CHAPTER 01

LORRAINE

"Ate Raine!"

"Ate!Ate!"

"Gising na po at nagugutom na ako, ate huhu.” Napadaing ako nang may maramdamang mabigat na tiyanak na nakadagan sa likod ko habang pilit akong ginigising mula sa mahimbing kong pagkaka-tulog.

"Argh Lennie, umalis ka nga diyan sa ibabaw ko!" Reklamo ko sa kanya bago tumihaya ng higa. Naaninag ko naman ang maliit na pigura nito sa harap ko habang may dala-dalang kutsara habang nakanguso ngayon sa akin na parang anumang oras ay iiyak na.

Anyare dito sa batang 'to?Natulog lang ako't nag drama na.

"Bakit may dala kang kutsara?" Kusot mata kong tanong sa kanya at napalingon sa gilid kung nasaan nakalagay ang maliit kong alarm clock.

Malapit na palang mag alas sais ng umaga. Pero bakit hindi man lang yata tumunog 'to?Naubosan na naman siguro ng baterya.

"Eh kasi ate naghahanap ako ulam sa baba eh. Wala naman akong nakita dun ate." Pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya pagkatapos niyang ngumuso na parang bibig ng isang takure sa sobrang haba.

De joke, ang cute na takure naman nitong kapatid ko.

"Araaay ate ang shakiitt." Itinigil ko naman ang ginagawa ko nang mapansin kong namumula na ang kanyang magkabilang pisngi. Mukhang napasobra yata ako hehe. Hinalikan ko naman ang kanyang magkabilang pisngi para hindi na umiyak.

Sorry naman ang cute kasi nitong kapatid ko eh.

"Sorry, bunsoy. Ikaw kasi ang aga-aga nakabusangot na ‘yang mukha mo,” Saad ko sa kanya at agad iniligpit ang higaan ko.

"Tara na at nang makakain na tayo." Kinarga ko naman siya sa likod ko habang papunta kaming kusina na ikinahiyaw niya sa tuwa. Napailing nalang ako sa kapatid kong 'to.

Siya nga pala, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Lorraine Dela Cruz, 17 years old. At itong batang paslit naman ay ang nakaba-batang kapatid ko na si Lennie Dela Cruz, 3 years old. Kami na lamang dalawa ang magkasama sa buhay.

Kung itatanong niyo naman kung nasaan ang mga magulang namin? Wala na si mama; namatay siya noong ipanganak niya ang kapatid ko, si Lennie. Ang papa naman namin. Wala akong ideya. Hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo ngayon. Pero naikwento naman siya ni mama sa amin noon. Kahit papaano ay may alam naman kami patungkol sa kanya. Fil-Kor-Am si Papa o Filipino Korean American kaya hindi rin nakapagtataka na iba ang kulay ng mata naming magkapatid at medyo may pagka singkit, marahil ay nakuha namin sa kanya.

Oh well, salamat na lamang sa kanya dahil binigyan niya kami ng ganitong kulay at singkit na mata, pero huwag muna natin pag-usapan ‘yong taong wala rito. At saka isa pa, ayaw ko na siyang isipin, lalo na't diko makalimutan iyong pag-iwan niya sa amin noong nabubuhay pa si mama. He abandoned us.

Do I hate him? Yes, I hate him. At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa pang-iiwan niya sa amin.

"Ate, ‘yong niluluto mo amoy sunog na!”

Nagising naman ako sa malalim kong pag-iisip nang maamoy ko ang sunog na itlog kaya dali-dali ko naman itong tinignan. Nanlumo naman ako sa nakita kong itim na itlog na nakahain ngayon sa plato saka dahan-dahang naglakad papalapit sa kapatid kong nagtatakang nakatingin sa akin.

"Ate, asa'n na? Gutom na ako te, bilisan mo!" Kamot ulo ko namang ibinigay sa kapatid ko ang sunog na itlog. Napanguso siya nang makita ang itsura nito. Medyo napangiwi pa nga siya. Hays.

Ikaw kasi Raine eh, kung saan-saan napapadpad ang isip mo.

"Sorry, nasunog ni ate. Palitan ko nalang?" Umiling naman siya sa sinabi ko at ngumiti sa akin ng malawak. Kita tuloy iyong dalawang biloy niya sa magkabilang pisngi na ikinaganda niya lalo. Medyo puti kasi ‘tong kapatid ko at may pagka chinita. Para nga siyang pure koreana kung hindi lang dahil sa kulay ng mata niya. Matangos din kasi ang ilong nito, mas matangos pa nga ang sa kanya kesa sa akin. Minsan, napapaisip nga ako kung ano ang itsura ng ama namin, maskin sa litrato kasi ay never pa namin itong nakita. Hindi rin naman naipakita sa amin ni mama noong nabubuhay pa siya.

