Kabanata 3

Kabanata 3



BIYERNES ng umaga ngayon, wala kaming pasok ni Sammuel pareho kasi mamayang hapon pa.

Sa tuwing hapon ang pasok ko, ginagawa ko ang isa sa mga sideline ko. At gaya ng nakasanayan niya, he is always here to help me.

Napatigil ako sa aking ginagawa at napailing nang mapansin kong mali pa rin ang ginagawa niya. Sanay na dapat sa ganito, pero ang tigas ng ulo niya at ayaw makinig sa akin.

"Hindi nga gan'yan ang paghulma, Felicilda. Tingnan mo, sabi ko pabilog, eh. Bakit naging malapad 'yan?"

"Para naman maiba. Puro na lang kasi pabilog, square naman. Malay mo...mas bebenta 'to kaysa sa iyo." He chuckled. Napasimangot naman ako sa kaniyang sinabi.

Minsan, parang may tupak ang lalaking 'to. Matagal na namin 'tong ginagawa, ayaw pa ring matuto. Para bang sinasadya niya talaga ang inisin ako.

"Kailan ka nakakita ng choco balls na square? G*gong 'to," I corrected.

Ipinakita niya sa akin ang hinulma niyang choco balls saka marahang napangiti.

"E'di, choco square na lang tawag natin dito."

"Magnegosyo ka ng sa'yo. Hirap mong spelling-in," mapakla kong tugon saka ibinalik ang tuon sa minamasa kong ingredients.

Naglagay ulit ako ng condensada sa dinurog na grahams sa bowl saka ito hinalo. Pagkatapos ko itong haluin ay simple ko itong ipinagulong sa desecrated coconut na ihinanda ko na rin.

Apat na tupperware na ang nalagyan namin. Panghuling tupperware na itong ginagama namin ngayon ni Sammuel.

Habang abala ako sa ginagawa ko ay gano'n din siya. Seconds had passed when he decided to break the silence between us.

"Maiba nga tayo," basag siya sa katahimikan. Napalingon naman ako sa gawi niya. "Saan mo pala balak pumasok sa part-time job mo?"

Naglabas ako ng malalim na hininga sa kaniyang tanong. Napag-usapan na namin ito noong nakaraang araw. Sa katunayan, may inaalok siya sa akin na pilit ko pa ring hindi tanggihan hanggang sa ngayon.

"Maghahanap pa ako this weekend," I replied.

He stopped what he was doing and faced me seriously. Kapag ganitong usapan siya lagi nagseseryoso. Feeling ko sa tuwing ganito siya, hindi siya si Sammuel na kilala ko.

"Sa company ka na lang kaya namin, Gags," he suggested. I avoided his look and made myself busy with what I did.

"Hindi nga p'wede, Gags."

"Bakit naman?"

"Ayaw kong isipin ng parents mo na inaabuso ko ang kabutihang ibinibigay mo sa akin. Saka marami namang trabaho ngayon, ako na ang bahala," mahaba kong tugon habang hindi pa rin nakatingin sa binata. I heard him let out a deep breath.

"Gags, hindi 'yan. Alam mo naman na my parents will always love to help...lalo na sa'yo," paalala niya.

Nagawa ko nang tigilan ang ginagawa ko para harapin siya. Saka ko pa nakita ang seryosong reaksyon ng kaniyang mukha.

"Alam ko naman 'yon, Sammuel. Ang akin lang, I want to test my abilities without your help this time."

"Sure ka ba talaga?" Agad akong tumango.

"I am. No need for you to worry, okay?" Napangiwi siya.

Alam na alam kong gustong-gusto niya akong tulungan, pero gusto kong magsikap muna na wala ang tulong niya. I wanted to challenge myself without anyone's help but with God's will.

"Oh, tapusin na natin 'to para maihatid ko na sa tindahan ni aling Linda," pag-iba ko sa usapan namin. He nodded to agree.

Kay aling Linda ko kasi ibinibilin ito. May tindahan kasi siya at mabenta ito roon kaya ni-grab ko na nag opportunity. May commission naman siya nito, sa bawat singko pesos na choco balls ay may piso siya.

While fixing the chocolate balls we made, napatigil kami pareho ni Sammuel nang bigla naming narinig na umingay ang speaker ni mama.

Tugtog ng Orange and Lemons na Heaven Knows (This Angel Has Flown) ang siyang agad na bumulabog sa aming mga pandinig. Napatingin naman ako kay Sammuel nang magsalita ito.

"Gising na si mama, tumutugtog na ang kanta, eh," he informed. Napangiti naman ako ng pilit.

That song is my parents theme song. Napamilyarado ko ang kantang iyan dahil sa kanila. Ramdam ko ang sakit at sensiridad ng bawat linya nito. Dahil sa kantang iyan, naging adik na ako sa old songs.

