Chapter 3

KATULAD ng sinabi ni Samuel sa kaniya. Malaki nga ang loob ng Evinea at sobrang bilis ng tibok ng puso niya nang makita na maraming estudyante ang nasa loob ng paaralan.

"You, okay?"

Umiling-iling siya. She's not okay. Kung saan man siya tumingin ay pinapalibutan siya ng maraming kalalakihan. Hindi niya alam kung kakayanin niya pa tumagal dito.

Paano kung sa unang araw pa lang ay mahuli na siya? Hindi niya alam ang gagawin.

Balak na sana niya mag back out nang hawakan ni Samuel ang likuran niya at tulakin siya nito papasok sa loob.

"I think maiihi na ako sa kaba, kuya."

Tumingin si Samuel sa orasan nito bago ito sumagot sa kaniya. "Hindi mo ba kayang magpigil?"

Nanlalaki at naiiyak ang mata niya sa narinig. "Anong oras ba start?"

"In twenty minutes."

Napabuga siya ng malalim na hininga. Naiihi na talaga siya dahil sa kaba. "Mayroon malapit na restroom sa page-exam-an mo. Dalian mo lang."

Tumango-tango siya rito bago sila mabilis na pumasok sa isang mataas na building. Mabuti na lang talaga at nasa first floor lang ang room kung saan ang examination.

"Call me kung may kailangan ka. Andito lang ako sa labas. Check ko na rin 'yong room mo."

"Sige, salamat." Papasok na sana siya sa pang babaeng restroom ng hilahin siya ni Samuel sa kabilang bahagi.

"Focus, Ash," mahinang bulong nito sa kaniya lalo na may lumabas na lalaki sa male restroom. Nagtataka na tumingin ito sa kanilang dalawa.

Pinagpagan ni Samuel ang balikat niya bago siya nito tinulak papasok. "Bro! Ayusin mo buhay mo!" sigaw pa nito sa kaniya.

Peke naman siyang tumawa rito at nag-thumbs up. Nakita niya na kinausap nito saglit ang lalaking nakasalubong nila. Hindi na lang niya ito pinansin at tuluyan na pumasok sa loob ngunit agad din siya natigilan.

Sa loob ng restroom. May dalawang lalaki ang nakatalikod sa kaniya at nakaharap sa wall mounted urinal. Natigilan siya at mabilis na tumalikod.

Tangina. Hindi niya naisip ang mga ganitong senaryo no'ng nagpa-plano sila. Ang gusto niya lang mangyari ay mahanap ang lalaking nakatadhana para sa kaniya. Hindi niya akalain na mahirap pala ito.

Pikit mata siyang pumasok sa loob ng isang cubicle toilet at ilang dasal din ang kaniyang nasabi bago siya natapos.

Matapos niya mag-flushed ay nagtungo agad siya sa lababo para maghugas ng kamay. Natigilan ulit siya nang may isang lalaki na tumabi sa kaniya para maghugas ng kamay.

Malapit na ata siyang atakehin sa puso sa ilang beses siyang nagulat sa tuwing nakakakita ng lalaki.

"Ash! Come on! Magsisimula na exam mo," pasigaw na tawag ni Samuel sa kaniya galing sa labas.

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ulit si Samuel naghihintay sa kaniya sa labas ng restroom. Mabuti na lang talaga at kasama niya ang kasintahan ng kaibigan. She wouldn't know what to do if it doesn't.

"Thank you," she mouthed bago pumasok sa loob ng silid para mag-take ng exam.

TINAPIK siya ng isang binata sa likuran nang matapos sila mag-exam. Papalabas na sana siya sa loob ng classroom nang pigilan siya nito.

"Fajardo! Gusto mo sumama ikutin 'yong campus?"

"Ah—" hindi niya alam ang sasabihin. Bakit hindi siya maka hindi? Jusko naman! "Si—"

"Sorry guys! Sa akin sasama si Mr. Fajardo." Inakbayan pa siya nang kung sino man.

"Sige, kita-kits!"

