Chapter 6
BINABA ni Rick ang bitbit nitong dalawang boxes sa harapan ng isang silid. This must be her room.
"This is your room. Your roommate is Cooper. He's an angelus. I guess, you are, too?"
"I am. By the way, thank you, Rick." Nilabas niya ang susi nasa bulsa niya.
"Sure. If you need anything just ask Cooper. He knows what to do but mostly I know everything."
She chuckled. "Got it, dude! I'll call you if I need anything. Thanks, again."
"No worries. Good luck," anito bago siya nito iniwan. Medyo kinabahan siya sa pag good luck nito. Parang double meaning.
Paranoid na ata siya. Winalang bahala na lang niya ito at binuksan ang pinto. Tumambad sa kaniya ang kamang nasa itaas habang sa ilalim nito ay ang study table. Magkabilaan ito at pinagigitnaan ng mini lounge habang nasa gilid naman ang bathroom.
Binagsak niya ang dalang karton sa sahig pagkatapos ay nilagay niya ang dalawang maleta sa kaliwang gilid kung saan may empty space.
Sinuri niya ang space ng roommate niya. May nakita siyang medals at ilang swimming posters. He must be one of those athletes.
Inikot niya ang buong paligid at mukhang wala pa rin ang roommate niya. Kinuha niya iyon na pagkakataon para mag ayos ng gamit. Kinuha niya ang maleta nasa gilid at binuksan ito.
Unti-unti niya rin tiningnan ang kabinet kung saan niya pwede maitago ang mga undergarments at kaniyang sanitary care lalo na ang pads niya, hindi pwede iyon makita ng kasamahan niya.
Lumipas ang isang oras na hindi pa rin bumabalik ang roommate niya at natapos na siya mag ayos ng gamit. Actually, mas matagal pa sana kung hindi lang siya nag madali. Natakot kasi siya na baka mahuli siya. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
NAGPUPUNAS siya ng buhok nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid. Parehas silang dalawa nagulat at natigilan ni Cooper kung ito man ang roommate niya.
Mabilis niya inalis ang tuwalya sa buhok at lumapit dito. "Hi! I'm Ash."
Tulala pa rin itong nakatingin sa kaniya nang ilahad niya ang kamay dito. Tumikhim ito bago inabot ang kaniyang kamay ngunit bigla nito siya hinila at pinag bunggo ang kanilang balikat. Aw.
"I'm Cooper. You must be my new roommate?" masiglang saad nito sa kaniya. Tinapik pa siya nito gamit ang mabigat nitong kamay.
Hindi siya gano'n kaliit at hindi rin siya gano'n katangkad pero mapayat siya. Madalas siyang asarin nina Law at Win-win no'ng bata sila na pat-patin.
Kahit anong gawin niyang pag kain ay hindi talaga siya tumataba. Nasanay na siguro ang katawan niya simula no'ng mamatay ang ama niya ay wala sila makain nang maayos.
She laughed awkwardly then kinuha niya agad ang kamay rito bago ito sinagot. "Oo, ako nga. Pasensiya, hindi na kita nahintay pa."
"No need to worry, Ash." Hindi pa rin nawawala ang masigla nitong personality. Nawala bigla tuloy ang awkward niya.
Nakaka-feel belong 'yong ngiti kasi ni Cooper. Mabuti na lang talaga at dito siya na-roommate. Kaysa, sa binatang masungit.
Tinapik ulit siya nito sa balikat pagkatapos ay dumiretso ito sa space nito. "If you have questions, just ask me."
"Sure! Thanks, Cooper."
FRIENDLY si Cooper. Makalipas ang ilang oras ay nakwento na nito sa kaniya na kasama ito sa swimming team at senior ito.
Nasabi rin nito sa kaniya na hindi pa nito nahahanap ang soulmate. Twenty na ito at tatlong taon na rin ito nag hihintay pero kahit gano'n ay hindi pa rin ito nawawalan ng pag asa.
Sa tingin nito ay hindi pa nag e-eighteen ang magiging soulmate nito dahil kahit isang sulat sa katawan nito ay wala pa itong natatanggap.
