Chapter 7

     NAGISING siya dahil sa tunog ng alarm clock. Bumaba siya sa kama at balak na sana niya pumunta sa kubeta dahil sumasakit ang tiyan niya nang huminto siya.

   "Ash? Bakit may dugo 'yang likuran mo?" mabagal at nag tataka na tanong ni Cooper sa kaniya.

   Hindi siya makakilos sa kaniyang kinakatayuan ng marinig ito. Dugo? Sa kaniyang likuran? Tumingin siya agad sa kalendaryo naka paskil sa dingding.

    Shit.

    "Ash? Dapat na ba ako tumawag ng doctor?" Halata rito ang pagkakataranta. Lumapit pa ito sa kaniya at pinaharap siya rito.

   She was staring at his eyes nang makita niya na unti-unti nag bago ito papunta sa pagkagulat.

   "You're a girl?!" sigaw nito sa kaniya. Mabilis naman niya natakpan ang bibig nito. "'Wag kang sumigaw. I can explain."

    Inalis ni Cooper ang kamay niya sa bibig nito. "You sure do have explaining to make before I call the administration office."

   "Don't! 'Wag kang tatawag, please."

     Tinaasan siya nito ng kilay pagkatapos ay pinag crossed ni Cooper ang bisig sa harapang dibdib nito.

    "Go ahead, I am waiting." Umupo pa ito sa mini lounge nila sa gitna habang siya naman ay nakatayo lang sa gilid habang nakatungo ang kaniyang ulo.

   Hindi niya i-ne-expect na mahuhuli siya nang ganitong kaaga. Gusto niya makutusan ang sarili dahil hindi siya nag ingat ng maigi.

    "Pwede bang mag palit muna ako?" nahihiya niyang turan.

     Napansin niya namula si Cooper pagkatapos ay umiwas ito ng tingin sa kaniya. Tumikhim ito. "S-sure. Paki bilisan. I mean," huminto ito saglit, "whatever," dagdag nito then tinaboy na siya nito.

    Kahit alam niyang hindi na siya nito pinabibilisan kumilos ay binilisan niya pa rin. Nakasalalay dito ngayon ang pananatili niya sa loob ng campus.

    Bumalik siya sa gilid kung saan siya nakatayo kanina. Bago siya makabalik ay napansin niya na seryosong nag iisip si Cooper. Kinakabahan tuloy siya at baka kahit anong dahilan niya ay isumbong pa rin siya nito.

    "I.." panimula niya. She couldn't find the right words to say. She let out a breath of air before proceeded to speak. "I need to find my soulmate."

    He scoffed. "You. Want. To. Find. Your. Soulmate? Are you kidding me? You could just write it on your palm and ask him."

   "Hindi! Hindi mo naiintindihan. 'Di ba, I told you na hindi siya sumagot?"

   "Maybe hindi pa siya eighteen, kung gano'n."

   "Pinagkasundo ako ipakasal sa ibang tao!" pikit matang sigaw niya. Nang imulat niya ang mata ay nakita niya si Cooper nagulat. Hindi niya alam kung sa pag sigaw niya ba o dahil sa ipapakasal siya sa iba? She doesn't know.

    "Ayoko mag pakasal sa iba, Cooper! That's why I have to find whoever my soulmate is. B-baka, matulungan niya ako," pahina nang pahina niyang saad dito.

    "It's still not enough for you to stay."

    "What?! No! Please, Cooper." Lumapit siya rito naluluha. Hinawakan niya ang kamay nito at pinatitigan sa mata.

     "I'm sorry, Ash?"

     "Ashley Fajardo." Tumango ito. "Of course, you are Ashley," he said more like saying to himself.

    "Just give me this whole semester. Ako na kusa ang aalis, after. Please, help me just this one?"

    Inalis nito ang kamay niyang nakahawak dito. He sighed. "Ako lang ba nakaka alam na babae ka?"

   Pinag-isipan niya kung sasabihin niya ba na may alam si Samuel o hindi. Baka kasi madamay pa ito at ang kinukuha nitong scholarship sa soccer.