Palagi ng ipinapatugtog ni mama ang kantang iyan kapag gigising siya sa umaga simula no'ng nawala si papa. That's her way to feel my father's love for her again.

Dipping my face in these cold hands of mine
Heaven knows how embittered I am.

Because this angel had flown away from me
Leaving me with drunken misery
I should have clipped her wings.
And made her mine for all eternity.

 
Napapikit ako nang narinig ko ang mga linyang iyon. How my dad used to sing me that song before I went to bed when he was still alive has flashed through my mind. I missed him.

Our angel is not with us anymore because he already left us.

I sneaked from the kitchen into where my mom stood in our sala. I saw the hardness in her face while she was singing the song.

"I know he misses dad so much, every day." I managed to say that without breaking my voice.

Ramdam ko naman ang mga titig ni Sammuel sa akin na hindi pa rin natanggal. I glared at him and smiled painfully. Pero unti-unting nawala ang sakit na iyon sa sunod niyang binitawan na mga salita.

"Gan'yan ang pag-ibig na tunay at pangmatagalan, Gags. Kahit wala na o nasa ibang mundo na iyong isa, nanatili pa ring buhay," he said, full of sincerity in his voice.

Bago pa man ako malunod nang kanta at maiyak, nagawa kong magbiro sa kaniya.

"Kaya, Sammuel, 'wag kang mamamatay, ha? Ayaw ko no'n, ayaw kong maging kagaya ni mama," biro ko. Pero napahinto ako nang marinig kong hindi biro ang itinugon niya sa aking nasabi.

"Ayaw ko rin naman, 'no. Baka kapag nagkataon na mamatay ako, maagaw ka pa sa 'kin ng iba."

Nanlaki naman ang mata ko nang magawa niyang sabihin iyon nang nakatingin sa akin habang may malaking ngiti sa labi.

Pagod kaming naglakad tatlo sa hallway ng aming paaralan. Galing kami sa FS 1 na klase namin. Kasisimula pa lang ng pagtuturo ng guro namin sa asignaturang iyon ay drained na kami agad. Paano namang hindi kung nakakapagod naman talaga ito.

Napahinto ako sa kaiisip ng kung ano-ano mang magsalita si Farrah na nasa aking tabi.

"Parang nakakapalan ako sa librong 'to," she commented. Walang ni isa sa amin ang huminto sa aming paglalakad, nagpatuloy lang kami.

"Kaya nga, eh. P'wedeng pansampal din 'tong FS 1 sa mga taong maraming hanash sa ating buhay," si Monique. Napahawak naman ako nang mariin sa librong kanilang tinutukoy.

Hindi naman ito sobrang malaki, kasing laki lang ng notebook at hindi rin masyadong makapal. Pero kung ang laman nito ang titingnan at iisipin mo, mukhang makapal na rin talaga.  Tapos ang dami pang episodes na kailangang sagutan. Napatingin ako dito saka huminga ng malalim.

"Kakayanin kaya nating ang Field Study na 'to?" puno ng pag-aalala kong tanong.

Farrah glanced at me with a positive look on her face. "Oo naman, ga-graduate pa nga tayo, eh."

Ga-graduate kami, napangiti ako sa katagang iyan. Alam kong mahirap ang proseso, pero nasa panghuling laban na kami ng kolehiyo, kaya itutodo na namin ito.

Ang pagsang-ayon naman ni Monique sa sinabi ni Farrah ang umagaw sa aking atensyon ngayon.

"Akalain natin, ano? Parang kailan lang no'ng lagi tayong nag-re-reklamo na hindi natin kaya ang 3rd year, ngayon...nasa panghuling year na tayo sa college," makahulugan niyang bahagi.

She's right, palagi kaming nag-re-reklamo noon, pero ngayon ay malapit na kaming matapos. Gano'n naman talaga, 'di ba? Reklamo muna saka gawa.

I bit my lips and looked at them seriously. "One step na lang, matatapos na tayo."

Napatango naman sila pareho sa sinabi kong iyon. Napangiti naman ako sa aking iniisip, kung wala ang tulong sa akin ng dalawang 'to...siguro mas lalong mahirap para sa akin ang kolehiyo.

Tama nga ang palaging sinasabi ni mama sa akin. Malaki ang posibilidad na marami kang magiging kaibigan sa college, pero kaunti lang ang chance na mapapabilang ka sa tamang kaibigan. Iyong kaibigang hindi lang sa tuwa nand'yan kundi tutulungan ka ring mag-excel sa pag-aaral mo.

We need to choose our friends wisely. Pagdating sa friendship, need nating maging picky. Mahirap na...baka sa peke pa tayo mapunta.

"Hayst, tama na'ng drama. Bilisan niyo na r'yan para makarating na tayo sa agad lib," putol ni Farrah sa usapan namin.

