Chapter 3
Everyone is walking fast, everyone has their own sense of direction. They are very certain kung saan sila pupunta. Some of them naman ay chill lang, having their own world dahil nakaheadphones pa. Pero kahit na ganoon sila, sigurado sila kung saan man sila pupunta.
Ako?
Napatingin na lang ako sa papel na hawak ko na nakasulat ang address ni Papa. Kahit kanina pa ako palakad lakad dito sa Session road, wala din naman nangyayari. Wala naman ako idea kung saan talaga ito, kung saan ako sasakay, ni hindi ko alam kung paano ba pumara ng taxi.
Naglalakad lang ako dito sa kawalan.
Medyo nagsisi ako kung bakit nga ba hindi ko na lang tinanggap yung offer ni Jiro na samahan ako. Better siguro na kasama ko siya, atleast mas sure ako na alam niya ang pupuntahan kaysa sa akin. Pero mas happy kung ako mismo ang makakahanap kay Papa.
Astrid, Kaya mo yan!
"Aww."
Agad akong napatumba at dali daling tinakpan ang mukha ko. Ramdam ko ang dami na nakapalibot sa aming dalawa. Ako pa itong nakabangga sa kanya, ako pa itong natumba.
"Ayos ka lang?" Inalalayan niya ako na tumayo. Nakasalubong kami ng tingin, punong puno ang pagtataka ang kanyang mukha at tinitignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Ano ba ang problema nya?
Well, ako nga pala kasi itong nakabunggo sa kanya.
"Sa susunod tumitingin ka sa dinadaanan mo."
"Sorry, I am in a bit rush." Nahihiya akong ngumiti sa kanya at yumuko. Ayoko sa mga tingin niya, pakiramdam ko umay na umay siya sa akin at saka may Papa pa ako na kailangan ko pang hanapin. Muntik pa ako matumba nang bigla niya akong hilahin sa braso. Ano ba ang problema niya? Nagsorry naman na ako sa kanya ah. Ayoko ng away please.
"What?"
Doon ko napansin na mabibilis na ang mga sasakyan sa harapan ko at green na pala ang ilaw sa may traffic light. Sobrang nakakahiya na talaga to. Ano na lang ang iisipin niya sa akin at sa mga tao sa paligid namin, na mukhang nagpipigil na ng tawa nila.
Pa-what what pa ko dito!
I sigh, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, kakapalan ko na ang mukha ko, ngayon pa lang muntik na ako masagasaan ng sasakyan, what will happen pa kapag magtatagal pa ako sa lansangan na mag-isa.
"Alam mo ba kung saan to?" Inabot ko sa kanya ang papel, matagal niyang tinitigan ang nakasulat, sana nga familiar sya sa place, para matagpuan ko na din si Papa. Sana wala din siyang ginagawa para masamahan ako.
"First time mo ba dito?" Binalik niya sa akin ang papel. Nahihiya akong tumango sa kanya. Hindi ba obvious?
"Ako din, pero mag-isang week na ako dito." Napakurap ako, at this time, kaya kong tapatan ang tingin niya. Akala ko taga-dito siya, yun pala... Ibig sabihin hindi niya alam itong pupuntahan ko. I guess I need to find it alone, or magtanong na lang din sa iba. Kamalas ko naman, today is really not my day.
"I know that place, samahan na kita." She smiled at me, she seems so confident that she knew the place. Sige pwede na to, since one week naman na siya na nandito. Today is a lucky day na! Mabuti na lang at nabangga ko si ate, kung hindi I am still lost at the middle of session road.
"Before we take a walk, let me introduce myself, I am Olivia Alvarez, Just call me Oli."
I nod, "Ako si Astrid, Astrid Celestine Hermosa." I shook her hand.
"Bakit ka naman nag-Baguio? Mag-isa mo lang din?". Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang makalimot, with all the pain from family, from my ex. Quick escape lang." Tumango tango lang siya.
