CHAPTER 02
LORRAINE
"Buti nalang pinapasok tayo." Mahinang bulong ni Jamie nang papasukin kami no’ng matandang guro na siya rin palang adviser namin this school year.
"Oo nga eh. Ayaw ko pa naman agad magka record lalo pa't may iniingatan akong grades." Bukod kasi sa transferee ako, isa rin akong scholar.
Nandito ako dahil sa scholarship na natanggap ko na siyang nagbukas ng oportunidad sa akin para makapag-aral ng libre. Kung wala ito, malamang ay wala rin ako rito ngayon, kaya naman ayaw ko itong sayangin dahil para ito sa kinabukasan namin ng kapatid ko.
"Sabagay, ako nga rin baka ma-disappoint sina mom at dad kapag malaman nilang first day of school may records agad ako." Nasabi niya kasi sa akin kanina na nag-iisa lang siyang anak at siya lang daw ang inaasahan ng mga magulang niya lalo na't siya ang susunod sa yapak ng mga ito.
Jamie actually talks a lot. Hindi lang halata sa kanya dahil mukha siyang tahimik na tao.
"Okay class, listen!" Natigil naman kami sa pag-uusap nang biglang nagsalita si Ma'am Cordillas sa harap habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay na nakatingin sa aming lahat.
"Since today is your first day. Let’s do the old way of getting to know each other. Alam kong sawang-sawa na kayo sa ganito pero wala kayong magagawa. Gusto kong magpakilala kayo isa-isa rito sa harapan. You must state your name, your age, and your ambition in life. Pero bago ‘yon, magpapakilala muna ulit ako since may nalate sa klase kanina." Sabay taas ng kilay at nagbaling ng tingin sa amin ni Jamie. Nagbulungan naman ang mga nasa paligid animo’y mga bubuyog.
Nag-iwas ako ng tingin at agad na yumuko. Ba't kailangan niya pang sabihin at ulitin ‘yon?
"My name is Elizabeth O. Cordillas. 57 years old. And I will be your Filipino Teacher this whole school year! Kaya h’wag kayong magkakamali sa akin.” Naniningkit ang mga matang sabi ni Mrs. Cordillas sa amin. Napalunok naman ako ng wala sa oras.
Nakakatakot ang teacher na 'to at parang laging nakasigaw.
“Kung gusto niyong pumasa, ipakita niyo sa akin na kaya niyo! Are we clear?!” Wait, Filipino subject ‘to ‘di ba? Pero ba't siya…nagsasalita ng english? Wala siyang language rule? Okay.
"Clear, ma'am!” Sagot naming lahat.
"Good. Now, let’s start. Magsisimula tayo sa harapan. You first,” may itinuro siya.
Agaran namang tumayo ang babaeng parang espasol sa puti ang mukha. Hala siya. At ang nakakaloka pa, masyadong lantaran sa kasexy-han ang kanyang suot, tipong kita na ang kanyang kaluluwa. Wala rin dress code rito? Pwede pala ang ganyang suot dito? Not that I’m gonna wear like that too, pero buti pinayagan sila.
Pero kung sabagay, first day nga pala ngayon. Hayaan natin siya. Mukhang masaya naman siya sa suot niya. It’s her style. It’s her body. It’s her rule.
"Hi, everyone! Stacey Manzano here—!” Hindi niya naituloy ang pagpapakilala nang magsalita si ma’am na mukhang tuluyan nang naalala na Filipino subject ang hawak niya.
"Nakalimutan kong sabihin na dapat sa tuwing oras ng klase ko ay Tagalog only policy tayo. Walang magsasalita ng kahit na anong lengwahe sa loob ng kwartong ‘to kapag class period natin. Malinaw?!” Agad naman kaming tumugon sa kanya.
“Mabuti kung ganon. Pasensya na rin kanina at nagpakilala ako sa wika na ingles. At ikaw, miss…?” Sabay baling niya sa babaeng mukhang wala namang interes pumasok ngayon. Mas interesado pa siya sa kanyang bagong nail polish kaysa sa mga sinasabi ng aming guro.
"Stacey Manzano, ma'am." Maarte niyang sagot sabay flip hair na ikinatawa ng mga kaklase ko.
"Brat." Dinig kong bulong ni Jamie dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"May sinabi ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi masyadong narinig dahil sa lakas tumawa ng iba. Wala namang nakakatawa roon. Ang babaw ng kaligayahan ng mga tao rito.
"Wala naman. Bakit?”
“Ah, wala. Akala ko kasi may sinasabi ka.”
Ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan.
"Okay, Ms. Manzano. Gusto ko sa susunod na araw, pagpasok mo sa klase ko, ay mas maayos at desente na ang suot mong damit. Kung hindi, hanggang pintuan ka lang. Hindi kita tatanggapin. Naintindihan mo ba, Ms. Manzano?” Tumango naman siya at saka palihim na umirap.
Tsk. Mukhang may pagka-bratty nga ang isang ‘to ah.
“Ayaw ko lang na umabot sa punto na may mabastos sa inyo rito kaya ayusin niyo ang pananamit niyo.” Dagdag na sabi nito.
