CHAPTER 04
LORRAINE
Alas singko y medya palang ay gising na ako. Maaga kasi ako ngayong papasok katulad ng sabi sa akin ni Jamie. May importante daw kasi siyang sasabihin sa akin ayon sa kanya kahapon bago kami naghiwalay ng landas.
Tsk nacurious tuloy ako kung ano yun.
Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong nagbihis at sinuot ang salamin ko pagkatapos makapag suklay. Pinuntahan ko naman agad ang kabilang kwarto kung saan natutulog ang bubwit kong kapatid.
"Lennie gising na." Yugyog ko sa kapatid ko habang nakadapa nang higa habang malakas na humihilik. Pinulot ko naman ang mga unan na nalaglag sa sahig.
Tsk ang likot talaga ng batang 'to pag natutulog.
"Lennie isa pag hindi ka gumising diyan hindi ka makakaulam nang hotdog!"
Aba as if naman na masarap ang luto mo Raine, eh palagi nga yung sunog.
Kontra nitong isip ko na hindi ko nalang pinansin hmp. Nabigla naman ako ng bumalikwas siya agad nang bangon at agad yumakap sa akin sabay halik sa pisngi ko.
"Good morning, ate kong maganda hehe." Hinalikan ko naman siya sa noo bago kinuhanan nang tuwalya para makaligo na siya.
"Morning bunsoy—oh siya bilisan mo na maligo at magluluto muna ako para makapasok na ako sa eskwelahan." Tumalima naman siya agad sa sinabi ko at agarang nagtungo sa banyo.
Lumabas naman ako agad ng makitang nakapasok na sa banyo ang paslit at agad nagtungo sa kusina para makapagluto. Habang nagluluto ako ay naisip ko naman ang mga ganap ko sa eskwelahan na pinapasukan ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay yung biglang tahimik kong mundo ay bigla nalang naging impyerno sa kadahilanang maraming nang-bubully sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.
Yung feeling na dadaan ka tapos bigla-bigla nalang may sasaboy sayong drinks like soup, spaghetti, kamatis na may itlog at ang pinakaworst sa lahat ay yung pintura talaga. Ang tagal kasing matanggal tsaka nung nakaraang araw nga ay nabigla nalang ako ng matapos ang klase namin ay pagtayo ko ay nagkaroon ako bigla ng red paint.
Akala ko nga may dalaw ako nun, eh yun pala may naglagay sa upoan ko nun.
-
Flashback ~
Naglalakad ako ngayon o sasabihin na nating tumatakbo na talaga ako. Tsk nakakainis kasi at late na akong nakatulog sa kakapanood ko ng Guardians of Galaxy na isa sa mga paborito ko.
Hiniram ko lang kasi yun kay Jamie nung nabanggit niya sa akin na paborito niya rin daw yun. Kakabili ko lang rin ng DVD pang libangan namin ni Lennie na second hand lang. Kahit naman pobre kami ay may kinikita naman ako kahit papano isa sa mga part time job ko kaya yun ang ginamit kong pambili.
Dali-dali naman akong tumakbo at papaliko na sana sa hallway ng biglang may nakabanggaan ako.
"A-araaay ko..."
"W-what the fuck, bitch?!"
Tinig ng isang babaeng kilalang-kilala ko na o masasabi kong isa sa kinatatakutan dito sa BHU. Isa kasi siyang Queen Bitch na kapag binangga mo ay ang kapalit nun ibully ka niya buong school year.
Grabehan lang diba?
"What the fuck, disgusting nerd?!Ikaw na naman?!"
Anodaw? Disgusting nerd? The heck?!
Iniangat ko naman ang tingin ko sa kanya at doon parang may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko.
Dug. Dug. Dug. Dug.
Woah ano yun? Bakit may tunog? Huhuhu
"Why are you staring at me, huh? Eww, umalis ka nga diyan sa harap ko nerd, kadiri ka!!"
Okay, grabe naman ang taong to kung makapagsabi ng kadiri, para naman akong basura sa paningin niya hmpf!
Mapanlait si Anteh!
"A-ahh s-sorry..."
Gumilid naman ako para wala ng gulo at simula sa araw na yun ang tahimik kong buhay sa paaralang BHU ay bigla nalang naging impyerno sa araw-araw na ginawa nila sa akin.
"Hahahahaha, look at her! Oh, eww, nakakadiri na ang itsura ni nerdy!"
"Aba dapat lang yan sa kanya nu! Binangga ba naman si Queen Astrid, tsk tsk!"
"Hay ang cute pa naman niya huhu."
"Shut it, girl! Anong cute diyan?Para nga yang anak basura eww!"
Ilan lang yan sa narinig kong panlalait nila sa akin. Paano ba naman ako hindi maging basura eh pinagbabato nila ako ng itlog, spaghetti sa ulo. Juice sa uniporme. Nakita nga yun ni Jamie at ayon sisitahin niya sana kung hindi ko lang pinigilan. Ayaw kong pati siya ay madamay pa dito.
