakikilala muna ako sa kaniya?
Subalit, bago pa man ako nakapaglabas ng kahit isang salita ay narinig ko na ang kaniyang pagtikhim.
“Feeling ko, manliligaw pa lang. Kakaiba pa ang kilig, eh,” she remarked. Napanganga naman ako sa kaniyang sinabi.
Manliligaw? Si Sammuel, manliligaw ko? Seryoso ba siya?
“Ah-m. Hi,” wala sa sarili kong sabi bigla.
“Hello?!”
“Sorry, medyo lutang ako.” Natawa naman siya. “Halata ba?” Tumango siya bilang pagsang-ayon at mas lalong tumawa.
I think magiging kaibigan ko ang babaeng ‘to. I like her.
I offered my hands to her and said, “Jeddah,” pakilala ko sa babae.
“Ohh… What a cool name. I’m Cleo. As in C-L-E-O. Cleo!" bibo niyang pakilala pabalik.
I wish I was also like her. I mean, para kasing walang problema ang awrahan niya. Iyon bang pa cool kids lang ang datingan. Kumbaga ang astig. ‘Yong mga purmahang Sharlene San Pedro. God, gan’yang datingan ang nakikita ko sa kausap ko ngayon.
Ngiti lang ang naitugon ko ulit, kasi hindi ko na alam ang sasabihin. I mean, hindi ako sanay sa mga ganito.
Introvert ako, oo. Nagkaroon lang nga ako ng mga kaibigan dahil kay Sammuel. Kaya hindi ako naniniwala na ang lahat ng Educ ay makakapal ang mukha. Kasi sa case ko, iba. I took that program, dahil nais kong kumapal ang aking mukha, after 4 years. Sa tingin ko naman hindi pa umipekto sa akin, nahihiya pa rin ako, eh.
“By the way...” Napatingin naman ako sa kaniya. “Alam mo na naman siguro ang mga do’s and don’ts dito, right? Lalo na ang mga basic and proper etiquette?” painigurado niyang tanong.
I nodded. “Yeah, naituro na sa akin no’ng nalaman kong natanggap ako. ‘Tsaka, pinapalalahanan na rin ako ni Rex.”
“Wow! Close kayo ni Sir Rex?” Kita ko ang literal na gulat na gulat sa kaniyang itsura.
“Hm, hindi. I mean, hindi mas-syado,” nahihiya kong tugon.
“Sus, hirap paniwalaan. Tinulungan ka niya tapos hindi close? Bihira lang ngang magsalita ‘yon, eh.” Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. “Pero alam mo, mabait naman si Sir Kaso…” she trailed off. “Hindi siya ideal husband,” dagdag niya pa.
Para naman, akong naging interesado sa kaniyang sinabi. Sino namang hindi, ‘di ba?
“Hoy, atin-atin lang ‘to, ha? Huwag kang tsismosa.” Hindi ko naman maiwasang hindi matawa.
“Bakit? Masama ba siya?” kabado kong tanong. Sumeryoso naman siya bigla.
“Hindi naman. Ibig kong sabihin...ideal naman siyang boyfriend. Pero ang mga gan’yang datingan gaya niya, malayo ‘yong maging asawa. May mga gano’n naman talaga. P’wedeng juwain, pero hanggang do’n lang. Si sir, kasi, masyadong Mama’s boy. Sunod-sunuran kay Ma’am, ang pangit kapag gano’n. Paano na lang, ‘pag bubuo siya ng pamilya, ‘di ba? ”Mahaba-haba niyang paliwanag. “Pero kung bet mo, go. Baka magbago dahil sa’yo,” pahabol niya. Pekeng ngiti lamang ang aking nagawang tugon.
Sabagay may punto siya. I get her point. May mga lalaki talaga na masarap at puwedeng maging boyfriend, pero hanggang doon lang. Sa side naman ng Mama’s boy, ayos naman basta huwag lang ‘yong sumubra na. I mean, iyong hinahayaan na lang na ang mother niya ang mag-decide at maging boses niya sa lahat.
Pero sa tingin ko, bagay naman kay Rex ang maging asawa. Siguro, hindi pa masyadong bagay sa kaniya ngayon dahil ini-enjoy pa niya ang bachelor’s life niya. Ngunit, darating din siya sa puntong ‘yon.
I took a deep breath. I was about to entertain the customer who’s coming to our counter when Cleo talked again.
“But if I were you, mas bet ko ‘yong naghatid sa’yo. ‘Yun ang talagang p’wedeng maging asawa. Gano’ng mga purmahan, pasok sa kahit sinong babaeng may standards,” she suggested before entertaining the customer. Hulog ang baba ko nang marinig iyon mula sa dalaga.
