EPILOGUS

Welcome to Asphodel School of Zombies and Other Dead Things---where everything and everyone is crazy!

Crazy.

"Favorite word ko na yata 'yon." Mahina akong natawa sa sarili ko.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang disenyo ng opisina ko. Guess who's the new principal, folks?

Yup, that's right! I am now Mordecai Lazarus Salazar Zomboss, the principal of Asphodel.

Magmula nang mawala si Dr. Zomboss (a.k.a. Tatay Zomboss) kinailangan ng mamumuno sa paaralan. Being his chosen heir---and biological son--- I had no choice. Isa pa, napamahal na rin ako sa school na ito. I belong here. For the first time since birth, I feel like I have a home. I feel alive.

'I feel alive in the afterlife.' Oo, ironic.

"Pogi! Hihihi! Kanina ka pa nakatitig sa portrait mo diyan. Baka naman matunaw ka na." Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa'kin ni Zuleika. I kisses her cheek and grinned like a Chesire Cat. "Hindi lang naman 'yan ang tinititigan ko eh."

"Eh? Ano naman, 'yang death certificate mong nakakahiya? Hihihi!"

I frowned, "Of course not! Ayan oh. 'Yong application form na sinulat ko noong bata ako." Sabagy turo ko sa isang pilas ng papel na naka-frame na sa pader. Kupas na ang papel ngunit nababasa pa rin ang pangit kong penmanship na krayola pa mismo ang pinanggamit na pansulat.

Ah, yes. This brings back so many awesome memories...

"Galit ka pa ba sa kanya?" Biglang tanong ni Zuleika.

Alam kong si Dr. Zomboss ang tinutukoy niya. Mabilis naman akong umiling at malungkot na ngumiti, "Kung tutuusin, wala naman talaga akong rason para magalit sa kanya. He didn't know what to do that time. Isa siyang zombie kaya't aminado naman siyang hindi niya ako maaalagaan nang maayos. That's why he gave me to my human parents. It was blessing in disguise." Sabay hawak ko sa medalyong nakasabit sa leeg ko.

Hindi ko alam kung saan nakuha nina mama at papa ito, but I have a gut feel that Dr. Zomboss intended this to happen. Nakatadhana nang makuha ko ang medalyong ito.

Sometimes, we really have no control over anything.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Mordecai?"

"Hmm?"

"Paano kung may sumalakay na naman sa Asphodel? What if... What if Janus comes back? What if Plantopia attacks us again?" Nag-aalala niyang tanong. Hindi ko rin naman siya masisisi. Ilang siglo nang nagaganap ang digmaan sa pagitan ng Asphodel at Plantopia.

Pero sa pagkakataong ito, wala nang zombification.

Zombies are now allowed to keep their memories...

Napangiti na lang ako. "Then we'll be ready. We'll fight and win the next PVZ war, and the next one after that... Hindi tayo titigil. You know why?"

"Why?"

"Because our loved ones are worth dying for." 

Humagikhik si Zuleika at mabilis akong hinalikan sa labi. She winked at me, "Tara na nga! Pumunta na tayo sa dining hall at baka ubusin pa nina Zak ang cheesecakes mo!"

Napanganga na lang ako. "WHAT IN THE NAME OF CHEESECAKES?! Hindi pwede 'yon! Tara na!"

Langya. Dapat pala hindi ako naglagay ng cheesecakes sa menu!

'Once an idiot, always an idiot.'

Does this story make sense? No? Good.

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top