Kabanata 4
Kabanata 4
"SI MAMA?" Tanong na agad lumabas sa aking bibig.
Habol-habol ako ng aking hinga dahil sa pagtakbo na akong ginawa. Para akong sumali sa isang karera ng 100-meter sprint.
Nag-aaral si Jessie nang maabutan ko siya, kaya napahinto ito nang makita ako.
"Nasa teresa po, m-malungkot," mahina niyang tugon. Napapikit naman ako saglit saka huminga ng malalim para kumalma man lang.
"Bakit? Ano ba'ng nangyari?"
Sa halip na sagutin niya ako, nagtaka ako nang bigla siyang may itinuro mula sa divider ng aming bahay. Nakagat ko naman ang akong labi nang mapagtanto ko kung ano iyon.
It was Papa's digital camera. Nilingon ko muna si Jessie, wala pa rin siyang ekspresyon sa mukha. Nilapitan ko ang gawing iyon at kinuha ang camera ni papa. I have the guts to open it. Napaawang naman ang labi ko nang makita ko ang unang litratong bumungad sa akin.
It was a picture of us bago kami...iwan ni papa sa araw na iyon. I still remember that day, fresh pa rin ito magpahanggang ngayon sa utak ko.
I gave Jessie my sad face, napagiti naman siya ng tipid sa akin.
Isa ito sa kinatatakutan ko, eh. Kaya sakto nga na nandito siya nagbabantay kay mama habang wala ako...lalo na sa ganitong sitwasyon.
"Just continue what you're doing. Pupuntahan ko muna si mama," I commanded. Tumango naman siya't bumalik sa pag-aaral.
Para kong nilipad ang hagdanan patungo sa aming teresa upang puntahan si mama. Nang makarating ako kung nasaan siya, ang malungkot niyang postura ang siyang agad na sumalubong sa akin.
Nakaupo siya sa tumba-tumba niyang upuan habang nakatingala sa langit. Ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa kulay itim niyang sarong. Ang saya ng kalangitan ngayon ay kabaliktaran sa kaniyang nararamdaman.
I let myself take a deep breath to calm down, saka dahan-dahang humakbang papunta sa kaniyang p'westo. Nang makalapit ako sa kaniya, isang mainit na yakap ang siyang aking iibinigay.
I need to act stronger for her and for us.
"I'm home na po," pagpaalam ko. Napalingon siya sa akin saglit at tipid na ngumiti. Nagawa niya namang hawakan ang braso kong nakayakap sa kaniya.
"Kumain ka na?" I asked, and she nodded.
Nagawa kong kumalas sa pagkayakap ko sa aking ina, saka umupo sa kaniyang tabi. May bakanteng upuan kasi na nakap'westo sa tabi ni mama.
"Wala po akong gawain ngayon, kaya handa akong makinig sa k'wento mo kahit hanggang magdamag pa," basag ko sa kaniyang pananahimik.
Hindi totoo na wala akong gagawin, pero kailangan ko iyong sabihin para malaman ko ang nasa loob niya't tunay niyang nararamdaman. My mom is so secretive, and that is one of the things I'm afraid of.
Hindi siya marunong maglabas ng tunay niyang saloobin. Iyon ang isa sa namana ko sa kaniya. Sa aming tatlo, si papa ang pinaka-vocal sa amin. Si papa iyong tipo ng taong hindi marunog magsekreto kasi lagi siyang mabubuko kung gano'n.
"I dreamed of your papa last night," she shared. Nakagat ko naman ang aking labi sa sinabi niya.
"Ma..."
Matapang dapat ako, pero nang marinig ko ang tono ng kaniyang boses ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itutugon.
"Mag-a-apat na taon niya na tayong iniwan, pero hindi ko pa rin tanggap, anak," mababa niyang bahagi ulit.
"Ma, ayos lang 'yan. Kahit ako man po, nahihirapan ding tanggapin ang totoo. Pero wala talaga, eh, iniwan na tayo ni papa," pilit na matatag kong sabi.
