Ikaanim na Kabanata: Kawalan ng Pag-asa


****************************************

Ikaanim na Kabanata: Kawalan ng Pag-asa

****************************************




May tatlong araw nang nawawala si Marco kaya hinanap na sya ng mga kasama.


Paikut-ikot ang mga tao sa paanan at ilang mga tanod sa itaas ng bundok upang hanapin ang nawawalang si Marco. Pinababa na ang bundok ang ilan sa mga umakyat dahil baka pati sila ay mawala rin.


Takang-taka ang ilan kung saan napunta si Marco gayong iisang daan lang naman ang tinahak nila paakyat ng bundok.


Isang lalaking nagngangalang Francis ang humiwalay sa mga naghahanap kay Marco. Isa sya sa mga tanod na inatasang hanapin ang lalaking tatlong araw nang nawawala sa bundok.


May alam syang lugar na pilit iniiwasan ng mga taumbayan sa ibaba ng lugar kung saan nawala si Marco. Kahit sya ay umiiwas din sa lugar na iyon.


At ang dahilan?



Walang nakaaalam ng eksaktong sagot.


Pinaiiwas sila, yun lang ang alam nilang dahilan. Pasalin-salin lang kautusang iyan sa loob ng ilang dekada.


Dekada... Ganun katagal.


Nakatayo si Francis sa dulo ng bangin na iyon. Tinatanaw ang isang lumang bahay na nakatago sa masukal na bundok.


Pinagbabawalan silang puntahan ang bahay na iyon. Ngunit nais nyang magbaka-sakali.


Dahan-dahan syang bumaba. Ibinaon nya ang dalang itak sa lupa upang hindi sya tuluyang dumausdos pababa.


Unti-unting tumataas ang mga balahibo nya sa katawan. Nakaramdam sya ng kakaibang kilabot habang papalapit sa bahay na iyon. Bumibigat ang kanyang paghinga. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.


Ito ang unang beses na maglalakas-loob syang puntahan ang ipinagbabawal na lugar.


Unang beses na susuway sya sa dekada nang kautusan.


Nakaabot na sya sa ibaba ng bangin.


"Tao po! May tao ba dito?"  malakas nyang tanong sa paligid, baka sakaling may makarinig sa kanya.


Nilingon nya ang lumang bahay. Hindi nya maipaliwanag ang kabang nararamdaman.


Hindi sya takot sa multo dahil alam nyang mas nakakatakot pa sa multo ang kung sino man ang nakatira roon.


"Tao po!"  inikot nya ang buong lugar.




"May tao dit—!"


Napalingon si Francis dahil sa putol na sigaw na iyon.


"May tao ba dyan?!"  tanong nya sa tapat ng pinto ng bahay.


Pumasok sya sa loob.


Napangiwi sya dahil sa sumabit na sapot ng gagamba sa kanyang mukha. Tinanggal nya ito habang patuloy na umaakyat sa hagdan na una nyang nakita.


"Tsk! Ano ba 'to?"  inis na inis nyang pinunasan ang mukha gamit ang suot na berdeng t-shirt.


"Mmmmm!!! Mmmm! Mmmm!"


Napahinto si Francis nang makita si Marco na may busal na tela sa bibig. Pinandidilatan sya nito ng mata. Waring may sinasabi na hindi nya maintindihan.


"Mmmm!!"


"S-sandali! Sandali! Steady ka lang dyan!"  nag-panic agad si Francis at hidni na alam ang susunod na gagawin habang nakikita si Marco na nakagapos sa malaking parte ng bahay na iyon.  "T-teka..."  Tumalikod sya para maghanap ng kahit anong makakatulong para tanggalin sa pagkakagapos si Marco—hindi na inisip na may hawak pala syang gulok.


"Mmmmm—!"  Nanlaki ang mga mata ni Marco nang biglang bumagsak si Francis sa sahig na may palakol na sa noo.



Dahan-dahan nyang inilipat ang tingin kay Aspasia na nakatayo lang sa paanan ni Francis.


Pakiramdam nya, kahit paghinga nya ay bigla ring huminto pagkatapos ng nangyari.


Rinig na rinig nya sa utak ang napakabilis na tibok ng kanyang puso habang pinanonood si Aspasia.


Lumapit ito sa bandang ulunan ni Francis. Tinapakan ang itaas ng dibdib nito at hinatak ang palakol.


Rinig na rinig ni Marco ang lagatok ng bungo pagkatanggal ng kalawanging palakol sa ulo ng kaawa-awang tanod.


Gusto na nyang sumuka habang nakikita ang nangingitim at buo-buong dugong umaagos sa ulo ni Francis.


Nais nyang sumigaw nang napakalakas para lang makahingi ng tulong.


Ayaw nya ng nakita.


Ayaw nya ng nakikita.


At ayaw nyang makita pa ang ilang bagay na walang may gustong makakita.


