Chapter 20

     PINAGMASDAN niya ang mga canvas naka-display sa art gallery ng paaralan nila. May magaganap na auction sa huling araw ng foundation para sa mga art works na ginawa ng kanilang klase.

Ang makukuhang pera ay gagamitin sa pag tulong sa napili nilang organization at sa mga estudyanteng scholarship ng paaralan.

At isa siya sa taga bantay.

Mapapansin din na maraming business personnel ang dumalo at ilang estudyante sa girls-town ang tumitingin sa mga art works.

She couldn't help but to smile. Sigurado siyang isa rin siya sa mga ito kung sa girls-town siya nag-aaral. She loved paintings so much. She loved how that one piece of art could brought a lot of emotion.

She loved making them and she loved admiring them.

Busy siya sa pag babantay nang mapansin niya si Greygory sa gilid na may hinahanap. Nang matagpuan nito ang mata niya ay ngumiti ito lumapit sa kaniya.

"What are you doing here?" she whispered ask him. Tumingin din siya sa paligid niya at sa suot niyang relo. Kinakabahan siya at baka mahuli sila.

"I want to see you before my match," balik na bulong nito sa kaniya.

Tinitigan niya ito. Naka-ngiti itong nakatingin sa kaniya. She shyly smiled. Hindi na niya alam ang gagawin sa binata. Sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya mapigilan ngumiti.

"Okay, be careful. I'll sneak out later to watch you."

Nakagat ni Greygory ang labi nito para pigilan ngumiti pero nabigo ito dahil sumilay pa rin ang maganda nitong ngiti sa kaniya.

Nilapit nito ang mukha sa kaniya at tinapat sa kaniyang tainga. "I want to kiss you right now."

Kinakabahan na tinulak niya ito palayo sa kaniya. "S-shut up."

     Namumula ang pisngi na lumayo siya rito dahil kung hindi ay baka mangyari talaga ang gusto nitong mangyari at hindi pu-pwede iyon.

     "Come on, Grey. Bumalik ka na. Mag sisimula na game mo." Pinatitigan niya ulit ang wrist watch.

    Alanganin na sumang-ayon si Greygory. Alam niyang ayaw nitong umalis hangga't hindi niya ito nabibigyan ng halik.

    She sighed. Tumingin siya sa paligid pagkatapos ay binalik niya ang tingin kay Greygory. Nilapat niya ang kamay sa labi niya pagkatapos ay dinikit sa labi ni Greygory.

     "Later, sa labi mo na lalapat ang labi ko," bulong nito sa kaniya bago ito nag paalam umalis.

Namumula siyang pinagmasdan ang mga tao natingin ng mga paintings. Tangina, talaga ni Greygory!

KATULAD nang sinabi niya kay Greygory ay nag sneak out siya para mapanood ang laro ng binata.

    Ngunit hindi niya inaasahan na may hihila sa kaniyang braso at dinala sa likod ng mga bleachers. She was about to yell to whoever it was when she saw Anthony.

     "What's wrong?" she worriedly asked dahil halata kay Anthony ang pagkabalisa nito.

    "I know," saad nito.

    Kumunot ang noo niya. She couldn't grasp what was happening at that moment.

    "I know, you're a girl," he said. Nanlaki ang mata niya at mabilis na tinakpan ang bibig nito. Sobrang bilis ng puso niya dahil sa kaba.

    How many times she had to go through with that shit?

    Binitawan niya ito at pinatitigan ito sa mata. "K-kailan pa?"

Anthony rubbed his neck. Hindi rin ito makatingin sa kaniya nang maayos at kung saan-saan lumagpas ang paningin nito sa magkabilaan niyang gilid.

"Anthony?" she called.

Seryosong tumingin ito sa kaniya. "Ever since the first time I saw you."

"W-what?! Alam mo? But h-how?" naguguluhan niyang saad dito.

Kaya ba madali siya nito nakilala no'ng unang araw pa lang? Dahil kilala na talaga siya nito?

"Soulmate ni Samuel si Law. Hindi siguro nila matandaan na-meet ko si Law since sobrang bilis lang nang pangyayari but you were with her that day."

    "Then, bakit ka nag pi-pretend na hindi mo alam?"

    "I feel like this is very important to you. Sobrang delikado ng plano niyo but you still chose this way. Ibig sabihin, you decided to risk everything sa rason kung bakit ka nandito and who am I to destroy your plans?" paliwanag ni Anthony. Nag kibit balikat pa ito.

