Chapter 5

     DINALA siya ni Samuel sa registrar office bago siya nito iniwan para balikan ang gamit nito sa sasakyan.

Napagusapan nila na ito muna ang mag lalagay ng gamit sa dorm nito habang siya ay kinukuha ang dorm building at number niya pagkatapos ay doon na siya mag sisimula mag unload ng mga kagamitan niya.

Para hindi nasasayang ang kanilang oras. Kailangan niya rin matuto mag isa dahil alam niyang hindi palagi nasa tabi niya si Samuel.

Inayos niya muna ang boses niya bago siya pumasok sa loob ng office. May ilang cubicles ang naroroon. May ilan na dumako ang tingin sa kaniya at may ilan na busy sa mga ginagawa.

Lumapit siya agad sa reception desk nasa gilid niya. "Excuse me po." Inabot niya rito ang form niya. Tiningnan naman ito ng isang babae sa tingin niya ay nasa thirties nito.

May tinipa ito pagkatapos ay may lumabas sa printer na papel. Kinuha ito ng babae at inabot sa kaniya. "This is your schedule."

Mag sasalita pa sana siya nang tumayo ito at pumasok sa isang silid sa likuran nito. Hindi ito nag tagal ay lumabas din ito na may bitbit na susi.

"This is your locker's padlock." Inabot nito sa kaniya ang kulay silver na padlock. "Ito naman 'yong spare key sa roommate mo. Paki-fill out na lang din ito."

Inabot sa kaniya 'yong susi at papel. Nilagay niya ang pangalan dito, student number niya at combination ng padlock napili niya.

Napasabak tuloy siya sa pag iikot ng padlock sa harapan ng registrar office.

Kinuha nito ang papel na sinulatan niya pagkatapos ay binigyan ulit siya nito ng papel. "Paki bigay na lang 'to sa docu team sa second floor. Para 'yan sa magiging I.D mo."

   Tumango-tango siya rito. "Salamat po."

KATULAD ng utos sa kaniya sa registrar. Pumunta siya sa second-floor kung nasaan ang docu team ngunit hindi lang siya ang nasa loob kaya nag hintay muna siya saglit.

Nang matapos ang pag hihintay niya ay inabot niya ang papel sa reception desk. Pinag sulat siya nito sa white board ng pangalan at year niya.

Pumasok siya sa loob ng studio. Kinuhanan siya ng ilang shots bago siya lumabas at bumalik sa harapan ng reception desk.

    Nakita niya pa ang litrato sa monitor nito. Umangat ang paningin ni ate girl sa kaniya. Ramdam niya ang pag suri nito sa kaniyang mukha.

    She faked cough para mawala ang tingin nito sa kaniya. "Next week ang release. Ibigay mo na lang ito."

    Nag pasalamat siya rito pagkatapos ay mabilis na lumabas ng silid. Sobrang bilis ng puso niya. Grabe makatingin si ate girl sa kaniya. Parang pati kaloob-looban niya ay hinahakot nito.

    She was still calming herself at hindi niya maalis ang tingin sa docu room. Hindi niya namalayan ang sarili nang bigla na lang siya natapilok.

    Napamura siya ng akala niya ay matutumba na siya ngunit may kamay na humawak sa kaniyang kamay para patigilin siya sa pag bagsak.

   Nagulat siya. Sinubukan niya bumitaw dito dahil naalala niya ang paalala ni Samuel sa kaniya na hindi siya pwede mag pahawak lang ng basta-basta.

    Ngunit mas humigpit ang kapit nito sa kamay niya. Nang hilahin niya ang kamay dito ay hinila naman siya nito pabalik.

     Napasigaw siya nang sabay silang bumagsak ng binata sa semento. Maliban na lang, bumagsak ang katawan niya sa matipuno nitong pangangatawan.

She heard him groaned nang parehas silang natigilan. Nanlalaki ang kaniyang mata ng mapagtanto kung saan nakalapat ang kaniyang labi.

    Her first kiss. Nawala na. Parang kanina lang ay pinag-uusapan nila ito at ngayon ay nawala na ito sa kaniya ng tuluyan.

    Mabilis siyang umalis sa pagkakadagan dito. Nakita niya na tulala pa rin ito sa nangyari.

    Ilang mura na ang pinakawalan niya sa pag iisip nang makitang hindi kumikilos ang binata naka higa sa semento sa kaniyang harapan.

     "E-excuse me?"

     Hahawakan niya sana ito nang mabilis itong bumangon at umatras sa kaniya pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. Tulala pa rin ito.

    Gano'n ba ka-sama ang pagkakahalik nilang dalawa? Hindi ba dapat siya ang magalit dahil nawala ang first kiss niya? Kung hindi sana siya nito hinila pabalik ay hindi sana iyon mangyayari.

