Lagi Na Lang
Dear Aira,
Ang daya mo.
Lagi mo na lang akong iniiwan.
Kahit pa noong mga bata pa tayo.
Ako pupunta,
Ikaw aalis.
Nakakainis ka.
Nakakaasar.
Lagi na lang tayong magkasalungat.
Ako naghahabol,
Ikaw lumalayo.
Pero, kahit na ganon..
Namimiss rin kita.
Sobra.
Sana naman, sa kabilang buhay,
Hindi tayo salungat ng pupuntahan.
Dahil pag nangyari yun,
Susundan kita.
Kahit ipagkanulo ko pa ang kaluluwa ko,
Para lang magkasama tayo,
Gagawin ko..
Dahil kahit wala ka na sa mundong ito,
Hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo.
Hintayin mo ako dyan ha?
Bawal kang mabuhay pag ako naman ang namatay.
Baka masapak kita..
I'll wait until the day we see each other again.
Kahit na itinuloy ko na yung kasal ko, six months after your death,
Ikaw pa rin ang laman ng puso ko.
At alam mo ba?
Bumili na ako ng kuting..
Ai-ai ang pangalan niya.
Tulad ng gugustuhin mo.
I love you.
Dadalhan kita ng maraming gummy bears dyan.
Sana,
Hindi na lang pala kita tinawagan pa noon.
Pero kahit na gustung-gusto kong sisihin ang sarili ko,
Alam kong sisigawan mo lang ako.
Dahil..
Alam kong masaya ka na sa piling Niya.
Paalam na..
At,
Mahal, na mahal kita,
Aira Mendoza.
Please wait for me.
~Axel
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top