"If you have problems, sabi nila you should face it. Hindi taguan or takasan tama?"
Napasimangot ata siya sa sinabi ko. Bakit totoo naman she should face it. Band-aid solution lang naman yang quick escape na yan, dapat hinaharap ang problem, ginagawan ng paraan to make solution. Pero hindi rin naman basta basta ang hinaharap niya, siguro kailangan din naman niya huminga.
"I just took a rest, it does not mean na tinakasan ko or tinaguan ko ang mga problema ko. Gusto ko lang mang unwind."
Tama nga.
"Hay ang dami talagang ganap dito sa Baguio, aside from being Summer Capital of the Philipinnes, nagiging unwinding place din pala siya.. Talagang mag-isa ka lang?" She just shrugged, hindi ako convinced. Parang sa movies, kapag may unwinding na ganyan, laging may kasama.
"Seems may kasama ka, ayaw mo ishare. I will not believe na mag-isa mo lang." Sinamaan na niya ako ng tingin. Oopps! I pushed the limits, pero I am curious!
"Sige na just tell me who he is? Bakit hindi mo siya kasama. I will not judge I swear."
Napabuntong hininga na lang siya. Baka naiinis na siya sa akin, hindi ko na siya pipilitin baka mairita pa sa akin at hindi na ako samahan, lalo pa at di ko na alam kung saang street na kami pumapasok.
"Well I have this friend with me na kasama ko all the way to Baguio. He is my rival before actually, he's with me. Inalalayan niya ako, then he confessed his feelings to me."
Woah! Sabi na nga ba at may kasama siya e, parang familiar ang mga ganitong eksena, may mga movies na ganito, yung magta-travel sila together tapos magkakagustuhan. OMG! It happens in real life! Dapat magkatuluyan sila!
"Wow, Love problems, ano naman sabi mo?"
"Nothing, hindi ko alam what I should say."
Dismayado ako sa sagot niya, hindi niya ba gusto si Kuya. Feeling ko she is just confused. Kakaloka. Wala man lang spark? Hay sabagay di nga naman pwede ipilit at may pinagdadaanan siya. Baka naman din kasi na-shock siya. Kung ako din siguro sa kalagayan niya ay magugulat din!
"Wala rin naman masama na maging honest sa feelings mo. Bakit hindi mo rin sabihin na nagugustuhan mo din siya, I am sure you can both work things out." Advise ko. Kung gusto nila ang isa't isa, there is always a way.
"I can't he does not deserve me."
I twitched, ang sad girl naman niya.
"Paano mo naman nasabi? Hindi ka naman niya magugustuhan if sa tingin niya hindi ka deserve sa kanya. Everyone deserves to be loved you know."
Bigla akong kinabahan dahil hindi na siya nagsalita pa. Teka, baka naman iwanan na ako ni Oli dito.
"You know Oli, life is short. We must make most of it as possible, mag risk ka, magmahal ka, even if mareject or magkamali ka. Just go for it. Gawin mo. Huwag ka nang magpatumpik tumpik. Kasi hindi lahat priveledged na magawa lahat ng mga bagay bagay sa mundo." I sghed, siguro ito na yung pinakamature na masasabi ko. Atleast siya she's lucky to be loved, she is lucky to do everything.
"Teka lalim ng hugot mo a? May pinaghuhugutan ka ba?" Hindi na sumagot si Oli, she just shrugged
"Ikaw, bakit ka naman pumunta ka ng Baguio, Sino ba pupuntahan mo?" Tanong niya.
"Gusto ko kasing makita yung tatay ko." Mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. Yeah I know, its very in the movie like. Pero sana matulungan nya ko diba?
"I never saw him though, I will just try my luck baka sakali na makilala niya ako at ituring na anak."