I suddenly felt her hands holding mine. Napatingin siya sa akin. Kumirot naman ang puso ko nang makita ang mata niyang nagbabadya sa pagluha.
Seeing my mom like this makes me want to blame the world for being so unfair. Bakit pa kasi inagaw sa amin ang taong nagsilbi naming lakas.
Since my dad died, hindi ko na nakita si mama na ngumiti nang tunay. Miski kausapin siya nang matagal, hindi ko na nagagawa. She always likes this: malungkot, tipid magsalita, palaging emosyonal.
"Ang saya ng mga butuin, Ma, oh. I know papa is happy there also, like those stars," nakangiti kong wika.
I am really trying my best to make her feel relieved. Ayaw kong maging malungkot na naman siya sa gabing ito at matutulog siya ng malungkot pagkatapos.
Walang araw na hindi ko ipinagdarasal na sana, makatulog si mama ng masaya at gigising siyang masaya.
That was my prayer for my parents. Iyan din ang hiling ko kay papa rati, kaso...hindi na siya nagising, eh. Iniwan niya na kami.
"I hope I was a star, Bree, so I can be happy also." Natigilan ako sa sinabi niya.
Biglang uminit ang gilid ng aking mata nang tawagin niya sa ako sa pangalang laging itinatawag ni papa sa akin. I'm his little Bree—a happy one.
Pero mas lalo akong natigilan sa sunod na salitang kaniyang binitawan.
"I know he misses me. I think it is better for me to be with him also," aniya.
I was slowly looking at her, crying. Doon ko napagtanto na nakangiti siya, ang ngiting palagi kong pinapanalangin na makita.
Nakangiti nga siya, pero hindi dahil sa akin...kundi dahil gusto niya nang sundan si papa. Hanggang ngayon, si papa pa rin ang tanging nag-iisang rason para mapasaya siya. And being her daughter, it makes me question my existence.
Ano'ng silbi ko bilang anak niya kung hindi ko naman siya napapasaya?
"Huling tira na lang, panalo na naman ulit si Samboy.
Rinig kong sabi ng mga kalaro ni Sammuel. But I didn't waste my time looking in their direction while playing. Tulala lang ako sa tabi habang naghihintay na yayain ako ni nito na aalis na.
Nandito kami sa Mccken's Billiard, niyaya kasi ulit ako ni Sammuel na samahan siya. I thought being here would help me escape from my problem or to ease the pain, ngunit hindi pala. Ni kunting pangit sa nararamdaman ko ay hindi nabawasan.
"Shoot! So, I guess last laro na natin 'to? Napatunayan ko na, panalo pa rin, eh," anunsyo ni Sammuel sa kaniyang mga kalaro.
Nagawa ko na ang tumingin sa kanilang direksyon, saktong ang masaya niyang mukha agad ang nakita ko.
"Still, there's always a next time, Felicilda," tugon sa kaniya ng lalaking kalaro niya.
He's from another university. Kaklase namin siya ni Sammuel noon no'ng high school pa kami.
Lumapit siya kay Sammuel at inabot ang perang napanalunan. Agad niya naman iyong tinanggap at nilaro-laro.
"Text ka na lang namin kung kailan ulit, bro. Salamat," paalam no'ng lalaki sabay tapik sa kaniyang balikat. Ang tatlo niyang barkada ay nginitian lang si Felicilda
"Sige. Ingats!" Ngumiti ito sa kanila nang makatalikod na ito para lisanin ang lugar.
Sammuel's happy face when he glanced in my direction faded when his eyes met mine. Napadali namang siya sa paglapit sa akin dahil do'n.
"Aren't you happy that I won again, mm?" he asked, smiling. Nakatingin lang ako sa kaniya. I didn't know how to respond; parang nag-shutdown ang mga cells ko kaya ako nablangko. "Gags?" he called. Saka pa ako natauhan.