"Opo, ma’am!”
“Mabuti. Sige, pwede kanang magpatuloy sa pagpapakilala.”
Tumikhim naman ang isa bago nagpatuloy at umayos ng tayo.
"Ako nga po pala si Stacey Manzano, labing pitong taong gulang at ang aking ambisyon sa hinaharap ay maging magaling na modelo!” Sabay pose na ikinatawa ng lahat. Napailing naman si ma’am na hindi na talaga natutuwa sa kanya. Yung iba kung makatawa akala mo’y nanunuod ng comedy eh.
‘Yung totoo? Okay pa ba sila? Bukod kay ma’am, kami lang din ni Jamie ang hindi natawa. Wala naman kasing nakakatawa.
“Mga estudyante, tahimik!” Galit na saway ni ma’am. Parang maamong tupa naman silang huminto sa pagtawa.
“May nakakatawa ba sa sinabi at ginawa ni Ms. Manzano?!” Walang umimik. “Unang araw pa lang sinusubukan niyo na ako ah. Ms. Manzano, bumalik kana sa iyong upuan! Sunod!” Ayan ginagalit niyo kasi.
"Gosh. She’s really embarrassing!" Dinig kong komento ni Jamie kaya napatingin akong muli sa kanya.
"Huh? Embarrassing? Sino?" Tanong ko. Bigla-bigla na lamang kasi siyang nagsasalita eh. Baka may nakikita talaga ‘to na hindi ko nakikita.
"My cousin." Sagot niya habang nasa babaeng nagpakilala ang tingin.
“Cousin?” At doon ko lang napagtanto. Magpinsan sila?! Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na pinsan niya ang mukhang espasol na ‘yon.
"Alam kong mahirap paniwalaan kasi tignan mo naman, kung ganda lang, parang iba ang dugo niya ‘di ba? Tapos ang arte niya pa. But yeah, ayaw ko man aminin pero pinsan ko ang brat na yan dahil magkapatid ang mama ko at ang papa niya. Jamie Manzano Francisco."
“Ahh,” tanging nasabi ko sa haba ng sinabi niya. Nakaka-speechless lang. Mahirap naman kasi talagang paniwalaan.
Tumingin ako sa gawi ng pinsan niyang si espasol na kausap na ngayon ang mga kaibigan niya yata. Pero seryoso, magpinsan ba talaga sila? Parang ang layo naman. Bukod kasi sa may pagkahappy-go-lucky si Jamie ay friendly rin siya, kahit mayroon din akong nakikitang cold aura. Pero itong pinsan niya ay napakalayo sa kanya, may pagka brat at mukhang masama ang ugali na yung tipong lahat nang gusto ay kailangan masusunod.
Hey, don't get me wrong guys ah. Hindi naman sa judgemental ako pero parang ‘yon kasi ang nakikita ko, kapansin-pansin, at isa pa may pagka-observant kasi akong tao minsan kaya pagpasensyahan niyo na. First impression lang kumbaga, and I hope this impression of mine towards her won’t last. I hope she can prove me wrong.
"Magandang umaga sa lahat, ako nga po pala si Marie Joy Escandaloso. Labing anim na taong gulang at ang ambisyon ko po sa hinaharap ay maging kontrabidang artista sa mga palabas." Pagpapakilala ng isa pa.
Hindi na ako magtataka kung bakit ‘yon ang gusto niyang ambisyon. Sa apilyedo niya pa lang, hindi na nakakagulat. Mukhang babagay naman sa kanya ang kontrabida role, may aura kasi siyang kakaiba. Basta. Ang hirap i-explain. Pero papasa siya. Hindi malabo ang ambisyon niya. Medyo weird nga lang. Nagtawanan tuloy ang lahat dahil sa narinig mula sa kanya lalo na sa apilyedo niya.
Escandaloso ampt.
"Sige, para mas madali tayong matapos total bente minutos nalang bago tayo lumabas…huwag nalang kayong pumunta rito sa harapan, diyan nalang kayo sa upuan niyo magpakilala. Naiintindihan niyo ba?" Sumagot naman agad kaming lahat ng oo. Tumingala ako sa wall clock na ngayon ko lang napansin, at tama nga si ma'am dahil 20 minutes nalang bago mag second subject.
1 hour and 45 minutes kasi ang klase namin sa kanya, mula 7:45 am to 9:15 am. I’m not sure kung ito na ba ‘yon, wala pa kasing final na announcement para roon since iyong iba ay absent pa dahil nga first day. Ang boring nga naman kapag unang araw. Madalas walang klase, o introduction lang, o di kaya ay maglilinis.
"Ang tagal ng oras, gutom na ako." Himutok ng katabi ko at hinimas ang tiyan niyang flat. Itinaas niya pa talaga ang kanyang damit ah.
"Hindi ka ba kumain?" Taka kong tanong sa kanya habang abala sa pakikinig sa mga nagpapakilala.
