Chapter 2
"Princess, wake up."
Pumungas pungas ako at mukha ni Jiro ng tumambad sa akin. Malalim na ang gabi at nakapark kaming dalawa sa isang hotel. No way! Hindi dapat kasi ako naglulusot sa kung saan saan na kotse. I am putting myself in a worst situation! Baka mapaaga pa ako nito.
"Huwag mo ko samaan ng tingin, I don't have any intentions to touch you kid."
Napairap na lang ako, aba mahirap na. Saka hindi naman ako bata. Bakit ayaw niyang maniwala? Napailing na lang siya at nauna nang lumabas ng sasakyan. Agad na rin naman akong sumunod sa kanya. Medyo nahihilo pa ako sa antok, inistorbo naman kasi ang tulog ko.
I wonder kung nasaan na kami, siguro pagod na rin siya kaya huminto na rin dito, o baka naiinip kasi natulog lang naman ako sa byahe. Mukha naman kasi siyang naiirita kapag kinakausap ko.
"Do you have any adjacent rooms here." Tanong niya.
"Yes sir, we have."
The receptionist handed him the key at basta na lang sya umalis. He did not even bother to na senyasan man lang ako. Sige at sumunod na lang din ako sa kanya. Kainis na receptionist ang sama-sama pa ng tingin sa akin ng reception, which I wonder.
Basta na lang niya inabot ang susi sa akin, without even saying a word. Nakatingin lang siya sa phone niya habang naglalakad, hindi kaya siya madapa? Alam pa kaya niya ang nilalakaran niya at doon lang siya nakatututok. Ni hindi man lang ako kausapin. Tahimik pa rin siya hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.
"Bahala ka na dyan, I guess you can take care yourself. Nagpadeliver na rin ako ng mga damit mo. Sana kasya sayo."
"Thank you." Sabi ko, kahit na nakatalikod na siya kaagad sa akin. Siguro narinig naman niya ako. Kaya naman pala nakatututok sa phone niya, dahil nag-oorder siya ng damit ko. Sana man lang kinausap niya ako or pinapili man lang. Paano kung hindi ko magustuhan yung pinili niya?
Hay, bat ba ang choosy ko pa, ako na nga itong nang-aabala sa kanya. Siguro naman hindi niya ako bibilhan ng hindi ko masusuot. Mabait naman si Jiro, kaso masungit. Sayang naman. Bakit sobrang distant niya, kahit katabi ko siya. Siguro may pinagdadanan din siya sa buhay. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin , eh mukhang di na rin niya ako ieentertain at sarado na rin kaagad ng pintuan niya.
Pumasok na lang din ako ng room ko para makapagpahinga, dito ko na lang hihintayin yung mga damit ko. Buti at may robe sa may kwarto kaya ito muna sinuot ko pagkatapos magshower, medyo naglalakit na rin ako dahil sa kakatakbo. Tinignan ko yung laman ng paper bag, may binili siyang mga underwear, may 2 tshirt, shorts, pants, isang dress at may pantulog pa. Kung sinuswerte nga naman.
Mukhang sakto lang naman ang mga ito, except sa t-shirt, na parang lalamunin na ko pag sinuot ko. Kinuha ko yung pantulog ko para makapagpalit saka nahiga ulit. Hindi pa naman ako inaantok, ang haba rin ng tulog ko sa biyahe, kaya malamang mahihirapan akong antukin uli. Wala man lang kasi akong libro dito, para pampaantok man lang. Makapag stargazing na nga lang, katulad ng dati, kapag di rin ako makatulog sa hospital tambay ako doon sa may rooftop, tapos titingin ng mga iba't ibang constellations na makikita ko, or kung ano ang shape ng buwan.
Hindi ko na inabala na katukin si Jiro, malamang sa malamang pagod din siya sa biyahe. Sabi nga niya, ako na bahala sa sarili ko. Pagpasok sa elevator agad kong pinindot yung pinakamataas na floor. I wonder kung anong constellations ang makikita ko, Orion? Polaris? Ursa Major, or minor?
*Click*
Napangiti ako ng mabuksan ko ang pinto. Tanaw na tanaw ko ang madamin bituin sa langit. Mabilis gumala ang bata ko para maghanap ng mga iba't ibang constellations dito, pero mas maganda na maghanap muna ako ng magandang pwesto para magstargazing. Nakakainis, bakit kasi halos sarili ko lang ang bitbit ko, sana dinala ko yung mga ilang books ko saka binoculars.
Nang makalapit ako sa railing, nakakita ako ng tao na nakatayo doon. Pamilyar ang suot nito na leather jacket. Pupunta rin pala siya dito, sana inaya man lang niya ako. Pero parang wala lang siyang pakiaalam, ni hindi man lang niya ako nililingon, tapos ang layo-layo pa ng tingin niya. Naririnig ko ang mahina niyang pagsinghap, teka.
