Kabanata 1
Kabanata 1
"GOOD morning, sa pinakawalang-k'wenta kong kaibigan!"
Mabilis kong tinakpan ng unan ang aking mga tainga nang marinig ko ang boses niya. Parang kailan lang ang nipis ng boses ng lalaking 'to, ngayon ay sobrang buo na.
I witnessed how he turns into a man, a fully bloomed man. He also did the same for my growth. Nasaksihan niya rin lahat.
"Hoy, gising na. Anong oras na, oh?" pukaw niya pa sa akin. Tinampal ko naman ng malakas ang mga kamay niyang pilit hilain ang pulsuhan ko para tumayo na.
"Ang ingay mo, Sammuel. Natutulog pa ang tao, eh," reklamo ko sabay irap sa kaniya.
Silence embraces my room. Akala ko umalis na siya, ngunit nagawa niyang mangtagumpay sa paggising niya sa akin nang gumawa siya ulit ng ingay.
"Paano kung sabihin ko sa'yong si mama na ang nag-iigib at naglilinis sa baba, aber?"
"W-what? Teka—ang kulit talaga. Sandali nga—"
"Joke lang. Ginising lang kita," he teased. Napabalikwas at napatayo naman ako mula sa aking kama.
"Putik ka!" I cussed him and threw my pillow on his face.
F*ck! I hate hearing it. Ang ayaw ko sa lahat ay maririnig kong nagpapagod na naman si mama.
"Aray naman?! Ang aga-aga ang bayolente mo na," he grumbled continuously. Patuloy pa rin kasi ako sa paghahampas ng aking unan sa kaniya.
Nang mapagod ako, naisipan kong tigilan siya. Natatawa naman siyang tumingin sa akin. I pouted my lips na parang bata.
Ewan, pero kapag siya ang kasama ko, nawawala ang hiya sa katawan ko. Para bang, malaya akong gawin lahat ng gusto. It's because he's my childhood friend.
"May dala akong pagkain, halika na," yaya niya sa akin. He was about to hold my hand again, but I resisted. "Ang arte mo. Magsipilyo ka na nga, ang baho ng bunganga mo.
Wala akong pasabing dinaluhan siya at niyakap mangahigpit sa leeg. "Hayop na 'to! Sipain kita r'yan, eh," inis kong tugon sa sinabi niya sa akin. Tumatawa lang siya na parang sira. "Lumabas ka nga!"
Mabaho ba hiniga ko? Hindi naman siguro, ah.
"Oo na, lalabas na." I rolled my eyes. Patuloy pa rin siya sa pagtawa na tila iniinis talaga ako. "Sunod ka agad, baka ubusin namin ang mga dala ko," bilin niya ulit.
I crossed my hands, looked at him seriously, and nodded. "Yes po, masusunod po."
Nang makalabas siya sa k'warto ko at nasiguro kong sarado na ang pintuan, agad kong itinapat ang kamay ko sa aking bibig. Bumuga ako ng hininga saka ito inamoy. Miski ako ay nagulat sa tapang ng naamoy ko. Mabaho nga.
Imbes na mahiya sa kay Sammuel, binalewala ko lang iyon. As if naman mahiya ako sa kaniya, okay pa sana kung crush ko siya.
After that, pumasok ako sa banyo para ayusin ang aking sarili bago sila sundan sa labas.
"Sana man lang mga masusustansyang pagkain binili mo," komento ko nang makaupo na ako sa hapagkainan. "Alam mo namang hindi p'wede si mama sa mga gan'yan."
Tahimik lang si Sammuel sa tabi ko habang nakatingin sa akin na naglalagay ng pagkain sa mga pinggan nila. Puro ito paa ng manok na galing sa Jollibee. I used to serve them kapag kumakain kami. Nakasanayan na naming tatlo iyon.
"Itong bata 'tong, oh. Pasalamat ka na lang at dinalhan tayo ng pagkain ng kaibigan mo," awat sa akin ni mama. Napailing naman si Sammuel sa sinabing iyon ng aking ina.
I glanced at my mother and gulped. "Kahit na, Ma. Kung magdadala lang naman siya, sana iyong makakain ka rin," strikta kong tugon.
Pilit ko namang pinigilan ang tawa ko nang mapansin ko ang pagtayo ni Sammuel. Alam kong gets niya ako.
"I'll cook na lang, Ma. Ang ingay ng radyo mo, Ma, kahit alas otso pa lang ng umaga," he proposed. Mabilis niya namang tinungo ang aming kusina.
'Yon! Narinig niya rin ang pagpaparinig ko.
Yes, Mama rin ang tawag niya sa ina ko. My mother has treated Sammuel as her own child since the day we became friends.
Tipid na ngiti lamang ang ipinakita ni mama sa amin bago ko naisipang sundan si Sammuel sa kusina para makapagluto.
Masaya ang naging umagahan naming tatlo. Gaya ng dati, palagi naming pinag-uusapan habang kumakain kami ay ang plano namin sa future. Kapag gano'n kasi ang topic namin, nabubuhayan ng dugo si mama. And I love seeing her like that. It looks like she has valuable things to hold on to to live longer.