    "Y-yes," umiwas siya ng tingin dito. Sa araw-araw niya pag si-sinungaling. Nahihirapan na siya mag sinungaling pa.

    "Ash, I mean Ashley. Just this semester." Sa sobrang saya niya ay nayakap niya ito. Inalis naman siya nito sa pagkakayakap. "Labas ako kapag may nakahuli sa 'yo."

    "Yes, labas ka. Thank you, Cooper!" Yayakapin niya sana ulit ito nang supalpalin nito ang mukha niya. She pouted then smiled to him.

    She was thankful na mabait ang roommate niya.

     SHE decided na hindi sabihin kay Samuel ang nangyari. Malaki na ang natulong nito sa kaniya at hindi na niya gusto pa mag bigay ng panibagong problema rito.

    That morning din, naabutan niya si Anthony nag aabang sa labas ng dorm building nila.

   Nakatungo ito habang sinisipa ang batong nasa harapan nito. Lalagpasan niya sana ito dahil naiinis pa rin siya nang biglang umangat ang paningin nito sa kaniya.

   Parehas silang natulala sa isa't isa. Ang itim nitong mata ay naging glassy at mas lalo nangitim.

    "Ash," he called her. She bit her lower lip then avoided his gazed. Bigla siya kinabahan.

   "B-bakit?" What the hell is wrong with her?

    "I'm sorry."

   Kumunot ang noo niya. "Bakit ikaw ang nag so-sorry? It's not even your fault."

    "I know, but he's my friend."

    "You shouldn't have to say sorry for your friend. Mas nakakainis 'yon. May sarili siyang bibig. Kung ayaw niya humingi ng tawad, nasa kaniya na 'yon."

    "Tama ka, Ash." Lalapit sana ito sa kaniya nang umatras siya palayo. "I.. I should go," nag mamadali niyang paalam dito then tumalikod na rito.

    ILANG araw pa lang siya sa Evinea pero ang dami na nangyari sa kaniya. Isipin pa lang ay gusto na niya kaltukan ang sarili. She just wanted to find her soulmate.

   Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ni Cooper sa kaniya. Gabi-gabi ay sinusubukan niya sumulat pero palagi lang din nauuwi sa hindi pagtuloy.

    Maybe, she's afraid. Takot siya na hindi ito sumagot sa kaniya. Hindi niya gusto malaman na sinasadya talaga nito na hindi siya sagutin. Natatakot siya.

    "Look where you going."

    Nagulat na lang siya nang may humila sa suot niyang tee shirt. Tumama ang katawan niya sa matigas na pader, maliban na lang ay tao ito.

   She looked up and she saw him glaring at her. Shit. Ito 'yong nakakuha ng first kiss niya.

    Ang tee shirt nitong hawak ay biglang binitawanan nito nang mag tama ang kanilang mga mata. Gulat na out of balance siya at natumba sa sahig.

    Bakit ang clumsy niya bigla?

    Hindi niya namalayan kanina ang statue nakapwesto sa gilid. Mabuti na lang talaga at hinila siya no'ng lalaki ngunit binitawan din naman siya.

    Ang sakit tuloy ng pang upo niya. Bwisit. Hindi niya tuloy malaman kung mag papasalamat siya o maiinis dito.

    "Hey, are you okay?" tanong ng isang binata.

    Ngayon niya lang napansin na may kasama pala ito. Naka squat sa kaniyang harapan ang isang binata. Mukha itong foreigner.

    Maputi, malaki ang cute nitong mata, ang hugis ng labi nito ay parang isang pusa at ang buhok nitong malalaki ang kulot ay naka pony tail na may ilang hibla sa magkabilaan nitong gilid.

    He was smiling at her. Nawala lang ang atensyon niya nang may tumikhim sa gilid nila.

   She tried tumayo nang bigla ulit siya natumba for some reason. Seriously?!

    But this time again, mabilis na naman may humawak sa kaniyang bisig at baywang.

   Parehas silang nanlalaki ang mata nang mapansin na malapit sila sa isa't isa.