"Jiro, Jiro!!" NI hindi man lang siya nagpatinag sa sigaw ko, ayaw niyang umalis sa may railings ng rooftop. Mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Loko ka, magpapakamatay ka ba?!"
"Huwag ka ngang mangialam. Umalis ka dito." Anas niya.
Nakakaasar siya, paano ako aalis. Hindi ko hahayaan na gawin niya iyon, habangbuhay akong guguluhin ng kunsensya ko kapag hinayaan ko siya.
"Bumaba ka nga diyan, pwede naman natin pag-usapan to. Huwag naman ganyan Jiro." Hindi ko na mapigilan na maluha. Bakit ang dali sa kanila na gawin tapusin ang buhay nila, samantala ako kailangan kong lumaban para mabuhay. Na lagi alam mo sa sarili mo na magtatapos din ang lahat no matter what I do.
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko Astrid. You are so naïve, you just know about the rainbows in life. You don't know the reality, you don't know how it feels to be rejected."
Pagak akong napatawa sa sinasabi niya. Akala niya ba ganun ganun na lang ang lahat. I bet he has every means in his life to do everything he wants, to live normally. Samantala maraming tao ang nais makapamuhay ng normal, na walang iniisip, na walang sakit na maaring humadlang sa kanya. I know depression is not a joke, siguro hindi maayos ang mental health niya sa ngayon. Sige iintindihin ko, pero wala siyang karapatan iinvalidate ako, ang nararamdaman ko, ang mga struggles ko at wala rin siyang karapatan na gawin ang kung ano balak niya.
"Huwag mo gawin yan, please."
"Wala kanga alam, Astrid. Umalis ka na lang para maging madali na lang sa akin ito." Iritado niyang sabi at mas lumapit pa siya sa may dulo ng railings, diretso lang ng tingin niya sa baba at determinado na gawin ang kung anong balak
Umiling ako, tumapat ako sa kanya sa may railings at tinignan siya. Gusto ko maramdaman na sincere ako, gusto ko maramdaman niya na may chance pa siya in life, na hindi sago tang suicide para takas an ang mga problema niya.
"I know. Akala mo lang because I do look younger at my age. Siguro I never have a chance to have a glimpse to see the real world, paano makisalamuha, because all my life labas pasok ako sa hospital. I don't have a chance to have a normal life dahil kailangan nila ako bantayan."
Huminga ako ng malalim. "I am going to die soon Jiro."
Bigla siyang natigilan sa paghakabang at humarap sa akin. Diretso lang ang tingin niya sa akin na parang di siya makapaniwala sa sinabi ko. Napako na lang siya doon at naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"I have a heart disease, congenital. I don't know how long I will live. Pero lumalaban pa din ako up to this point. Kaya sana huwag mo isipin na suicide ang sagot para takas an ang mga problems mo, kasi kita mo ako, ever since gustong gusto ko na mabuhay. Gusto ko na mamuhay na normal, na walang iniisip na sakit. And you, you have any means to.." Napayuko na lang ako dahil nagsisimula nang umagos ang mga luha ko sa mata.
"Bakit ka nandito? Bakit ka tumakas sa hospital. Akala mo ba ganoon na lang ang lahat." Nag-aalala niyang sabi.
"Ok lang ako."
"Anong ok? Ibabalik kita sa hospital." Akma niyang kukunin ang braso ko pero agad akong nakapalag.
"Ok lang ako sabi." Pagpalag ko.
Kumalma ang mukha niya, yung inis niyang mga tingin sa akin, napalitan ng awa. Dahan dahan siyang lumapit sa akin, puno ng simpatya ang kanyang mga mata
"Astrid, Sorry I did not know."
"You should not be sorry. There is nothing to be sorry about." Sabi ko habang pinipigilan pa rin ang sarili ko na umiyak, bumaba na ako sa railings without saying any word. Ayokong kaawaan niya ako sa sitwasyon ko.
Sumunod din sa akin si Jiro at pareho kaming naupo sa may bench doon.
"Astrid." Tumabi siya sa akin.
"Mabuti at napigilan kita. Kailangan pa palang sabihin ko ang buhay ko sayo." Anas ko, wala na akong pakialam kung nakikita niya ako nagpupunas-punas pa ng luha dito.
Hindi siya makakibo at dinig ko ang malalalim niyang hininga.
