Chapter 23

     PINATITIGAN niya ang sarili sa salamin. Walang tigil na bumagsak ang kaniyang mga luha. Mariin niyang pinikit ang mga mata at marahan na hinaplos ang malambot na kasuotan.

     Agad siya napamulat nang maramdaman ang mainit na balat sa kaniyang pisngi.

     Pinunasan ng kaniyang ina ang luhang bumagsak sa kaniyang mata pagkatapos ay dinampian ito ng malamig na foam. Nilingon niya sa gilid ang isang makeup artist. Ngumiti ito sa kaniya at inayos ang makeup niya.

     Pinagmasdan niya kung paano umanga't baba ang dibdib niya sa salamin. She was wearing a white gown. Kung alam niya lang, no'ng mga oras na sumama siya kay Kayden kahapon ay hindi na sana siya tumuloy pa.

     All this time, inaasikaso na pala ng mga ito ang kasal nila ni Kayden. Kinulong lang siya ng ilang linggo sa Evinea girls' town para hindi siya makatakas.

"Stop crying, Ashley," her mom commanded. Mariin niyang pinatitigan ang sarili. She wanted to cry. She wanted to scream. She wanted to see Greygory.

     MARIIN niyang hinawakan gamit ang dalawang kamay ang palumpon ng mga bulaklak nang tumunog ng malakas ang kampana ng simbahan.

    Nang bumukas ang malaking pinto sa kaniyang harapan ay bigla niya naiharang sa kaniyang mata ang isang kamay. Sumilay sa kaniya ang sobrang liwanag na daan.

    Unti-unti naman siyang nag lakad patungo sa altar. Tumutugtog sa background ang isang violin habang dahan-dahan siyang nag lakad papunta sa unahan.

     Tuloy-tuloy din ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi. Wala na siyang pakealam kung masira man ang makeup na suot niya o water proof man ito dahil sa mga oras na iyon, she wanted to run. Palayo sa simbahan at palayo sa kanila.

    Malapit na siya sa altar. Naka-suot ng itim na tuxedo si Kayden sa tabi ng pari. Nakatingin ito sa kaniya habang hinihintay siya nito.

    Dumako ang paningin niya sa ina. Hinihintay siya nito pero huminto siya sa pag lakad. Nakarinig siya ng mga bulungan. Sari't sari ito.

    Nagtataka nakatingin sa kaniya ang ina. Her mother was hoping na ituloy niya ang pag lakad pero umatras siya ng isang hakbang.

   "Ashley," her mom called her.

     Umiling-iling siya rito. Binalik niya ang tingin kay Kayden. Mapapansin hindi na rin ito natutuwa sa paghinto niya.

    Mas lumakas ang bulungan habang hindi naman huminto ang violin sa background. Bigla siya nahilo. Ang sakit ng ulo niya.

    "No, no."

     Ayaw niyang ikasal dito.

    Aatras pa sana ulit siya nang matigil siya sa kaniyang kinakatayuan. Ang bilis ng puso niya. Parang kakawala na ito sa sobrang bilis nito.

Hindi niya mawari kung nag ha-hallucinate lang ba siya o totoo itong naririnig niya?

"Itigil ang kasal!"

Lumingon siya kay Greygory nasa harapan ng malaking pinto ng simbahan. Nakahawak ito sa magkabilaan na tuhod habang hinahabol nito ang paghinga.

"G-grey!" iyak niyang sigaw sa pangalan nito. Hindi na siya nag dalawang isip pa at tumakbo siya patungo rito.

Tinawag siya ng ina pero hindi niya ito pinansin. Tumakbo lang siya nang tumakbo patungo sa kasintahan hanggang nasalo siya nito sa mga bisig.

Mahigpit itong yumakap sa kaniya. "I'm sorry. I'm sorry, baby," paulit-ulit nitong paumanhin sa kaniya. Iyak naman siya nang iyak.

"Guys! Come on! Let's go!"

Nilingon niya sina Law at Win-win nasa bungad ng simbahan. Mabilis naman na hinawakan ni Greygory ang kamay niya at hinila siya nito patakbo palayo sa mga taong nasa simbahan.

