Kabanata V
Axel Dela Rosa's POV
Katatapos lang ng graduation namin at nandito na ako ngayon sa kwarto ko.
Nakahiga sa kama habang tinititigan yung kisame.
Umiiyak.
Naalala ko pa kasi nung isang araw na pumunta si Aira dito sa bahay. Malamig ang makikitungo ko sa kanya nun dahil nga sa ayaw ko nang makielam sa buhay niya.
Ang gusto ko, ay kalimutan na namin ang lahat ng pinagsamahan namin.
Mas lalo lang kasi akong masasaktan at masaya na rin naman siya e. Ang kaso, nung sinabi niyang nag-break na sila ni James, parang tumalon yung puso ko sa tuwa.
Kung hindi lang ako sana pumayag na magpakasal after graduation, liligawan ko na si Aira at hihingi ng tawad sa paglayo ko sa kanya.
Kaso, wala talaga e.
Para na rin ito sa kumpanya namin kaya kailangan kong pakasalan yung anak ng business partner ng aking ama. At um-oo na ako. Hindi ko na siya pwedeng atrasan.
Pero nung narinig kong sigaw sa akin ni Aira..
Mahal kita!
Para tuloy nagdadalawang-isip na ako. Mahal nya din ako?
Napapangiti na lang ako.
Sa wakas, napa-ibig ko na rin ang babeng matagal ko nang pinapangarap. Pero, nang tinawag ako ni Stefeni, yung finacé ko, natauhan na lang ako at sinaraduhan ko siya ng pinto habang paulit-ulit pa ring gumugulo sa isipan ko yung imahe ni Aira na umiiyak nang dahil sa akin.
Ang bigat sa kalooban. Sobra.
Hindi na nga ako nakakatulog dahil sa sama ng loob e.
Mahal ko rin siya... Kaya lang..
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Para kaming pilit na inilalayo ng tadhana.
3 days after...
Aira Mendoza's POV
Tahimik lang akong nakaupo dito sa may bench ng park habang pinapanood yung mga batang naglalaro.
Pumunta ako rito dahil gusto kong makalimot kung ano ang meron ngayong araw.
Ang kasal ni Axel.
Paano ko nalaman? Simple lang. Nagpadala pa siya ng invitation sa bahay namin. Ang kapal din ng mukha niya.
Pero alam ko naman na wala na talaga akong magagawa. Ikakasal na yung tao e. At alam ko sa sarili ko na kahit yata ikasal siya at magkaroon siya ng pamilya, ay si Axel pa rin talaga ang mahal ko.
Hinding-hindi na magbabago yun.
Naluluha na naman tuloy ako.
Naaalala ko na naman kasi yung masasaya naming mga ala-ala. Noong, hindi pa niya ako iniiwasan. Noong hindi pa naging kami ni James. Noong hindi ko pa alam na mahal ko na pala siya.
"Aira, ang kulit mo, alam mo yun?"
"Che! E kesyo hindi naman talaga yan ang kulay ng damit ni Sailor Moon e!" Pagdadabog ko sa noon ay labing-dalawang taong gulang na si Axel.
"Sus! Basta. Teka, bakit ka ba nagrereklamo ha? E ikaw pa nga itong nagpapadrowing sa akin ah! Manahimik ka na."
"Ang panget nga kasi ng drowing mo! Tapos, tingnan mo nga! Mali mali pa ang kulay!"
"Ahahahhaha! Bahala ka dyan."
"Hmph!"
~
"Labas na kasi tayo! Nagugutom na ako Aira, e. Sige na! Libre kita!"
"Talaga? Ililibre ko ako?"
"Oo, basta labas na tayo! Dun tayo kumain sa lugawan!"
"Ang cheap mo rin, e no?"
~
"Ayoko sabi ng puppy!! Gusto ko ng pusa!"
"Hay, naku. Mga babae talaga. Astig nga kung puppy na lang ang bibilhin natin eh! Kaysa naman malamyang kuting!"
"Tara na nga! Wag na nga lang tayo bumili ng alaga! Ikaw pa lang, hirap mo nang alagaan." Sabay irap ko sa ngayo'y binata nang si Axe.
"Hehehe.. Sige ba! Basta ba promise mo na aalagaan mo ako ha?"
"Oo na.."
At nagpaulit-ulit pa sa utak ko ang mga eksena na para bang nanonood ako ng sine.
Wala na kasi ang lahat.
Sa sampung taon naming pinagsamahan, ganun na lang. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya umiwas e. Dahil ba maaga na nyang natunungan na mahal ko siya kahit na ang sarili ko mismo, di alam?
Hay. Ewan ko..
It's 2 am, in your car
Windows down
They pass my street
The memories start
You say it's in the past
Just straight ahead
You're thinking that I hate you now
Guess you still don't know what I never said
Ha? Nahila na tuloy ako pabalik sa realidad nang tumunog yung ringtone ko. Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa ganitong oras? 10 am pa lang ah.
Kinuha ko yung phone ko at tiningnan yung caller ID.
Napalunok ako.
Si Axel.
Sasagutin ko ba?
I wish you would come back
Wish I never had hung up the phone like I did
I wish you know that I never forget you
As long as I'm living
Wish you were right here
Right now, it's all good
I wish you would---
"H-Hello?" Nanginginig pa ang boses ko.
[Aira..]
"Bakit? A-Ah.. Sorry may sakit ako. Di ako nakapunta sa kasal mo. Tapos na---"
[Hindi ko na tinuloy.]
Nanlalaki na ang mga mata ko sa aking narinig.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
[Aira, iniwan ko ang bride ko sa altar...dahil kahit yata anong gawin ko, ikaw ang mahal ko.]
Napangiti ako sabay tulo na naman ng mga luha ko. "T-Talaga, Axel? Hindi na ka galit?"
[Oo. Kaya magkita tayo sa may dating tambayan at---]
"Sige, sige!"
At dahil sa sobrang tuwa ko, habang kausap ko siya sa linya ay tumawid na ako ng kalsada.
Ni hindi ko namalayan na green light na pala.
"Axel, nga pala---......."
[Hello? Hello, Aira? Anong nangyari?! Aira!!]
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top