Pero sa ngayon, kagaya kay Rex, hindi ko pa rin iyon nakikita sa kay Sammuel. Hindi ko pa nakikita sa future na babagay sa kaniyang magkaroon ng pamilya.
ALAS OTSO NA ng gabi nang masunod ako ni Sammuel sa cafe. Sakto rin kasing maaga natapos ang kanilang klase, kaya agad siyang dumeritso sa pinagtatrabahuan ko.
“Mom called earlier,” basag niya sa katahimikan bumalot sa amin sa loob ng kaniyang saksakyan.
We are heading in our way home. Nang masundo niya ako kanina, walang sabi-sabing agad kaming bumyahe pauwi. Nagtaka nga rin ako at bakit ang tahimik niya kanina pa. Buti na lang at nagsalita na siya ngayon, kaso sa malungkot na tono nga lang.
“Ano’ng sabi? Pinapauwi ka na sa inyo?” mahina kong tugon. Malalim na pagbunton ng hininga naman ang aking narinig mula sa kaniya. May problema nga.
“You know that I can’t, right?” I heard the pain in his voice.
“Sammuel...” I slowly calmed myself. Ayaw kong saan na naman kami aabot sa usapang ito.
“Paano ka? Paano kayo ni Mama?” matigas niyang tanong. Tama nga ako. But I had no words when I heard it.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Feeling ko, kasalanan ko ang lahat. He always says that. Paano kami ni mama?
Ewan, hindi ko alam ang sasabihin ko. Since then, I have really hated this topic. Ayaw na ayaw ko na ito ang magiging paksa sa tuwing mag-uusap kami. The pain, confusion, and fears… nagsama-sama lahat sa tuwing ganito ang eksena.
Hangga’t maaari, ayaw kung magpakita ng kahit ano mang kibo tungkol sa problemang ito ni Sammuel. Alam ko na kasi ang kahahantungan. Ayaw kong masira kami dahil na naman sa isyung ito.
Saka ko lang talaga napagtanto na may mga topic talaga na ayaw na ayaw nating pag-usapan o banggitin man lang sa atin. Para kasing kapag nabubuksan iyon, tila kasi itong magiging rason kung bakit may masisirang samahan o mahahalungkat na katototohanan. Isa ako sa mga taong takot na mapag-usapan ang mga bagay na alam kung may kailangan na naman akong isakripisyo at kailangang piliin.
Ayaw ko sa gano’n. Takot akong magparaya at dahilan ng isang pagsasakripisyo.
Nauna na akong bumaba ng kotse niya. Ni isang salita ay wala siyang narinig mula sa akin. Ramdam ko naman ang kaniyang pagmamadali para masundan ako. Hangga’t maaari, kailangan kong iwasan ang mga tanong na maaari kong marinig at ibabato niya sa akin ngayon.
When I opened the gate of our house, saka pa siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalitang muli.
“Gags,” tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya. May kung ano naman ang kumirot sa puso ko nang makita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.
Kung nahihirapan ako sa sitwasyong ito, alam kong mas mahirap ito para sa lalaki. Sammuel has become a part of our family since we became friends. Matagal na kaming magkaibigan kaya simula no’ng nawala si papa, sa takot niya na mahihirapan akong mag-adjust lalo na para kay mama ay naisipan niyang huwag akong iwan sa ganoong sitwasyon.
He chooses to live here in Manila, para man lang may matatawagan kami ‘pag kailangan na namin ng tulong. Mas pinili niyang mag-stay muna rito at kumuha ng condo for us. Sinabihan ko naman siyang umuwi muna sa pamilya nila sa probinsya at ipagpatuloy ang buhay na naiwan niya roon ngunit ayaw niya pa rin talaga.
Mas pinili niya kami, kaysa sa maging taga-pagmana ng angkan ng mga Felicilda. Masakit oo, pero desisyon niya ‘yon, eh. It hurts to think that every day na may taong hindi natuloy ang buhay na para sa kaniya dahil sa amin. At, ayaw na ayaw ko iyon. Habang maaari pa, kailangan ko siyang kumbensihin na bumalik na sa kanila.
Magiging maayos naman siguro kami ni mama habang wala siya.
When I already have the courage to face him, saka ako nagsalita. “Hindi mo kami karga ni Mama, Sammuel,” mababa kong sabi. Napaangat naman siya ng tingin sa akin. Seryoso, tila nag-aabang sa buong sasabihin ko. “Kung iniisip mo k-kami kaya hindi ka makauwi-uwi sa i-inyo, itigil mo ang kahibangan mong ‘yan,” I confidently added. He shaken his head like a child, na inaayawan ng kaniyang magulang.
