SHE smiled nang bigyan siya ni Greygory ng cold milk sa tray na bitbit niya.
"Thanks," nahihiya niyang pasalamat. Kahit ilang months na sila nito magkakilala ay hindi niya pa rin maiwasan na mahiya rito.
"You're welcome," bulong nito sa kaniya bago nito kunin ang mansanas sa counter. Sinundan naman niya ito sa pwesto nina Samuel at Cooper.
"Morning, Ash," bati ni Bleu sa kaniya. Natigilan siya. Maliban kala Samuel at Cooper. Kasama pa ng mga ito ay sina Anthony at Bleu.
Bagsak na binaba ni Greygory ang tray sa lamesa at tumabi kay Bleu. Nag tanong pa si Bleu kung ayos lang ba ang kaibigan pero hindi ito sinagot ni Greygory.
Tahimik na lang siya umupo sa tabi ni Greygory habang narinig niya ang mahinang tawa ng tatlong nasa harapan nila. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito.
"Tabi. Ako di 'yan."
Nilingon niya si Carter nasa gilid niya. Pinapaalis siya nito. Sasabat sana si Greygory nang mabilis siyang tumayo at lumipat sa center table.
"Ash, do you like here? Palit tayo?" Bleu asked pagkatapos tinuro nito kung saan ito nakapwesto. Inis na nilingon ito ni Greygory.
"Will you shut it? Ayoko siyang katabi," inis na saad ni Greygory. Mas lalo naman nag tawanan sina Samuel, Cooper at Anthony habang si Carter naman ay piningot si Greygory.
"The fuck?! I'm your Captain!"
"Oh, whatever you say, Captain," pang-aasar ni Carter.
Bumuntong hininga na lang siya nang malalim. It's the fourth day na ng foundation day nila. Simula nakwento niya kay Greygory kahapon na crush niya si Bleu ay kaunting marinig lang nito ang pangalan ng kaibigan ay sinasamaan na siya nito ng tingin.
Napailing-iling na lang siya at patagong ngumiti. Parang sira talaga si Greygory minsan.
AKALA niya no'ng una, kukunti ang mga taga outsider na pupunta sa campus nila pero hindi niya akalain kahit nasa fourth day na sila ay gano'n pa rin katulad sa unang araw ang dami ng tao. Marami rin siyang napansin na mga Angelus dahil sa mga iba't ibang guhit nakikita niya sa mga katawan ng mga ito.
Kahapon ay may nakita siyang mag couple na may parehas na drawing sa braso. Hindi niya mapigilan ang mainggit sa kaniyang nakita. Gusto niya rin maging malaya ipagsigawan sa mundo nahanap na rin niya ang taong nakatadhana sa kaniya na walang kinakatakutan.
"I'm just kidding. I'm sorry."
Hahawakan sana ni Greygory ang kamay niya nang iiwas niya ito. Napansin niya nasaktan ito pero wala itong sinabi. Alam nilang dalawa na kailangan nila mag ingat.
"Wag mo na gagawin iyon. Walang kasalanan best friend mo."
He sighed and pouted. Gusto niya tuloy kurutin ang nguso ni Greygory sa pagiging cute nito. "After this semester, I'll tell him I found you."
Hindi niya mapigilan na kiligin sa sinabi nito. "I'd love that, Grey."
"I love you," biglang saad na lang ni Greygory sa kaniya. Biglang gusto niya tuloy umiyak. She loved him, too.
Marahan niyang tinapik ang braso nito. Nasa gilid sila ng daan papunta sa soccer field para manood ng sayaw.
"I love you," she mouthed. Pangako niya sa susunod kapag sinabi niya ulit ang katagang iyon, may boses na.
Mag papatuloy na sana ulit sila sa paglakad nang matigil siya. Napansin niya na nilingon siya ni Greygory pero hindi niya ito nilingon bagkus ay hindi niya inalis ang tingin sa kaniyang unahan.
"M-ma," nang hihina niyang tawag sa ina.
Makikita man ang gulat sa mga mata ng kaniyang ina ay hindi naman nawala ang galit nito sa kaniya nang makalapit ito sa kaniyang harapan. She wanted to say something but she couldn't find her voice. It won't come out.
Namalayan na lang niya ang sariling nakatayo sa harapan nito matapos nitong sampalin ng malakas ang kaniyang pisngi. Tumulo ang kaniyang luha. Hinawakan niya ang mainit na pisngi. It definitely stings.
At hindi lang ito physical, pati ang puso niya ay nadudurog.
"How dare you," mahina pero may diin na saad nito sa kaniya. Galit na galit talaga sa kaniya ang ina. Sino ba ang hindi magagalit? Nag sinungaling siya pero hindi niya pagsisihan ang lahat ng ginawa niya.
She found Greygory. She found him.
Naramdaman niya ang kamay ni Greygory na humawak sa kaniya. Mariin itong nakakapit sa kaniya. Napansin niya rin nakakuha na sila ng atensiyon sa mga estudyante nasa paligid.
Nilingon ng ina niya si Greygory at sa kamay nitong nakahawak sa kaniya. Namumula ito sa galit. Napansin niya rin pinagmasdan nito ang pixie niyang buhok. Mas tinatagan niya ang loob. Para sa sarili at para sa kanilang dalawa ni Greygory.
"Tama na 'tong kalokohan mo, anak."
"N-no!" Napiyok man siya ay hindi niya inalis ang tingin sa ina.
Naramdaman niya na mag sasalita si Greygory ngunit pinigilan niya ito. Gusto niya na siya mismo ang haharap sa ina. Presensiya lang ng binata sa kaniyang tabi ay ayos na sa kaniya.
But right now, she wanted her mother to know. Hindi siya papayag na mag pakasal sa taong hindi nakatadhana sa kaniya.
"Ash!"
Nilingon niya si Samuel na galing sa pagtakbo. Kasunod nito ay ang kambal, si Anthony at si Bleu. Nag aalala ang mga ito sa kaniya. Lalapitan sana siya ni Carter nang umiling siya rito.
Binalingan ito ng kaniyang ina. Disappointed itong tumingin kay Samuel. He was about to say something nang unahan niya ito.
"Greygory is my soulmate and I love him." Malalim na bumuntong hininga siya nang masabi ito sa ina. Sobrang bilis ng puso niya pero masaya siya. Masaya siyang nasabi na niya in public na nakatadhana sa kaniya si Greygory. Only her.
Her mother gasped.
"And I love her," Greygory said.
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Kanina pa siya umiiyak but hearing Greygory said those three words in front of her mother and the world. She was so happy. Super happy. Parang lumilipad sa alapaap ang kaniyang puso.
Pinatitigan niya ang mga kaibigan niya. May pag-aalala man sa mukha ng mga ito ay masaya ito para sa kaniya.
"He's a girl?"
Natigilan siya. Pinatitigan niya ang mga estudyante naka palibot sa kanila. Shit.
Inalis ng ina niya ang kamay ni Greygory nakahawak sa kaniya. Parehas silang nagulat ni Greygory. "You're going home," her mother said bago siya nito hinila palayo sa mga matang mapanghusga at sa piling ni Greygory.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top