"How about you?" Cooper asked.
Pababa sila sa common room para kumain ng gabihan. May sariling chefs ang bawat dorm buildings at maaga ang oras ng dinner nila.
"I just turned eighteen last week. When I was in my dilemma of trying it. I accidentally, wrote a line pero hindi siya sumagot."
"Maybe, she hasn't turns eighteen yet?" Sana gano'n lang 'yon. Tinapik siya nito sa balikat. "Don't give up, Ash." Oh, I am not.
Napansin ni Cooper ang pag tataka niya at pag lingon. Kanina niya pa kasi napapansin na wala silang nakakasabay na dorm mates nila pababa sa common room.
"First day pa lang kasi ng lipatan. Kaya ihanda mo na sarili mo sa weekend."
"Bakit?" she asked. Nasa first floor na sila. May nakita na siyang mga ka-dorm mates nila at may ilan na lumingon sa gawi nila.
"Late comers. Kaya kapag first day of school, cramming ang mga gago."
Nang makapasok sila sa dining hall. Mas lalo siya na-amazed. Ang lawak, maraming tables at may mga pagkain na ang nakahain sa lamesa. Napansin niya nasa twenty lang silang lahat ang naroroon.
"Per! Ash! Dito!" Kumaway si Rick sa gawi nila. Lumapit naman sila ni Cooper rito agad.
Pinakilala siya ni Rick sa iba nilang dorm mates. Tumango at ngumiti siya sa mga ito bago umupo sa harapan ni Rick habang si Cooper naman ay tumabi sa kaniya.
"Napag-isipan mo na ba kung saan club ka sasali?" Rick asked. Tumango siya rito. Nag simula na rin sila kumain. "Sa art club ako."
"Come with me tomorrow. Ipapakilala kita." Kailangan niya sabihan si Anthony na hindi siya mag ta-try out sa soccer team.
KINABUKASAN. Nag tungo sila ni Rick sa art club. Nasa first floor ito at pinakadulo. Marami silang nadaanan na mga art materials at canvas papunta sa pinaka main room.
Pinakilala siya ni Rick kay professor Suarez. Nag labas ito ng isang mansanas at on-the-spot siyang pina guhit. Gumamit lang siya ng lapis sa pag guhit at pag shades dito.
Umabot siya ng walong minuto sa pag sketch ng mansanas. Pinatitigan niya ito. Medyo magulo ito at maraming kalat but that's what she's going for.
Tiningnan ito ni Sir Suarez at tumango-tango. "Magaan ang kamay mo," anito. "Go fill out your membership," seryosong dagdag nito na kinagulat niya.
"Seryoso po kayo, professor?"
Sinilip siya nito sa suot na eye glasses pagkatapos ay pinagtaasan siya ng kilay.
"Sabi ko nga, seryoso ka sir."
Nag paiwan saglit si Rick para kausapin si Professor Suarez habang siya naman ay binisy ang sarili sa pag fill out ng membership.
Makalipas ang ilang minuto ay sabay silang lumabas ni Rick ng main room ng art club pero nag hiwalay din sila nito dahil may kailangan pa itong puntahan.
Napadpad ang paa niya sa oval kung saan may nag pa-practice na mga soccer team. Pinatitigan niya ang langit. Maganda ang panahon sa mga oras na 'yon. Hindi mainit. Siguro dahil hapon na rin.
Simula mag hiwalay sila nina Samuel at Anthony ay hindi sila nagkaroon ng pag kakataon na mag kita ulit.
Ayos na rin 'yon dahil kailangan niya masanay mag isa. Hindi sa lahat ng pagkakataon makakasama niya ang mga ito.
Mabuti na lang talaga at wala pang nakakahuli sa kaniya na babae siya.
Nabalik ang atensiyon niya sa bleachers. There were a few students sitting on it. She was about to go downstairs nang marinig niya ang pangalan sa likuran niya.
"Ash! What are you doing here?" Samuel asked.
"Titingnan ko sana kaso 'wag na lang."
"Mag ta-try out ka?" Mabilis siyang umiling dito. "Hindi, nag fill out na ako ng membership sa art club."
