Chapter 2

MATAPOS ang gabing iyon ay hindi siya lumabas ng kaniyang silid. Hindi niya maatim na lumabas lalo na kung masama pa rin ang loob niya. Mas mabuti ng magkulong siya sa silid kaysa may masabi siyang masama sa ina.

Mahigpit niya niyakap ang unan habang walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang mga luha nang tumunog ang cellphone niya nasa side table.

Wala sana siyang balak sagutin ito ngunit kanina pa ito natawag sa kaniya.

"Ashley!" masiglang bati sa kaniya ni Law sa kabilang linya. Hindi siya sumagot dito. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Get ready. Win-win will treat us lunch."

She sighed. "Hey, are you okay?" Halata sa boses nito ang pag-aalala. Umiling siya na para bang makikita siya nito sa kabilang panig.

"Ashley," may pagkaseryoso na nitong tawag sa pangalan niya. Si Law ang pinakamatanda sa kanilang tatlo na magkakaibigan. Ito rin ang tumatayong nanay sa kanilang dalawa ni Win-win at alam nito kapag may problema ang isa.

"They want me to marry Kayden."

Tumahimik ang kabilang linya ng sabihin niya iyon. "Are you kidding me right now?" Nang hindi siya sumagot ay sumigaw ito. "Oh, god! You are not kidding?!"

"We need to do something. Hindi ako papayag sa kasunduan nila, Law. Help me please."

"We will. Wait me, I'll get you out of there," huling saad nito bago siya nito binabaan ng tawag. Mabilis siyang naligo at nag-asikaso.

Wala pang sampung minuto ay nakarating na sina Law at Win-win sa tahanan ni Mrs. Dorbus.

She was thankful sa lahat ng tinulong ng pamilya nito sa kanilang dalawa na mag-ina pero hindi siya papayag magpakasal lang sa kung sino man kahit pa kilala niya si Kayden.

Maraming paraan para maibalik ang kabutian na pinakita nila sa kanila at ayon ang gagawin niya. Hahanap siya ng paraan para mag give back pero hindi iyon pagpapakasal sa apo nito.

NAGPAALAM lang siya sa ina na susunduin siya nina Law at Win-win dahil kunwari ay sasamahan nila si Law sa pagbili ng grocery.

Hindi na siya gano'n nagsalita pa dahil hindi pa rin siya ayos sa kasunduan. Hihingi na lang siya ng sorry sa ina kapag maayos-ayos na ang pakiramdam niya sa lahat nangyayari.

"Anong plano mo?" tanong ni Win-win sa kaniya nang makapasok sila sa silid ni Law. Hindi na rin natuloy ang lunch treat ni Win-win sa kanila.

"Hindi ko pa rin alam. Gusto ako ni mama pag-aralin sa Evinea."

"Evinea?" nakakunot na tanong ni Law sa kaniya. "D'yan nag-aaral si Samuel."

"Kaya pala familiar sa 'kin 'yong school," saad niya.

"All-boys 'yong paaralan nila," dugtong pa ni Law. "Hindi, sa all-girls ako nila gusto pag-aralin," aniya.

"Which means may girls town at boys town ang school ng Evinea," pagco-confirmed ni Win-win. Hawak na nito ang cellphone. Panigurado chineck na nito ang school na sinasabi nila.

"What do you want to do, Ashley?" tanong ni Law.

"Shempre, I want to find him at hindi ko magagawa 'yon kapag nag-stay ako sa girls town."

"Are you saying nasa boys town ang soulmate mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Win-win. Umiling-iling siya. "I'm not sure but mas mataas ang posibilidad."

"Sure, but what's your plans, Ash?" tanong pa ni Win-win. "Ash?" pag-uulit niya sa tinawag nito sa kaniya.

Wala sa sarili na kinagat niya ang kuko habang malalim nag-isip. Paulit-ulit niya sinasabi ang pangalan na Ash.

Ash. Ashley. Ash. Ashley.

"Mom wants me to study in Evinea because she doesn't want me to find my soulmate once I'm eighteen."

"I don't understand. Anong gusto mong mangyari, Ashley?"

"I could tell her sa Evinea ako mag-aaral which is super true pero hindi niya alam sa boys town ako."

"What?!" sabay na sigaw nina Law at Win-win sa kaniya. Nakatingin ito sa kaniya na para bang tinubuan siya ng pangalawang ulo.

"Papasok ako sa boys town and I need Samuel's help."

MAYBE if she goes to boys town she'll meet her soulmate or maybe not? But still, wala naman sa kaniya mawawala kung susubukan niya.

At isa pa, baka matulungan siya nito kapag nalaman nito ang sitwasyon na meron siya? Gano'n ang mag soulmate, hindi ba?

Their souls are connected. They are meant for each other. They will love each other. Ayon ang nakasulat sa libro at ayon din ang nasaksihan niya sa kaniyang magulang.

Niyakap niya ang sarili nang tumama ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang balat.

Hindi siya makatulog kaya sinubukan niya muna lumabas sa harapan ng balkonahe ng bahay ni Mrs. Dorbus ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya si Kayden nakaupo sa isang upuan sa gilid nito.

May hawak itong yosi at nagkalat ang usok sa paligid nito. Lumapit siya rito at tumabi.

"Hindi ka makatulog?" panimula niya. Humithit buga ulit ito ng sigarilyo na kinaubo niya. Tinakpan niya ang ilong at masamang tumingin dito.

"'Wag mo akong murahin. Ikaw ang lumapit nang kusa sa tabi ko."

Umikot ang mata niya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga. Umatras siya rito pero nasa iisang pahabang upuan pa rin silang dalawa.