    "D-dude, you're invading my personal space!" Mabilis niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Shit talaga!

   She heard a chuckled beside them. Nag kibit-balikat lang ang lalaking kulot ang buhok sa kanila.

   Bakit ang wi-weird ng mga tao rito?

    "So do you!" sigaw din ng lalaking humawak sa kaniya. Pinagpagan niya ang pang upo pagkatapos ay tinapunan ito ng tingin.

    Bigla siya napaatras. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang lulundag na ito sa kaniyang dibdib. What is happening?

   Aalis na sana siya nang bigla siya hawakan ulit nito sa bisig. They both jumped a little then nag bitaw ng hawak.

   "Who are you?" he asked. Nakasalubong ang dalawang kilay nito sa kaniya.

   Now that he's looking at her. Doon niya lang napagmasdan ang maganda nitong mukha. Maganda talaga?

    His eyes are brown but it can be golden whenever it twinkles. Itim na itim din ang nunal nito sa puti nitong mata sa left side. Makapal ang kilay, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at namumula ang labi nito.

   May piercing din ito sa right-side ng ilong. Ang features nito ay parang isang espanyol.

    "Ash Fajardo."

    "Ash?" mapaglarong bigkas nito sa short cut ng kaniyang pangalan. "If you're considering to try out for the soccer team, please don't."

    "W-what?! For your information, member na ako ng art club. Hindi ko na kailangan mag try out sa mayabang 'yong team!"

    "Gory, let's go! Baka hinahanap na tayo ni coach." Hinawakan ni kuyang curly hair ang balikat ng tinawag nitong si Gory.

   Gusto niya matawa sa pangalan nito pero hindi na lang niya ginawa. Baka isipin nito ay wala siyang modo.

     NANG makabalik siya sa dorm ay wala pa si Cooper. Kumuha siya ng pangpalit sa drawer. Balak niya mag half bath bago sila mag dinner sa ibaba.

Minadali niya ang pagkilos dahil baka pasukan siya ng lamig at saktan ng puson. Mas mahihirapan siya kapag sumakit ang puson niya.

Nang matapos siya ay pumuwesto siya sa harapan ng salamin para mag toothbrush. Nakapaikot ang tuwalya sa kaniyang katawan. Hindi niya rin maiwasan na mag hymn ng kanta habang nag to-toothbrush.

Kung dala niya lang ang cellphone sa loob ay baka nag patugtog na siya at sumayaw-sayaw which is sa loob lang ng kubeta niya nagagawa, kahit ang pag kanta.

"Ash! Are you done? Natatae na ako!" sigaw ni Cooper sa likuran ng pinto. Kumatok-katok pa ito.

"Wait lang!" pabalik na sigaw niya rito pagkatapos ay mabilis siyang nagsuot ng damit.

"Hindi ka pa ba tapos, Ash? Natatae na talaga ako!"

"Tapos na ako!" Nag mamadali na kinuha niya ang mini bag na may laman ng mga sanitary niya pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng banyo.

Bumungad sa kaniya si Cooper na may malaking ngiti sa labi. Kumunot ang noo niya. Nag tataka siya.

"You can use the bathroom na," she said pagkatapos ay tuloy-tuloy siyang lumabas.

"Thanks, dude!" malakas na tinapik siya nito sa kaniyang likuran. "Sure!"

Dumiretso siya sa kaniyang pwesto at binalak ang gamit sa loob ng drawer nang may mapagtanto siya. Mabilis niya kinapa ang dibdib.

Shit!

"Sandali, Cooper!" buong lakas na sigaw niya rito. Tumakbo siya sa loob ng banyo at kinuha ang chest binder tank.

'Yong pang paipit ng dibdib niya. Mabuti na lang talaga at hindi gano'n kalaki ang kaniyang dibdib.

Nang makalabas siya ng banyo ay agad rin siya natigilan. What?

Lumingon siya sa kaniyang likuran. Cooper? Binalik niya ang tingin sa unahan. Cooper?

Shit! They're twins?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top