Sinunod namin ang gusto niya, mabilis kaming naglakad para makarating agad sa library.

Alas, sais na kami ng gabi nakalabas sa library ng OSU. Mahirap kasi hanapin ang ilang mas magandang ways sa pagtuturo ng mga bata na maaari naming magamit sa darating naming observations at demonstration. Mahirap ang educ, oo. Pero mas magiging mahirap ito kung palaging nega ang papasok sa isip mo.

Saktong pagkarating namin sa parking lot ay nakatanggap ako ng text mula kay Sammuel.

From Gags:

Hindi kita maihatid for now, kasi may need kaming asikasuhin. Nagsabi na ako kay Caroline na sa kaniya ka sasabay.

Ingat ka pauwi, gags. Paki regards ako kay mama :)

Nang mabasa ko iyon ay mabilisan naman akong nag-reply. I know he's really busy right now, kasi hindi ko siya magawang makita man lang sa araw na ito. Ni anino niya, hindi. 

To Gags:

No worries po. Salamat palagi

Ingat ka rin :)

Agad kong ibinalik sa bag ko ng aking cell phone dahil sakto rin na bumusina ang sasakyan ni Farrah. Kaya sumakay na kami ni Monique para makauwi na. 

Alam kong matagal akong makakauwi sa bahay ngayon dahil kasama ko ang dalawa. Kaya minabuti ko nang i-text ang pinsan kong si Jessie na pakibantayan at samahan muna si mama. 

Sa tuwing matagal kasi akong makauwi ay sa bahay ko siya pinapatulog para maging kampante ako kahit papaano. 

Nang maihatid ako ni Farrah, gaya ng lagi kong ginagawa ay dumaan muna ako kina aling Linda bago magawi sa bahay. 

Mas una kasi ang bahay nila bago ang amin kaya saktong madadaanan ko lang ang sa kanila.  

"Aling Linda, nako pasensya po at natagalan ako," salubong ko sa matanda nang makarating ako sa kanilang bahay. "Ubos po ba lahat?"

"Ano ka ba, ayos lang. Aba'y oo, may naghanap pa nga," masaya niyang balita sa akin. Hindi ko naman mapigalang hindi matuwa sa narinig. "Mas mabuti siguro kung mas marami pa ang gagawin mo sa susunod, Jeddah, nang sa gano'y malaki rin kikitain mo," suhestiyon niya, saka inabot sa akin ang isang malaking supot. Nakalagay rito ang mga tupperware na nilagyan ko ng paninda. 

"Pagsisikapan ko po," I replied. Nang matanggap ko na rin ang benta ko mula sa kaniya, agad akong humugot ng pursyentong napag-usapan namin. "Ito po pala, oh." Sabay abot ko sa pera. Nagulat naman siya sa aking ibinigay. 

"Hoy, 100 pieces lang naman 'yon, ah? Dapat 100 lang din sa akin, bakit 150 'to?"

"Tanggapin niyo na po. Pasalamat ko na rin sa inyo kasi hindi kayo nagsasawang tulungan ako."

I know that she will not accept it, pero nagbabaka sakali pa rin ako na baka this time, tatanggapin niya na. 

"'No ka ba, para saan pa't kaibigan ko ang mga magulang mo. Sige na, ayos na 'tong 100. Ipunin mo na lang 'yan, dagdag gastos mo sa school." 

Like what she always does, ibinalik niya sa akin ang sobrang pera na ibinigay ko. Napangiti naman ako nag tipid sa ginawa niya. 

"Salamat talaga, Aling Linda, ha? Bait niyo po sa akin," walang awat kong pasalamat. 

She smiled at me while looking into my eyes. She always reminds me na marami pa ring mababait na tao sa mundo. "Walang anuman, Jeddah. Basta, magtatapos ka, ha?" Tumango ako sa kaniyang pakiusap. 

Magtatapos po talaga ako, kahit anuman ang mangyari. 

"Opo. Sige po, mauna na ako baka naghihintay na si mama," paalam ko sa kaniya. Nag-iba naman bigla nag kaniyang reaksyon sa mukha. 

"Mas mabuti pa nga para gagaan naman pakiramdam no'n," aniya. Kunot noo naman akong napatingin sa ginang. 

"Ba...bakit naman po? M-may nangyari ba?"

"Ayaw magk'wento nang tanungin ko kanina, eh. Sya, sige na't baka hinahanap ka na no'n."

Kahit kinakabahan ako, nagawa ko pa rin ang ngumiti at magpaalam sa kaniya nang maayos. 

"Salamat, Aling Linda, bukas ulit."

Nang masabi ko iyon, agad akong kumaripas ng takbo sa bahay. Napahawak naman ako sa aking k'wentas para kumalma kahit papaano. 

Ano na naman ba ang pinaggagawa ni mama?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top