    "Gory! Anong ginagawa mo diyan sa semento?" Doon nahimasmasan ang binata nang marinig nito mag salita ang kakilala nito.

    "Nothing. Let's go!" Tumayo ito na hindi man lang siya nito dinapuan ng tingin habang nag tataka nakatingin sa kaniya ang kakilala nito.

     Naiinis man siya ay hindi na niya ito pinatulan. Hindi siya pwede gumawa ng eksena. She wanted to find her soulmate peacefully at hindi niya magagawa 'yon if mag e-engage siya sa trouble.

     Umiwas na lang siya ng tingin at tumayo na rin sa pagkakaupo. She needs to find Samuel. Hahanapin niya pa ang dorm niya.

NAABUTAN niya si Samuel sa harapan ng sasakyan nito kasama si Anthony. Nakatayo ang dalawa habang seryosong nag uusap. Sobrang tangkad pala talaga ng pinsan nito.

Naninibago rin siya dahil iba ang itsura nito no'ng huli niya itong nakita. Last time kasi ay hindi nawawala ang ngiti nito habang ngayon naman ay parehas nagkasalubong ang kilay nito.

Nakakatakot pala ito mag seryoso. Nakaka-intimidate tingnan. Napapaiwas talaga ng tingin ang sino man.

"Dude!"

Parehas na bumaling ang dalawa sa kaniya. Ang seryosong mukha ni Anthony ay napalitan ng malawak na ngiti. Nakabaranda ang mapuputi nitong ngiti sa kaniyang harapan.

"Dude!" pang gagaya nito sa kaniya. Lumapit ito at inipit ang ulo niya sa bisig nito at ginulo ang buhok niya.

Sa sobrang bilis ng pangyayari. Parehas silang nagulat ni Samuel. Isa sa bilin ay huwag mag papahawak ng basta-basta but look at her, kakapasok niya pa lang sa Evinea nawala na agad ang first kiss niya at ngayon ay ginugulo naman ni Anthony ang buhok niya.

Walang sabi na inalis ni Samuel ang kamay ni Anthony sa kaniya pagkatapos ay hinila siya nito para kunin ang mga bagahe niya nasa likuran ng sasakyan nito.

"Anong dorm building mo?" tanong ni Samuel.

Bago siya umakyat sa second floor kanina ay tiningnan na niya kung ano ang dorm building niya. Nakalagay do'n ay "Eros Building."

"Oh, sa Zeus Building ako."

"Ano 'yan? Greek Gods?"

Natawa si Anthony sa kaniyang sinabi. "Oo, kinuha nila sa greek mythology. Mine is Adonis."

Tuluyan na nila nalabas ang lahat ng dala niyang bagahe pagkatapos ay sinara ni Samuel ang likuran.

"W-what?!" Hindi niya mapigilan na tumawa. Adonis? Seryoso ba sila? "Ganyan din ba sa girls' town?" dagdag niya pa.

Huli na nang mapansin niya natigilan si Samuel. Hindi na lang niya ito pinansin at binalingan si Anthony na mas lalong tumawa. "Oo, gano'n din." Kinuha nito ang isang maleta na bitbit niya. "May ex ako ro'n, ang building naman niya ay Athena."

May dalawang malalaking maleta siyang bitbit at dalawang boxes. Hawak-hawak ni Samuel ang mga boxes habang nasa kaniya naman ang isang malaking maleta.

Natatawa pa rin siya na sinagot si Anthony. Nag simula na rin sila mag lakad patungo sa dorm buildings.

"Do you guys know why?"

"Ang alam namin mahilig sa Greek Mythology 'yong may ari ng Evinea." Tumango-tango siya. That's explain why.

    On the way sa patutunguhan nila. Nalaman niya na kasama sa member si Anthony ng soccer team habang si Samuel naman ay sa swimming team.

    Sinabi rin nila sa kaniya ay kailangan niya kumuha ng magiging club niya. Kasama iyon sa requirements.

   Maraming clubs mayro'n ang Evinea. Maliban sa dalawang nabanggit, mayroon din na fencing team, basketball, dance, docu, painting and so forth.

    Baka piliin niya ay ang art club kapag nagkataon. Isa rin sa rason, she can't risk doing those sports dahil baka mahuli siya.

     Hindi rin nag tagal ay nakarating na sila sa Eros building. May anim na palapag ang building at terrace sa pinaka tuktok.

    "Ash, dude, hanggang dito na lang kami ni Sam. We're not allowed to go inside if it wasn't our assigned building."

    "Gano'n ba? Ayos lang! I can manage myself. Salamat mga bros!"

    "And don't forget na sabihan ako if mag ta-try out ka sa soccer." Tinapik-tapik siya ni Anthony sa kaniyang likuran.

   "Oo, pre." Tinaasan niya pa ito ng thumbs up. Panigurado naman na hindi siya mag ta-try out. Sinabi niya lang iyon.