Tumango na lang siya rito. Kanina niya pa hinahanap si Samuel pero hindi niya makita ito.

At sino ba 'tong matangkad at kilala siya nito? Inangat niya ang paningin dito at nakita niya ang lalaking nakasama niya maghugas ng kamay sa loob ng male restroom.

Paano siya nito nakilala? Hindi niya ito nakita mag-exam sa loob ng classroom at nasaan ba si Samuel?!

"Sorry, little dude—" ginulo pa nito ang wig niya. Mabilis niya tuloy nahawakan ang kamay nito para patigilin.

Tinitigan niya ito nang mapansin niya na hindi ito nagsasalita at doon lang siya nalinawan sa itsura nito. Kahit siya ay natigilan nang mapagmasdan ito.

Bakit ang gwapo nito? May kayumanggi itong balat. Matangkad rin ito at may maganda itong pangangatawan. Nakatitig ang itim na itim nitong mata sa kaniya. Mapupula rin ang labi nito na parang bang masarap halikan— eh? Where that came from?

"Kilala mo ako?" tanong niya rito.

Umayos ito nang tayo at winakli ang kamay niyang nakahawak dito. Hindi niya napansin na hawak niya pa rin pala iyon.

"Pinabantayan ka ni Samuel sa 'kin."

"Ano?!" Kumunot ang noo nito sa kaniya pero agad rin nawala at tumingin sa mga estudyante bagong labas sa examination.

"Pinatawag siya saglit ng coach niya— gutom ka na ba?"

Nanliwanag ang kaniyang paningin sa narinig. Kanina pa siya nagugutom. She wanted to eat lalo na alam niyang malawak ang cafeteria sa campus.

"Ang liit mo, alam mo ba 'yon?" Nagulat siya sa sinabi nito. Hinawakan pa nito ang braso niya at pinisil-pisil ito. "Ang lambot mo rin, no? Gusto mo sumama mag-gym minsan para tumigas naman 'yang braso mo."

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Tatanungin siya kung kumain na ba siya tapos bigla siyang aasarin? Anong klaseng utak meron ito?

"Kung maliit ako, ikaw naman kapre!" inis niyang sigaw rito. How dare him? Tinaasan niya pa ito ng kilay.

"At saan karton ka naman napulot ni Samuel?" bara pa nito. Hindi pa rin ito natatapos sa banter nito?

At A-ano raw?!

Ano siya aso?

"Gago ka! Humanap ka ng kausap mo!" Tinalikuran niya ito at balak na sana niya umalis nang maalala na hindi niya kabisado kung nasaan siya.

Binalikan niya ito. May maloko itong ngisi nakapaskil sa labi nito.

"Are you lost, little dude?"

"Fuck you! Samahan mo ako, gutom na ako!" Tanging tawa lang ang sinagot nito sa kaniya bago siya nito inakbayan at sinamahan papunta sa loob ng cafeteria.

NALULA siya sa sobrang laki ng cafeteria. Sa huling paaralan niya ay hindi ganito kalaki. Panigurado maraming pagkain sa stools. Hindi niya tuloy maiwasan na mapangiti.

Nawala lang ang ngiti niya ng tapikin siya ng walang hiyang lalaki na kasama niya pagkatapos ay tinuro ang mahabang pila sa counter ng mga pagkain. Muntik na siya mapa-atras sa dami ng kalalakihan sa loob.

Ang ingay din sobra. Puro tawanan at murahan ang naririnig niya sa paligid.

"Tara na kung gusto mo makakain."

"Ganito ba palagi rito?" she asked.

Pinasok ng binata ang kamay sa loob ng bulsa nito pagkatapos ay naglakad patungo sa counter. "Not really, sadyang entrance exam lang today. Maraming outsider. Isa ang cafeteria sa dinadayo rito. Parang ikaw."

"Dude, I used my brain. Of course, magugutom ako."

"Of course, you are," he said in mockery. Parang hindi na siya natutuwa sa mga pasaring nito, ah?

