Chapter 22
BAGSAK ang balikat na tinitigan niya si Kayden nakatayo sa harapan ng sasakyan nito. Mariin na hinila ng ina niya ang braso niya at dinala sa harapan ng binata. Pinanlisikan niya ito ng tingin.
"Did you know?"
Hindi sumagot si Kayden sa kaniya bagkus ay pinatitigan lang siya nito. "I fucking hate you!" sigaw niya sa mukha nito.
He sighed then binuksan nito ang pinto ng sasakyan. Kinuha rin nito ang braso niyang hawak ng ina at ito na ang humawak sa kaniya. Sinubukan niya umalis sa hawak nito pero mas dumiin ang kapit nito sa braso niya.
She was hurting.
"Come on, Ashley. Get your pretty little ass inside the car."
"No!" sigaw niya rito.
"I asked you nicely," he said bago siya nito binuhat at pinasok sa loob ng sasakyan. Pumiglas siya rito pero pumasok din ito sa backseat. Hinawakan niya ang pinto sa kabilang gilid nang i-locked ng driver ang sasakyan.
Inis na binalingan niya si Kayden. "Fuck you!" Hinampas niya ito sa braso at dibdib. Hindi naman ito nag patinag sa bawat hampas niya hanggang makita niya si Greygory na tumatakbo palapit sa kanila.
"G-grey!" tawag niya sa kasintahan ngunit umandar na ang sasakyan.
"Ipatigil mo, Kayden! Baba ako!"
"No, Ashley. You're coming with me."
"Bitawan mo ako." Hinaltak niya ang braso sa pagkakahawak nito rito pagkatapos ay pinanood niya si Greygory sa hindi kalayuan. Naharang ito ng kaniyang ina pero hindi nawala ang tingin nito sa kanilang sasakyan na palayo rito.
Umiyak siya. She just wanted to find her soulmate. Bakit kailangan parehas pa silang mahirapan ni Greygory? Mas lalo siya umiyak nang makaalis ang binata sa pagkakaharang ng kaniyang ina at patakbo itong sinundan sila.
"Paki-bilisan ang sasakyan," utos ni Kayden sa driver.
Sinigaw niya nang sinigaw ang pangalan ni Greygory hanggang mapaos siya. She promised, she will not give up from their love and it won't happen any soon.
HINDI siya lumabas ng kwarto nang makauwi sila sa kanila. Hindi rin siya kumakausap sa mga ito kahit ilang beses siya sinubukan kausapin ng ina.
Galit siya. Galit siya sarili. Galit siya sa nangyayar—
Dumako ang mata niya sa kaniyang palad. Unti-unti nagkaroon ito ng sulat. Itim na tinta. Magulo ang hand writing nito pero alam niyang galing ito kay Greygory.
"I'm sorry, baby. I promise I will find ways to get you out of there."
Nang mabasa niya ito ay ang kanina niya pang iyak ay mas lalong lumakas. Iyak siya nang iyak. She missed him so much.
NABALITAAN na lang niya inilipat siya ng ina sa girls-town ng Evinea at gusto siya nito papasukin dito sa madaling panahon. No'ng linggo rin na 'yon ay hinatid siya ni Kayden at ng ina sa girls-town. Katulad sa boys-town ay may dormitory ang mga ito.
Binaba ni Kayden ang bagahe niya sa loob ng silid ng dormitory naka-assigned sa kaniya. Hindi na niya inisip pa kung paano napapayag pumasok si Kayden sa loob dahil wala na siyang pakealam kung ano ginawa ng mga ito para makapasok siya agad sa girls-town ng Evinea.
Nilapitan siya ni Kayden at kinuha ang kamay niya. Tiningnan nito ang palad niya pagkatapos ay ang braso niya. Hinakwi niya ang braso rito at masama itong tiningnan.
"I already told you, chinecked na ako ng nanay ko," inis niyang saad. Nang mag sulat kasi si Greygory sa kaniya ay nahuli siya ng ina. Simula no'n ay palagi na siya chi-ne-check ng mga ito at pinagbawalan siya gumamit ng kahit anong uri na pwede makasulat sa kaniyang balat.
Tumango ito. "If you need something. You can use the telephone downstairs."
"Oo na!" Hinila niya ang maleta at nilagay sa gilid ng kama.
"Mauna na ako." Hindi niya ito sinagot bagkus ay nagpatuloy lang siya sa pag bukas ng maleta at pag labas ng mga kagamitan niya. "I'd know if you call him," saad ni Kayden bago ito lumabas ng silid.
Nang marinig mag sara ang pinto ay pabagsak siyang napaupo sa sahig at umiyak nang umiyak.
SHE hasn't talk to any of her friends ever since that day. Pinagbawalan siya ng ina kumausap sa mga ito dahil daw ang mga kaibigan niya ang tumulong sa kaniya para mag sinungaling. It's been one week. Hindi siya kinakausap ng roommate niyang babae.
Ibang club din ang pinasali sa kaniya dahil hindi hahayaan ng ina niya na bumalik siya sa art club lalo na kung maraming kagamitan roon para sa pag guhit.
Binaba niya ang tray sa lamesa. Isang linggo na siyang namamalagi sa girls-town. Nakakapanibago dahil nasanay siya sa suot na slacks at long sleeve. Hindi katulad sa girls-town ay nakasuot sila ng uniporme na skirt at short sleeve na polo.