    Kinuha niya ang mga gamit pagkatapos ay may lumapit sa kaniyang guard.

    "Student card?" Nilabas niya ito at pinakita rito. Tumango ito pagkatapos ay tumingin sa kaniyang likuran kung nasaan sina Samuel at Anthony.

   "Boss, mga kuya ko 'yan. Sinamahan lang ako."

    "Gano'n ba?— kayong dalawa, you're not allowed here." Ang sungit naman ng guard dito.

    "Ash!" tawag ni Samuel sa kaniya. Pinatitigan siya nito ng seryoso. Alam na niya kung ano gusto nitong iparating. "I know, Sam! See you around, bye!"

    Kumaway si Anthony sa kaniya bago lumisan ang mga ito. Bumaling naman ulit ang guard sa kaniya.

    "Come with me." Pumunta ito sa reception desk sa kanilang gilid. Pa-l sign ito. Napansin niya na may isa pang employee ang naka pwesto sa monitor.

May pina-fill out muna ito sa kaniya. Para sa information niya sa loob ng dorm. Napansin niya na may pinto sa gilid kung saan may nakalagay na stock room.

"Good morning, sir?"

Nabalik ang atensyon niya rito. May kausap ito sa telepono. "New student, sir."

Habang nakikipag usap ito ay inikot niya ang paningin. Sa kabiling gilid ay doon naka pwesto ang mail boxes. Sa gitna naman ay may dalawang mahabang sofa na magkabilaan, para itong lounge.

"Excuse me, sir Ash? Paki wait na lang ang house leader niyo. Mr. Rick is coming down in a few."

    "Ok, salamat." Katulad ng sinabi nito. Hindi nga nag tagal ay bumukas ang malaking pinto sa kanilang harapan at nilabas nito ang isang lalaki.

    Matangkad ito, maputi at singkit. Seryoso itong lumapit sa kaniya at hindi nawala sa kaniyang paningin ang matulis nitong pagtingin.

"You must be the new student, hm? I'm Rick, the house leader of Eros' dorm." Inabot nito ang kamay sa kaniya. Napansin niya kung paano nito nilahad ang kamay sa kaniya. Nakahawak ang kaliwa nitong kamay sa kanan na siko na braso nakalahad sa kaniya.

   A polite person, she thought. Pinag isipan niya pa kung iaabot niya ang kamay pero sa huli ay inabot niya pa rin ito.

   "Ash Fajardo. Junior student. Nice to meet you."

   "Nice to meet you. Come with me." Kinuha nito ang dala niyang boxes na walang pasabi. Masyado atang napa-aga ang pag sabi niya na polite ito.

   Sinundan niya ito, bitbit ang dalawa niyang malalaking maleta. May pinindot ito sa gilid ng pinto pagkatapos ay pa-slide itong bumukas sa kanilang harapan.

   Nanlalaki ang kaniyang mata sa nasaksihan. Sigurado ba silang dorm 'to? Bakit ang lawak? Lumingon siya sa kanilang harapan ng kusang sumara ang pinto sa kanilang likuran.

   "This is the common room," anito. Inikot niya ang paligid. May apat na estudyante ang nakatambay. "Once mag start ang klase, mas dadami pa sila." Referring to the students nakaupo sa common room.

   May hawak na libro ang dalawa habang ang dalawa naman ay may hawak na bola habang nag uusap.

"Sa first floor ang common room, comfort room, kitchen and dining hall." Turo ni Rick sa kabilang silid kung nasaan may malaking lagusan patungo sa dining hall. Panigurado ando'n din ang kitchen.

"We don't have elevators but we do have staircase— right and left." Pinag gigitnaan nito nag lagusan papasok sa dining hall.

    Tinulungan siya ni Rick dalhin ang gamit sa palapag niya. Nasa third floor ang kaniya, kaya dalawang hagdan din ang inakyat nila.

   May ilan silang dorm mates nakasalubong kung saan binabati si Rick habang siya naman ay tumatango na lang sa mga ito. Hindi man lang kasi siya pinakilala.

    "Seryoso na walang elevator dito?"

    Pinatitigan siya nito na kina-atras niya. Katakot talaga ng mata nito. Parang dagger kung makatingin sa kaniya.

    "Students are required to use staircase for their stamina. As you can see, most of them are athletes."

    "You're not one of them?" na tanong na lang niya bigla. She was curious, okay?

    "I'm not. I'm an artist." Oh. Maybe isa si Rick sa hindi kinuha ang sports sa club nito.

   "One of the reasons as well, is to be responsible. Kung hindi sila gigising ng maaga, mahuhuli sila sa klase. So, you must be responsible and considerate to others," dagdag pa nito.

    Wow.

    This school is something and she can't wait to unveil it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top