"I'm sorry, hindi ko man lang naisip na may pinagdadaanan ka pala. Bigla akong natauhan. Iyon na lang ang naisip kong paraan, ayoko nang masaktan pa Astrid. Araw-araw pakiramdam ko mas lalo lang bumibigat ang lahat. Alam mo yun, isang mali lang pala ang huhusga sa'yo sa kabila ng isangdaan na nagawa mong tama. " Mahinahon na ang boses niya ngayon, hindi tulad noong mga unang kasama ko na masungit, na ramdam mo na pasan niya ang mundo.
"I can't judge you though, mabigat din siguro yang pinagdadaanan mo."
Tumango lang siya akin, tapos malalim uli ang iniisip niya.
"I don't mind kung hindi mo sasabihin sa akin, ang mahalaga napigilan kita sa kung ano ang balak mo. Basta remember hindi ka nag-iisa."
Umiling siya. "My ex rejected my proposal. She loves me and I love her too. I thought she is the one, pero hindi. Pinagpalit niya ako sa bestfriend ko. I was so devastated kaya pati trabaho ko nadamay. Naging negligent ako kaya hindi ko nakuha yung promotion na dapat sa akin, na ang tagal tagal kong tinrabaho. This everything is a mess.
Napabuntong hininga ako. That's harsh, nagsabay sabay naman pala ang lahat ng problema niya. Mahirap din na ipagpalit ka ng taong mahal mo, saka mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan mo. Hindi ko siya masisi, kung bakit bigla na lang siya nagbreakdown. Wala man lang siguro na sumusuporta sa kanya. Pinagkaiba naming dalawa, hindi nawawala sila Mama at Tito Charles sa tabi ko, kahit buong buhay ko pabalik-balik ako sa hospital, hindi nila pinaramdam na burden ako sa kanila. They never stop fighting for me, kahit wala ng cure sa sakit ko.
"Siguro palasak na rin kung sabihin ko, but always look on the brighter side. Malay mo may mas better opportunity na dumating sayo, better person na makakasama mo. When that time comes mas magiging masaya ko, yung masasabi mo na it's all worth it. Pero siyempre take your time to heal."
"May point lahat ng sinabi mo, pero darating tayo diyan, na sana maging ok din ang lahat." Aniya.
Natuwa ako ng makita siyang ngumiti, kahit sa simpleng ngiti lang. Mas bagay niya ang nakangiti, mas guwapo siyang tignan dahil umaliwalas ang mukha niya.
"Ikaw, bakit gusto mo pumunta sa Baguio."
He caught me off guard. Hindi pa ba sapat na sinabi ko na may sakit ako.
"Gusto ko kasi makita si Papa ko, sa Baguio kasi siya nakita. Yun ang dying wish ko."
"Bakit hindi ka na lang magpasama kay Mama mo kung gusto mo makita si Papa mo. Sure naman pagbibigyan ka, dahil dying wish mo."
Umiling lang ako.
"Never papayag si Mama. Lagi niya sinasabi hindi ko na dapat siya makita pa. I don't know why, even if bata pa ako nung last memory ko sa kanya. I can sense that he is a good father, at gusto ko siya makita."
"Siguro may reason si Mama mo for that. Pero dapat hindi niya ipagkait na makita si Papa mo."
I just shrugged, iyan nga ang gusto ko ipunto kay Mama. Pero she still insist na huwag naisin na makita si Papa.
"I guess. Pero hindi ko rin masisi si Mama, kasi iniwan niya din kami. Siyempre bago man ako kunin ni Lord, gusto ko makita siya kahit sa huling sandal.
Tumango tango siya na para bang nauunawaan niya ang lahat ng hugot ko sa buhay. I guess he understand though, kaya hinawakan na lang niya ang kamay ko. Dapat ialis ko ang kamay ko, pero hindi. I felt secured with the warmth of his hands at pinisil pa niya ito. With his sincere stares , alam ko na naging caring na siya kumpara sa walang pakialam at masungit na version niya.
"Huwag ka mag-aalala Astrid, tutulungan kita na matagpuan si Papa mo."
Napangiti ako, I appreciate his acts. Masaya na ako sa sinamahan niya ako dito at hindi niya tinuloy ang balak kanina.
"Hindi naman siya mahirap hanapin, I have his address naman, so hindi ako mahihirapan na hanapin siya."
"Basta Astrid, tutulungan kita."
"Ok na itong tulong mo sa akin, saka satisfied na ako dahil di ka tumuloy na tumalon sa may rooftop."
Sinamaan niya ako ng tingin. Bilang sorry, nag-peace sign na lang ako. Natawa na lang tuloy si Jiro.
Ganyan dapat, yung halos nasisilayan mo lahat ng mapuputi niyang ngipin. Kagwapo talaga!
"Alam mo salamat, kasi nandito ka." Tumingin siya sa akin, napakasincere ng tingin niya sa akin. Pero naoverwhelmed ako, kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Ayos lang yun. Basta huwag mo na lang gawin."
