Kabanata 7
KABANATA 7
"Interview, ha? A f*cking interview, nice!"
Ilang beses pabalik-balik sa tainga ko ang tanong na iyon. It’s like a ringing bell in my ear.
“Sammuel?” diretso kong tugon. My eyes widen when I see how dark his eyes are looking into mine now. “W-what a-are you doing here?” Nakagat ko ang loob ng aking pisngi dahil nagawa ko pa ang mabulol nang tanungin ko siya.
He moved closer to me while his hands were still in his pocket. Huminto siya saglit ng ilang dangkal na layo mula sa kinatatayuan ko at bahagyang natawa. Is he going crazy?
“Really, Jeddah, you’re asking me that question now?" Seryoso niyang tanong. Kagat-kagat ko pa rin ang aking pang-ibabang labi na kapag hindi ko ito titigilan ay masugatan na. “Sa tingin mo, ano nga ba ang ginagawa ko rito ngayon, Monteverde? ”
I remained silent. I don’t want to have an argument with him. Kung pagod siya, pagod din ako. Akmang maglalakad na ulit ako papasok sa bahay nang magsalita na naman siya dahilan ng aking pagkatigil.
“Ngayon lang ako na inform na iba na pala ang interview ngayon? Kasi as far as I know, walang interview na may kasama kang lalaki agad sa bahay o hahatid sa’yo,” patuloy niya pa.
“You’re just misinterpreting things, Sammuel; stop that,” kalma kong tugon.
“Then what was that, huh?” Humakbang na naman siya ulit, umatras na naman ako. I suddenly felt my heart rise with nervousness. “Don’t tell me he’s your f*cking boss now? ”
“No! Of course not! He’s just helping me find a new job. Iyon lang ‘yon, wala ng iba.”
Mas lalo naman siyang natawa sa aking inamin. He locked his serious look on me. Gano’n pa rin ang tingin niya, nakakatakot. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa akin.
“What? Helping you find a new job? Wow!” sigaw niya ulit. Nakaramdam naman ako ng init ng ulo dahil sa kaniyang mga pinagsasabi. Para siyang baliw kamo. “You didn’t accept your man’s offer, but sa manliligaw mo, tinanggap mo agad? You rejected mine for him? Really, huh? ”
“I dunno what you are talking about, nababaliw ka na,” inis ko na ring tugon.
“If you think that I’m going crazy for you, then I am! Damn it!” he exclaimed, full of anger. Gusto ko namang maiyak sa pagsigaw niyang iyon. But I need to hold back my tears. Ayaw kong mauwi ito sa hindi magandang pangyayari.
I know he was just mad and jealous. No, I doubt that.
Paatras ako nang paatras dahil pahakbang din siya nang pahakbang tungo sa akin. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang aking likod na bumangga sa pinto ng aming gate.
Hahawakan niya sana ang aking pisngi, pero napaigtad ako sa ginawa niya dahil sa sobrang takot ng inaakto niya ngayon.
“I’m sorry, n-nagulat lang ako,” I replied, trying to calm my voice. He chuckled like a mad boss at his employee. Nagulat naman ako nang bigla niya akong kulungin sa kaniyang bisig nang ihinilig niya ang kaniyang mga kamay sa aking kinasasandalan.
“Oh really? Come on, Miss, I've been doing this for how many years? Don’t b*llshit me!” he exclaimed. Para naman akong naubusan ng hangin sa ginawa niyang iyon. I’m shocked, oo. Pero nangingibabaw sa akin ang takot.
Kahit takot ako, nagawa ko pa rin ang lumingon sa aming teresa. Nais ko lang siguraduhin na hindi kami rinig ni mama ngayon.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya; iyon lamang ang ginawa ko. Ni pagsalita ay wala sa aking plano. Hindi ko rin naman alam kung ano pa ba ang dapat kong sasabihin sa kaniya. He’s mad; ayaw kong sabayan siya gamit ang salitang maaaring lumabas sa aking bibig.
Taka rin siyang napatingin sa akin nang maigi. Napansin ko namang nag-iba ang galit niyang ekspresyon sa mukha. Maybe he realizes what he has done to me. Ilang saglit pa sa aking pananahimik, napatigil siya sa paghilig ng kaniyang kamay sa pinto ng gate namin. He swallowed hard and closed his eyes. Para bang, naisip niyang nasigawan niya ako kanina.
He turned his back at me and massaged his temple gently. “Son of hell, what did I have done?” galit niyang sumbat sa kaniyang sarili.
When he faced me, wala pa ring reaksyon ang aking mukha. He was about to say something when I stopped him. “Umuwi ka muna,” mapakla kong sabi.
Maingat niyang hinawakan ang aking kamay; pilit ko naman iyong alisin sa akin. Ewan pero may kung ano na lang sa naramramdaman ko na pauwiin na lamang siya.