Pero ang mas malala talaga is yung na late ako sa klase at pagka-opo ko mismo sa upoan ko ay may lagkit akong naramdaman. Yun pala ay may pulang pintura na akong naupoan dahilan para pagtawanan ako ng mga kaklase ko.
"Hahahahaha, ayan, kasi ang tanga dapat tinignan muna bago umopo."
"Yuck, kadiri may regla ka ba nerdy?! Hahaha."
"Nerdy bakit kasi hindi ka nagsuot nang napkin? Hahahaha!"
Hindi na ako nakatiis pa at umalis na ako sa classroom na yun habang nanlalabo ang aking mata. Pero bago paman ako makalabas ay nakita ko pa ang pagngisi ni Demonyetang dragon na siyang dahilan sa mga nangyaring kalbaryo sakin dito. Hindi ko nalang siya pinansin at dali-daling tumakbo papasok sa banyo habang umiiyak.
Flashback End ~
--
Todo pahiya ang naramdaman ko nung araw na yun.
Si Jamie nga naaawa na sa akin, pero sinabihan ko nalang siya na okay lang at kaya ko pa naman. Di naman mild yung ginagawa nila parang ano lang patikim o matatawag na pagsubok. Kung naalala niyo yung walong estudyante na pinagtatawanan ako nung nasa canteen kami ni Jamie ay sila ang pasimuno nun. Sabi nga ni Jamie diba na sila ang number one bully dito at sa utos ni Queen bitch narin kuno nila.
Siguro ganon sila kung mag welcome ng new student dito sa university.
Pero sabi niya pag pisikalan na daw at may nakita siyang galos sa akin kahit maliit ay hindi na raw siya magpapapigil pa at papatulan na niya lalo pa't mukhang may alam siya kung sino ang nag-utos sa mga nang bully sa akin. Laking pasalamat ko talaga na nakatagpo ako nang kaibigan na tulad niya. Medyo oa pero protective.
"Ate yung hotdog nasusunog na!" Nagising naman ang diwa ko nang maamoy ko ang mukhang sunog na naman na hotdog dala sa pagkatulala ko. Napatampal nalang ako sa aking noo ng makita kong mukhang sunog nga-pero may konting pula pa naman.
"Ano ate? Sunog na naman?" Ngumuso naman akong naglakad papalapit sa lamesa at inilagay sa hapag ang hotdog na sunog.
"Pasensya na bunsoy at nasunog na naman ni ate." Napahalumbaba naman ang kapatid ko habang titig na titig sa akin ng may seryoso sa mukha.
Minsan napapaisip rin ako sa kapatid kong 'to kung sino ang matanda sa aming dalawa eh.
Bukod kasi sa marunong na siyang magsalita ay talakera din siya sa edad niyang tatlong taong gulang. Matalino rin naman siya, pero hindi ko pa siya pwedeng ipasok sa school at sa susunod na buwan pa. Gusto niya na rin kasing mag-aral sabi niya para makakita siya ng maraming kaibigan.
Oh diba? Parang mas matanda pa sa akin mag-isip tsk!
"Ate magpa check-up kana kaya." Kunot noo ko naman siyang sinulyapan habang ngumunguya.
"Bakit mo naman nasabi yan?" Sagot ko sa tanong niya bago nilunok ang kinain ko.
"Napapadalas na kasi ang pagkalutang mo ate hindi na nakakatuwa." Napatigil naman ako sa pagkain sa sinabi niya. Actually, napapansin ko rin naman yun, pero isinawalang bahala ko nalang kasi diba natural naman yata sa tao ang matulala kahit saglit lang lalo na't marami kang iniisip.
Parang ang oa lang kasi nitong kapatid ko mag-isip.
"Bunsoy natural lang sa tao ang matulala naiintindihan mo ba yun?" Sabi ko pa sa kanya at niligpit ang platong kinainan ko since tapos na akong kumain.
"Hindi naman sa ganun ate pero kasi nagsasawa na akong kumain lagi nang sunog mong luto." Nakabusangot niyang reklamo habang ako naman ay napatampal lang sa noo.
Akala ko pa naman seryoso siya. Loko rin ang batang 'to eh.
"Ewan ko sa'yo bunsoy, bilisan mo nalang kumain diyan ng makapasok na ako." Sinunod niya naman agad ang sinabi ko habang ako naman ay nagtooth brush muna.
"Tapos na po ako ate." Niligpit ko naman ang kinainan niya. Mamaya ko nalang huhugasan pag-uwi ko.
"Halika na nga ng mapulbosan ko yang likod mo." Kinuha ko naman ang bag niyang doraemon na may kaliitan na lagi niyang dala-dala. Panigurado madumi na naman to mamaya sa paglalaro, kaya nga lagi ko siyang pinapabaunan ng extrang damit dahil nagiging batang lansangan siya.
Perks of being makulit, tsk.
"Oh tapos na, tara na." Matapos ko masarado ang pinto ay hinawakan ko naman ang kamay niya at naglakad papunta kina Aleng Doray.