"Huwag na, Ate. Okay na ‘to, at isa pa sanay na kaya ako na laging sunog tong niluluto mo, hehe." Magiliw niyang sabi at nag peace sign sa akin nang mapansin niyang nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Well, totoo rin naman kasi ang sinabi niya na minsan sunog yung luto ko lalo na ‘pag umaga at bagong gising lang ako. Madalas kasi akong lutang at parang natutulog pa ang kalahati ng katawan ko sa hindi malamang dahilan. Sabi nga nila minsan ay magpa check-up ako para matignan ako ng doctor at baka raw may sakit ako. Ang oa nila mag-isip sa totoo lang. Isa pa, wala naman kaming pera para roon ‘no.

Iyong ipangbabayad ko sa doctor ay ibibili ko nalang ng hotdog at itlog para naman may ulam kami lagi ni Lennie.

"Bilisan mo diyan at papasok pa ako. Doon ka muna kina Aleng Doray habang hindi pa ako nakakauwi, okay?" Sabi ko sa kanya matapos ko siyang timplahan ng gatas at agad na umupo sa pwesto ko.

"Opo ate, uwi ka po ng maaga, huh? Magdala ka rin po ng masarap na ulam hehe." She cutely giggled after she said that habang ako naman ay nakangiti lang na tumango sa kanya at nagsimula naring kumain.

May sideline kasi akong trabaho o tinatawag na part time job, diyan lang naman yun malapit sa school namin. Sa sobrang hirap ng buhay ay kailangan ko talagang kumayod lalo na at may kapatid akong binubuhay. Mahirap man pero kinakaya ko lalo na at iniisip ko na may kapatid akong nagpapalakas loob sa akin para patuloy na bumabangon. Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig habang kumakain kami. Matapos ang kinse minutos ay agad ko namang iniligpit ang pinag-kainan namin.

"Lennie, maligo ka na at pagkatapos magbihis ka at papasok na ako pagkatapos ko magbihis!" Hinanap ko naman ang salamin ko at agad itong isinuot nang makita kong nasa kama lang pala.

Kung saan-saan ko na ‘to nailalagay, tsk.

"Tapos na po ako, ate." Lumabas naman ako agad sa kwarto habang bitbit ang bag ko at pamalit niyang damit na nakalagay sa maliit niyang bag na Doraemon.

Favourite cartoon niya 'to eh. Yung kalbo na kulay asul na malaki ang tiyan na parang may anthena sa ulo.

"Tara na." Naglakad naman kami papunta sa kapitbahay naming si Aleng Doray matapos ko maisarado ang pintuan ng bahay namin habang hawak ko ang kamay niya at sa kabila naman ay ang mga gamit nito at bag ko.

"Ate Doraaaaaaaa!" Tawag pansin ni Lennie sa may katabaang babae na nagwawalis sa may gilid ng tindahan. Tumigil naman ito sa pagwa-walis at nagsalubong naman ang kilay nito matapos marinig ang itinawag sa kanya ng kapatid ko at agad na nameywang habang may hawak pa na walis ting-ting.

Natawa naman ako sa itsura nito lalo na sa nanlilisik nitong mata habang nakatingin sa kapatid kong patawa-tawa lang.

"Anong Dora? Doray ako, Doray! Aba’t ikaw na bata ka talaga, nako." Nag peace sign naman ang paslit at agad na bumaling sa akin na maglalaro lang daw sila ng anak ni Aleng Doray na si Khiann.

Babae po siya kung hindi niyo naitatanong.

"Huwag kang magpapawis ah? Yung pamalit mo na kay Aleng Doray na, okay? Behave." Paalala ko sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. Masigla naman itong tumango-tango at agad rin naman itong tumakbo papunta kay Khiann na nag-aantay sa kanya ngayon sa may ilalim nitong malaking puno ng mangga na pagmamay-ari nila.

"Aleng Doray, kayo na po muna ang bahala kay Lennie ha, hehe." Tinapik niya naman ang balikat ko matapos tignan ‘yong dalawang batang naglalaro na ngayon.

Close na close talaga ang dalawang ‘yan. Magkaedad lang din kasi sila at parang kapatid na ang turing sa isa't-isa.

"Walang problema, Raine. At saka isa pa, huwag ka nang mahiya sa akin. Ano ka ba, para namang iba ka sa akin eh matagal ko naman na kayong kilala lalo na nung buhay pa ang mama mo." Mahabang sabi nito na ikinangiti ko. Bukod sa may katabaan na si Aleng Doray, hindi naman yung mataba talaga as in. Like ano lang siguro yung malaman ganun. Mabait din siya at morena beauty, pero ‘di ko maita-tangging may kagandahan din. Construction worker ang asawa niya; si Kuya Alfred na mabait din at mapagbiro at medyo tisoy din, ngunit wala rito ngayon at nandoon sa trabahuan niya. Nag-iisa lang rin ang anak nilang si Khiann.

Ngumiti ako ng matamis kay Aleng Doray at agad na rin nagpaalam.

"Sige po, mauna na po ako." Naglakad naman ako agad at naghintay ng dadaan na tricycle. Ilang sandali pa ay nakasakay naman ako agad at sinabi sa driver ang address.