Kinuha ni Aspasia ang pulso ng bangkay ng tanod at hinatak ito pababa sa lugar kung saan sila naroon.


Gumuguhit ang dugo sa kahoy na sahig habang hila-hila ni Aspasia ang bangkay ni Francis. Rinig na rinig ang bawat kalabog ng katawan ng lalaki habang bumababa sila ng hagdan.


Isang napakandang himig ang kanyang inaawit habang patuloy lang sa paghatak sa bangkay ng kawawang tanod na nais lamang ay mailigtas ang nawawalang si Marco.


"Hmm, hmmm, hmm..."


Dumiretso sya sa likod ng lumang bahay kung saan sya nakatira. Natatanaw na nya ang isang malaki at lumang balon na lagi nyang tinitignan tuwing siya'y nalulungkot.


"Hmm... Hmmm... Hmm."



Huminto sya sa tapat ng balon at sinilip ang ilalim.


Naiilawan ng maliwanag na bilog na buwan ang loob na balon na naglalaman ng napakaraming inaagnas na bangkay ng mga lalaking may ilang taon na ring nakatambak doon. At mukhang madagragdagan ang laman ng balon ngayon.


Binuhat nya ang bangkay at ibinagsak sa loob ng malalim na balon.


Pinanood lang nya itong mahulog sa kulumpon ng mga naaagnas na katawan na lumulutang sa berdeng tubig.


"Hmmm... Hmmm..."  Nginitian nya ang balon at bumalik na sa loob ng kanyang bahay.



Dala-dala nya ang isang basahan nang makaakyat na sya sa itaas ng bahay kung nasaan si Marco. Hindi nya pinansin ang takot na tingin nito sa kanya.


Lumuhod sya at pinunasan ang sahig na nalagyan ng nagkalat na dugo ng pinatay na tanod.


"Hmmm... Hmmm... Hmmm..."


Patuloy lang sya sa himig na iyon na lalong nagbigay ng kakaibang takot kay Marco.


"MMMMMM!!! Mmmm! Mmmm!"  pilit na sumisigaw si Marco. Sinusubukan nyang iluwa ang busal na puno na ng laway sa kanyang bibig ngunit hindi nito magawa.


Ilang minuto rin ang lumipas bago matapos ni Aspasia ang paglilinis ng kalat.


Lumapit sya kay Marco at umupo sa harap nito. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nya sa lalaki habang tinatanggal ang telang sapilitan nyang isinubo rito upang hindi na makapag-ingay.


"Pakawalan mo 'ko!"  sigaw agad ni Marco pagkatanggal ng busal sa kanyang bibig.  "Mamamatay-tao ka! Pinatay mo sya! Pakawalan mo 'ko dito!"


Pak!



Isang malutong na sampal galing kay Aspasia ang nakapagpatahimik kay Marco sa pagsigaw.


Napalunok ang lalaki. Hindi nya inaasahan ang sampal na yon.


Tumayo na si Aspasia at bumaba na ng hagdan. Ilang sandali lang ay nagbalik sya dala ang isang mangko na may lamang mainit na sabaw.


Iwas ang tingin ni Marco sa kanya.


Inilapag nya ang mangko sa harap ni Marco.


Walang imik ang dalawa.


Tinignan ni Marco ang laman ng mangko.


Napalunok sya nang makitang may karne ang sabaw na bigay ni Aspasia sa kanya bilang pagkain.


Ginugutom na sya. Ang masaklap lang ay hindi nya maiwasang isipin na baka laman ng tao ang karneng nakikita sa pagkaing inihain sa kanya dahil sa nangyari kay Francis.


Tinabig nya ng tuhod ang mangko at natapon na naman ang laman nito. Isang masamang tingin ang ibinigay nya kay Aspasia pagkatapos ng ginawa.


Nakita nya ang pagkuyom ng kamao ng babae.


"Kainin mo yan mag-isa mo."  Buong-tapang na sinabi ni Marco.


"Aaaaahhhh!!!"  Isang malakas na sigaw mula kay Aspasia.



Kinuha nya ang isang sirang upuan na nakatambak sa gilid ng hagdan at buong lakas na inihampas kay Marco.


"Aaaaahhh!! Aaahh!! Aaaahhh!!"


Paulit-ulit na hampas ang ginawa nya sa lalaki hanggang sa magkalasug-lasog ang lumang bangko na hawak nya.


Hingal na hingal sya habang tinitignan si Marco na nawalan ng ulirat dahil sa ginawa nya.


Ibinagsak nya ang natitirang parte ng upuan na hawak-hawak at pinunasan ang noong biglang napawisan.


Yumuko sya at dinampot ang mangkong natapon ang laman.


Tinignan nya ang duguan at puno ng sugat na mukha ni Marco.


Pinunasan nya ang tumulong dugo sa noo nito.


"Patawad... Hindi ko sinasadya..."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top