CHAPTER 01

Under Revision 'to so expected niyo na may scene akong idinagdag or binubura dito starting from now on. Depende lang sa mood ko ako mag update ha 😂
-

LORRAINE

"Ate Raine!Ate!Ate!Gising na po at nagugutom na ako huhu.” Napadaing ako nang may maramdamang mabigat na tiyanak na nakadagan sa likod ko habang niyuyogyog ako.

"Argh Lennie umalis ka nga diyan sa ibabaw ko!" Reklamo ko sa kanya at tumihaya ng higa. Naaninag ko naman ang maliit na pigura nito sa harap ko habang may dala-dalang kutsara at nakanguso ngayon sa akin na parang anumang oras ay iiyak na.

Anyare dito sa batang 'to?

"Bakit may dala kang kutsara?" Kusot mata kong tanong sa kanya at napalingon sa gilid kung nasaan nakalagay ang maliit kong orasan.

Malapit na palang mag alas sais ng umaga.

"Nagugutom na ako ate huhu." Pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya pagkatapos niyang ngumuso na parang bibig ng isang takure.

De joke, ang cute na takure naman nitong kapatid ko.

"Araaay ate ang shakiitt." Itinigil ko naman ang ginagawa ko nang mapansin kong namumula na ang kanyang magkabilang pisngi. Mukhang napasobra yata ako hehe.

Sorry naman ang cute kasi nitong kapatid ko eh.

"Sorry, bunsoy. Ikaw kasi ang aga-aga nakabusangot na ‘yang mukha mo,” saad ko sa kanya at agad iniligpit ang higaan ko.

"Tara na at nang makakain na tayo." Kinarga ko naman siya sa likod ko habang papunta kaming kusina na ikinahiyaw niya sa tuwa. Napailing nalang ako sa kapatid kong 'to.

Siya nga pala, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Lorraine Dela Cruz, 17 years old. At itong batang paslit naman ay ang nakababatang kapatid ko na si Lennie Dela Cruz, 3 years old. Kami na lamang dalawa ang magkasama sa buhay.

Kung itatanong niyo naman kung nasaan ang mga magulang namin? Wala na si mama; namatay siya noong ipanganak niya ang kapatid ko, si Lennie. Ang papa naman namin. Wala akong ideya. Hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo ngayon. Pero naikwento naman siya ni mama sa amin noon. Kahit papaano ay may alam naman kami patungkol sa kanya. Fil-Am si Papa o Filipino American kaya hindi rin nakapagtataka na iba ang kulay ng mata naming magkapatid, marahil ay nakuha namin sa kanya.

Oh well, salamat na lamang sa kanya dahil binigyan niya kami ng ganitong kulay ng mata, pero huwag muna natin pag-usapan ‘yong taong wala rito. At saka isa pa, ayaw ko na siyang isipin, lalo na't diko makalimutan iyong pag-iwan niya sa amin noong nabubuhay pa si mama. He abandoned us.

Do I hate him? Yes, I hate him. At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pang-iiwan niya sa amin.

"Ate, ‘yong niluluto mo amoy sunog na!”

Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip nang maamoy ko ang sunog na itlog kaya dali-dali ko naman itong tinignan. Nanlumo naman ako sa nakita kong itim na itlog na nakahain ngayon sa plato saka dahan-dahang naglakad papalapit sa kapatid kong nagtatakang nakatingin sa akin.

"Ate, asa'n na? Gutom na ako te, bilisan mo!" Kamot ulo ko namang ibinigay sa kapatid ko ang sunog na itlog. Napanguso siya nang makita ang itsura nito. Medyo napangiwi pa nga siya. Hays.

Ikaw kasi Raine eh, kung saan-saan napapadpad ang isip mo.

"Sorry, nasunog ni ate. Palitan ko nalang?" Umiling naman siya sa sinabi ko at ngumiti sa akin ng malawak. Kita tuloy iyong dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi na ikinaganda niya lalo. Medyo puti kasi ‘tong kapatid ko at may pagka chinita. Para nga siyang koreana kaso ang kaibahan lang ay mataas ang kanyang ilong kagaya ko.

