Chapter 8

HINDI pa siya nakakatagal ng isang linggo. Isang linggo! Gano'n ba siya ka-clumsy para dalawa na ang nakakaalam na babae siya?!

Tahimik nakaupo si Cooper sa mini lounge habang ang kakambal nito ay nakatayo sa gilid niya habang siya ay kanina pa nakatungo.

"Hindi mo naman kasi sinabi na may kambal ka," mahinang bulong niya.

"You two can tell me now what is happening." Napa angat ang ulo niya sa kakambal ni Cooper nang bigla ito nag seryoso.

Kanina ay hindi mawala-wala ang maloko nitong ngisi sa kaniya pero ngayon ang seryoso na nito. She's really in trouble.

"K-kasalanan ko po! Labas si Cooper dito—"

"It's my fault. I should have told the administration office when I found out."

Nag tataka na lumingon siya kay Cooper. Akala niya ba hindi niya ito idadamay kapag may nakahuli sa kaniya? Anong ginagawa nito?

"You should have but you didn't. Bakit?"

Sa kambal naman ni Cooper siya napalingon. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito.

"I need to find my soulmate," ilang beses niya ba ito sasabihin? Sana ito na ang huli.

Katulad ni Cooper ay pinagtaasan siya ng kilay ng kakambal nito. "Pinagkasundo ako sa ibang tao and my only way out is to find him."

"How sure are you that he will be your way out of this arranged marriage of yours?"

"He's my soulmate. He has to be. Hindi dapat siya papayag."

"What if he doesn't want you?" What the fuck? Anong pinagsasabi nito?

"Magiging ganyan ka ba sa kaniya?" Kumunot ang noo nito. "Who?"

"To your soulmate? Hindi mo ba siya tatanggapin? Ang sabi nila malakas ang pulled ng taong nakatadhana sa 'yo. Umayaw ka man, itutulak at itutulak pa rin kayo ng tadhana sa isa't isa. Are you telling me na i-re-reject mo siya?"

Napansin niya nainis ito sa kaniyang sinabi. "I don't need a fucking soulmate. If I love someone, I will fight for her, not because we are soulmate." She bit her lower lip. What?!

"So, yes, I will reject her if I don't love her." Hindi na niya napigilan na umiyak sa kaniyang narinig. Tama ba 'yong pagkakarinig niya?

Willing ito na i-reject ang soulmate nito dahil hindi nito mahal ang isang tao? While his twin brother is willing to wait just to find her?

Are they really twins?

"That's enough," singit ni Cooper sa kanila. Pinunasan niya ang luha pero taksil ito at hindi tumitigil.

"Are you telling me not to say this to administration office, Cooper?"

"Yes, Carter. You will not say anything. Ngayong semester lang and after that, wala na akong pakealam kung kanino mo sasabihin ang sekreto niya." Tinuro pa siya ni Cooper.

She rolled her eyes at Carter nang inis itong tumingin sa kaniya.

"'Wag niyo ako idadamay kapag may nakaalam diyan sa sekreto niyo. Binalaan ko na kayo. I will not help you."

Tumango-tango siya rito. Pinunasan na rin niya ang luha. Ayos lang sa kaniya. At least, he won't say anything na.

LUMIPAS ang unang linggo niya sa Evinea na wala nangyaring aberya. Hindi na nadagdagan pa ang nakakaalam na babae siya.

Hindi niya pa rin sinabi kay Samuel ang nangyari. Panigurado na isusumbong siya nito kay Law at worst ay baka sabihin pa nina Law at Win-win ang ginawa niya sa ina.

Alam niyang suportado ang dalawa pero hindi gusto ng dalawa napapahamak siya.

Katulad ng sinabi ni Cooper sa kaniya. No'ng weekend dumating ang ibang ka-dorm mates nila. Mas dumami at mas umingay ang buong dormitories.

Ibig sabihin no'n ay kailangan niya mas mag ingat.

Sabay silang lumabas nina Cooper at Rick ng dorm para pumunta ng sabay sa auditorium para sa orientation ng buong estudyante.

Hindi pa sila nakakalayo nang patakbong lumapit si Anthony sa kanila.

"Hey, Ants!" bati ni Cooper rito. Hindi niya alam na mag kakilala ang dalawa.

"Hey, Per!" bumaling si Anthony sa kaniya pagkatapos ay kay Cooper. "Mag kakilala kayo?" tanong nito.

"Roommates," simple niyang sagot. Tumango ito pagkatapos ay binigyan siya ng cup of coffee. Hindi niya namalayan na may bitbit pala 'to.

"Ha? Para saan 'to?"

"For nothing," saad nito pagkatapos ay binigyan siya ng malaking ngiti. Lumingon siya kay Cooper at Rick na nag tataka sa ginawang gestured ni Anthony. Kahit siya ay nag tataka rin.

Nang mag simula sila ulit mag lakad ay hinila siya ni Cooper sa gilid. "Does he know?" bulong nito sa kaniya. Umiling naman siya dahil hindi naman talaga.

"Why do you ask?"

"Nothing." Ok. Why everyone keeps saying nothing?

     MARAMI ang estudyante sa loob ng auditorium. Nang makarating sila ay marami nang nakaupo. Umikot-ikot ang kaniyang paningin para mag hanap ng pwesto nang hawakan ni Anthony ang balikat niya.

"Tara, Ash. Doon tayo sa unahan."

"Ha? May naka pwesto na do'n."

"Nag pa-reserved ako ng seats natin. Kasama natin mga ka-team ko."

