Ikasiyam Kabanata: Kalayaan at Pagkukunwari


***********************************************************

Ikasiyam Kabanata: Kalayaan at Pagkukunwari

***********************************************************



Takbo.


Tumatakbo s'ya.


Ilang oras na nga ba? Hindi n'ya alam kung saan pupunta.


Takas.


Tama, kailangan n'yang tumakas.


Kailangan n'yang tumakas kay Aspasia. Tumakas para mabuhay.


Gubat.


Gaano ba kalaki ang gubat na 'yon at parang hindi man lang s'ya nakakakita ng dulo.


Napakaraming puno ang pumapalibot sa kanya. Hindi n'ya alam kung galing na ba s'ya doon kanina o hindi pa.


Dilim.


Madilim. Madilim ang paligid. May buwan ngunit natatakpan ng makapal na ulap.


Hindi magandang senyales ang kadilimang iyon para sa kanya.


Huminto s'ya. Nilingon n'ya ang paligid.


Parang hindi s'ya umaalis. Hindi n'ya malaman ang kaibahan ng isang puno sa iba.


Nanggaling na ba s'ya doon? Nadaanan na ba n'ya ang lugar kung saan naroon? Nakalayo na ba s'ya?



Pakiramdam n'ya paikut-ikot lang s'ya.


Paikut-ikot lang at ang paulit-ulit na bumabalik sa kung saan ba s'ya nanggaling.


Ayaw n'yang maniwala sa lumang kasabihan ngunit hindi naman masamang maniwala lalo pa't nagkakagipitan at desperado na s'ya.


Hinubad n'ya ang gula-gulanit na damit at ibinaligtad. Pinagdasal na sana'y gumana ang lumang paniniwala na kapag isinuot pabaligtad ang damit ay hindi na


s'ya maliligaw.


Nagsimula na ulit s'yang tumakbo.


Kailangan na n'yang makaalis.


Kailangan na n'yang makauwi.


Kailangan na n'yang makita ang mga kasama.


Kailangan na n'yang makabalik kung saan ba s'ya nararapat.


Takbo.


Patuloy s'ya sa pagtakbo.


Nakakaramdam na s'ya ng pagod ngunit mas nangingibabaw ang takot.


Takot na mamatay.


Takot na magbalik sa piling ng baliw na si Aspasia.


Takot na hindi na makabalik sa mga kasama.


Takot...


Kilabot.



"Hindi..."


At siya ay napahinto.


Kunot-noong tinignan ang harapan.


Anong kababalaghan ba ang bumabalot sa lugar na iyon.


At siya ay nagbalik.


Nagbalik sa itaas ng bangin.


Sa bangin kung saan tanaw ang lumang bahay kung saan nananahan si Aspasia.


Napaluhod s'ya dahil sa panghihina.


At muling bumigay ang malambot na lupang kinaluhuran.


"Aaahhh!!"


Nagpagulung-gulong s'yang muli sa madahong lupa ng bangin.


Ilang sandali pa ay lumapag na naman s'ya sa lupang halos isinumpa na n'ya.



"Bakit...?"




Tama. Bakit?


Bakit ang tamang tanong sa nagaganap sa kanya.


Bakit nga ba s'ya nagbalik doon.


Naliligaw s'ya. Iyon nga. Naliligaw s'ya.


Ngunit bakit sa dinami-rami ng lugar, muli s'yang mapapadpad sa teritoryo ni Aspasia.


Takot.


Nagbalik ang takot.


Bumilis ang tibok ng puso n'yang halos marinig na n'ya sa mismong ulo sa sobrang lakas.


Lumamig ang hangin.


Tinutuyo ng malamig na hangin ang nangilid n'yang mga luha.


Nakikita n'ya si Aspasia ilang dipa ang layo sa kanya.


Nakatingin ito sa kanya.


Nakatingin ang mga malalim nitong mga mata sa kanya.


Humawi ang ulap sa kalangitan.


Gumagapang ang liwanag sa mukha ni Aspasia. Ibinubunyag ng liwanag ang kaakit-akit nitong ganda.


Gandang itinatago ang isang nakakapangilabot na pagkatao.


Kagandahang maihahalintulad sa isang marikit na bulaklak ng pagbabalat-kayo.


Hindi s'ya makagalaw. Hindi s'ya makakilos. Sa pakiwari niya'y bumigat ang sariling katawan.


Hinahatak ba s'ya ng kinabagsakan? Iginapos ba s'ya ng lupa? Pinipigilan ba s'yang kumilos ng gubat?


Pabigat nang pabigat ang kanyang paghinga. Halos ilabas na ng kanyang dibdib ang sariling puso sa sobrang kaba.


Napakaganda ni Aspasia...


Napakarikit nito sa suot na puting bestida...


Hinahawi ng hangin ang mahabang damit nito na halos makita na ang napakaganda n'yang kurba.


At s'ya ay nagsimula nang maglakad... hatak-hatak ang isang napakalaking palakol.


Nakangiti si Aspasia...


Napakaganda ng kanyang ngiti...


Ngiting nakapagpaluha pa kay Marco.


Dahil katumbas ng napakatamis na ngiting iyon ay ang kanyang nalalapit na katapusan.


Sumisigaw ang kanyang utak na kumilos s'ya...


Pagkilos na ipinagdamot ng kanyang katawan dahil sa takot.


Tapos na...


Ipinikit n'ya ang mga mata.


Ayaw n'yang makita ang susunod na magaganap.


Ayaw na n'ya.



_____________________________________________________



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top