"Huwag na, Ate. Okay na ‘to, at isa pa sanay na kaya ako na laging sunog tong niluluto mo hehe." Magiliw niyang sabi at nag peace sign sa akin nang mapansin niyang nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Well, totoo rin naman kasi ang sinabi niya na minsan sunog yung luto ko lalo na ‘pag umaga at bagong gising lang ako. Madalas kasi akong lutang at parang natutulog pa ang kalahati ng katawan ko sa hindi malamang dahilan. Sabi nga nila minsan ay magpa check-up ako para matignan ako ng doctor at baka raw may sakit ako. Ang oa nila mag-isip sa totoo lang. Isa pa, wala naman kaming pera para roon ‘no.

Iyong ipangbabayad ko sa doctor ay ibibili ko nalang ng hotdog at itlog para naman may ulam kami lagi ni Lennie.

"Bilisan mo diyan at papasok pa ako. Doon ka muna kina Aleng Doray habang wala pa ako, okay?" Sabi ko sa kanya matapos ko siyang timplahan ng gatas at agad na umupo sa pwesto ko.

"Opo ate, uwi ka po ng maaga, huh? Magdala ka rin po ng masarap na ulam hehe." She cutely giggled after she said that habang ako naman ay nakangiti lang na tumango sa kanya at nagsimula naring kumain. May sideline kasi akong trabaho o tinatawag na part time job, diyan lang naman yun malapit sa school namin. Sa sobrang hirap ng buhay ay kailangan ko talagang kumayod lalo na at may kapatid akong binubuhay. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig habang kumakain kami. Matapos ang kinse minutos ay agad ko namang iniligpit ang pinagkainan namin.

"Lennie, maligo ka na at papasok na ako pagkatapos ko magbihis!" Hinanap ko naman ang salamin ko at agad itong isinuot nang makita kong nasa kama lang pala.

Kung saan-saan ko na ‘to nailalagay, tsk.

"Tapos na po ako maligo, Ate." Lumabas naman ako agad sa kwarto habang bitbit ang bag ko at pamalit niyang damit na nakalagay sa maliit niyang bag na doraemon.

Favourite cartoon niya 'to eh. Yung kalbo na kulay asul na malaki ang tiyan.

"Tara na." Naglakad naman kami papunta sa kapitbahay naming si Aleng Doray habang hawak ko ang kamay niya at sa kabila naman ay ang mga gamit nito at bag ko.

"Ate Doraaaaaaaa!" Tawag pansin ni Lennie sa may katabaang babae na nagwawalis sa may gilid ng tindahan. Nagsalubong naman ang kilay nito matapos marinig ang itinawag sa kanya ng kapatid ko at agad na nameywang habang may hawak pa na walis tingting.

Natawa naman ako sa hitsura nito.

"Anong Dora? Doray ako, Doray! Aba’t ikaw na bata ka talaga, nako." Nag peace sign naman ang paslit at agad na bumaling sa akin na maglalaro lang daw sila ng anak ni Aleng Doray na si Khiann.

Babae po siya kung hindi niyo naitatanong.

"Huwag kang magpapawis ah? Yung pamalit mo na kay Aleng Doray na, okay? Behave." Paalala ko sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. Agad rin naman itong tumakbo papunta kay Khiann na nag-aantay sa kanya ngayon sa may ilalim nitong malaking puno ng mangga.

"Aleng Doray, kayo na po muna ang bahala kay Lennie ha hehe." Tinapik niya naman ang balikat ko matapos tignan ‘yong dalawang batang naglalaro na ngayon.

Close na close talaga ang dalawang ‘yan. Magkaedad lang din kasi sila.

"Walang problema, Raine. At saka isa pa, huwag ka nang mahiya sa akin. Ano ka ba, para namang iba ka sa akin." Bukod sa may katabaan na si Aleng Doray ay mabait din siya at morena beauty, pero ‘di ko maitatangging may kagandahan din. Construction worker ang asawa niya; si Kuya Alfred na mabait din at mapagbiro at medyo tisoy din, ngunit wala rito ngayon at nadoon sa trabahuan niya. Nag-iisa lang ang anak nilang si Khiann.

Ngumiti ako ng matamis kay Aleng Doray at agad na rin nagpaalam."Sige po, mauna na po ako." Naglakad naman ako agad at naghintay ng dadaan na tricycle. Ilang sandali pa ay nakasakay naman ako agad at sinabi sa driver ang address.

"Dito lang po, kuya. Salamat po." Mukhang nagtaka naman siya kung bakit dito ako pumara, pero hindi ko nalang pinansin. Pagkatapos kong magbayad ay umalis naman siya agad habang ako ay kamot ang ulo lang na lumingon-lingon sa paligid.