Babarahin niya pa sana ito nang mapansin nasa tapat na sila ng counter. Nakita niya ito na bumati sa mga kakilala at hindi man lang nawala ang ngiti nito.

She wondered. Kaano-ano kaya ito ni Samuel para ipagtiwala na bantayan siya nito rito?

Pumuwesto sila sa bakanteng lamesa nang matapos sila makabili ng pagkain. Maraming masasarap ang pinagpilian niya pero she managed to choose only the two things she liked.

Kumulang kasi 'yong dala niyang pera. Paano ba naman ang mamahal ng panindang pagkain. Akala pa naman niya ay mura lang dahil cafeteria ito.

Napansin ata ito ng binata dahil tinanong siya nito kung ayos lang ba siya.

"Bakit ang mamahal ng pagkain?"

Malakas na tumawa ito na kinakunot niya. Seryoso kaya siya! She almost rolled her eyes at him.

"Akala ko naman kung ano na." Nagsimula na ito kumain ng biniling pagkain. "I'm serious, dude!" panggigil niya rito.

"I know— and ipapaalala ko lang ulit, entrance day ngayon."

Mas lalo kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan.

"It means, kinukuha ito ng pagkakataon para magbenta. Once kasing pumasok ka na rito, magkakaroon ka ng meal card based sa grades at activity mo. Galing sa mga sponsors ng school ang ginagamit sa meal cards. Malalakas kumain ang mga players, kaya madalas lugi ang cafeteria."

Ah, kaya pala. Kaya siguro gusto ng kaniyang ina na rito siya pag-aralin?

"Are you one of those players?" she asked. Nagsimula na rin siya kumain. "Maybe," mapaglarong sagot nito sa kaniya. Tinaasan naman niya ito ng kilay.

"Hindi ka matino kausap."

He chuckled. "Nakakatawa kasi 'yang facial expression mo. Ang bilis magbago," naiiling nitong saad. Natigilan naman siya. Halata na ba siya? Pero wala naman itong sinasabi sa kaniya.

Tinaasan na lang niya ito ng middle finger. Nahihirapan na kasi siya palakihin 'yong boses niya.

Tumingin ito sa kaniyang likuran. Nakaramdam naman siya ng pagtapik sa balikat. Paglingon niya ay nakita niya si Samuel.

She smiled mentally. Finally, may kakilala na siya.

"Cous, mauna na kami. See you around!"

"Anong see you around? May bayad 'yong tulong ko."

"I know. I know. One week sa 'yo ang meal card ko."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Samuel. Parehas silang nagulat ng pinsan nito. Pinsan niya pala 'tong mokong na 'to? Kaya pala, tiwala siya nito pag-iwanan.

"You fucking kidding me?!"

"Kaya nga, nanloloko ka lang, hindi ba?" singit niya.

Parehas lang sila nginitian ni Samuel then said "No?"

"He never does that. You must be something special," saad pa ng pinsan ni Samuel. Yeah, she's something but sandali nga! Hindi niya pa ito kilala!

"Anong pangalan mo nga ulit?" she asked. Parehas natawa sina Samuel at pinsan nito sa kaniyang tanong. "Gago ba kayo? Hindi kayo nagpakilala sa isa't isa?"

"Paano ba naman, asar agad inuna ng pinsan mo."

"I'm Anthony. Second cousin ni Samuel."

She smiled. "Ashl—" nabatukan siya ni Samuel sa kaniyang sinabi. Naguguluhan naman na tumingin si Anthony sa kanila.

Hinawakan niya ang ulo tapos ay pumeke ng ubo. "Ash Fajardo, pre. Just Ash." Inabot niya ang kamay dito na kinuha naman ni Samuel.

"Need na namin umalis. See you cous."

Nang makalayo sila ay binitawan agad ni Samuel ang kamay niya. "'Wag ka basta-bastang nagpapahawak. Malilintekan ako kay Law nito." Natawa na lang siya sa naging reaksyon nito. Thankful talaga siya sa mga kaibigan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top