Kabanata II
Aira Mendoza's POV
Hay! Ang tagal naman ni Axel! Naiinip na ako. Nagawa niya kaya yung project namin? Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan yung lalaking yun eh!
"Aira, kanina ka pa ba nandito?"
Lumingon ako sa nagsalita. Si James. Ang masugid kong manliligaw. Actually, hindi alam ni Axel na nanliligaw ito. Wala lang. Para naman kasing may pakielam yun sa akin. E kahit yata tumalon ako ng tulay hindi niya pa rin ako papansinin.
Ngumiti ako.
"Ah, oo. Pumasok ako ng maaga. Hinihintay ko pa kasi si Axe."
"Ah."
At naupo pa siya sa may tabi ko. Kami pa lang ang tao dito sa may room kaya parang ang awkward lang. Pero nung nagtanong siya, iyon ang ikinagulat ko,
"Aira, look, ang tagal ko nang nanliligaw sayo. Baka naman pwedeng sagutin mo na ako?"
Nanlaki ang mga mata ko, lalo na nung hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Nakatitig siya ng diresto sa mga mata ko.
Para naman akong nawalan bigla ng boses.
Oo. Gusto ko nga si James. At kilala na rin siya ng parents ko. Kaya lang.. Di ko alam kung bakit parang nag-aalangan pa ako e.
Baka naman dahil kay Axel?
Aish! Wala! Hindi. Hindi yun yung dahilan. Pasaway talaga ang subconscious ko, kung anu-ano na lang ang iniisip!
Wala namang kaso kung sagutin ko si James di ba? Tutal naman, kaibigan ko lang si Axel. Parang frienemy ko nga e. Itinuturing ko lang siya bilang kapatid. Kaya ngayon, buo na ang desisyon ko.
"Oo na. Tayo na, James."
At sa pagkakasabi ko nun, bigla na lang lumiwanag yung mukha ni James at nawala na yung kaba na nakikita ko kanina sa kanya.
"T-Talaga, Aira?!"
Ang kulit lang. Haha.
"Oo nga! Bakit, ayaw mo ba?"
At nagulat na lang uli ako nang itinayo ako ni James at pinaikot-ikot habang abot langit yung ngiti niya. "Oo naman! Sayang kaya ang 6 months 'no!!" Natawa na lang ako. "James ano ba! Ibaba mo nga ako! Nahihilo na ako dito e, hahahaha!"
"Aira.."
Napatigil kaming dalawa at lumingon sa may pintuan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Axel Dela Rosa's POV
Papasok na ako ngayon at dala-dala ko yung project namin ni Aira.
May dala rin akong gummy bear na gustung-gusto niya. Naisipan ko kasi siyang ibili sa tindahan nang mapadaan ako dun.
Kaya lang, pagkabukas ko nung pinto ng room namin.
"James ano ba! Ibaba mo nga ako! Nahihilo na ako dito e, hahahaha!"
Kilala ko ang boses na yun ah!
Pagtingin ko sa nagtatawanan, si Aira at si James. Parang may kumirot sa puso ko.
"Aira.."
Ang nasabi ko na lang habang nakapako na ako sa kinatatayuan ko. Para kasing ang saya-saya nila. Ang saya-saya ni Aira. At mukhang siya rin ay nagulat nang makita ako.
Pero makalipas lang ng ilang segundo,
"A-Axel, nandyan ka na pala.."
Rinig kong sabi niya sabay layo kay James, pero ang bwisit, hinawakan pa ang kamay niya. Nakatitig lang ako sa magkahawak nilang kamay. Ang sakit lang.
Lumakad na ako papunta sa pwesto nila. Ang sama ng tingin sakin nung lalaki.
Pero pilit akong ngumiti.
Inilapag ko na ang project sa may desk at nagpanggap na hindi naaapektuhan sa mga nangyayari.
"May dapat ba akong malaman dito?"
Lakas-loob na tanong ko sa kanila. Si Aira, umiwas ng tingin. si James naman, matapang na sumagot.
"Kami na ni Aira."
At ayun na nga. Parang sinaksak na yung puso ko. Apat na salita lang yun pero parang sa apat na salitang yun, gumuho na yung mundo ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko.
Wala na akong pakielam, nakasisigurado naman ako na nahalata nilang fake yun.
"A-Axel, kasi ganito yu--"
"Hindi." Pinigilan ko si Aira na ituloy yung sasabihin niya.
Hindi ko man lang nalaman na nanligaw yung baluga na yun. Nakakainis.
"Aira, masaya ako para sa inyo. S-Sige, ah.. Pupunta lang ako sa tropa. Hinihintay na nila ako sa may court."
Nagtama yung paningin namin sandali, pero agad kong inilihis yung sa akin at tumalikod na para maglakad palayo. Pero bago ako umalis,
"Nga pala.. Sa loob ng plastic may gummy bears. Yung kulay pink na paborito mo."
At lumakad na nga ako palabas ng classroom. Ramdam kong nakangiti sa akin yung si James.
Ngiting nang-aasar.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top