Nang marinig niya ang sinabi nito ay agad siya humiwalay dito. "What? Ayoko. Kung by club pala ang upo, doon ako tatabi kay Rick."

"Nag pa-reserved na ako ng seats, do'n ka na pumuwesto." Insisted pa rin nito. This time ay ang braso na niya ang hinila nito. "Teka! Kay kuya Samuel na lang ako tatabi." Tinuro niya pa si Samuel nang makita ito.

"Ash, gusto mo tumabi sa 'kin?" Cooper asked. Papayag na sana siya nang sumabat si Anthony. "Hindi na, Cooper. May pwesto na kami sa unahan at isa pa, nasa likuran lang naman kayo."

"Nasa likuran lang pala, doon na ako sa kanila." Inalis niya ang kamay ni Anthony nakahawak sa kaniya pagkatapos ay nag mamadali na kinuha ang kamay ni Cooper para dalhin ito sa pwesto nila Samuel.

Narinig niya na tinawag ni Anthony ang pangalan niya pero hindi niya ito nilingon.

At isa pa, mag kasama kasi sina Cooper at Samuel sa swimming team pero hindi alam ni Cooper na magkakilala sila ni Samuel.

"Kilala mo si Samuel?"

"Soulmate siya ng best friend ko." Wala sa sariling sagot niya rito. "So, he knows?" Natigilan siya. What? Lumingon siya rito. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.

Shit talaga!

Bagsak ang balikat na binitawan niya si Cooper pagkatapos ay lumapit kay Samuel para umupo. Mabuti na lang talaga at may extra chair pa sa tabi nito.

"Ash!— oh? Kilala mo si Cooper?" tanong ni Samuel nang tumabi sa kaniya si Cooper nang upo.

"He's my roommate," she said. She's still sulking sa katangahan niya.

"Yeah, she's my roommate." Walang hiya na saad ni Cooper. Mabilis niya tuloy natakpan ang bibig nito. Lumingon-lingon pa siya sa paligid.

She sighed nang mapansin walang nakarinig kay Cooper dahil sa ingay ng auditorium.

"Ash—?"

"He knows, kuya." Umikot pa ang mata niya. Nakakainis talaga! And now mapapagalitan na siya.

"What the fu—" this time ay si Samuel naman ang pinag takpan niya ng bibig. "Oo na, tanga na ako. Pwede niyo na ako isumbong."

"Sabi mo 'yan, ha?" pang aasar pa ni Cooper. Nasiko niya tuloy ito sa tagiliran. "Joke lang 'yon! 'Wag kang patola."

Napansin niya na lumingon si Anthony sa gawi nila. Umiwas na lang siya ng tingin dito. Na-gi-guilty tuloy siya. Binigyan pa siya nito ng kape tapos tinanggihan niya ito.

Paano ba naman, ayaw niya makita 'yong mayabang na si Harold at si Gory—

Oh. Shit.

Nang umiwas siya kay Anthony ay hindi niya napansin kay Gory naman pala siya napatingin.

May matalim itong tingin sa kaniya na kina-amo niya ng tingin. "Guys?" tawag niya sa dalawa. Narinig niya nag hymn si Samuel habang nag bakit naman si Cooper.

   Tuluyan na siya umiwas ng tingin kay Gory. "Halata ba na babae ako?"

     HINDI niya alam kung ma-o-offend ba siya o matutuwa sa naging sagot nina Samuel at Cooper sa kaniya nang tanungin niya ang mga ito kung halata ba kung babae siya.

   "Hindi. Wala kang dibdib, kaya 'di kita napagkamalan."

    "Ano? First meeting, dibdib agad tinitingnan mo?"

    "What? Masama ba 'yon?" pa-inosenteng tanong ni Cooper sa kanila. Nag kibit-balikat na lang si Samuel sa tanong ni Cooper.

    Binalingan niya naman si Samuel. Nag hihintay siya sa sagot nito. "No, and I told you I'll be the one to tell you if obvious ka ba or hindi. Alam mo naman ako ang malalagot kay Law."

   "So, sinasabi niyo ba na mukha akong lalaki?" May lakas na loob siya mag tanong dahil maingay ang auditorium.

    Sasabat pa sana ang dalawa sa kaniya nang taasan niya ang mga ito ng middle finger na kina-tahimik ng dalawa.


Natapos ang unang araw nila na puro pag papakilala lang ang ginawa nila. Maaga rin natapos ang bawat klase.

So, she decided na bumili ng art materials para sa gagamitin niya kapag nag simula na ang klase.

Hindi siya nakabili last week dahil hinintay niya pa ang allowance niya for the whole month.

Balak niya sana bumili na lang sa mini market sa loob ng campus but Rick said na may malapit na mall sa kanilang campus.

Sinamahan siya nito saglit at shempre nag paalam siya kala Samuel at Cooper. No'ng una ay hindi pa pumapayag si Cooper sa pag labas niya ng campus kung hindi lang pinapayag ito ni Samuel.

Ang sabi ni Cooper sa kaniya ay ayaw nito madamay pero ito pa ang nauuna na pag bawalan siya sa mga bagay-bagay.

Bigla tuloy siya nagkaroon ng dalawang kuya o tatlo? Kung hindi lang masungit si Carter sa kaniya.

Nag babalak na rin siya na sumubok ulit na mag sulat sa kaniyang braso. Sana mahanap na niya ang soulmate niya dahil she just received a message from Kayden.

He wanted to meet her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top