"H-ha?"
"Ayos ka lang? Ang lalim yata ng iniisip mo," pag-aalaa niyang tanong. Nakaupo pa rin ako habang nasa harapan ko siyang nakatayo.
Imbes na tugunin siya sa kaniyang tanong, ibinigay ko sa kaniya ang bag niyang hawak ko at walang pasabing tumayo.
"Halika na, may gagawin pa ako."
I was about to walk when he grabbed my wrist. Sa mata niya naman ako diretsong napatingin sa ginawa niyang paghila sa akin. Pero maingat iyon.
"I thought you were here to support me. Eh, sa tingin ko hindi ka nga nakatingin habang naglalaro ako, eh." Nagulat ako sa pagtaas ng kaniyang boses. I closed my eyes for a second before answering him.
"I'm not in the mood, Sammuel—" He cut me off.
"Wala ka naman pala sa mood, e'di sana hindi ka na lang sumama. Useless naman din," galit niya pa ring tugon. Pero sa halip na sabayan siya sa init ng kaniyang ulo, nagawa ko pa ring kumalma.
Ayaw kong mas palalain pa ang biglang pag-init na kaniyang ulo, kaya mas pinili kong maging tubig sa apoy na bumabalot sa pagitan namin.
"Seriously?" mahina kong tanong. Napahimas siya sa kaniyang panga nang mapagtanto niya ang kayang inakto sa harap ko.
"Sorry, I didn't mean it. Sorry, Gags," kabado niyang pagpaumanhin. I wet my lips and spoke again.
"Umuwi na lang tayo," pag-iba ko sa usapan saka naunang maglakad palabas ng Mccken's.
"Je—" Hindi ko na marinig ang buong pagbigkas niya sa aking pangalan. Napunta na kasi ako sa mas maingay na p'westo ng Mccken's.
Siguro, kailangan ko lang na itulog 'to. Magiging maayos din ako bukas.
"Hindi ka hinatid ni Samboy?" Monique asked when I sat on my chair. Nakagat ko ang loob ng aking labi sa kaniyang tanong.
"A-ah, hindi na ako nagpasundo sa bahay, nagmamadali kasi ako kanina," I mumbled.
Nag-ayos ako nang aking upo. Itutuon ko na sana ang aking sarili sa FS 1 book ko nang mag-ingay siyang muli.
"Hmm...parang hindi naman iyan ang rason. I smell something fishy, eh. Right, Farrah dear?" Napalingon naman sa akin si Farrah. Napapagitnaan kasi nila ako, nasa ikalawang raw kami ng setting arrangement.
"Masyado kang detective, bayaan mo na sila," walang pakeng tugon sa kaniya ni Farrah.
Inirapan lang siya ni Monique, saka ako kinulit ulit. "Tse! Pero seryoso, Jeddah girl, ayos ka lang? Mukhang iba ang templa ng mukha mo ngayon, ah?"
Napayuko ako. "Nagkasagutan kasi kami ni Samboy kagabi...kaya nahihiya akong magpahatid sa kaniya," pag-amin ko.
"Bingo! Tama nga ako," natatawa niyang ani.
Ang kamay naman agad ni Farrah na nakatapik sa aking balikat ang nagpalingon sa akin sa direksyon niya.
"It's okay, girl. Don't think too much, magiging maayos din kayo mamaya," she uttered, smiling. Napatango naman ako.
Nang tumahimik na ang dalawa, nagawa kong buksan ang aking cell phone para i-text si Sammuel. Hindi ako sanay na ganito kami.
To Gags:
Nasa klase ka? Let's talk, pls?
Isang minuto ang hintay ko bago siya makapag-reply. Nahawakan ko naman ng mahigpit ang aking cell phone nang mabasa ako ang tipid niyang tugon sa aking mensahe.
Galit pa kaya siya?
From Gags:
Can't
Busy ako:/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top