"I can't marry you." Natigil ang kamay niya sa pagpagpag ng kamiseta nang marinig niyang magsalita ito.

"So do I," she said. "Alam mong Angelus ako, hindi ba?"

Tumango ito pagkatapos ay humithit buga ulit. "That's why we can't marry each other. This arranged marriage is vile."

Natigilan siya. Hindi niya inasahan na iniisip pala nito ang pagiging Angelus niya. Buong akala niya ay hindi lang siya nito gusto o nagmamaktol dahil matatali na ito.

"Sorry," aniya.

Lumingon ito sa kaniya. "What are you sorry for?"

"For thinking of you badly." Natawa ito. "Sure, sanay na ako. Everyone thinks I'm arrogant or selfish. Hindi na bago."

"Don't say that."

"Bumalik ka sa pagiging masungit mo. Hindi bagay sa 'yo."

"Aba't!—" papaluin niya sana ito nang hawakan nito ang kamay niya para pigilan siya. Mabilis niya tuloy nabawi ang kamay.

"Germs," kunwaring pandidiri niya. Bumalik naman sa paghithit buga si Kayden ng sigarilyo.

ILANG araw na lang ay kaarawan na niya. Katulad ng plano ay humingi siya ng tawad sa ina at sinabihan ito na pumapayag na siya mag-aral sa Evinea.

Nakausap na rin niya si Samuel nag-aaral sa boys town ng Evinea. No'ng una ay nahirapan pa silang pasang-ayunin ito. Sobrang against ito sa plano nila.

Baka raw kasi may makabisto sa kanila lalo na naghahanap pa ito ng scholarship sa basketball sa papasukan nitong University.

Hindi niya alam kung paanong pagku-kumbinsi ang ginawa ni Law sa kasintahan at napapayag nila ito. Ang tanging sinabi lang nito ay isang taon itong walang baon?

Pinagtawanan siya nina Law at Win-win ng hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng mga ito.

Sinabi niya rin sa ina na siya na lang mismo ang mag e-enroll sa Evinea. Pumayag naman ito. Totoo naman kasi na mag e-enroll siya, hindi nga lang sa girls town.

Tinulungan siya nina Law, Win-win, at Samuel. Si Win-win ang nag-asikaso ng pagbabago niya ng mga dokumento. Sina Samuel at Law naman ang naghaharap ng paraan sa loob.

One morning, nasa bahay sila ng pamilya ni Law nang dumalaw si Samuel. "You need to go to school to take entrance exam," balita nito na kinabagsak nila ng balikat.

Nagpa-panic siya kung ano ang dapat gawin. Nakalimutan nila ang pinaka importante sa lahat. Kailangan niya magpanggap na lalaki at hindi niya alam kung papaano lalo na may mahaba siyang buhok.

"You need to cut your hair," saad ni Win-win. Nanlaki ang kaniyang mata. Ayaw niya. Ang tagal niya iningatan ang buhok niya para lang gupitin ito.

"Mabibisto tayo kapag hindi mo ginupit buhok mo."

"Mom will find out kapag ginupit buhok ko."

They sighed.

This plan is not easy at all. Kailangan niya mag-sacrifice ng buhok niya. Parang gusto niya tuloy maiyak.

"You could use wig until we wait for the result of your entrance exam," saad ni Samuel. Niyakap naman ito ni Law at binigyan ng halik sa labi dahil sa maganda suggestion nito.

"Kadiri kayo."

Law just stuck her tongue out at them before kissing Samuel again.

HINDI mawala ang paningin niya sa kaniyang kamay nanginginig dahil sa kaba. Ito ang unang beses na papasok siya sa school ng Evinea boys town. Pinagsuot siya ng wig nina Law at Win-win. Binihisan din siya ng mga ito ng panglalaking damit.

"Don't worry. Maghintay kami ni Law dito sa labas."

Mahigpit niyang niyakap si Win-win bago sila lumabas ng sasakyan. Sasamahan siya ni Samuel sa loob habang maghihintay ang dalawa sa labas.

Hindi kasi pwede pumasok ang hindi mag e-entrance exam o nag-aaral sa Evinea. Gano'n kahigpit ang paaralan.

Pinatitigan niya ang malaking gate ng school. Ang sabi ni Samuel sa kaniya ay malawak ang loob nito. May dormitories at ilang kainan sa loob. May malaki rin na oval kung saan naglalaro ang mga soccer players.

Marami ang sasakyan na pumapasok sa loob. May ilan din siya nakikita nasa labas naglalakad na mga estudyante.

Umiwas siya ng tingin nang suriin siya ng isang lalaki na may hawak na bola sa kamay papasok sa loob ng university.

"Ashley— I mean, Ash! Come here." Lumapit siya kay Law. Niyakap siya nito ng mahigpit pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi. Kahit si Win-win ay lumapit din sa kaniya.

Nakahawak ang kamay nito sa kaniya. "You can do this," Win-win said before she kissed her cheek.

Nakarinig sila ng pagsipol sa hindi kalayuan.

"Dalawa-dalawa naman, dude!" sigaw pa ng isa sa kanila. Bumitaw tuloy sila sa isa't isa.

Lumapit si Samuel sa kanila pagkatapos ay hinawakan siya nito sa braso. "Tara na, baka ma-late ka pa."

"Bantayan mo 'yan, Samuel."

"Yes, madam— mauna na kami." Humalik muna si Samuel sa labi ni Law bago silang dalawa nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng paaralan.

"Take a deep breath. You can do this, Ash." Tapik ni Samuel sa kaniyang likuran niya habang siya ay bumuntong hininga ng malalim.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top