“Ayaw ko.” Mas lalong nanigas ang bawat bigkas niya sa salitang kaniyang binibitawan. “I can’t. Ayaw kong malayo sa inyo. S-sa’yo,” he whispered. Natawa naman ako sa kaniya.
Here we go again, sa palusot niya. Bakit puro na lang kabutihan namin? Paano naman ang sa kaniya?
I bit my lips. Tiningnan ko siya sa mata para ipamukha sa kaniya na kaya na namin. Pero sa kaloob-looban ko, nando’n iyong takot at what if(s) na ayaw akong tantanan.
“Bakit? Ano ka ba namin? Kaibigan lang naman kita, ah?” He cut my explanation off. Pero bago pa man siyang magsalita, hindi nakaiwas sa tainga ko ang malulutong at mahihina niyang mura at tawa.
“Oo! Iyan lang naman talaga ang turing mo sa akin simula noon, ah. Pero, Gags…”
“Huwag mo ng ituloy, ayaw kong marinig.”
I turned my back at him. Nagpatuloy ako sa paglalakad para tuluyan sanang makapasok sa bahay, pero napahinto niya na ako sa ilang hakbang na ginawa ko.
“M-mahal kita, Jeddah,” kalmado niyang pag-amin. Hindi ko naman matago ang kaba na aking nararamdaman ng marinig ko na naman iyon ulit mula sa kaniya.
Matagal na panahon ko ng hindi narinig ang mga katagang iyon simula no’ng pilit kong iwasan ang topic na ito. Subalit ngayon, nagawa niya na namang ipagpilitan na mahal niya ako.
Ang pagmamahal na nakatatakot tanggapin kasi...galing ito sa aking matalik na kaibigan.
“Umuwi ka na sa condo mo. Bukas na tayo mag-usap,” tuloy-tuloy kong tugon. Laking pasasalamat ko at hindi ako nabulol nang masabi ko iyon.
Akala ko susundin niya ako, kaso mas lalong uminit ang sagutan sa pagitan naming dalawa nang bigla siyang sumigaw. Sigaw na hindi masyadong malakas ngunit may halong panggigigil.
“Sh*t! Jeddah, iyan na lang palagi ang palusot mo sa tuwing sinasabi kong mahal kita. Wala na bang bago?”
Pinandilatan ko siya ng mata nang humarap ulit ako sa kaniya. “Umuwi ka na sabi!” I already lost my patience.
Napansin ko naman ang gulat sa kaniyang mukha. He’s always afraid when I get mad. Ayaw na ayaw niya iyon. Lalo na’t alam niya na matagal ko siyang kikibuan pagkatapos.
“Ang hirap mo namang basahin, Monteverde,” he replied calmly while chuckling. Napakagat naman ako sa loob ng aking pisngi sa kaniyang sinabi. “Minsan, ayos tayo. Pero madalas, g-ganito…” Natauhan naman ako roon.
I smirked and looked at him normally. “Nahihirapan ka na pala, eh. E’di tama ngang umuwi ka na talaga,” sabi ko gamit ang mahinhin kong boses.
Napahimas naman siya sa kaniyang mukha bago tumayo ulit nang maayos. I waited for his reply, tila kasi naging seryoso siya. He positioned his hands on his wrist, saka seryosong tumungin sa akin. Kinakabahan naman ako sa titig niyang iyon, kaya pinili kong umiwas.
Maya-maya pa ay napapansin ko ang yabag ng kaniyang mga paa papunta sa aking direksyon. Napapikit naman ako nang mariin at napakagat sa aking labi dulot nang kaba nang maingat niyang hawakan ang aking mga kamay.
I can smell his manly scent around me. Iyong amoy na hinahanap-hanap ko sa tuwing wala siya. Mas lalo namang dinaga ang aking dibdib nang mas lalo siyang lumapit sa akin. Only the air has space between us. Gano’n kami kalapit sa isa’t isa.
He reached for my chin, dahilan para magtagpo ang aming mga tingin. The way he looks at me makes me feel at peace. Sa sandaling ito, natagpuan ko ang kasiguraduhan at kapayapaan sa kaniyang mga mata. This man is able to tame my waves. Siya lang ang nag-iisang taong, kaya akong pakalmahin kung nagsisimula ng magbanta ng kaguluhan ang aking mundo.
He held my hand tightly while looking into my soul. “Ba...bakit pa ako uuwi sa kanila kung...nakauwi na ako sa tahanan ko? Sa I-iyo…”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top