Epilogo
************
Epilogo
************
"Hmmm... Hmmm... Hmmm..."
Isang nakatutuwang himig ang kanyang inaawit habang naliligo sa batis na katabi ng kanyang lumang bahay. Sinasabayan sya ng mga ibon sa paligid.
Niyayakap ng malamig na hangin ang kanyang maputi at mala-sutlang balat. Nararamdaman nya ang tilamsik ng tubig mula sa mababang talon na nasa dulo ng batis na kanyang pinagliliguan.
Ilang minuto rin syang nagtagal doon at umahon na rin. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang basang katawan. Lalo nyang naramdaman ang lamig ng hangin dahil wala syang kahit anong saplot. Nadako ang kanyang paningin sa ibaba.
Natuyo na ang bakas ng napakaraming dugo na sinipsip na ng lupa.
Nakikita n'ya ang ilang uwak na unti-unting dumadagsa sa tapat ng kanyang bahay.
Kinakain nito ang ilang piraso ng laman na naiwan pa sa basang lupa kung saan n'ya kinatay si Marco.
Nilakad na n'ya ang papasok sa kanyang bahay.
Inakyat nya ang ikalawang palapag ng bahay. Hinayaan nyang tuyuin ng hangin ang kanyang buong katawan.
Tinignan n'ya ang pwesto kung saan n'ya iginapos si Marco. Isang matipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Huminto sya sa harap ng isang malaking salamin sa dulo ng malawak na ikalawang palapag. Tinignan nya ang kanyang buong katawan sa salamin.
Isang matipid na ngiti ang ibinigay nya sa sarili at kinuha ang isang puting damit na nakasabit sa gilid ng salamin.
"Tao po! May tao po ba dito?!"
Napatingin s'ya sa isang sirang bintana dahil sa malakas na pagtawag na iyon.
"Tao po!"
Lalaki. Boses ng lalaki ang kanyang naririnig.
Lumaki ang ngiti n'ya at inayos ang sarili.
"Kuya..."
Dali-dali s'yang bumaba ng kanyang bahay. Ngunit bago tuluyang salubungin ang bisita ay kinuha muna n'ya ang duguang palakol na nakasandal sa gilid ng
pinto.
Isang matamis na ngiti ang ibinungad ni Aspasia sa lalaki.
"Ah! Excuse me, Miss, naliligaw kasi ako... alam mo ba kung paano makakababa ng bundok na 'to?
...............Wakas.................
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top