Kabanata 6

KABANATA 6

"Ano ba kasi ang nakain mo’t naglasing ka nang ganito, Felicilda?" sumbat ko sa kaniya. Tahimik lang siya habang pageywang-geywang papasok sa kaniyang condo. "Ang bigat-bigat mo pa naman," patuloy kong inis na sabi sa lalaki.

Natawa lang siya sa aking mga pinagsasabi, para bang ikinatuwa niya pa na nag-aapoy na ako sa galit ngayon. Tang*nang lalaki na ‘to, siya ang nagyaya na mag-party kami ngayon tapos siya lang din naman pala ang sisira.

Napagdesisyunan na naming tatlo kanina na umuwi na lang nang maaga kasi nagsimula nang maghanap ng gulo si Felicilda sa bawat lalaking nakikita niya sa bar. Ayaw na rin niyang magpaawat sa kakainom. Eh, tinanong naman namin siya sa kung ano ang nangyayari sa kaniya, ngunit hindi naman nagsabi. Kaya ang paglisan na lang talaga sa lugar ang siyang naisipan naming tamang pasya.

Nang matagumpay kong mabuksan ang pinto ng kaniyang condo, agad kaming pumasok sa loob. May duplicate kasi ako ng kaniyang susi. Nangangalay na rin ako sa kakaakay sa kaniya. Ang laki niya kayang tao!

Nagmadali ako agad na hagilapin ang switch sa gilid ng kaniyang pader para lumiwanag ang paligid. Laking pasalamat ko naman nang mabilisan ko iyong natunton. Hindi ko pa naman kayang amuyin ang matapang na alak mula sa kaniyang hininga.

Wala na akong pinalagpas pang oras at tinungo ko na agad ang kaniyang kuwarto. Pagkakuwan ko pa lang ay ang lalaking amoy niya na ang nasinghot ko sa kaniyang silid. Napalitan agad ang amoy ng alak. Hindi na ako nagtaka pa kung bakit ang linis ng kaniyang kuwarto, kasi palagi naman. Sa kaniya ko yata namana ang kalisang tinataglay ko ngayon sa aking katawan.

"Pumermi ka nga!" asik ko nang maihiga ko na siya nang tuluyan sa kaniyang kama. Patapon ko pa siyang pinahiga dahil sa kaniyang kabigatan. Nanatiling nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Tila ba walang planong magising ang g*go.

Nang masiguro kong nakapuwesto na siya nang maayos sa kaniyang kama, tumayo ako sa kaniyang harapan para tingnan ang kaniyang postura.

Mamaya ko na lang siguro tatanggalin ang kaniyang sapatos at bihisan siya nang pang-itaas na damit.

Huminga muna ako nang malalim saka naisipang magsalitang muli. "Ikukuha muna kita ng bimpo at kape. Wala na kasi akong lakas na paglutuan ka pa ng sopas. Ang bigat mo kasi," sabi ko kahit alam ko namang hindi niya ako rinig at masasagot.

Akmang tatalikuran ko na sana siya nang nagsalita ito na siyang aking ikinatigil.

"I saw him.” Nawindang ako sa aking narinig.

Nanatili pa ring nakapikit ang kaniyang mga mata nang masabi niya iyon. Hindi naman nakaiwas sa aking paningin ang malungkot niyang mukha, para bang nasasaktan ang binata.

I slowly parted my lips to make a sound. "S-sino?"

"That j*rk! We’ve met, Gags! Kaya ako lasing na lasing dahil sa kaniya," he murmured. I can sense the pain in his voice.

Humakbang ako nang kaunti para makalapit man lang sa kaniya. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin, nanatili pa rin itong nakapikit.

"Ano raw ang nais niyang mangyari? After all these years, babalik na lang siya bigla?" I managed to keep my voice from cracking.

"He was sorry. Nagsisi ang g*ago kong kaibigan. Akalain mo ‘yon, it took him years to be guilty like an ass," he replied, chuckling. Sa puntong ito, nakaramdam na ako ng kirot sa aking dibdib nang tumama ang mata niya sa aking mga mata.

Nasaktan ako sa tingin niyang iyon, kasi alam ko kung ano ang dahilan. Hanggang ngayon, si Farrah pa rin ang inaalala niya. And I can’t do anything with that.

"You know what’s more funny? He wants Farrah back. He’s eager to win my woman back," he explained without cutting his look at me.

"Sammuel," I called his name.

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa kaniyang noo at menasahe ito. He’s now looking at the ceiling of his room.