Tumakbo sila nang tumakbo hanggang marating nila ang isang itim na sasakyan. Binuksan ito ni Samuel. Mabilis silang nakapasok sa loob ni Greygory.

Hindi pa siya nakakahinga sa mga nangyayari ay agad na pinatakbo ni Carter ang sasakyan. Nilingon niya si Samuel na tumulong kala Law at Win-win sa pagpigil na sundan sila.

    Hinihingal pa rin siya. May malamig na butil ng tubig ang tumutulo sa kaniyang noo sa sobrang kaba pero kahit gano'n ay sobrang saya niya.

"Breathe, Ashley," saad ni Greygory. Hinawakan pa nito ang kamay niya ng mariin. Doon niya lang din namalayan kung sino nakaupo sa passenger seat.

"C-cooper."

Nilingon siya nito. "Hi, bunso!" Ngumiti ito sa kaniya na mas kinaiyak niya. Binatukan ni Carter si Cooper habang pinatahan naman siya ni Greygory.

    "I.. I really thought I wouldn't see you again," iyak niyang saad sa kasintahan. Mahigpit naman siyang niyakap ni Greygory. Marahan nitong tinapik ang likuran niya.

    "I won't allowed that, Ashley."

     Tumango-tango siya rito at mas lalong hinigpitan ang yakap nito. Hindi na siya papayag na magkahiwalay silang dalawa ng binata.

NAGISING siya dahil sa tunog nang malakas na paghampas ng dagat sa hindi kalayuan. Naabutan niya si Greygory nakatalikod sa kaniya. Naka-balandra ang hubad nitong likuran sa kaniyang harapan.

"Grey," namamaos niyang tawag sa binata.

Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng isang ngiti nang makita siya nito. May hawak itong mug sa kanan nitong kamay. Binaba nito ang baso sa sidetable bago siya nito nilapitan.

"Baby," he called. She closed her eyes and smiled. She missed this. She missed his voice. She missed him.

Umayos nang upo si Greygory pagkatapos ay inakbayan siya nito at hinawakan ang kamay niya. Marahan din nito hinimas ang braso niya. Parang pusa naman siyang kiniskis ang pisngi sa kamay nito.

"Namiss kita, Grey."

Hinalikan siya ni Greygory sa kaniyang temple. Isang beses. Pangalawang beses. Nang mag tatlong beses ang halik nito sa kaniya ay doon ito tumagal.

Pinikit niya ang mata at hinayaan ang malamig nang simoy na hangin tumama sa kanilang balat.

She couldn't believe it. Ilang beses niya pinagdasal na makita ulit si Greygory. Hindi lang makita ito kundi makasama ulit ito.

     For the rest of her life.

"How are yo—"

Hindi natapos ni Greygory ang itatanong sa kaniya nang mabilis niyang binitawan ang kamay nito at tumakbo sa loob ng kubeta.

Lumuhod siya sa harapan ng bowl at sinubukan dumuwal dito pero walang lumalabas sa kaniyang bibig pero sobrang sakit ng tiyan niya na parang masusuka siya.

"Ashley?" nag aalala na tawag ni Greygory sa kaniya. Inangat niya ang paningin dito pero agad ulit siya naduwal.

Mabilis na dinaluhan siya ni Greygory. Hinawakan nito ang buhok niya at marahan nitong tinapik ang likuran niya pero tanging pag duwal lang ang ginagawa niya.

Marahan na hinawakan ni Greygory ang tiyan niya. Natigilan siya pagkatapos ay nilingon ito. Nakatitig na ito sa kaniya. Maluha-luha ang mga mata nito.

She gasped.

"G-grey?" natatakot niyang tawag sa pangalan nito. Hinawakan nito ang kamay niya at niyakap siya nito ng mahigpit.

"Shh, baby. Everything will be alright."

"Grey?" Hindi niya mahanap ang boses o kung anong gustong sabihin dito.

"You stay here. Hintayin mo ako. Babalik din ako agad." Hinawakan ni Greygory gamit ang dalawang kamay nito ang pisngi niya at pinatitigan siya nito sa mata.

"I love you," he said pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi.

Naluluha naman na ngumiti siya rito. "I love you, too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top