"Why all of the sudden, saka bakit mag-isa ka lang?" Takang taka niyang tanong. Bumagal pa ang paglalakad naming dalawa. She is eager to hear my story. Magchichikahan pa kami ng personal naming buhay na dalawa.
"Hindi naman, nagpaiwan na lang kasi ako sa kasama ko." I sigh, I suddenly remember Jiro. Nasaan na kaya siya ngayon? Probably pabalik na siya ng Manila.
"Dapat kasi hindi ka nagpapaiwan."
"Sumabay lang ako sa friend ko.. Actually hindi ko alam kung friends kami, nakilala ko lang naman siya sa hospital, kasi nagtago ako sa kotse niya." Hindi ko maiwasan na mapangiti, naalala ko how shocked he is ng makita niya ako sa backseat ng kotse nya. Kung paano kami tumakas sa hospital.
"Bakit mo naman gusto makita tatay mo?"
"May sakit ako sa puso" Natigilan siya maglakad at nagaalala na tumingin sa akin, na parang aatakihin ako anytime. Well I can't blame her, may sakit ako and tinatahak ko ang lugar na hindi ako familiar na mag-isa.
"I'm dying. I wish to see my father in my last moment."
"Alam mo ba ang ginagawa mo?"
Tumango lang ako sa kanya. Magkahalong pag-aalala at inis na ang expression niya, na parang gustong gusto na niya ako pagalitan. Pinipilit niyang maging kalmado pero halata na naiinis na siya.
"Sira ka ba? Dapat sya na lang pinapunta mo. Wala ka bang contact, saka may social media naman. Baka ano pang manyari sayo." Nag-aalala na niyang sabi. Hay sabi na ba, everytime sabihin ko na may sakit ako, everyone cares too much. Kaya ko pa naman. I am still fine as long as nakakainom ako ng gamot.
"Oli, kaya ko." Matatag kong sabi. My sickness will not stop me to find Papa. Hindi ako mapapagod, basta mahanap ko siya. I'll be fine.
"Sasama ako sa'yo." She insist.
"Hindi na kailangan, I want it to do this alone. What I want is just pray for my safety na lang."
Tumango na lang siya sa akin at ngumiti.
"Alam mo nandito na tayo Astrid." Agad ako napangiti ng mabasa ang street sign. This is it! nandito na ako, malapit ko na makita si Papa. Thanks to Oli at naisakatuparan ko na ito ngayon.
"I guess this is it. Good luck to me and goodluck din sa feelings mo. I hope we will see each other again." I held her hand and whispered thank you.
"Ayaw mo ba na samahan kita."
"Sapat na yung tinulungan mo ako na matagpuan ang street na ito. I'll be fine." Tumango siya sa akin kahit alam kong alanganin siya na iwanan ako.
Finally we parted ways, hindi na rin ako lumingon at mas nagfocus na tignan ang mga numbers sa mga bahay. I am glad she respects my decision na mapag-isa. I do believe naman na we are destined to meet again.
Ilang lakad pa ang ginawa ko hanggang sa nakatapat ako sa may gate na may number 26. Ito na talaga yun. Agad kong tinanaw ang bahay. The house is in rustic design, para kang nasa cabin pero in a modern version. It is white and may edges ng brown and gray. Ang laki din pala ng bahay ni Papa. I hope na nandito siya.
Napabuntong hininga ako bago pindutin ang doorbell. This is it, Astrid! Few more moments makikita ko na si Papa.
Maya-maya pa at may lumabas na isang ginang na nasa mid-50's at dali dali na lumapit sa gate. Nagulat pa ito ng makita ako.
"Good morning po, dito po ba nakatira si Juan Jose Pablo?"
Tumango siya sa akin. "Bakit hinahanap mo siya hija?"
Hay, paano ko ba sasabihin ito sa kanya.
"Kailangan ko po kasi siyang makita, ako po kasi ang anak niya si Astrid Hermosa."
