Prologue
MARIIN niyang hinawakan gamit ang dalawang kamay ang palumpon ng mga bulaklak nang tumunog ng malakas ang kampana ng simbahan.
Nang bumukas ang malaking pinto sa kaniyang harapan ay bigla niya naiharang sa kaniyang mata ang isang kamay. Sumilay sa kaniya ang sobrang liwanag na daan.
Unti-unti naman siyang naglakad patungo sa altar. Sa sobrang kaba ay doon niya lang namalayan ang kaniyang kasuotan. Nakasuot siya ng puting gown na yari sa magandang tela.
Natatabunan man ang kaniyang mukha ng puting belo ay hindi ito naging alintana para makakita siya nang maayos.
Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang tumigil siya sa gitna. Pinatitigan niya ang altar nasa unahan. Hindi niya mawari kung bakit biglang hindi niya maaninag ang mga ito lalo na ang lalaking nakatayo sa gilid na may suot na tuxedong itim.
Sinusubukan niyang maalala o makita ang mukha nito nang biglang umingay ang paligid, ngunit hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Luminga-linga siya sa magkabilaan niya. Nakatalikod ang mga tao sa kaniya.
Sinubukan niya maglakad. Humina ang bulungan pero mas lumakas ang violin na tumutugtog sa background. Saan-saan niya ito naririnig. Sa likuran, sa gilid, sa malayo hanggang marinig niya ito nang malakas sa kaniyang unahan.
Napabalik ang tingin niya sa altar. Nagtataka naman niyang pinanood bumagsak sa himpapawid ang isang malaking hugis na puting feather hanggang bumagsak ito sa kaniyang paanan.
Ang kasuotan niyang gown kanina ay biglang naglaho at napalitan ng puting bestida. Bigla rin nawala ang hawak niyang palumpon ng bulaklak at suot niyang belo.
Wala siyang suot na sapatos at tanging nakayapak lang siya sa pulang karpet. Pinatitigan niya ang puting balahibo nasa paanan. Ang nag-iisa ay nadagdagan ng ilang balahibo.
At ang lahat ng ito ay nang galing sa kaniyang puting pakpak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top