     Titig na titig siya rito. "I.. I'm sorry."

    "Don't be at isa pa, I had a lot of fun," he said and chuckled.

    "You surely did, ass-hole." Umikot ang mata niya rito pero natawa rin siya. Ang tanga niya para hindi mahalata na alam nito kung sino talaga siya.

    "Alam ni kuya Sam na alam mo?" Natatawa na umiling ito. "What a liar."

    "So do you, little one," he playfully said. Tinaasan niya ito nang kilay.

    "But congratulations. You found him, right?" Tinapik ni Anthony ang braso niya at may pang-asar na tinitigan siya nito.

"Shut it!"

"I congratulate you!"

"Then, thanks!"

Mas lalo naman natawa si Anthony sa naging akto niya. Binalewala na lang niya ito at iniwan ito mag-isa.

SHE sighed then looked at the sky above her. Papalubog na ang araw sa kanluran at nasa pangatlong araw na rin sila sa yearly foundation ng paaralan nila.

So far, she've been doing fine. Mas lalo nag ingat siya kasama na rin sa tulong ng mga kaibigan niya.

Naalala niya no'ng tinanong niya ulit si Anthony kung bakit nito sinasabi sa kaniya ngayon na alam nito na babae siya. Pwede naman kasi nito hindi na lang sabihin but he still chose to tell her.

"I was just worried about you. Limang araw na may mga outsider na papasok sa campus natin. I guess, I just want you to be careful."

Nang sabihin iyon ni Anthony sa kaniya. Hindi lang pala talaga siya ang may problema sa pag pasok niya sa campus. Marami siyang nadamay at sigurado siya hindi maganda ang makakalabasan nito kung lumabas ang katutuhanan.

"Where were you?"

She snapped from her thinking nang marinig si Greygory sa kaniyang tabi. Nasa terrace sila sa isang building ng campus. May nakalatag na malambot na blanket kung saan sila nakahiga ni Greygory.

Niyakap siya nito at nilingon. "A penny for your thoughts?"

Binalik niya ang yakap dito. Amoy na amoy niya ang mabango nitong pabango at ang sarili nitong amoy.

"Anthony knows I'm girl."

"He did? How?" Mahinahon man ang boses ni Greygory pero alam niyang nag aalala ito. Tahimik niyang kinuwento rito ang nangyari at nalaman.

Kahit na walang sinasabi si Greygory. Maliban sa pag hummed nito sa tuwing may sinasabi siyang importante. Alam niyang seryosong nakikinig si Greygory sa kaniya.

"I will always be by your side, Ashley," sincere nitong bulong sa kaniya pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi. Pinikit niya ang mata at hinalikan din ito.

Hindi na siya makapaghintay na malaman ng buong mundo na sa kaniya si Greygory. Katulad nito sa kaniya.

That day, they both watched the sunset go down. Marami silang pinagkuwentuhan tungkol sa bawat sarili at kung ano-anong bagay.

And they loved every bit of it and she couldn't wait to spend her days with him. She loved him so much.

NATATAWA na kinuha niya ang kamay ni Greygory. Everything was perfect pero nang babalik na sana sila sa dormitory ay naalala ni Greygory ang pinagtapat niya kanina rito.

"Grey, it was just a mere crush. Come on." Sinubukan niya ulit abutin ang kamay nito pero iniwasan lang siya nito.

"Naging crush mo si Bleu," diin nito. Gusto niya umikot ang mata. Ang seloso pala nito.

"It's not like I kissed him, Grey. Ang cute niya lang kasi at ang sungit mo—"

Inikutan siya ng mata ni Greygory. She scoffed. "I won't let you kiss him."

"Why would I kiss him when you're the one I want to kiss?!" She pouted.

Napansin niya lumambot ang mata ni Greygory pagkatapos ay hinila siya nito payakap.

"Very good. Don't ever look at him."

"W-what?" natatawa niyang ani. "Grey, he's your best friend. Lagi mo siya kasama. Lagi ko siya makikita."

He sighed. "Fine. Whatever but ako lang boyfriend at crush mo."

"Oo na po." Niyakap niya ito nang mahigpit. Parang kanina lang ay nag ku-kwentuhan lang sila. She couldn't help but to smiled.

She loved to be with him in their ups and lows. With that, she promised to be with him no matter what happened.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top