"Samahan mo 'ko ulit mamaya sa Mckken's. Gaya ng dati, kapag talo ako ay ililibre kita. Kapag ikaw naman, libre mo ako ng siomai," basag niyang sabi sa aming katahimikan.
Binabaybay namin ang daan patungo sa school, naglalakad kami. He didn't bring his car for today kasi sinabi ko. Malapit lang kasi ito sa bahay namin, kaya nakagawian na namin ito as an exercise na rin.
Nilingon ko siya habang bumuntong nang malalim na hininga. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakalaro sa mga shokoy na 'yon?"
Ngumiti siya sa akin ng tipid. "Alam mo naman, 'di ba?" Nagawa ko ang huminto muna para harapin siya nang maayos bago ito tugunin.
"Sammuel, wala ka namang dapat pang patunayan sa kanila, eh. Magaling ka na naman na para sa akin, at iyon dapat ang mahalaga," mahaba kong paliwanag sa kaibigan.
"Alam ko naman 'yon, Gags. Pero kailangan ko pa rin silang patulan sa larong iyon," he replied casually.
Gags, in short, g*go. We called each other like that as our friendship call sign.
"Fine! Gets ko 'yon, pero ang pera kasi. Sayang," mahina kong komento saka nagpatuloy sa paglalakad. Gano'n din siya.
Bago ko itinuon ang atensyon ko sa building ng aming school na nakikita namin, hindi makatakas sa akin ang mapaglaro niyang ngiti.
"Anong sayang? Eh, ako naman lagi ang nananalo sa pustahan, ano'ng sayang do'n?"
"Paano kong matalo ka sa billiard?"
"Hindi 'yan, alam ko," sigurado niyang sabi.
"Hambug 'to," inis kong tugon.
Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. May kung anong klaseng kuryente naman na dumadaloy ang bigla kong naramdaman sa 'king katawan. Mas tumindi iyon nang hindi niya inalis ang mga titig niya sa akin.
"Hawak ko ang buena mano, paano ako matatalo?" He smirked.
Inilayo ko kamay ko sa kaniya, saka siya inirapan.
"Tse! Ang mais mo!" Nang masabi ko iyon, agad ko siyang inunahan sa paglalakad nang mabilis. Rinig ko naman ang mahinang pagtakbo niya para mahabol ako.
Alas, singko na ng hapon ako nakalabas sa room namin. Kapag tuwing myerkules ay maaga ang labasan ko, same kami ni Sammuel.
Nang makarating ako sa waiting area ng OSU, ang pagod na hitsura agad ni Felicilda ang sumalubong sa akin. Tumayo siya agad sa bench nang makita akong nakangiti sa kaniya. He just gave me a little smile.
"Pagod ka? Ilang oras kayong nagmasi-masi sa ground kanina?" salubong kong tanong nang makalapit ako sa lalaki.
He's wearing a white cotton shirt with green slacks, naka-belt siya. Gan'yan lagi ang suot nila sa tuwing ginagawa nila iyon. Minsan nga ay napupuno pa ito ng putik at dumi.
"Hindi naman. Half hour lang siguro," mababa niyang tugon. "Ikaw? Are you tired for today, mm?" I shook my head directly.
"Hindi naman." He nodded.
Wala kasi kaming masyadong ginagawa ngayon, kaya hindi ako masyadong pagod for today.
"Nga pala, kailan ka raw dadalaw sa department namin sabi ng dalawa mong girls?" balita ko sa kaibigan.
"Baka bukas, magagawi ako sa inyo," kaswal niyang sagot.
Yayayain ko na sana siyang aalis na kami, kaso natigilan ako nang makita ko kung paano niya tingnan ang aking dala. Para bang inaalam niya kung saan ito galing at paano ako nagkaroon nito.
"Saan galing 'yan? Nakakadalaga pala tingnan kapag may hawak kang bulaklak," ma-awtoridad niyang tanong. Napalunok naman ako lalo na't kakaiba ang titig niya sa 'kin ngayon.
"G*go! Kay Rex!" I informed. Kinuha niya naman ang gamit niyang nakalapag sa bench, saka naunang maglakad. Agad naman akong sumunod sa kaniya.
Why is he acting like this? Is he mad at me?
"Bakit? Birthday mo ba para bigyan ka niya ng gan'yan?" Umiling-iling ako.
"Nanliligaw daw," maikli kong tugon.
"Tsk!" Napayuko ako. "Is your suitor not aware that you love daisies more than roses?" I swallowed hard.
Malamig ang pagkatanong niya nito. Nagawa niyang huminto sa paglalakad at pinagmasdan ako nang maiigi.
"Why? Masama bang tumanggap ako ng flowers na hindi ko gusto?"
"Nope. Ang masama ay tanggapin mo sa buhay mo ang lalaking hindi ako," mahina niyang sagot. Sakto lang na marinig ng aking mga tainga. But I want to make sure if I heard it right.
"Ha?" He smirked and grabbed my wrist.
"Nothing. Tara, libre kita siomai kina aling Nena," aniya. Nagpatianod na lamang ako sa gusto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top