Chapter 25

     SA madilim na paligid ay walang alintana na sinundan niya ang liwanag nag mumula sa sulo. Dahan-dahan siya nag lakad. Ramdam niya ang malamig na likido sa kaniyang paanan sa tuwing umaapak ito sa semento.

     Ilang hakbang pa ay namalayan niya ang bawat inaapakan ay biglang naging malapot. Hindi man kumportable ay nagpatuloy siya sa paglakad para sundan ang liwanag. Ang bawat hakbang niya ay pabigat nang pabigat.

     Maski ang puso niya ay parang pinipiga at dinudurog sa sobrang sakit nito pero nag patuloy pa rin siya sa paglakad hanggang magkaroon ng kaunting liwanag ang paligid.

     Inikot niya ang paningin sa mga sulong nakatirik sa bawat poste na dadaanan niya. Nag sasayaw ang mga apoy sa tuwing tumatama ang malamig na simoy ng hangin hanggang makarinig siya ng iyak.

     Sa una ay mahina lang ito hanggang palakas nang palakas. "A-anak?!" sigaw niya. Tumakbo siya at sinundan ang umiiyak na sanggol sa hindi kalayuan.

     Takbo siya nang takbo.

     Takbo.

     Takbo.

     Hanggang bumagsak siya sa sementong umiiyak. Pinatitigan niya kung saang malapot dumapo ang kaniyang kamay. Nang makita ang pulang likido ay nag sisigaw siya. Palakas nang palakas ang bawat sigaw niya hanggang hindi na siya matigil sa pag-iyak.

     Hindi niya namalayan napapalibutan na pala siya ng malapot na dugo.

    Ang puti niyang kasuotan ay na mantsahan ng dugo. Mas lalo pa siya sumigaw nang makita kung ano ang nasa unahan niya. Pulang-pula ang tubig sa pool at sa kalagitnaan nito ay may isang lumulutang na sanggol.

     KINAKAPUSAN ng hangin na bumangon siya sa pagkakahiga. Hindi mag maliw ang bawat patak ng luha niya habang pilit hinahabol niya ang kaniyang paghinga.

     "Breathe, Ashley, breathe."

     Mahigpit siyang kumapit kay Greygory nasa tabi niya. Marahan din nito tinapik ang kaniyang likuran. Tumingin siya sa kasintahan. Doon niya lang napagtanto nasa tabi niya si Greygory.

     "G-grey?" namamaos niyang tawag sa pangalan nito. "Yes, baby. I'm here." Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ng ilang beses.

     Mas lalo siyang umiyak nang maalala ang nangyari at ang naging panaginip niya.

     "My baby? O-our baby?"

     Hindi nagsalita si Greygory bagkus ay mahigpit lang siya nito niyakap hanggang marinig niya ito suminghot at tahimik na umiyak sa kaniyang tabi. Hinigpitan niya ang yakap dito.

     "I'm sorry, I promise I will take care of you. I won't let them hurt you ever again," nahihirapan na bulong ni Greygory sa kaniya.

     Hinarap niya ito sa kaniya. Pinatitigan niya ito sa mata pagkatapos ay pinunasan niya ang luha nito sa pisngi.

     "I.. I'm sorry, Grey. Hindi ko nagawang—" hindi niya nagawang matapos ang sasabihin. Hinalikan siya ni Greygory sa noo at marahan na bumulong. "It's no one's fault."

     INABOT niya ang kamay nina Law, Win-win at Quinn nang dumalaw ito sa kaniya. Mahigpit na niyakap siya ng mga ito habang si Quinn ay hindi mapigilan maiyak kung saan hinila ni Anthony sa isang yakap.

     "Natagpuan na ni Win-win soulmate niya," bulong ni Law sa kaniyang tainga. Gulat na nilingon niya ito. "T-talaga? Kailan pa?" nahihirapan niyang saad pagkatapos ay binalingan niya si Win-win.

     Umikot ang mata ni Win-win sa kaniya at niyakap siya ulit. "Si Carter pangit."

     Bigla siya natawa. Ang liit ng mundo nila. Hindi siya makapaniwala na si Carter ang magiging soulmate nito. "Kumusta kayo? Nasaan si kuya?"

     "Nasa labas. Kasama si Grey. Inaasikaso ang paglabas mo."