"Gano'n? Gusto mo sumabay mag dinner? Sasabay din si Anthony after ng practice nila."
"Ok, I'm kinda starving na rin."
BUONG akala niya ay sa cafeteria sila kakain ng gabihan nina Samuel at Anthony. Hindi niya inaakala na papasok sila sa iisang restaurant nasa loob ng campus.
"Si Anthony manlilibre."
"Akala ko ba isang linggo nasa kaniya meal card mo? Bakit biglang siya manlilibre?" nag tataka niyang tanong dito. Ginulo naman nito ang buhok niya then proceeded to go to their seats.
"Kuya?" she asked again.
"Natalo siya sa laro. Dinamay na lang din kita," natatawa nitong wika sa kaniya. Halatang tuwang-tuwa ito sa kalokohan nilang mag pinsan.
Naiiling na lang siya rito. Akala niya dahil may dorm at cafeteria ay wala nang kakain sa restaurants naka residents sa loob ng campus ngunit nag kamali siya.
Marami rin ang kumakain na mga estudyante.
Hindi nag tagal ay dumating si Anthony ngunit hindi ito nag iisa. May kasama pa itong dalawang binata. Binalik niya ng tingin ang pwesto nila. May tatlong bakanteng upuan. Bakit hindi niya napansin 'yon?
"Cous! Hey Ash!"
Naki pag apir siya rito ng mag offer ito ng kamay pagkatapos ay ginulo nito ang buhok niya at tumabi sa tabi niya.
"Ash, sina Harold and Michael. Team mates ko." Turo ni Anthony sa bagong dating na lalaki. Tumabi si Harold sa tabi ni Samuel habang si Michael naman ay umupo sa center table.
"Si Harold, roommate ko," pakilala pa ni Samuel.
"Hi, I'm Ash!" she smiled. "Ants, totoo nga!" saad ni Harold. Parehas kumunot ang noo niya at ni Samuel.
"Gago ka! Tumigil ka!" sabat ni Anthony.
"Anong meron?" curious na tanong ni Samuel. Halatang sumeryoso ang boses nito.
"Wala. Joke lang 'yon, bro," singit ni Harold. Unti-unti na tuloy siya hindi natutuwa. Parang nabastusan siya sa inasal nito.
Pinatitigan niya si Anthony. Akala pa naman niya ay maayos na itong pakisamahan.
Hindi na niya tuloy nagawa mag pakilala kay Michael. Pilit na lang ngumiti siya rito.
"Sa dorm na lang ako kakain." Sabay-sabay na lumingon sa kaniya ang apat. She wanted to rolled her eyes.
"Ash, it was nothing." Hinawakan siya ni Anthony sa balikat nang balak na niya tumayo. Sinamaan niya ito ng tingin. "Then, tell me what it is?" Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lang siya naiinis.
Umiwas ito ng tingin sa kaniya. "Kung ayaw mo sabihin, mauuna na ako sa inyo—"
"I said you're pretty for a guy, okay?" This time, sila naman ang natigilan sa sinabi ni Anthony. Sabay-sabay silang tumingin dito.
Ngunit inis na binalingan niya si Harold ng pilit nitong pinipigilan tumawa. "Is it really that funny?" tanong niya rito. Nakita niya si Samuel na umiling. Gusto siya nito patigilin at hayaan na pero ito ang hindi niya pinansin.
"Ash, pre, I'm just kidding."
"Sure, pre." She rolled her eyes at him. Wala na siyang pakealam. He's not worth her time.
"I have to go— and nice to meet you, Michael." Tumango siya rito at kay Samuel habang hindi naman niya binigyan pansin sina Anthony at Harold.
"Para ka naman may PMS." That's it. She's done.
"I'm sure you have mother but do you have sister?"
"What if I do?"
"Then, you're an asshole. May ina at kapatid ka na babae pero ganyan pananalita mo." After niya sabihin iyon ay tuluyan na siya tumayo. Hindi na niya pinansin ang mga ito kahit tinawag siya ni Samuel.
Bahala sila. Naiinis siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top