Unang Kabanata: Ang Estranghero


Unang Kabanata: Ang Estranghero



May ilang oras na rin ang grupo nya sa bundok na iyon. Napapagod na sya kakalakad. Pito silang umakyat at nauna na ang dalawa sa itaas.


"Wala pa ba kayong balak bumaba ha?"  naiinis na tanong ni Marco.


"Kung ayaw mo naman palang sumama eh di sana umpisa pa lang nagpasabi ka na!"  galit na sinabi ni Ivan.


"Ano ba kasing masaya dito? Pinapagod nyo lang mga sarili nyo."


"Ito ang tinatawag na adventure, Marco! Tigil-tigilan mo nga yang pag-iinarte mo! Talo mo pa si Kendall oh!"  sabi ni Ama.


"Sige, ako na naman yang nakita nyo!"  sigaw ni Kendall sa kanila.


"Hahaha! Wag nyong pagtripan yang asawa ko, bigwasan ko kayo isa-isa!"  sabi ni Ivan.


At nagtawanan ang grupo, maliban kay Marco.


Hindi nya alam kung bakit, basta hindi maganda ang pakiramdam nya sa bundok na iyon. Hindi naman iyon ang unang beses na nakaakyat sya ng bundok, pero alam nyang may mali. Kinukutuban sya nang hindi maganda.


Maraming malalaking puno sa lugar. Makakapal ang mga tuyong dahon na natatapakan nila paakyat ng bundok. Malayu-layo na rin sa kanilang camp site. Kanina pa di makali sa titignan si Marco. Pakiramdam nya may nakatingin sa kanila— o sa kanya.


"Ay! Yung bag kong beige?"  sabi ni Lea habang hinahanap ang nawawalang gamit.


"Baka naiwan mo sa site?"  sabi ni Ivan.


"Ay, ano ba yan?!"  inis nyang sinabi,  "Nandoon yung water jug saka yung emergency kit ko eh! Pati yung inhaler ko nandoon! Hala!"


"Bakit mo naman kasi kinalimutan ha?"  sabi ni Kendall.


"Eh malay ko ba! Paano na yan?"


Tinignan nila ang isa't isa. Inaalam kung anong susunod na gagawin.


"Ako na'ng babalik sa site."  Nagprisinta si Marco. "Hintayin nyo lang ako dito. Mabilis lang 'to."  At naglakad na sya pabalik sa camp nila.


"Hoy! Baka maligaw ka ha!"  sigaw sa kanya ni Ama.


"Ako'ng bahala! Isa lang naman ang daan dito eh!"  itinuro nya si Lea,  "Lei! Beige, ano? Yung nakapatong ba yon sa mga box?" 


"Oo! Kapag wala doon, baka nakasabit sa tent!"


"Sige! Hintayin nyo ko dyan ha! Umalis, gugulpihin ko!"


"Oo na! Sige na! Sige na! Bilisan mo! Kapag di ka bumalik dito yari ka sa'min!"  sigaw ni Kendall.


Tumawa lang si Marco at tinakbo na ang pabalik sa camp site nila. Paulit-ulit nyang binabanggit ang salitang Beige para alalahanin ang kulay ng bag na babalikan. Isang diretsong daan lang naman ang dinaanan nila kaya imposibleng maligaw pa sya.


Nakikita nya ang mga puno. Pakiramdam nya ay nakita na nya iyon kaya iyon ang sinundan nya. Hindi nya alam kung bakit ngunit pamilyar na pamilyar sya sa buong lugar na iyon. Ni hindi man lang nya inisip kung nasaan na ba sya. Kumpyansa kasi syang dadalhin sya ng mga puno pabalik sa camp dahil alam nyang nakita na nya iyon bago pa sila makaabot sa pinag-iwanan nya sa mga ka-grupo.


"Beige, Beige, Beige..."  huminto sya saglit at tinignan ang relo. May alas tres na pala ng hapon. Hindi mainit sa paligid dahil sa mga punong dinadaanan ng hangin. Tumatagos ang kakaunitng liwanag sa pagitan ng mga dahon na nagsisilbing liwanag sa mapunong lugar na iyon.


Nilingon nya ang paligid. Na sa gitna pa rin sya ng mga naglalakihang puno. Nakapagtataka dahil ang alam nya ay hindi naman sila nadaan sa lugar na napaliligiran ng matataas na punong-kahoy.


Kinuha nya ang compass.


"O c'mon..."  napasapo sya ng noo dahil paikot-ikot ang kamay ng compass. Hindi man lang huminto sa iisang direksyon.


Isa lang ang naisip nya.


Naliligaw na sya.


"Guys!"  sigaw nya.  "Hello! May nakakarinig ba sa'kin? May tao ba dyan?"


Nag-echo lang ang boses nya. Napa-buntong hininga sya at umiling.


"Kamalas mo naman, Marco,"  bulong nya sa sarili.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top