"Pero hindi ako papayag, Jeddah. Hindi ko basta-bastang ipamimigay si Farrah sa kaniya na parang tuta. Magtutuos muna kami," garalgal at seryoso niyang sabi bago bumaling ulit ng tingin sa akin. "You know how much she means to me, right? Alam na alam mo kung gaano ko kamahal ang maarte na ‘yon." He laughed a bit.

Nang marinig ko iyon mula sa kaniya, natagpuan ko na lamang ang aking sariling sa labas ng kaniyang kuwarto habang pilit na pinupunasan ang aking mga luha.

Why did I let myself get into this situation? Alam ko na naman na mangyayari ‘to, eh. Pero bakit hinayaan ko pa na mas masasaktan ako lalo?

Maybe I was hurt by the truth. Hindi porket kaibigan ako ni Sammuel at unang nakilala ay ako lang ang babaeng maaari niyang pag-alayan ng pag-ibig. Siguro, masyado lang akong nasanay lalo na sa mga pinaparamdam niya sa akin. I should know my place; hindi lang sa buhay niya kundi pati na rin sa kaniyang…puso.

"Gags?"

It was like thunder that stubbed into my heart when I heard him call me that one. Hindi naman ako nakalingon agad dahil miski ako, hindi ko na rin alam kung ano nga ba ang i-re-react ko kapag kaharap na siya.

Alam ko namang wala siyang maaalala sa mga pinagsasabi niya kagabi. He even didn’t notice my reaction and pain, pero kinakabahan pa rin ako. Iba pa rin ang sinasabi ng puso ko.

Why did I feel this way? God, it is a bad idea to feel something romantic towards my best friend, and... I hope mali ang intindi ko sa nararamdaman ko ngayon.

"Sa…sammuel?" Napapikit ako nang magawa ko pa talaga ang mabulol nang tawagin ko siya pabalik. I saw how he always laughed at my reaction, kaya napakagat ako ng mariin sa aking pang-ibabang labi.

Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa gawi ko. Nasa gate kami ng OSU ngayon, kung saan marami-rami ring estudyanteng makikita mong nagbabadya ng umuwi sa kani-kanilang tahanan.

Nang makalapit na siya sa akin nang tuluyan ay huminto siya, saka ngumiti na tila ba hindi niya talaga naaalala ang mga pinanggawa niya kagabi.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin kagabi? Umalis ka na lang bigla at iniwan akong mag-isa sa condo," he remarked.

Sh*t! Bakit hindi ko man lang naisip na malalaman niya talagang ako ang naghatid sa kaniya? Pati ba ang pag-alaga ko, naalala niya pa? Pero—wala namang dapat ipag-aalala siguro, ‘di ba? I used to do it even before.

Napalunok naman ako nang ilang beses nang mapansin ko ang atensyon niyang sa akin nakatuon. F*ck!

“Ah, hindi na kita inabalang gisingin pa. Lasing ka kaya, kaya need mong magpahinga," I replied while caressing my check due to nervousness.

He sighed and locked his gaze into my eyes. Nakitaan ko naman ng labis na pag-alala na may halong pagsisisi ang kaniyang mga tingin. "Kahit na, Gags. Sana man lang nahatid kita sa inyo. Paano ‘pag may nangyaring masama sa’yo, ha?"

Ginulo niya ang kaniyang buhok. Ngayon ko lang namalayan na mas humaba na ito, kaysa no’ng dati. Required kasi sa kanila ang army cut dahil criminology student sila.

I can’t help myself; sinuyod ko siya ng tingin. Napangiti naman ako nang mapagtanto ko kung gaano siya ka guwapo at pormal sa suot nilang uniporme ngayon. It is also a mint green color; the upper uniform na may apilyedo at initial ng name niya sa gilid at ang pang-ibaba naman ay medyo dark na kulay ng green with matching army color belt.

"Look, Sammuel, I'm okay naman, right?" panigurado ko sa kaniya. Pero nanatili pa ring gano’n ang kaniyang reaksiyon. "Obviously, safety akong nakauwi sa bahay, kaya wala ka ng dapat ipag-aalala pa, okay?" Tango at buntonghininga lamang ang tangi niyang sagot sa sinabi kong iyon.

Pinasadahan niya ako ng maingat na tingin; napalunok naman ako sa kaniyang ginawa. Before he could say anything, tiningnan niya muna ang gate ng aming paaralan.

"Pauwi ka na? Sakto wala na rin akong klase, hatid na kita," pag-iiba niya sa usapan habang isinuksok ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa.

Maingat kong menasahe ang aking sentido. "Ahm…hindi puwede, eh. May lakad kasi ako ngayon kaya mauna ka na," tugon ko. Umarko naman ang kaniyang kilay sa aking sinabi.