"Magandang umaga po Aleng Doray." Bati ko dito ng makita ko siyang nagwawalis sa may gilid ng tindahan niya.
Ganito lagi ang eksena pagpupunta ako sa kanila nang ganito kaaga para isabilin dito ang bubwit kong kapatid.
"Magandang umaga din Raine, oh ako na ang bahala diyan sa kapatid mo." Kamot ulo naman akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin ang kapatid ko.
"Oh mauuna na si ate ahh? Behave ka dito bunsoy okay?" Bilin ko sa paslit.
"Opo ate behave po ako lagi. Magdala ka ng ice cream po ahh? Hehe." I pinched her cheeks at hinalikan ang kanyang noo bago tumango sa kanya.
Ang cute talaga ng kapatid ko ang sarap ibulsa.
Matapos ko makapag-paalam kay Aleng Doray ay sumakay naman ako ng tricycle papunta sa University. Nang makarating ay nasilayan ko naman agad si Jamie na kanina pa naghihintay sa labas ng gate. Napansin ko naman na nakakahakot siya ng atensyon na isinawalang bahala niya lang. Napailing nalang ako sa kanya.
Ang sungit din ng isang 'to eh. Sabi ko nga cold siya sa iba, pero sa akin ang daldal naman.
"Hi, kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya ng makarating sa harap niya.
"Hindi naman mga 15 minutes palang." Napahinga naman ako ng maluwag at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Siya nga pala bakit mo ako pinapapasok ng maaga? May sasabihin ka ba?" Takang tanong ko sa kanya habang papasok kami sa loob.
Nandito nanaman yung mga estudyanteng ang sasama ng tingin habang yung iba naman ay nagtatawanan lang na nakatingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at nag-focus sa paglalakad.
Sa araw-araw ko ba naman tong naranasan medyo sanay na rin naman ako. Buti nga wala na medyong nang-bubully sakin ngayon na ipinagtaka ko. Hindi ko alam kung ipagpasalamat ko ba yun o hindi.
"Yup. Mamaya nalang sigurong lunch total 10 minutes nalang before magsisimula ang klase." Napatango naman ako sa sinabi niya. Pagkarating namin sa loob nang classroom ay napansin ko naman na medyo tumahimik ang mga kaklase ko pagkakita sa akin.
Napayuko naman akong naglakad habang papunta sa upoan ko at di nalang sila pinansin.
"Don't mind them," Bulong ni Jamie. Tumango naman ako sa kanya at umopo ng tahimik sa kinauupoan ko. Nag ring naman agad ang bell hudyat na magsisimula na ang first subject namin.
Makalipas ang isa't kalahating oras.
"Class Dismissed!"
Sabi ng guro at agaran namang nagsilabasan ang mga kaklase ko para sa lunch break ngayong araw. Lumabas naman kami ni Jamie sa classroom at nagtungo papunta sa labas. Yup, diyan kami lagi kumakain sa karinderya malapit lang dito sa school. Bukod kasi sa masarap ang pagkain nila ay sulit din dahil unli rice din ito.
Buti nga di maarteng tao to si Jamie, eh, kaya ayos lang. Nang makarating kami sa loob ay sinalubong naman kami ng ngiti ni Ate Cheska na matanda sa amin ng limang taon.
"Wazzup kids, ang aga niyo ata?" Kids ang tawag niya sa amin since mukha daw kaming baby face. Ewan ko ba sa kanya kung bakit yan ang palagi niyang tawag sa amin. Nung una nga napasimangot nalang kami, pero kalunan ay nasanay narin at pinabayaan nalang namin. Siya daw ang masusunod edi pabayaan.
"Ate yung dati parin, dinuguan, pakbet, pancit, at kanin na dalawa." Sabi ko sa kanya at agad niya naman itong nilista.
"Yun lang ba cutie, Rainey?" Tumango lang naman ako at sinabihan rin siyang padagdagan ng soda. Pangtulak lang, hehe.
"Ikaw naman cutey, Jamie?" Tahimik naman ang katabi kong nag-order at tinuro lang ang mga pagkaing nakahilera sa harap.
"Okie dokie, opo lang kayo dun sa may bakante kids at ihahanda ko lang ang order niyo." Sumunod naman kami sa sinabi niya at umopo ng tahimik.
"So habang wala pa ang order natin ay gusto mo na bang malaman kung ano ang sasabihin ko?" Tumango naman ako sa sinabi niya tsaka humalumbaba ng opo.
Nakakacurious lang kasi. Ang seryoso pa naman niya. Well, palagi naman, pero iba kasi ngayon.
"So here it is. Sasabihin ko sa'yo ngayon ang details about the 5 A's." Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya.
"5 A's?" Tanong ko na ikinatango niya. Napatulala naman ako sa sinabi niya at pilit prinoproseso sa utak ko ang narinig.
Anong meron sa kanila? At sino ang 5'A's na yan? Tanong ko sa isip ko habang nakatingin ng seryoso kay Jamie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top