"Dito lang po, kuya. Salamat po." Mukhang nagtaka naman siya kung bakit dito ako pumara, pero hindi ko nalang pinansin. Pagkatapos kong magbayad ay umalis naman siya agad habang ako ay kamot ang ulo lang na lumingon-lingon sa paligid.

Ito na ang simula ko. Nandito na ako. Pinagmasdan ko ang ibang mga estudyante na may suot na kulay maroon na uniform sa suot na blazer at may pagka grey na palda na hindi aabot sa tuhod. Kahit first day palang. Yung iba naman ay naka sibilyan at kulay puting damit na kagaya ko. Siguro transferee din. Marami sa kanila ay papasok na, mayroon namang nakatambay pa sa gilid ng daan habang naglalaro sa cellphone nila, at ang iba naman ay kumakain ng street foods sa isang tabi, o ‘di kaya naman ay may ibang pinagkaka-abahalan.

Huminga ako ng malalim.

Ito na ‘to, Raine.

Bago maglakad papasok ay tumingin muna ako sa itaas kung saan nakalagay ang malaking sign na may nakaukit na pangalan nitong paaralan.

"Welcome to Brixton High University." Mahinang basa ko.

Hmm, pangalan pa lang mamahalin na.

Hahakbang na sana ako papasok nang may biglang kumalabit sa akin. Agad naman akong lumingon dito na medyo gulat.

"Hi,” bati ng isang babae.

Naglibot ako ng tingin sa paligid, to make sure na ako ang kinakausap niya dahil baka mapahiya ako, pero mag-isa lang naman ako. Muli akong lumingon sa babaeng natatawa na sa akin ngayon.

Luh, ano naman kaya ang nakakatawa? Weird.

Mukhang napansin naman nitong babae ang pagtataka ko dahilan para mapailing siya na ikinakunot lalo ng noo ko.

Eh? May saltik ba ‘to?

"Miss, ikaw ang kausap ko." Sabi niya habang bahagyang nakangiti sa akin ng magaan.

"Ako?" Tanong ko sabay turo sa aking sarili.

Kung ganon, ako nga talaga? Malay ko ba. Akala ko kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita eh.
Aliw na aliw naman siyang tumango.

"Yeah, you. I’m talking to you. Transferee?" Kamot ang ulo naman akong tumango sa kanya. In fairness, spokening dollar si ateng.

Buti nalang nakakaintindi ako ng english kahit papaano.

"Same. By the way, I'm Jamie Francisco. And you are?" Sabay lahad ng kamay na tinanggap ko naman nang may ngiti sa aking labi.

"Lorraine Dela Cruz,” Turan ko at agad na binitawan ang kanyang kamay.

Sorry, not sorry, pero hindi kasi ako sanay makipagkamay lalo na sa hindi ko masyadong kilala. At isa pa, I hate physical contact.

Oh, english ‘yon. ‘Di niyo kaya.

"Oh, nice name. Pwede ba kitang tawaging Raine?” Paghihingi ng permiso nito. Ngumiti naman ako at tumango.

“Of course, you can.” Tanging sabi ko na ikinangiti niya. Kanina pa siya nakangiti, hindi ba siya nangangawit?

“And you can call me Jamie. Just Jamie. Wala naman kasi akong pet name."

"Sige, Jamie." Pagak ang ngiting sagot ko.

Tipid naman siyang ngumiti pabalik.

"So from now on, we’re friends, alright?" Sabi niya pa at saka nagbaba ng tingin sa relo niyang pambisig na ikinalaki naman ng mga mata niya. Eh? Anyare na naman sa kanya? Napamura pa siya ng mahina, at nagulat na lamang ako nang hawakan niya ako sa kamay at saka hinila paalis.

“Damn. We’re late! Tara, bilis!"

Late? Kami? Teka, magkaklase kami? Paano niya nalaman?

Lakad takbo kaming dalawa. Para na kaming nasa isang running contest. Ngayon lang din sumagi sa isip ko na may klase na nga pala. Ilang sandali pa ay nakarating naman kami sa saradong pintuan na may nakalagay na Section B.

Ito na yata ‘yon.

Kahit hinihingal ay agad namang kumatok si Jamie na parang wala lang samantalang ako ay kinakabahan na. First day of school, late agad? Hindi pa naman ako sanay na malate.

Gulat akong napatayo ng tuwid nang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng parang nasa 50's na yata dahil may kaputian na rin ang kanyang buhok. Kasalukuyang nakataas ang kanyang kilay at nakatingin siya sa amin habang nakapamewang.

Terror yata ang guro na ‘to, patay. Mahinang bulong ko sa aking sarili.

"First day of school, and both of you are late!" Galit niyang bungad dahilan para mapayuko ako sa hiya at kaba lalo pa’t pinagtitinginan na rin kami ng mga kaklase namin na mukhang nabigla rin sa pagsigaw ni Ma'am.

Shit. What a terrible first day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top