“Sorry, baby. It’s not my intention to raise my voice at you,” he apologized.
“Gabi na, Felicilda, you need to rest, I guess? "Umiling-iling siya sa nais ko. He tried to reach my hand again, but pilit kong ayaw ipahawak ito sa kaniya.
“No, baby. F*ck! I’m sorry," paghingi niya ng tawad ulit. I sighed and faced him.
"Let's just rest. Umuwi ka na, matutulog na rin ako,” I said coldly. Agad ko naman siyang nilagpasan para makapasok sa loob.
Dalawang hakbang pa lang ang nagawa ko, napahinto ako agad nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking beywang. He was back hugging me. Kumalma naman ako sa ginawa niyang iyon. God, why is this guy so sweet, like candy?
“Hindi. I’m not going home,” pilit niyang pigil sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkayakap niya, kaya napahawak ako sa kamay nito nakayakap ngayon sa akin. Still, he’s a baby. “Dito ako matutulog. Oo, kailangan ko ng pahinga, ikaw ang pahinga ko kaya sabay tayong magpapahinga. Hmm, baby? ”
Natawa ako sa sinabi niyang iyon, kaso nagawa kong hindi ipahalata sa lalaki. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na hindi siya harapin. I don’t know, but we always end up like this if we are arguing.
“Baliw ka na nga,” komento ko habang pilit na pigilin ang aking sariling hindi mapangiti. He reached my hand again for the nth time. Hindi naman maitago ang matamis niyang ngiti nang hayaan ko na siyang hawakan ako this time.
“Kung sa’yo, guilty as charged.” My lips slowly parted when he said that. Bigla ko namang naramdaman ang mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan.
Until now, he has never failed to amuse me with his words. Sana sa akin ka lang ganito, Felicilda. It may sound selfish, but I always pray to God.
“Let’s just say that you’re a yellow traffic light. You warned me to stop, but I didn’t listen. Look what just happened, and I can’t blame you for that, baby.”
Kaunting bumuka ang aking bibig nang marinig ko iyon sa kaniya. Nais ko sana siyang tanungin kong ano ang kahulugan niyon, but nawala na ako sa aking tamang pag-iisip.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa ingay na ginawa ni Sammuel. Alas sais pa lang ng umaga, pero ang bunganga niya parang lahat ng tao ay magigising sa sobrang lakas. Tinatamad man akong bumangon sa aking kama, pero kailngan lalo na’t may pasok pa ako mamayang alas otso y medya sa trabaho.
First day ko pa naman, mahirap na. Alas singko pa kasi hanggang alas otso ng gabi ang pasok ko, kaya trabaho muna bago aral.
Hindi na bago sa akin ang pagtulog ni Sammuel dito. Noon nga halos araw-araw ang lalaking ‘yan na rito matulog. Ngayon kasi, hindi na masyado lalo na’t may kailangan siyang asikasuhin sa school at sa family business nila. Ngunit hindi ibig sabihin na rito siya matutulog ay magkatabi kami. Doon siya sa bakante naming kuwarto na pinasadyang ipaggawa ni mama para sa mga bisita. Siya ang gumagamit no’n kapag nandito siya. Medyo distansya iyon sa kuwarto ko, pero malapit sa silid ni mama. May mga iilang gamit na rin siya rito sa bahay, in case of emergency.
Saktong pagkababa ko mula sa aking silid, agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng kaniyang boses. Nang mapagtanto ko na kung sa’n siya, dali-dali akong humakbang papuntang kusina.
“May narinig akong sigawan sa labas kagabi, may nag-away ba?” tanong ni mama na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
Hindi sana ako mag-iingay kaso napansin ko ang kaniyang tingin na sa akin napako. Lunok ako nang lunok dahil sa kaba. Rinig niya pala kamo kagabi?
“P-po? Wala akong narinig, Mama. M-mayroon b-ba, G-gags?’ nauutal kong baling na tanong kay Sammuel. Ginamit ko naman sa kaniya ang mag-ingat-ka-sa-sasasabihin-mo look. Kaso natawa lang ang g*go.
“Ah, yes, Ma. Sa kapit bahay yata,” normal niyang tanong na ikinalingon namin nang mabilisan ni mama sa kaniya. Lumaki naman ang aking mata na parang halos mahulog na sa sahig.
God, what does he think he’s doing?
“Parang away mag-asawa, ano? ”
“Oo, Ma, away mag-asawa nga. Rinig ko...parang nag-away sila dahil nagseselos ang lalaki dahil may naghatid na iba sa misis niya,” patuloy niya pa. Mas lumaki naman ang mata ko dahil habang sinabi niya iyon, nakatingin siya sa akin.
I managed to act like I didn’t listen to them. Ipinagpatuloy ko ang pagkuha ko ng tubig sa ref para makainom man lang. Kailangan ko itong malamig para mahimasmasan man lang ako kahit kaunti mula sa nangyayari ngayon.
