Chapter 6
Sulit ang pagod sa pinuntahan namin. HIndi ko makalimutan yung mga ulap na halos abot kamay ko na. Sobrang nakakarelax ng tanawin samahan pa ng mga puno sa paligid. Kung pwede nga lang huwag na umalis doon kanina at ienjoy na lang ang view. O kaya doon na lang ako magtatayo ng bahay, para araw araw ako doon. Kaso after naman dito, alam ko may reality kaming dapat balikan. Lalo si Jiro.
Maya-maya mayroong kumatok sa pinto. Akala ko naman si Jiro, pero alam ko tulog pa yun ngayon.
"Hello Astrid, baka gusto mo muna sumama sa amin." Sambit ni Maya na siyang kumatok sa may pinto. Kasama niya ang kanyang boyfriend at nasa katabing room lang namin sila. Akalain mo ba naman magkakaroon ako ng kaibigan dito.
Naalala ko si Jiro, gusto ko siyang ayain, pero ayaw ko muna siyang abalahin. Alam ko na sa aming dalawa siya ang pinakapagod.Kaya ko naman siguro ito, saka may kasama naman ako.
"Sure, mag-aayos lang ako saglit." Kinuha ko yung scarf ko saka inayos ng kaunti ang kulot kong buhok. Naglugay na lang ako saka naglagay din ako ng lip balm at kanina pa nagda-dry yung labi ko.
"Bakit hindi mo ayain yung boyfriend mo?" Aniya nang matapat kami sa room ni Jiro.
"Hindi ko siya boyfriend." Kanina pa niya ako kinukulit kay Jiro nang nasa Marlboro hills kami kanina. Hindi naman kumikibo si Jiro, ako lang ang nagsasabi na hindi.
"Hindi ako naniniwala, ano yun? Sagada as a friend? Wag ako uy!"
"Hindi talaga." Pangtanggi ko pa. "Sagada as a friend? Bakit hindi? Saka sabi ko sa'yo ilang araw pa lang kami magkakilala ni Jiro, kita mo magkahiwalay kami ng room."
"Pero adjacent. Huwag mo nga ako pinaglololoko! Sa panahon ngayon, hindi uso yang tago tago na yan." Napahinto siya sabay taas niya ng kilay sa akin. Mapanuri niya akong tinignan na parang may ginawa ako kababalaghan or talagang gusto niyang sabihin na boyfriend ko si Jiro.
"Unless kabit ka." Bigla akong natigilan. Gusto kong matawa sa sobra niyang pag-ooverthink. Ang lawak lawak ng kanyang imagination. Jiro was rejected by her ex, whom he love the most at sa palagay ko hindi pa rin siya nakakamove-on doon sa kanya.
"Maya, huwag mo na kulitin si Astrid, kung friends pa lang talaga sila ni Jiro bakit natin pipilitin. Saka parang tayo nun, we started as friends, kita mo ngayon."
"Pasensya ka na dito kay Maya, Astrid. Makulit talaga ito. Pero kahit na madalas siya magoverthink, love ko pa rin siya." Dagdag pa ni Marvin, na boyfriend ni Maya.
"Yan ang tamang mindset love. Hihi." Hindi ko mapigilan na mangiti kay Maya dahil nagblush pa ito. Mabuti at napakalma na rin siya ni Jiro.
"O siya sige! Friends kung friends! Hindi na kita kukulitin pa. O siya! May gusto akong itry na restaurant dito. Treat ko!" Aniya, sumunod na lang ako sa kanila. Mabuti at tumigil na rin si Maya sa kakatanong sa akin. Medyo nakukulitan naman na ako. Ayoko naman kasi lagyan ng kung anong malisya ang meron sa amin ni Jiro.
Inaya nila ako sa may isang restaurant na medyo malapit. HIndi naman ako masyadong naa-out of place ssa kanila dahil madaldal naman si Maya. Kahit na nasa bundok kami siya pa mismo ang unang kumausap sa aming dalawa ni Jiro.
"Sabi nila specialty daw nila ito." Napatingin ako sa may Lemon pie na nakaserve sa amin. Amoy pa lang masarap na. I'm not into sweets masyado, dahil madalas din akong bawalin ni Mama na kumain. Pero wala naman masama kung minsan lang.
"Hmm. Masarap." Napangiti ako at sumubo ulit ng Lemon pie. Baka makatatlong slice pa ako nito. Ang tama lang ang tamis niya tapos may konting kick ng asim galing sa lemon, kaya hindi nakakaumay kainin. Hay sana nagbaon ako ng extra money, I can eat this all day!
"Pero Astrid, nagkaboyfriend ka na ba?" Muntik ko na maibuga ang kinakain kong lemon pie. Akala ko ba wala ng questions like this?
I just shrugged. "Wala pa naman sa isip ko yun. I spent my whole life in the hospital being sick." Sabi ko habang tuloy pa rin kinakain ang lemon pie, nabanggit ko na rin naman sa bundok yung situation ko kaya hindi na rin siya nagulat pa.
Agad na namilog ang mga mata niya at mas lumapit pa siya sa akin na siyang kinagulat ko. Pabigla-bigla kasi. "The more na dapat kang mag-jowa! Dapat maexperience mo yan! You should experience and do more in life!"