“Wait, where are you going?" I wet my lips.

"I-interview ko kasi ngayon sa napag-apply-an kong part-time job.”

"Nakahanap ka na talaga?" he asked seriously. I nodded.  "Hatid na lang kita roon. Just tell me the address, hm?”

"No. Ayos lang talaga. Hindi na kailangan," mapakla kong tanggi. 

How I wish he would notice that I’m just testing his reaction if I decline his offer, but it seems it went wrong. 

"Ang mabuti pa puntahan mo na lang si Farrah sa lib. Mag-isa lang kasi siya dahil si Monique ahm…may emergency sa ukay business niya. She needs your company. You know, she’s your girl, right? So I guess it is better if samahan mo siya for the meantime," patuloy ko pa. Nakikinig lamang siya sa bawat sinasabi ko.

"Paano ka? Sino’ng maghahatid sa’yo? Come on, Gags. Mas ayaw ko’ng mapahamak ka," he said. I felt relief from that. At least he still cares, despite my alibi.

I had a big smile on my face. Come on, Jeddah, you’re a master at it.

"I can handle myself po, as always. Ako na ang bahala sa sarili ko, Samboy." No, I can’t. Sinanay mo ako, eh. Pero kailngan ko pa ring kumilos na wala ka.

"J-jeddah," tawag niya. Nanatili pa rin akong nakangiti sa kaniya, kahit nangangalay na ang bibig ko dahil peke iyon. I rolled my eyes to hide my true emotions.

"Go! Chuchu!” taboy ko sa kaniya. He still doesn’t have any words to say. Maybe he’s also confused by my sudden change. Bago pa man niya buksan ulit ang kaniyang bibig para umangal pa ay nagawa ko na siyang pangunahan. 

"Bye, Felicilda! Wish me luck!"

As I turned my back on him, I tapped my heart and felt its pain. It’s crying inside. He used to be my feelings reader before, but now it turns out that he’ll become my heart’s crasher.

"Are you sure that you don’t want me to at least send you inside?" I shook my head. He smiled at that sign as an answer to his question.

Mas mabuting hanggang dito na lang siya sa gate, baka nagkataon gising pa si mama. Baka hindi lang ang eksplinasyon ang kailangan kong gawin at makurot pa ako sa aking singit.

My interview went well, like I assumed it would happen. Sa lunes na ako magsisimula. Mabuti na lang at sa umaga ang oras ng pasok ko sa trabaho, sa gabi naman sa sa klase. Mas mabuting first semester pa lang nag-pa-part time na ako, kasi for sure sa second hindi ko na ito magagawa. Deployment na kasi namin para sa Practicom. Mas kaya ko pa kasi sa schedule ko kung magsisimula na ang class observation namin by next month, maisisingit ko pa at magagawan ng paraan.

It’s a simple job, not that tiring, and the owner is friendly. Kaya ni-grab ko na, eechus pa ba ako?

“So, I guess, let’s call it a night?"

"Yeah. Thank you for your help, Rex. Dahil sa’yo, nakahanap ako ng magaang trabaho sa cafe," masaya kong pasalamat.

He helped me today, and saying thank you isn’t enough. Actually, I invited him to have some dinner, but he declined. May lakad pa raw kasi siya. May family dinner daw sila ng parents niya. Somewhat, he also likes Sammuel, who is family-oriented and a gentle man? Well, not that sure yet.

"Don’t mention it. Anything for you, Jeddah."

"Salamat ulit."

Hiya naman siyang napangiti sa aking paulit-ulit na pasasalamat. Siyempre naman, malaki naman talaga ang naitulong niya sa akin, kaya hindi ako magsasawang bigkasin ang mga katagang iyon sa kaniya.

He looked at me. Heto na naman ako. I can’t help but appreciate how handsome this boy is. Guwapo si Rex, parang artista. Kung tutuusin, minsan namumukhaan ko sa kaniya sa Dion Ignacio na ang purmahan ay pang Joshua Garcia.

"Goodnight, pretty," he whispered. Sakto lang na marinig ko iyon.

"Goodnight! See you tomorrow," I replied while waiving my hand. 

"You should go inside; I’ll go ahead," paalam niya ulit saka pumasok sa kaniyang kotse. Bumusina muna siya sa akin bago pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

Agad naman akong kumilos para makapasok sa bahay. Pero saktong pagkalingon ko, napahinto ako sa aking plano.

My smile slowly faded when I saw a man standing in front of our door, leaning on the wall with his hands in his pocket like a strict and jealous husband who’s waiting for his wife.

"Interview, ha? A f*cking interview, nice!".

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top