"Tsk. Mawawalan ka ng gana kumain ‘pag wala kang kasabay." Sagot niya. Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot doon sa tinig niya. Ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin. Mukhang may problema yata siya sa kanilang bahay, at sino naman ako para makialam ‘di ba? Ngayon nga lang kami nagkakilala.
RINGGGGGG!!!
Tumunog na rin sa wakas ang bell, hudyat na tapos na ang unang subject. Naghiyawan naman agad ang mga kaklase kong parang takas sa mental habang ‘yong iba naman ay tahimik lang na nagligpit ng kanilang gamit, kagaya namin ni Jamie. Ba’t kasi kailangan magdiwang? May second subject pa, uy. Nagpaalam naman agad si Mrs. Cordillas at sinabi niyang bukas nalang tatapusin ang introduction para narin isabay yung mga hindi pumasok ngayon.
"So saan tayo, Raine? Canteen o sa labas?" Tanong ni Jamie habang naglalakad kami palabas ng room.
"Canteen nalang total 15 minutes break lang." Saad ko na agad niya namang sinang-ayunan. Nagulat ako nang hawakan na naman niya ako sa kamay at hinila na lamang basta-basta. Mannerism niya na yata ang manghila.
Ilang sandali pa ay agad naman naming natanaw ang canteen since malayo ka palang ay rinig muna ang ingay ng mga tao sa loob. Humanap naman agad kami ng mauupuan since malapit nang mapuno at ang dami ring tao sa loob, halos ay wala nang bakanteng upuan.
So saan kami uupo? Sa sahig?
"Ayon, tara!" Biglang kaladkad sa akin ng kasama ko at agad ko namang nakita ang bakanteng upuan na sinasabi niya na siyang pwesto ng tatlong babae na kaaalis lang.
"Wait me here, ako nalang ang oorder sa atin." Magsasalita pa sana ako nang umalis na siya agad papuntang counter. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang wala sa oras. Ang babaeng ‘yon talaga. Hays.
Habang naghihintay ako sa kasama ko ay nagtaka naman ako nang mapansin na may ilang tao na nakatingin sa akin. Magbubulungan sila tapos at magtatawanan. Kumunot ang noo ko lalo na roon sa grupong nasa gitna na nakakaagaw talaga sa atensyon ng ilan.
May tatlong lalaki at limang babae kasing nakaupo roon na kanina pa pinagtitinginan na animo'y mga celebrity. Sikat ba sila rito? At saka, ano kaya ang problema ng mga taong to? May nakakatawa ba sa hitsura ko?
At dahil dakilang curious tayo, napatingin naman ako sa sarili ko at kinapa ang mukha ko. Baka may dumi pala ako sa mukha kaya sila nakatingin.
Wala naman. Bakit kaya sila tumatawa? Ang weird nila ah. Ang weird ng mga tao rito.
"Oh, anyare sa'yo?" Hindi ko man lang napansin na nandito na pala sa harap ko si Jamie na may dala-dalang tray ng pagkain habang kunot ang noong nakatingin sa akin.
"May dumi ba sa mukha ko, Jamie? Pakitignan nga." I consciously asked her, ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay weird niya akong tinignan matapos ilapag ang mga pagkain sa lamesa.
"Bakit?Wala naman." Wala naman pala pero bakit ganon sila makatingin? Napasulyap ako roon sa kabilang table na may walong estudyante na kanina pa nagtatawanan habang panaka-nakang tumitingin sa akin, maliban doon sa nag-iisang babae na walang emosyon lang na nakatingin sa akin.
Mukhang ako nga talaga ang pinagtatawanan nila.
"Anong tinitignan mo?" Kunot ang noo na tanong nitong kasama ko at sinundan ang tinitignan ko. Napansin ko naman na mas lalong kumunot ang noo niya bago ibinalik ang tingin sa akin.
"I guess sila ang dahilan kung bakit ka conscious na conscious ngayon?" Natigil naman ako sa pagtitig sa kanila at binalingan ng tingin ang kasama kong salubong na ang kilay at seryoso ang tingin na ipinupukol sa akin.
Hindi ko naman maiwasang hindi mapalunok sa klase ng aura niya. Jusko ito na naman ‘yong other side niya na nakakatakot.
"Ahh…oo, kanina no’ng wala ka pa." Kamot ang ulo kong saad sabay yuko. Nahihiya kasi ako and at the same time ay natatakot ako sa aura niyang parang may usok na itim.
Sabi na eh, may cold side talaga ang babaeng ‘to.
"Just don't mind them, okay? Mga papansin lang ang mga yan. At isa pa, huwag mong subukang lumapit sa kanila ‘cause they are the number one bullies here." Napaangat naman ang tingin ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang mapansin ko ang ingay ng mga tao rito sa loob sabay bulungan at tilian. Yung maingay kanina ay mas lalo pang dumoble.
May napansin naman akong limang matatangkad na babaeng naglalakad na parang reyna papasok dito sa loob na lalong ikinaingay nila at sinabayan pa ng tili. Kumunot naman ang noo ko sa nasaksihan habang sinusundan ng tingin ang limang babae na tela parang mga reyna na naglalakad.
"Sino sila?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top