I shrugged again and took again a bite of lemon pie. I wish that too, to be able to do more things like a normal girl, pero having a boyfriend isn't for me.
"Maganda ka naman, payat ka lang. Saka gusto ko yang curls ng hair mo. Para kang si Moana."
I wonder, how that love feels like? Kung sa pagmamahal lang ay hindi naman ako nagkulang kila Mama at Tito Charles. If ever I will love someone? Paano siya, kasi in the end alam kong iiwanan ko rin naman siya dahil may sakit ako. Kung mapapamahal man siya sa akin. Masasaktan ko rin siya sa huli.
"I can't, dahil alam kong hindi rin naman ako magtatagal."
"Miracles do happen naman, malay mo naman gumaling ka. Nothing is impossible you know."
Ngumiti lang ako kay Maya, hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Lahat na lang may katwiran siya. I know naman na gusto lang niya na maexperience ang mga ilang bagay sa buhay ko. Pero madalas makulit din siya, kaya hinahayaan ko na lang. Saludo talaga ako sa boyfriend niya.
"Dapat kasi sinama mo siya para double date!" Maligalig pa nitong sabi habang kumakain ng lemon pie.
Bitbit ang isang box na lemon pie na natake-out ko, nasa isip ko na puntahan si Jiro. Mukhang tulog pa siguro yun dahil na rin sa pagod. Mabuti at nilibre ako nila Maya, saka para na rin daw kay Jiro kaya binilhan pa nila ako ng isang box.
"Jiro nandyan ka na pala." Laking gulat ko na lang nang nakaabang siya sa pinto ng kwarto ko.
"Saan ka ba nagpunta?" Nag-aalala niyang sabi, pero parang ang sungit na rin ng boses niya. Kanina pa ba niya ako hinahanap?
"Sorry ha, hindi kita nasabihan, ayaw naman kasi kitang istorbohin."
"Kahit na, pwede mo naman ako gisingin diba?" Dagdag pa ni Jiro, ni hindi man lang niya ako pinatapos na magsalita. Nagagalit na ba siya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Para akong kinakabahan, ayoko siyang magalit.
"Nagtake-out pala ako ng lemon pie, libre ito nila Maya. Nabitin kasi ako doon sa kinain ko nito. Gusto mo." I gave my best smile at him para naman kumalma siya saka dinalhan ko naman siya ng lemon pie.
"Sorry again Jiro. Hindi ko naman gusto na magworry ka sa akin."
Doon na huminahon ang kanyang mukha. "Sorry kung nagtaas ako ng boses, hindi ko dapat ginawa iyon."
Doon na ako huminahon, dahil ngumiti na siya sa akin. Bakit ba ang ganda niyang ngumiti, yung pantay at puti niyang ngipin. Bakit din ba mas gwapo siya ngayon.
Hay ano ba ang naiisip ko ngayon.
"Astrid."
Doon ako natauhan, hay grabe. Kalma Astrid.
"Let's go eat the lemon pie! Alam ko magugustuhan mo rin ito."
We decided na kainin ito sa may lobby. Jiro had her coffee habang ako tubig na lang. I didn't mind having juice dahil masyado na ako sa sugar. Ok na rin naman na ako sa lemon pie while having a view of the mountains, cold weather and how calming everything it is. Talagang babalik talaga ako dito sa Sagada or even live here!
"Jiro salamat sa lahat ha. Alam mo ikaw itong inabala ko pero ikaw pa itong naglilibot sa akin. Akalain mo yun, eh nagtago lang naman ako sa kotse mo noong tumatakas ako ng ospital."
"Ilang beses ka na ba nagpapasalamat sa akin, sabi ko naman sa'yo ako dapat ang thankful dahili niligtas mo ako."
Bahagya akong natawa, Kahit sino naman pipigilan siya sa kung ano ang binabalak niya noon. Even if, siguro we created huge impacts to each other.
"Ikaw talaga, siyempre it is my responsibility to do so. Saka I should make sure the importance of life to you." I shrugged, ayoko na banggitin pa sa kanya ang sakit ko.
"Astrid, huwag mo nga isipin yun. What matters is now. Alam kong you'll still live long and and you can still do a lot of things. Simula pa lang ito Astrid." Aniya. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. Kahit papaano napagaan ang loob ko, kahit na alam ko ang totoo sa akin. Maybe Miracles do work, pero mahirap din umasa.
I just want to enjoy my life and live in the present. I don't like to think of the future kahit ngayon lang.
"I know we are both thankful meeting each other. Pero masaya ako at nakilala ko. Tama ka, siguro madami pa ako magagawa. Ito nga, hindi ko lubos akalain na makakapagtravel ako. Kahit na ganito lang. Masaya ako sa mga naging experience ko. Kahit nakakapagod, kinaya naman." Sambit ko at kumain uli ng lemon pie. I wish this experience never ends, yung wala akong inaalala na kahit ano, lalo na ang sakit.
Bigla kong naalala si Maya, she is right, I should experience a lot of things. Maybe love too. I sigh, I'm too impossible.
Hindi ko alam bat ko ba naiisip ito kay Jiro.
Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya yung kamay ko. Teka..
"I promise, I will always stay by your side Astrid."
I am speechless and suddenly nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top