Nalilitong tumingin sa akin ang ale, hindi ko naman masisi, kung bigla ba naman ako magpakita dito out of nowhere tapos magpapakilala pa na anak ni Papa.
"Teka Miss."
"Minerva? Who is she?" Ani ng isang babae na kasing edad ni Manang. Teka, Kilala ko siya, hindi ako pwede na magkamali, siya si Lola.
"Hello po, ako po si Astrid." Magalang kong sabi. Hopefully maalala niya ako. Akalain mo ba naman na mapapadali ang lahat para sa akin.
"Oh I remember you as a kid. Ang laki mo na pala." She smiled, just a half smile.
"Yes po, gusto ko po sana makita si Papa.". Pero agad din nawala ang ngiti niya. Her face became so serious, more on irritable na.
"Please do not interfere with your father's life."
Bigla akong naguluhan, I thought its fine, saka karapatan ko naman makita si Papa. Kahit gusto ko magalit sa mga oras na ito, but still I need to respect her, dahil lola ko siya.
"Bakit po? Gusto ko lang naman po siya makita."
"There is no need hija, your father already settled, wag ka na makigulo pwede. Nagulo niyo na nga ang buhay ng Papa mo noon."
Mas lalo akong naguluhan, paano ginulo. We are a happy family before, everything is fine, pero bakit naman ganito?
"Hindi dapat ako magsabi sayo nito, pero kailangan mo na malaman ang totoo. Your father has his new family. Mangugulo ka pa!
Agad kong pinunasan ang luhang nagsisimula na tumulo sa aking mga pisngi. Paano naman ako nakakagulo?
"Lola, gusto ko lang naman makita si Papa."
She signaled manang na pumasok na sa loob.
"Please Astrid, alam kong pera naman ang gusto mo. I can give you right away tumigil ka lang. I am sure hindi ka rin naman haharapin ni Jose. Just like before, hindi niya kayo nilaban sa akin."
Nagpintig ang tainga ko sa narinig, anong klase siyang tao? Mukha ba akong pera? I did not risk everything going to Baguio just for money? Higit sa lahat, hindi niya kami pinanindigan ni Mama. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Hindi dapat ako umiiyak dahil dito.
"If pera ang habol ko, binenta ko na sana ito." Agad kong bigay ng kwintas sa kanya. "And I am dying! Sa tingin mo ba pera ang gusto ko. If you did not wish that I'll meet my father even in my last moments, hindi na ako mangugulo." Sigaw ko sa kanya. Ang sama sama ng loob ko na sinasabi ito sa kanya. I just hope I will have any attacks here!
I know she is about to say anything, but I don't care what she will say. How dare is she? Napakasama niyang tao! Anong karapatan niya na ipagkait ako sa sariling ama. Maybe they have the same attitude, even if I meet Papa, siguro ay ganoon na rin ang trato niya sa akin.
Mama is right after all, Dapat nakinig ako sa kanya. Dapat hindi ko na naisin na makita pa siya. Now I understand why.
Palakad lakad uli ako sa session road, I have no idea kung paano ako nakabalik. Mas gulong gulo na ako, paano sila naghiwalay ni Papa? Bakit ganito ang nangyari? Gusto ko lang naman makita ang Papa ko, kahit sa huling sandali. Bakit pa pinagkait sa akin.
Sa ngayon isa lang ang gusto kong gawin. Gusto ko na lang umuwi, malamang sa malamang nag-aalala na si Mama sa akin. Gusto ko siyang yakapin, Gusto ko magsorry sa kanya dahil hindi ako nakinig sa kanya. Masyadong matigas ang ulo ko.
"Astrid?"
Agad akong lumingon sa likuran ko, I still remember his voice. Nakangiti siya sa akin nang humarap ako sa kanya, malayo sa masungit niyang aura. Biglang nawala ang sama ng loob ko, pakiramdam ko may karamay ako at my worst moment of my life.
"Jiro anong ginagawa mo dito?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top