Tumango siya sa akin. "Oo, pangako hindi na."
Ngumiti ako sa kanya, magtitiwala ako na hindi na niya gagawin iyon.
"Jiro, salamat din ha. Kasi bukas ang pinto ng kotse mo."
"Buti na lang at nakalimutan ko i-lock, kung hindi wala na ako dito. Nga pala gusto mo magstargazing?"
Bigla akong nawalan sa mood for that. Saka inaantok na rin ako.
"Balik na tayo sa loob, inaantok na ko."
Sabay kami bumalik sa may kwarto naming, nakangiti si Jiro sa akin bago pumasok sa loob. I hope he keeps his promise. Sana buhay siya bukas, baka mamaya sabi sabi lang niya yun at nakikisimpatya sa sitwasyon ko.
...................................
Nasilaw ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Agad akong nagtalukbong ng kumot, inaantok pa ako. Pero nang magpatanto ko na hindi ako uminom ng gamut kagabi, agad akong napabangon. Patay ako nito, kailangan ko nang uminom, mabuti at wala ako nararamdaman ng kahit ano. Pero bago pa may mangyari, kailangan ko na makainom.
"Jiro." Sabi ko habang kinakatok ang pintuan ng kwarto niya. Dagdag pa siya, kinakabahan ako dahil ang tagal niya sagutin.
"Jiro!" mas nilakasan ko ang pagtawag ko at pagkatok. Bakit kasi hindi siya sumasagot. Simpleng "Yes" lang ang pagbuksan niya ako ng pinto. Ayokong maging paranoid, pero paano kung itinuloy niya dito para hindi ko makita.
Sinasabi ko na nga ba!
Kakatok pa ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Jiro nab agong ligo. Thank goodness! He still fullfill his promise.
"Bakit balisa ka."
Agad ko siya niyakap. Extreme emotions I guess, masaya ako dahil nasa harap ko siya. Sobra akong nag-alala o naging OA lang ako. Naliligo pala kaya hindi ako sinasagot.
"Bakit Astrid." Aniya nang bumitaw ako sa kanya.
"Akala ko kasi..." Hindi ako makatingin sa kanya, pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko. Hindi sana ako naparanoid, pero mahirap na kasi.
"Naliligo lang ako ok? Saka nang marinig ko ang katok mo, lumabas ako agad."
Tumango-tango lang ako sa kanya. "Aayain sana kita kumain para makainom ako ng gamut. Ayoko naman kumain mag-isa at nakakalungkot yun."
Tumango siya sa akin. "Aayain din sana kita, kaso nauna ka na."
"Yeah. So tara!"
Mabuti at may free breakfast kami. I chose cereal and milk, samantala si Jiro naman tinapay saka kape. I am so tempted na kumain ng madami, kaso limited lang ang pagkain na dapat ko kainin, mukha pa naman silang masasarap.
"You should try some more."
Umiling ako. "Ayoko nga, baka mamaya sumpungin pa ako. Dapat healthy ako pagharap kay Papa." Sabi ko at sumubo uli ng cereal.
"Astrid sasamahan kita."
"Jiro, hindi na. Dapat you should settle your problems na lang. Ok na ko promise."
"I really insist, lalo sa kalagayan mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. I hate sympathetic stares, kaya ko naman.
"Kulit mo."
"Kahit ibaba lang kita sa kanto."
"Hindi."
"Astrid." Pagbanta niya. I remember Mama's voice everytime na babangitin ko si Papa, ganyan na ganyan ang tono.
"Jiro." Aba'y siyempre tatapatan ko din siya.
............................
Nagbaba na ako dito sa may session road. Kulit kasi ni Jiro, edi kako kahit ibaba niya ako dito, ayun pumayag din siya at least.
"Sigurado ka bang kaya mo?" Tanong pa niya uli bago ako bumaba. Ilang beses ko nang naririnig sa kanya yun habang nasa daan kaming dalawa.
"Oo naman? bait mo a?"
Ngumiti lang siya. Bakit madalas siya ngumingiti. Pero good for him, kaysa naman nakasimangot siya lagi.
"Naawa ka ba sa akin. You should not be. I will be fine."
"Fine Astrid. Hahayaan na kita."
"Good. I'll be glad, if I still find you alive. Don't do that ok?"
"Ok, promise."
Hindi na ako lumingon sa kanya. I have things to do, pero sana mameet ko pa siya uli. Mas mahalaga ngayon na makita ko si Papa, pakiramdam ko kasi ang lapit lapit ko na sa kanya.
For Jiro, nararamdaman ko na magkikita pa kami, He is in the hospital that time, maybe may kamag-anak or friend siya doon. Kaya sigurado ako na magmimeet pa din kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top