“Ah, bayaan na natin sila. Away mag-asawa man o hindi, hindi na tayo dapat mangingialam pa,” habilin niya. Tumango-tango naman ako.
I continue to drink my water. Naibuga ko naman ito nang walang pasabi dahil sa sunod na tinugon ni Felicilda sa aking ina.
“Opo, Ma. Tama po ‘yan, right, baby?" Nakangiti siya ng matamis sa akin nang masabi niya iyon.
Taranta namang napalapit si Sammuel sa akin. Hindi rin nakaiwas ang pag-aalala na gumuhit sa mukha ni mama nang makitang para akong nahihirapang huminga dahil sa tubig.
“Oh, napa’no ka?” Mama asked. Inayos ko ang sarili ko. Hagod-hagod naman ni Felicilda ngayon ang aking likod.
When I felt relief, huminga ako nang malalim at hinarap ang ina. “Wala, Ma, nabulunan lang hehe.”
Palihim ko namang inirapan si Sammuel nang makaharap ako sa kaniya. Ang ogag, nakangiti pa rin na tila nawawalan ng pag-iisip.
Sino naman kasi ang hindi mabulunan sa sinasabi niya. Baka ano pa ang isipin ni mama sa pag-baby niya sa akin. Nagbibiro naman siya nang gan’yan minsan, hindi na bago iyon. But the way he means it right now, iyon ang ikinabahala ko.
Minsan, nalilito ako sa mga ikinikilos ni Felicilda sa akin, kung parte pa ba ito ng pagiging kaibigan ko sa kaniya o lagpas na. Sometimes, he makes me feel like I am his best friend. But most of the time, he wanted me to know that I was more than that. That’s why it really gives me confusion.
“Susunduin kita mamaya?” he asked. Hindi pa man ako nakasagot ay agad na siyang nagsalitang muli. “Pupuntahan kita after ng klase ko, kasi sakto rin may klase ka na sa oras na iyon. Pupuntahan kita. Bago ako makakuwi, at least safety kitang maihatid sa OSU,” patuloy niya pa.
Nasa loob pa ako ng sasakyan niya. Isinabay niya na ako, kasi maaga ang pasok niya ngayon at wala siyang pasok mamaya. Minsan kasi iba-iba kami ng schedule, but if may time siya, he always ensures na safety akong marakating sa school, kaya nagagawa niy akong ihatid kahit papaano.
“Kahit huwag na, baka may gagawin ka pa after. Ayaw kong maabala ka pa,” seryoso kong sagot sa sinabi niya. Itinuon ko ang aking sarili sa pagtanggal ng suot kong seatbelt. Napatigil naman ako sa aking ginagawa nang maramdaman ko ang seryoso niyang mga titig sa akin. “What?” I arced my brows.
He smirked and shook his head, his eyes still on me. “Really? Kailan ka pa naging abala sa akin, Monteverde? ”
“Wala lang. Baka kasi—" He cut my explanation off. Inagaw niya sa akin ang seatbelt na medyo nahirapan ako sa pagtanggal, saka siya ang gumawa no’n para sa akin.
“Susunduin kita. Walang busy sa schedule ko kapag ikaw na ang pinag-uusapan.” Buntonghininga lamang ang natugon ko sa sinabi niya.
Hindi na ako nakaangal pa nang lumabas siya sa kotse niya at umikot sa pintuwan ko para ako ay pagbuksan.
He has really grown up as a gentleman now. I love seeing him grow up like this. I’m so proud of my Felicilda.
Nang mabuksan niya na ang pinto ng kinauupuan ko, agad niya akong inalalayan ng maingat para makababa mula sa loob. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti sa ginawa niya. He’s sweet, and it gives me butterflies.
“Go ahead, I’ll stay hanggang sa makapasok ka na sa loob,” utos niya sa akin. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang pasimpleng tinanaw ang cafe na pagtratrabahuan ko.
“Thank you, Gags,” makahulugan kong wika. He smiled a little.
“Anything for you, baby,” he replied. Napausog naman ako nang kunti nang marahan niyang haplusin ang aking buhok na parang bata.
Hanggang ngayon, dito lang ako hindi sanay kahit araw-araw niya naman itong ginagawa sa akin. Ewan, ibang tensyon kasi ang hatid no’n sa katawan ko. Kilig na hindi ko lubos maunawaan.
“Take care for me, please?” dagdag niyang pakiusap. I nodded as my first reply.
“I will po. Ingat ka sa daan, pasok na ako,” paalam ko na may malaking ngiti sa labi. Nang tumago siya bilang tugon, humakbang na ako agad para makapasok sa loob.
Hindi pa man ako nagsisimula sa trabaho, pero parang gusto ko na itong tapusin agad. I don’t know; I just feel a different kind of energy today. A positive one.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top