Wala man siyang gana kumain ay sinubukan niya nguyain ang laman na pagkain sa bibig. Napagalitan siya no'ng nakaraan na hindi man lang siya kumain. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito pero wala na siyang pakealam.
"Siya 'yong babae nag panggap na lalaki?"
"Yeah, para hanapin ang soulmate niya."
"That's so sweet."
"That's absorb! At isa pa, it was Greygory!"
"Selos ka lang, girl. Remember, binigay mo 'yong number mo sa kaniya no'ng nakaraan? Kaya pala, hindi ka no'n pinansin."
Mariin niyang hinawakan ang tinidor. Hindi man lang nahiya ang mga ito at sa harapan niya pa siya pinag-usapan ng mga ito. Pinanood niya ang babaeng may kulot na buhok ang inis na umalis sa pwesto nito at nag tungo sa ex—
"Hi!"
Kumunot ang noo niya nang may umupo sa harapan niyang upuan. Isang linggo na siya namamalagi rito pero walang ni-isa ang nakipagkaibigan sa kaniya.
"What do you want?" she bitterly asked.
Ngumiti ito sa kaniya. "I'm Quinn. Anthony's soulmate."
Nabitawan niya ang tinidor at gulat na pinatitigan ito. Gusto niya umiyak. This is the closest interaction she had with her friends but not technically.
She cleared her throat. "H-hi."
Kinuha ni Quinn ang kamay niya at marahan itong pinisil. "Let's be friends? Also, before I forgot. Nag aalala sa 'yo si Gory and your friends, shempre."
HINDI niya inakala na makikilala niya ang soulmate ni Anthony at magiging kaibigan ito. Tinulungan siya nito. Patago nilang tinawagan ang numero ni Anthony at kinausap si Greygory. Maiyak-iyak siya nang marinig ang boses ng kasintahan.
"G-grey."
'My baby. I'm sorry, how are you?' She bit her lower lip. Umiiyak man ay sinusubukan niya pa rin hindi umiyak para hindi mag alala sa kaniya ang binata.
"I missed you so much," she said. Hindi niya sinagot ang katanungan nito. They both know they were not okay. 'I missed you, too, baby.'
Nang marinig ang sinabi nito ay tuluyan na siyang umiyak. She heard him said something to calm her but she couldn't think properly. Hinawakan ni Quinn ang kamay niya at marahan itong pinisil. She missed Law and Win-win as well.
'I love you, Ashley. Ginagawa namin ang lahat to get you out of there. Be brave for me, okay?'
Tumango-tango siya. "I.. I love you, Grey. Sobra."
'I know baby. I am too.'
Inabot niya kay Quinn ang cellphone nang tumigil ang tawag. Hinawakan niya ang binti at niyakap ito nang mahigpit. Umiyak siya nang umiyak habang marahan na tinatapik ni Quinn ang likuran niya.
LUMIPAS ulit ang panibagong isang linggo. Walang nag bago sa kalagayan niya. Maliban na lang nang ilang araw na siyang nagigising sa umaga na masama ang pakiramdam.
Inabutan siya ni Quinn ng gatas nang magkita sila sa cafeteria. Nauna kasi itong kumain dahil nahirapan siya gumising. Kahit kakagising niya lang ay parang pagod na pagod siya.
"Ayos ka na? Pumunta ka muna kaya sa clinic?"
Umiling siya. "I'm fine. Mawawala rin 'to. Hindi lang talaga ako nakakain ng maayos no'ng mga nakaraan araw."
"Sigurado ka? Do you want me to go outside to buy you a food?"
Natigilan siya sa pag-inom ng gatas. Pinag-isipan niya kung gusto niya ba ng pagkain sa labas? Kung iisipin ay nakakasawa na ang mga pagkain nasa cafeteria. Hindi naman siya pu-pwedeng lumabas ng campus kahit pwede silang lumabas.
Pinagbawalan siya ng ina at ni Kayden lumabas.
"Hindi na, Quinn. Ayos lang talaga ako at isa pa, nakakahiya sa 'yo."
"Ano ka ba, hindi, no!" Niyakap siya nito sa tagiliran. "I missed Anthony."
She chuckled. Inakbayan niya ito. "Kapag tapos na ang lahat ng ito. Let's meet up with them."
"I'd love that, Ashley."
BAGO siya umakyat sa silid niya ay tumigil muna siya dahil tinawag siya ng isang receptionist sa dormitory nila.
"Good evening, Miss Ashley. Your mother is on the phone."
Tumango siya rito at kinuha ang itim na telepono sa kamay nito. Tinapat niya ito sa tainga at hinintay ang ina mag salita. She doesn't want to talk to her but she had no choice.
'Ashley, anak?'
Umikot ang mata niya. Mariin niyang hinawakan ang telepono. She wanted to tell herself na ginagawa iyon ng ina para sa kaniya pero hindi niya maiwasan magalit. Of all people, dapat ang ina niya may alam kung ano ang pakiramdam na mahanap ang sariling soulmate.
"I'm here."
'Kayden will fetch you on Saturday. Pack a few things.'
"Ayoko, ma. I'm staying here."
'Don't be stubborn, Ashley. Whether you like it or not, you're going home!' Binabaan siya nito ng tawag. Bagsak niyang binaba ang telepono. She balled her right hand into fist. She had enough.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top