Ito na ang simula ko. Nandito na ako. Pinagmasdan ko ang ibang mga estudyante. Marami sa kanila ay papasok na, mayroon namang nakatambay pa sa gilid ng daan habang naglalaro sa cellphone nila, at ang iba naman ay kumakain ng street foods sa isang tabi, o ‘di kaya naman ay may ibang pinagkakaabahalan.

Huminga ako ng malalim.

Ito na ‘to, Raine.

Bago maglakad papasok ay tumingin muna ako sa itaas kung saan nakalagay ang malaking sign na may nakaukit na pangalan nitong paaralan.

"Welcome to Brixton High University." Mahinang basa ko.

Hmm, pangalan pa lang mamahalin na.

Hahakbang na sana ako paalis nang may biglang kumalabit sa akin. Agad naman akong lumingon dito.

"Hi,” bati ng isang babae.

Naglibot ako ng tingin sa paligid, to make sure na ako ang kinakausap niya dahil baka mapahiya ako, pero mag-isa lang naman ako. Muli akong lumingon sa babaeng natatawa na sa akin ngayon.

Luh, ano naman kaya ang nakakatawa? Weird.

Mukhang napansin naman nitong babae ang pagtataka ko dahilan para mapailing siya na ikinakunot lalo ng noo ko.

Eh? May saltik ba ‘to?

"Miss, ikaw ang kausap ko." Sabi niya habang bahagyang nakangiti sa akin.

"Ako?" Tanong ko sabay turo sa aking sarili.

Kung ganon, ako nga talaga? Malay ko ba. Akala ko kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita eh.
Aliw na aliw naman siyang tumango.

"Yeah, you. I’m talking to you. Transferee?" Kamot ang ulo naman akong tumango sa kanya. In fairness, spokening dollar si ateng.

Buti nalang nakakaintindi ako ng english kahit papaano.

"Same. By the way, I'm Jamie Francisco. And you are?" Sabay lahad ng kamay na tinanggap ko naman nang may ngiti sa aking labi.

"Lorraine Dela Cruz,” turan ko at agad na binitawan ang kanyang kamay.

Sorry, not sorry, pero hindi kasi ako sanay makipagkamay lalo na sa hindi ko masyadong kilala. At isa pa, I hate physical contact.

Oh, english ‘yon. ‘Di niyo kaya.

"Oh, nice name. Pwede ba kitang tawaging Raine?” Paghihingi ng permiso nito. Ngumiti naman ako at tumango.

“Of course, you can.” Tanging sabi ko.

“And you can call me Jamie. Just Jamie. Wala naman kasi akong pet name."

"Sige, Jamie." Pagak ang ngiting sagot ko.

Tipid naman siyang ngumiti pabalik.

"So from now on, we’re friends, alright?" Sabi niya pa at saka nagbaba ng tingin sa relo niyang pambisig na ikinalaki naman ng mga mata niya. Eh? Anyare na naman sa kanya? Napamura pa siya ng mahina, at nagulat na lamang ako nang hawakan niya ako sa kamay at saka hinila paalis.

“Damn. We’re late! Tara, bilis!"

Late? Kami? Teka, magkaklase kami? Paano niya nalaman?

Lakad takbo kaming dalawa. Para na kaming nasa isang running contest. Ngayon lang din sumagi sa isip ko na may klase na nga pala. Ilang sandali pa ay nakarating naman kami sa saradong pintuan na may nakalagay na Section B.

Ito na yata ‘yon.

Kahit hinihingal ay agad namang kumatok si Jamie na parang wala lang samantalang ako ay kinakabahan na. First day of school late agad? Hindi pa naman ako sanay na malate.

Gulat akong napatayo ng tuwid nang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng parang nasa 50's na yata dahil may kaputian na rin ang kanyang buhok. Kasalukuyang nakataas ang kanyang kilay at nakatingin siya sa amin habang nakapamewang.

Terror yata ang guro na ‘to. Patay.

"First day of school, and both of you are late!" Galit niyang bungad dahilan para mapayuko ako sa hiya at kaba lalo pa’t pinagtitinginan na rin kami ng mga kaklase namin na mukhang nabigla rin sa pagsigaw ni Ma'am.

Shit. What a terrible first day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top