     Bigla siya nalungkot. She slightly smiled at them. Parang no'ng nakaraang araw lang ay masaya sila ni Greygory nang malaman nila na magiging magulang na sila.

     But in just a snap of a finger. Everything was gone. Hindi man lang sila hinayaan mahawakan ang anak nila at kinuha na agad ito sa kanila.

     "Ashley?" nag aalala na tanong ni Law sa kaniya. Umiling-iling siya rito at tuluyan na umiyak ulit. Agad naman siya dinaluhan ng mga ito at niyakap ng mahigpit habang siya ay hindi tumigil sa pag-iyak nang pag-iyak.

ISANG taon siyang tumigil sa pag-aaral. Sa daming nangyari sa kanila ay hindi niya kinayahan makipaghalubilo sa mga tao lalo na't mapag-isa.

Hindi umalis si Greygory sa kaniyang tabi at katulad nito ay hindi niya rin ito pinabayaan.

Bago siya mag discharged sa hospital last year ay humingi ng tawad sa kaniya ang ina. Hindi niya makalimutan kung paano ito umiyak sa kaniyang harapan at paulit-ulit humingi ng tawad.

Pinatigil din nito ang kasunduan sa mga Durbos. She vividly remembered what her mother said that day.

"Hindi ko makakalimutan nang matagpuan ko ang ama mo. Ako ang pinakamasayang babae sa mga oras na iyon at alam kong gano'n din ang tatay mo,"

"Nangako kami na hindi iiwan ang isa't isa kahit na alam naman natin, imposible mangyari 'yon. Hindi tayo immortal para mabuhay magpakaylanman,"

"I loved your dad. I still do pero nang mawala siya. Parang nawala rin ang kabila kong pagkatao. Sobrang sakit lalo na kapag iniisip ko na may anak siyang naiwan,"

"Sa murang edad ay lalaki kang walang tatay. Hindi iyon ang plano. Ang plano namin ng tatay mo. Kailangan namin makita ka makasal at magkaanak at tawagin kaming lola't lolo ng magiging anak mo."

Sinubukan hawakan ng ina niya ang kamay niya at marahan itong ngumiti sa kaniya.

"Pumayag ako magpakasal ka kay Kayden dahil ayoko matulad ka sa 'kin. Akala ko kapag hindi soulmate mo ang nagkatuluyan mo ay maiiwas kita sa sakit kapag may mangyaring hindi maganda. 'Wag naman sana,"

"Pilit ko sinasabi sa sarili at pinapaniwala na para sa 'yo ang ginagawa ko pero hindi ko akalain na mas lalo pala kita nasaktan."

"Hindi ako aasa na mapapatawad mo ako agad but I'm sorry sa lahat-lahat."

Mariin niyang pinikit ang mata at pinunasan ang pisngi. Masakit pa rin kapag naaalala niya ang nangyari. Sa tingin niya ay hindi na mawawala iyon. Habang buhay na niya dala-dala ang sakit.

"Babe, are you ready?"

Minulat niya ang mata at nilingon si Greygory nasa harap ng pinto sa kanilang silid.

Pinagpagan niya ang suot na damit pagkatapos ay sa huling pagkakataon ay sinilip niya ang sarili sa salamin.

"I'm ready!" Nilapitan niya ang kasintahan at inabot ang kamay nito. Hinalikan naman siya ni Greygory sa labi na kina-ngiti niya.

"Morning," he greeted.

"Good morning, mahal," bati niya rin dito bago sila sabay na lumabas ng apartment.

Nakakuha ng pagkakataon para mag try-out ulit si Greygory sa pinapangarap nitong universidad. Nasa second year na ito sa kolehiyo habang siya naman ay bumalik sa pag-aaral ng senior.

    Greygory insisted na magsama silang dalawa. Walang nagawa ang kaniyang ina sa naging desisyon ni Greygory.

    At araw-araw ay pinapatunayan ni Greygory na hindi siya nagkamali na sumama rito kahit araw-araw niya rin sabihin dito na hinding-hindi siya magsisi na pumayag siyang sumama rito.

    Masipag at mapagmahal si Greygory. Pinili nito mag trabaho at mag aral in the same time. Siya naman ay unti-unti siyang tumutulong dito para makapaglagay ng pagkain sa kanilang lamesa.

    They both refused to get help from other people. Parehas silang dalawa ni Greygory may gustong mapatunayan at hindi siya mapapagod lumaban sa hamon ng buhay kasama ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top